HINDI na ipinagtaka ni Joy nang maggising siya kinabukasan na may masakit sa pagitan ng mga hita niya. Kinapa agad niya ang damdamin pero kagaya kagabi, purong saya lang ang nararamdaman niya. Walang kahit anong pagsisisi.
Tinignan niya ang lalaking katabi. Hindi kagaya kagabi, hindi na ito natulog sa labas ng cottage niya. Matteo was there, lying beside her. Nakayakap pa ang isang kamay nito kaysa sa kanya. Kagaya niya, may ngiti rin sa mga labi nito. Ilang sandali pagkatapos maggising ni Joy, naggising rin ito.
“Good morning, Beautiful,” may pagkapaos pa ang bagong gising na boses ni Matteo. But it sounded beautiful in her ears.
Just like all the moans they have cried out last night.
Sa sinabi ni Matteo at sa pag-aalala ng mga nangyari sa kanila kagabi, hindi napigilan ni Joy ang mamula.
“M-magandang umaga rin sa `yo,” nag-umpisa nang tumayo si Joy ng kama.
“Hmmm... So anong gusto mong palabasin sa pagtayo mo na `yan?”
Tinignan niya ito pero hindi nagsalita.
“Pinagsisihan mo na ba ang nangyari kagabi, Joy?”
“O-of course not. Inamin ko sa `yo na gusto ko iyon.”
“I know. Pero may kakaiba kang isip na hirap akong basahin, Joy. At palagi kong ikinakatakot kung ano ang laman noon.”
“Ikaw, matatakot sa akin? How so?”
“Sino ang palaging tumatanggi sa ating dalawa, Joy?”
Kinagat ni Joy ang ibabang labi. “Ginagawa ko lang naman iyon dahil gusto kong mabuhay sa realidad.”
“Pero kagabi ay hinayaan mo na mabuhay ka sa pantasya. Sabihin mo sa akin, ano ang iniisip mo tungkol roon?”
“Masaya ako. Hindi ko pinagsisihan ang nangyari kagabi, Matteo.” Tinapat na ni Joy ito dahil alam niyang hindi siya titigilan ni Matteo. “Ano pa ang gusto mo?”
“Ikaw. Muli. Sa kamang ito...” wika ni Matteo at hinila siya pabalik sa kama. Kinubabawan siya nito at sinimulang halikan muli. Sandaling nawala si Joy sa sarili. Tila nalunod siya sa sarap ng ginawa nito.
“Matteo...”
“I think I’m starting to get addicted to you, Joy.”
Lumunok si Joy. “P-pero hindi maaari `di ba? Panandalian lamang ang lahat ng ito.”
Matamang tinignan siya ni Matteo. “Iyon ba ang gusto mong mangyari?”
“Sa kabila ng mga sinabi mo kagabi, may bahagi pa rin ng utak ko na nagsasabing gustong tumingin sa nakaraan mo.”
“Paano kung sabihin ko sa `yo na handa akong magbago para sa `yo?”
Tumawa si Joy. “Kung maniniwala man ako sa sinabi mo, would it really work, Matteo? You’re a jetsetter. Samantalang ako, ang buhay ko ay sa Pilipinas lang. Magiging masaya ako kung magbabago ka. Inaamin ko naman na gusto kita. Gustong-gusto kita at lahat ng mga nangyari kagabi? Its a very amazing experience for me. Pero ayaw kong umasa ng malaki pa dahil alam kong mahirap na maibigay mo iyon sa akin.”
“You have a point. Kung itutuloy man natin ang nangyaring ito, magiging mahirap siguro na mag-work. Its gonna be a long distance relationship. Pero hindi ko maipaliwanag kung bakit sa kabila ng alam kong mararamdamang hirap, tila handa ako na kaharapin iyon maituloy lang natin ang lahat ng ito. I can’t see the day I can get over you.”
“Dahil iyon ay sa nagsisimula pa lamang tayo. Ganoon naman talaga sa simula `di ba? Hindi pa gustong matapos. But when you already had your full, malamang ay malilimutan mo rin ako.”
“You shouldn’t be a pessimist, Joy. Considering that I took a precious thing for you...”
Tama si Matteo. Mali nga ang ikinikilos niya. Napakalaking bagay ang ibinigay niya kay Matteo kagabi. Dapat nga ay umaasa pa siya na panagutan siya nito na ngayong gusto nito ay siya naman ang umaayaw.
Hindi iniisip ni Joy na mali ang nangyari kagabi dahil nagustuhan rin niya iyon. Pero gusto rin niyang ikonsidera ang buhay na talagang sa kanila. Gusto rin naman niyang maulit ang lahat pero mabuti ng nagkakalinawan na sila ngayon kung ano ba ang gagawin nila.
“I’m just looking on the reality side,”
Huminga ito nang malalim. “As always. Pero kagabi, pinagkatiwalaan mo ako.”
“At hindi mo ako binigo. You were very gentle,”
Ngumisi si Matteo. “Of course. I respect you. At sana, ganoon ka rin sa akin, Joy. Respect what I want. Trust me again. Lets took a chance on what we have right now. In what we are having right now...”
Matamang tinitigan niya si Matteo. She wanted to dwell into those eyes that are all full of sincerity. Gusto niyang maniwala. Pero parang natatakot pa rin siya.
“Subukan natin, Joy. Subukan mo ako.”
One Week Later
“GOOD morning, beautiful,” namumungay pa ang mga mata ni Matteo habang binabati niya si Joy sa Skype. Kakagising lang niya ng mga oras na iyon at sakto naman na online ito. Well, lagi naman itong online dahil naka-plan ang cell phone nito. Palagi itong may internet access. Pero suwerte siyang ngayon ay sinagot nito ang tawag niya.
“Good afternoon,” pagtatama naman ni Joy sa kanya. Kasalukuyan itong kumakain ng junk food. “Its three in the afternoon here.”
“But its just eight here. And know what? I feel like my day is complete because of you. Because I already saw you.” kinindatan niya pa ito.
Pinaikot ni Joy ang mata. Pero alam niyang kahit ganoon ay naapektuhan siya sa mga sinabi niya. Kilala na niya si Joy. Madalas na tinatago nito ang mga nararamdaman kahit kinikilig ito. Nahihirapan rin naman na itago nito iyon dahil namumula ito. Kagaya ngayon. “Tigil-tigilan mo nga ako, Matteo.”
“I can’t. You’re like a drug to me. I can’t get you out of my system. I’m addicted to you,”
Corny na kung corny pero iyon ang eksaktong nararamdaman ni Matteo. Kahit gusto na niyang matawa sa sarili niya, hindi rin naman niya maitanggi. Hindi pa rin siya makawala sa spell ni Joy. Kahit na ba ilang araw na silang magkahiwalay ni Joy, hindi pa rin mawala ang kabaliwan niya rito. Kahit ngayon ay sa internet lang sila nagkikita, ang makita lang si Joy sa isang araw ay masaya na siya.
Tila ba kontentong-kontento na siya.
Hindi dapat ganoon. Anong nakain niya at ginusto niyang pumatol sa isang long-distance relationship? Kahit masasabi naman na hindi talaga iyon relationship dahil wala silang opisyal na usapan ni Joy kung ano ang namamagitan sa kanila, parang ganoon na rin ang tingin niya. Hindi niya gustong mawalan ng contact kay Joy kahit na ba ngayon ay nasa London na siya at si Joy ay naiwan sa Pilipinas. Kaya ito ang sitwasyon nila. Pitong taon na advance ang oras ni Joy dahil nasa Pilipinas ito at nasa London siya.
Sa halip na pansinin ni Joy ang sinabi niya, kumain ito ng isang piraso ng chips.
“Hmmm... so mas inuuna mo `yan kaysa sa akin?”
“Sandali lang ang break at nagugutom ako.”
“I am, too.”
“If that so, kumain ka na,”
“Well, paano kung ang gusto kong kainin ay nandiyan sa Pilipinas? At ang partikular na babaeng nasa screen ng laptop ko ngayon?”
Damn it! Kay aga-aga! Hindi na dapat binuksan pa ni Matteo ang mga ganoong topic. He is getting hard and because of the situation, he can’t do anything about it. Alam niya na may ibang option pero hindi niya gustong gawin iyon.
Tanging ang gusto niyang gumawa noon ay si Joy. Pero tiis-tiis muna. Iyon ang consequence niya sa kalokohang sinabi niya.
Napaubo si Joy sa sinabi niya. Gustong matawa ni Matteo sa reaksyon nito. She looks cute despite of the crazy act. Gagawin na rin sana niya kung hindi nga lamang agad na nakabawi si Joy kaagad. “Siguro may iba ka pang ka-chat kaysa sa akin `no? Or the wall paper of your laptop is another Filipina girl and---“
Nawala ang ngiti ni Matteo. “Hindi mo talaga ako pinagkakatiwalaan `no?”
“Matteo, wala pang isang linggo simula nang nagkakahiwalay tayo. Sigurado ako na may hang over ka pa kaya ganyan ka.”
Minsan ay gusto ng maniwala ni Matteo na ganoon nga ang nararamdaman niya. Hindi siya sanay na maging stick-to-one sa babae. Tila nasanay na siya na ang babae ay laruan lamang sa kanya na kapag nagsawa na siya, maaari na niyang palitan iyon. Pero hindi niya maisip iyon kay Joy. Parang exception ito. Ayaw niyang isipin na ganoon.
He cared a lot about Joy. Tuwing sinasabi nito na mawawala rin ang pagkahumaling niya na iyon rito, naiinis siya. Hindi niya gusto ang mga sinasabi nito at pati na rin ang mawala ang pagkahumaling niya.
Kinalma na lang ni Matteo ang sarili. Bahala na si Joy sa gusto nitong isipin. Hindi na dapat niya inaasikaso ang negative na isip nito. Hindi rin naman kasi niya masisi na ganoon ito dahil may masama siyang nakaraan. Ang tanging dapat na lang niyang gawin ay ang patunayan ang sarili niya na kaya niya na magbago para rito. Sooner or later, makukuha rin niya ang tiwala nito.
“I missed you, Joy. I really missed you. Ito ba, gusto mo rin na paniwalaan?”
Nanatili lang na nakatitig sa kanya si Joy. Maya-maya ay ngumiti ito pero nang magsalita, malayo naman ang sinabi nito para sa tanong niya at gusto rin niya na marinig rito. “Times up!” nakangiti pa ito. “Tapos na ang break ko. I’ll talk to you later, okay?”
“But Joy, sagutin mo muna ang---“
Binigyan siya nito ng flying kiss pagkatapos ay tinapos na ang tawag. Nawala na si Joy sa screen. Napabuntong-hininga na lamang si Matteo. Gusto niyang malaman kung pinagkakatiwalaan ba siya ni Joy. Gusto niyang maniwala ito na handa siyang magbago.
Pero kagaya nga ng linya sa pelikula na umaakma kay Joy, Hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo.
Well, kung ganoon gagawa ako ng paraan para makuha iyon. Hindi ako susuko, Joy. Pagpapalakas loob ni Matteo sa kanyang sarili.
Sa halip na umalis sa harap ng laptop at simulan na ang araw niya, nanatili muna ng ilang sandali roon si Matteo. Nagbukas siya ng twitter.
Kung hindi gustong maniwala ni Joy sa mga sinasabi niya, puwes, susubukan niya ang mundo kung maniniwala ang mga ito.
PAUWI na si Joy sa trabaho nang makatanggap siya ng tawag kay Luc. Nang sagutin niya iyon ay naramdaman niya agad ang saya sa boses ng kaibigan.
“I knew it! Matteo would be good for you!” bungad nito sa kanya.
Bahagyang inalis ni Joy ang aparato sa tainga. Hindi niya ikinukuwento si Matteo sa kaibigan. Pagkatapos niya sa kanyang bakasyon, ni hindi pa sila nagkakuwentuhan ng kahit ano. Paano nito nasabing makakabuti para sa kanya si Matteo kung wala itong alam sa mga nangyari sa kanila sa ilang araw na pagbabakasyon sa resort? “Anong alam mo?”
“Anong alam ko o anong alam ng buong mundo? Ay naku, Joy! I hope you’re not busy today. You should take me out. Marami kang hindi sinasabi at ikinukuwento sa akin.”
Napaisip si Joy. Tama bang ikuwento niya si Matteo sa matalik na kaibigan? Masasabi niyang simula nang magkasama sila ni Matteo, hindi na niya iniisip si Luc at ang mga naging sakit. Gumaan ang pakiramdam niya. Natuon ang lahat ng pansin niya kay Matteo.
At nakabuti ito sa kanya. Dahil kay Matteo, masasabi niya na bahagya na siyang naka-move on sa mga nangyari sa nakaraan. Masaya siya ng dahil roon. Gusto nga niya na maka-move on. Lalo na sa mga issues tungkol kay Luc. Ngayon ay nararamdaman niyang naggawa niya at kung makikipagkita siya kay Luc, siguro ay mas malalaman niya ang sagot.
Isa pa, tama si Luc. Marami siyang dapat ikuwento rito. Kahit na ba alam niyang mali dahil hindi naman siya sigurado kung seryosohan ba talaga itong ginagawa nila ni Matteo, utang pa rin niya sa kaibigan ang mga kuwento. Open sila sa isa’t isa at kahit siguro ang kaunting details noon ay kailangan niyang sabihin kay Luc.
“Okay, kung gusto mo ng kuwento, pick me up in the office. Pauwi na ako.”
Pumayag si Luc. Bente minutos ang nakalipas ay nasa opisina na niya ito. Pinakiramdaman agad ni Joy ang nararamdaman niya sa kaibigan at na-weird-uhan siya sa sarili niya.
Naisip ni Joy na ipagkumpara ang nararamdaman niya kay Matteo at kay Luc. Gusto niyang mapangiwi nang wala man lang siyang kahit anong kapanabikan na nararamdaman habang inaantay si Luc o kahit nang makita ito. Her heart did not race, hindi kagaya ng nararamdaman niya kapag nasa paligid niya si Matteo.
Iyon ba ay dahil sa komportable lang talaga siya kay Luc? Matagal na silang magkakilala. Hindi na siya natatakot o nanabik rito dahil sanay na siya rito. Hindi kagaya ni Matteo. Maraming tanong pa ang nasa isip ni Joy. Pero nang maramdaman na parang mali naman yata na ipagkumpara niya ang dalawa, inalis na lamang niya.
They were very different in each other way. Luc was the perfect gentleman. He was safety. Si Matteo naman ay ang masasabi niyang danger. Marami itong bagay na ginagawa sa kanya at ikinatatakot niya.
Nag-dinner sila ni Luc sa isang Chinese restaurant. “So tell me about Matthew? Is he a good boyfriend?”
Muntik nang mailuwa ni Joy ang kinakaing century egg. “Boyfriend?”
Kumunot ang noo ni Luc. “May relasyon na kayo `di ba?”
“Relasyon?!”
“What’s with you, Joy? Bakit parang wala kang kaaalam-alam sa nangyayari ngayon sa social world?” bumuntong-hininga si Luc. “Parte pa rin ba ng pagtatampo mo sa akin ito? Dahil kung ganoon, pakiramdam ko ay nagtatampo na rin ako. Dapat ay sinasabi mo sa akin ang bagay na ito. Kahit whirlwind romance lang ang lahat, I still should have known. Dapat ay ikaw rin ang nag-aaya para magkuwento ng mga ganitong bagay.”
“Wala kaming relasyon ni Matteo, Luc.” Paglinaw niya sa kaibigan. Walang official.
Matamang tinitigan siya ng kaibigan. “But there’s something on between you.”
“Alright. Mayroon nga. Pero ang ipinagtataka ko lang, paano mo nalaman ang mga iyon?”
Sa halip na sumagot si Luc, kinuha nito ang cell phone nito.
@MatteoBusby: I miss you right now @joyreyes #believethis
Nanuyo yata ang lalamunan ni Joy sa nabasa. Ilang beses rin siyang kumurap para masigurado ang kanyang nakita. Nahihirapan siyang maniwala. Anong oras ginawa ni Matteo ang lahat ng mga iyon? Wala man lang siyang kaalam-alam! Pero nainis rin siya sa sarili niya nang maalala na pinatay niya muna ang mobile data ng cell phone niya para makapagtrabaho ng walang isturbo nang kausapin siya nito kanina kaya ngayon niya lang nalaman.
Anong nasa isip ni Matteo at ginawa nito iyon? He even tagged her! Ano na lang ang iisipin ng mga tao? Nasa higit sa milyon ang followers nito!
Naiinis man dahil hindi naman siya sanay sa publicity, hindi rin naman mapigilan ni Joy ang mamula. May pinapatunayan talaga ang lalaki. Seryoso talaga ito.
“Explain, Joy.”
Huminga muna nang malalim si Joy bago nagpaliwanag. “It was a coincidence na nakasama ko siya noong nagbakasyon ako sa Batangas. Doon nagsimula and now, we stay in contact.”
“So whirlwind romance nga.” Tumango-tango si Luc. “Gusto kong mangamba sa nangyari pero ayaw kong gawin. Nakilala ko na rin naman si Matteo. Sinabi niya sa akin mismo noong unang nagkita kayo na gusto ka na niya despite the situation. Nakita ko rin na seryoso siya roon nang yayain ka niya na sumayaw. At ngayon, ang lahat ng ito.
“Siguro nga ay may hindi magandang record si Matteo sa mga babae. But everything can be changed naman `di ba? And I think, ikaw ang change na iyon ni Matteo. If he’s not serious about you, he wouldn’t do these things. I’m happy for you, Joy.”
Naramdaman niya ang sinseridad sa tinig ni Luc at pakiramdam niya ay nahahawa yata siya sa pagiging positibo nito. Tama si Luc. Nagbabago naman ang mga tao. Paano kung ganoon nga si Matteo? Sinusubukan nitong patunayan iyon sa kanya sa pamamagitan ng tweet na iyon. Hindi lang sa kanya kung hindi na rin sa lahat ng mga tao. Indikasyon na iyon `di ba?
Sa mga nalaman ngayon, parang gusto na yata talagang mamuhay ni Joy na pinapasaya na lang ang sarili. Gusto na niyang mamuhay sa pantasya dahil mukhang unti-unti na yata iyon na nagiging realidad. Parang gusto na niyang maniwala na kaya talagang magbago ni Matteo at may pag-asa ang kung ano man na namamagitan sa kanilang dalawa.