“BUSBY, this is the first time I’ve saw you held a girl like that,”
Ngumisi si Matteo sa komento ng kaibigang photographer na si Mike. Bilang modelo ay madalas na nakakatrabaho niya ito at ngayong gabi ay kino-cover nito ang event. Sa pagkakaalam niya ay all-around photographer naman ito.
Ngayong gabi ay ang awards night ng journalism event na na-nominate ang article ni Joy. Dahil siya ang escort nito, kasama siya nitong naglakad sa red carpet. Prestigious ang event na iyon dahil lahat ng magagaling na journalists sa iba’t ibang bansa galing pa ang mga kasali roon. It was an international event. Lahat ng mga journalists na pumunta roon ay maituturing na pinakamagaling sa bansa ng mga ito.
And he just happened to be the date of the great journalists representing his another home country, Philippines.
Bakit pa ba kailangang magtaka ni Mike? Of course, proud siya kay Joy. Proud siya na nasa tabi nito. And hell yeah, he felt possessive with her. Lalo na ngayong nag-ayos si Joy. Napakaganda nito at pagkalabas pa lamang nila ng sasakyan, sigurado siya na kahit sanay siya na pagtinginan ng mga tao, lahat ng mga mata ay nakatingin kay Joy. And so was his eyes, too. She was breathtakingly beautiful he couldn’t left his eyes and hands on her.
“Need I say more?” wika niya saka ipakilala si Joy rito.
“She’s gorgeous,” komento rin naman ng kaibigan at saka kinuhanan sila ng larawan. Bago sila makalagpas rito ay tinapik niya si Mike upang sabihin na i-send sa kanya sa email ang copy noon.
“Pati ba naman sa mga ganitong event, marami pa rin na nakakilala sa `yo?”
“Nakatrabaho ko si Mike minsan. Isa pa, I’m sociable, Babe. You should know that.”
“Of course. Sa dami nga pala ng mga babaeng d-in-ate mo, you can consider yourself as a social butterfly,”
Sa halip na mainis sa komento ni Joy, napangiti pa si Matteo. “Hmmm... bakit parang nakakaramdam yata ako ng selos diyan sa boses mo?”
“Well, kung napapansin mo, lahat yata ng babae sa kuwartong ito ay nakatingin sa `yo.”
Napangisi si Matteo. “Hindi na bago sa akin iyon.”
“But its different from me,”
Lalong lumawak ang ngisi ni Matteo. Kung ganoon ay nagseselos nga si Joy? Dapat ay matakot siya. She could be in rage. Pero hindi ganoon ang nararamdaman ni Matteo. May malaking pag-asa ang nararamdaman ni Matteo. Kung nagseselos si Joy, ibig sabihin lang noon ay may nararamdaman ito sa kanya.
Of course, may nararamdaman sa kanya si Joy. Hindi naman nito ibabalik ang mga halik na ibinibigay niya, hindi ito sasama sa kanya, matutulog kasama siya kung wala itong nararamdaman sa kanya. Attracted ito sa kanya, alam na niya iyon. Pero may nagsasabi sa kanya na higit pa roon ang nararamdaman ni Joy sa kanya kung nagseselos ito.
“Kung ganoon, galit ka sa akin kaya ganoon?”
“Maiiwasan ba na walang makakapansin sa `yo?”
“You’re right. Hindi naman maiiwasan iyon. But you have to be used to it. At ako rin, sa mga lalaking halos kainin ka na ng buhay sa pagtingin sa `yo.”
“Anong sinasabi mo?”
“You’re not aware that all guys here are looking at you?”
Umiling ito. “Mas aware ako sa mga babaeng nakatingin sa `yo.”
“Well, if you are jealous with those girls, I am jealous in all the guys, too.”
“Hindi mo na kailangan. Alam mo naman na ikaw lang ang gusto ko.”
“And the same goes for you, too. Hindi mo kailangang pagselosan ang mga babaeng iyon dahil ikaw lang rin ang gusto ko.”
Napatigil sa paglalakad si Joy kaya ganoon rin si Matteo. Tumingin ito sa kanya, kumurap-kurap. Hinawakan naman ni Matteo ang pisngi nito. Ramdam na niya kung ano ang kailangan nito.
“Ibinigay mo ang lahat sa akin, Joy. Dahil doon, umaasa ako na pagkakatiwalaan mo ako. Umaasa ako na maniniwala ka sa sinasabi ko. Gusto kita at sinabi ko na hindi mo kailangang mangamba. I’m yours like you are mine. Get it? You don’t have to be jealous. My eyes are only for you. My eyes can only a see girl that is you.”
Bumalik ang masayang aura ni Joy. Ngumiti ito. Mas lalo pang tumindi ang proudness na nararamdaman ni Matteo. He was really holding the most beautiful girl in the world for him.
Nagsimula na ang event. Hindi kagaya ng ibang nominees, pinagkaguluhan si Joy. May factor na dahil na rin sa kanya dahil sikat siya at siya ang escort nito pero ayaw maniwala roon ni Matteo. Gusto niyang paniwalaan na dahil iyon sa galing ni Joy. Nabasa niya ang article na gawa nito na ipinasa ng boss nito at napahanga nga siya roon. Joy was not just beautiful. She’s brilliant, too.
Dahil sa mga nangyari, hindi na nagtaka si Matteo na nanalo si Joy. Napakasaya ng mukha nito ng umakyat ito ng stage. Nahawa siya sa saya nito. Masaya siya para rito kaya naman sa sobrang saya niya ay kinuhanan niya ng larawan si Joy habang nasa stage ito. He posted her picture in his social networking accounts. Nagustuhan ni Joy ang ginawa niyang pag-mention rito sa twitter niya pero simula noon ay pinagbawalan na siya nito. Ayon rito, hindi daw nito gusto ng publicity.
Pero ngayon, pagbawalan man siya ni Joy ay hindi niya mapigilan. Proud siya kay Joy.
Marami na rin naman siyang naging girlfriend na nakakuha ng prestigious awards at madalas ay naisasama siya sa mga ganitong events. Pero walang kahit sino sa kanya ang nakapagpa-proud ng ganoon.
Siguro ay dahil sa edad ni Joy. Nasa early twenties pa rin kung maituturing ito. Ilang taon pa lamang sa trabaho nito si Joy pero nakuha na nito iyon. But is that what really is? Sinubukang kapain ni Matteo ang kanyang nararamdaman at alam niyang may mali. Hindi lang iyon ang dahilan kung bakit ganoon siya kasaya kay Joy.
She was not any woman for him. Kapag naiisip niya si Joy, para bang lahat ng babae ay nawawala sa mundo niya. Nawawala siya sa sarili, sa mundo. Sa tatlumpung taong pamumuhay ni Matteo, si Joy lang ang may kakayahan na gawin iyon sa kanya. Dapat ay matakot siya. Pero hindi. Masaya siya. Seryoso siya rito at gusto niyang ipaalam iyon sa mundo.
Masasabi niya na sa lagay ngayon, he was mad about Joy. Hindi na niya ikinatatakot kung sa unang beses sa buhay niya, masasabihan siya na in love siya sa babae. After all, Joy was worth it. Lahat ng mga damdamin na ibinibigay nito sa kanya, ang mga ginagawa nito ay sapat na para masabi niya na kaya naman palang mag-seryoso talaga ng akala niya ay wala ng makakasungkit niyang puso.
HINDI weekend ngayon pero dahil nami-miss na ni Luc si Ginny, niyaya niya itong lumabas. Dinala ni Luc si Ginny sa mall. Kagaya ng mga karaniwang dates nila, kumain rin sila sa restaurant. Sa pagkakataon na iyon nagpaalam ito na pumunta sa rest room ay naiwan siyang mag-isa. Nagtagal si Ginny sa rest room kaya naisip ni Luc na abalahin muna ang sarili niya upang tignan ang cell phone at sumilip papaano sa mga social networking sites.
Masyado siyang naging abala sa mga nakaraang araw. May business conference kasi siyang dinaluhan sa Davao at masasabi niya na napagod siya dahil roon. Apat na araw siya roon at nagkaroon siya ng hindi magandang oras. Mabuti na lamang at pumayag si Ginny na makipag-date sa kanya sa pagbalik niya kaya kahit papaano, gumaan ang pakiramdam niya. Na-miss rin niya ang nobya dahil ilang araw rin siya na hindi nakapag-usap nang maayos rito dahil na rin sa pagiging abala niya. Isama pa ang dumaan na weekend na hindi sila nagkita dahil na rin sa business conference na iyon.
Maganda naman ang nakikita ni Luc sa social networking sites niya. Maganda rin na nakita niya ang post ni Matteo na simula nang malaman niyang nagkakaroon na ng malaking kaugnayan sa matalik na kaibigan na si Joy, ay naging interisado na siya sa buhay nito. Bilang best friend ni Joy, kailangan niyang mas kilalanin ang mga taong napapalapit rito. Sabihin ng protective siya rito pero gusto niyang gawin ang mga iyon. Tila responsibilidad niya iyon.
Hindi kayang makitang nasasaktan ni Luc si Joy. Napakalapit nila sa isa’t isa para hayaan na lang niya na masaktan ito. Pero sa ngayon, wala naman siyang nakikitang mali kay Matteo. Mukhang maayos naman iyon. At ang post nito ngayon na proud ito sa nakuhang tagumpay ng kaibigan niya ay masasabi niyang seryoso talaga ito roon.
Dapat ay masaya rin si Luc sa nakita. Pero sa halip na ganoon ang naramdaman, he felt bad. Paanong hindi? Wala siyang kaalam-alam na magkasama ang dalawa. Isama pa na pumunta pala si Joy sa London para sa awards na iyon. Alam niya ang tungkol sa pagpasa ng boss nito ng article nito sa events nito na iyon pero ang ma-nominate at magpunta sa London para sa awarding? Ni isang salita ay wala siyang narinig kay Joy.
He felt bad because it seems unfair.
Sanay si Luc na lahat ng mga bagay ay sinasabi sa kanya ni Joy. Lalo na ang mga ganoong importanteng bagay. Pero bakit ngayon ay wala man lang siyang kaalam-alam roon? Isang malaking parangal para kay Joy ang natanggap nito. Kung sinabi sa kanya ni Joy ang bagay na iyon, malamang na sasamahan niya pa ito. Kagaya ni Matteo, proud rin siya sa kaibigan. Alam niya kung gaanong hirap ang ginawa nito para mapunta sa puwesto nito. Kinalaban nito ang nag-iisang magulang nito para sa pangarap nito. She deserved those things. Masaya rin siya na sa kabila ng mga taong hindi ito sinusuportahan, naging matagumpay pa rin si Joy.
Pero hindi man lang ipinaalam sa kanya ni Joy ang tungkol roon. Ang sama ng loob ni Luc sa kabila ng dapat ay maging masaya siya.
“Luc? Okay ka lang?”
Hindi na-realize ni Luc na namumutla na siya sa sama ng loob at napansin iyon ni Ginny na ngayon ay nakabalik na mula sa rest toom. Tinignan nito ang cell phone niya.
“Wow, si Joy ba iyan? She looks gorgeous at...nanalo siya?!” nanlaki ang mga mata ng nobya. “Wow, congratulations! Alam mo ba ang tungkol rito?”
Umiling si Luc sa nobya.
Kumurap si Ginny. “I thought, lahat ay sinasabi niya sa `yo. Pero bakit ngayon ay---“
“Well, may boyfriend na siya ngayon. Mukhang hindi na niya ako kailangan ng dahil doon.” Hindi na naitago ni Luc ang hinanakit.
Palagi siyang nasa tabi ni Joy, sa hirap man o sa ginhawa. Hindi siya masisisi kung magtampo man siya na hindi man lang siya inimporma tungkol roon. Dati ay siya lang ang palaging sinasabihan ni Joy ng mga milestones nito sa buhay, lalo na sa mga bagay tungkol sa pagsusulat. Nasanay na siya ng ganoon. Pero nang dumating si Matteo sa buhay ni Joy...
Ano ba ang nangyayari sa kanya ngayon? Nagseselos ba siya kay Matteo? Ayaw niyang isipin iyon. Matalik na kaibigan niya si Joy at dapat na maging masaya siya para rito. Kagaya niya, nahanap na nito ang taong makakapagpasaya rito. Nagiging immature rin ang isip niya dahil nagtatampo siya sa ganoong bagay. Kahit masasabi niya na maliit lang naman iyon, hindi niya pa rin maiwasan na mainis at magtampo. Gumaganti ba sa kanya si Joy kaya naggawa nito iyon?
“Luc...” hinawakan siya ni Ginny. Naramdaman niyang nalungkot rin ito sa nangyari. Naisip rin ba nito na unfair ang mga iyon?
Huminga nang malalim si Luc. “Its okay,” pagkumbinsi ni Luc sa nobya at sa sarili niya. Pero nararamdaman niya na may mali pa rin.
Hindi iyon okay.
DAPAT ay masaya si Joy. Kasa-kasama niya si Matteo ngayon at nililibot pa nila ang isa sa masasabi niyang pinakamagandang bansa sa buong mundo---ang London. Isama pa ang nangyaring pagkapanalo niya sa journalism awards na iyon. Pero paano siya magiging masaya kung alam niyang nagtatampo sa kanya si Luc?
Naalala niya ang mga panahon na nagtampo siya rito. Ang isipin na nararamdaman rin iyon ni Luc ay lalong nakakapagpasama ng pakiramdam ni Joy.
“Joy, are you listening to me?” tanong sa kanya ni Matteo habang nagkukuwento ito tungkol sa Buckingham Palace na binisita nila ngayong araw. Sinabi niya rito na isa iyon sa mga gusto niyang mapuntahan na lugar sa bansa nito. Totoo naman iyon. Matagal na siyang interesado sa tirahan ng Reyna ng London at ng pamilya nito. She was interested in monarchy---para lamang iyong mga kagaya ng sa fairy tales na gustong-gusto niyang basahin lalo noong bata pa siya.
“Y-yes, of course!” sagot niya kay Matteo pero hindi niya sigurado kung na-a-absorb nga ba niya ng tama ang mga sinasabi nito.
Huminga nang malalim si Matteo. “Mukhang hindi. Pero naiintindihan ko. Malalim na ang gabi ng matapos ang awards night kahapon. Malamang ay pagod ka pa. Kung bukas na lang natin ituloy ang paggala at---“
“Sinabi mo sa akin na hindi ka libre bukas. May photoshoot schedules ka. Ayaw ko naman na i-cancel mo iyon ng dahil sa akin.”
“Its okay. Mahalaga pa ba ang trabaho ko kaysa sa `yo? Isa pa, kaunting araw na lang ang ilalagi mo rito sa London. I should give most of my time with you. Pero pagod ka ngayon. Kailangan ko na intindihin iyon.”
Umiling si Joy. “H-hindi. Hindi ko naman talaga masasabi na pagod ako. I just keep thinking of Luc...”
“Tungkol pa rin ba ito sa sinabi niyang pagtatampo sa `yo? Don’t worry about it, Joy. Dumadaan naman talaga ang mga kaibigan sa pagtatampuhan.”
Kahapon ay nag-message sa kanya si Luc tungkol roon. Nalaman raw nito ang tungkol sa pagkapanalo niya at wala man lang raw itong kaalam-alam. May mga bagay na isinumbat pa sa kanya ang kaibigan pero sa kabila ng lahat, naiintindihan naman niya iyon.
Tama si Luc. Lahat ng bagay ay ibinabahagi niya rito at nararapat lang na sumama ang loob nito dahil hindi niya sinabi rito ang malaking bagay na natanggap niya ngayon.
May dahilan naman si Joy kung bakit. Mas gusto niyang sabihin kay Luc iyon ng personal, kagaya na lang ng usapan nila kapag may mga importante silang bagay na ipapaalam sa isa’t isa. Pero dahil laging hindi available ang kaibigan, umalis siya ng bansa na hindi man lang nasabi rito ang tungkol roon.
Hindi siya nag-effort. Puwede iyong i-akusa sa kanya ni Luc at guilty siya. Masasabi ni Joy na simula nang magkalapit sila ni Matteo, tila nawala na sa isip niya si Luc. Ang mga bagay na madalas na ibahagi niya kay Luc ay napunta ng lahat kay Matteo.
“Nagi-guilty ako, Matt. Nasasaktan ako sa isipin na nasaktan ko rin si Luc dahil sa mga ikinikilos ko.”
Sandaling natigilan si Matteo. “Kung ganoon, pinapahalagahan mo talaga siya nang husto...”
“Hindi mo ako masisisi. Best friend ko siya.”
“At nahulog rin ang loob mo sa kanya.”
Naramdaman ni Joy ang pait ng boses ni Matteo. Sinalubong niya ang tingin nito at lalo niyang napatunayan na hindi ito naging masaya sa takbo ng usapan.
Kinapa ni Joy ang damdamin. Inisip niya na kaya ganoon na lang ang sama ng loob niya noon ay dahil kay Luc. Nagseselos siya na may ibang babae na sa buhay nito. Dahil doon, naisip niya na malamang, nahulog na nga ang loob niya sa kaibigan. Pero ngayon ay napapaisip siya. Kung talagang na-in love siya sa matalik na kaibigan, bakit mabilis na nawala ito sa puso niya nang dumating si Matteo sa buhay niya?
Hindi dapat ganoon ang tunay na pag-ibig. Hindi dapat mabilis na nakalimutan niya ang sakit na ginawa sa kanya ni Luc. Hindi dapat napalitan ito ni Matteo sa puso niya...
Pero tama ba na sabihin niya kay Matteo ang lahat ngayon? Nararamdaman na niya na in love na siya kay Matteo at ganoon rin naman ito sa kanya. Pero babae siya. Hindi dapat siya ang unang nagtatapat `di ba? Isama pa na nararamdaman lang niya na iba ang turing sa kanya ni Matteo. Hindi pa rin siya sigurado kung ano nga ba talaga iyon. Wala itong sinasabi. Kaya kung magtatapat siya, maaaring magulo lang ang lahat.
Marami na rin na nakilalang tao si Joy. Iba’t ibang klase at hindi na bago sa kanya ang makakilala ng playboy na kagaya ni Matteo. Madalas, takot ang mga ito kapag nagiging seryoso na ang mga babae. Iyong mga tipong nagsasabi na ng “I love you” sa mga ito at naghahanap ng seryoso at permanenteng relasyon. Paano kung ganoon si Matteo? Sa kabila ng lahat ng nangyayari, hindi pa rin niya maiwasan na magduda.
Natatakot si Joy na maaaring magulo ang lahat kapag nagtapat siya. Pero alam rin niya na kailangan niyang mag-take risk. Hindi rin niya dapat tinatago ang kanyang nararamdaman. Ngunit bago pa man maggawang magkaroon ng lakas ng loob ni Joy, tumunog ang cell phone niya.
Nakatanggap si Joy ng text message mula kay Luc. Dahil noong una ay hindi nito alam na nasa London siya, sa Facebook niya ito nag-message tungkol sa hinanakit nito. Mula roon, ibinigay rin niya ang numero na gamit niya ngayong nasa London para mas lalo silang magkaintindihan ngayong mayroon silang hindi pag-uunawaan.
Mas inintindi muna ni Joy ang message ni Luc kaysa sa mga sinasabi ni Matteo.
“You need to come home.”
Iyon lang ang sabi ni Luc sa message. Nakita iyon ni Matteo at sabay pa sila na napakunot noo.
“Huwag mong sabihin na susundin mo ang gusto niya, Joy?”
“Hindi ko gusto. May ilang araw pa ako rito sa London. Gusto kong lubusin ang mga araw na iyon kasama ka, Matteo...” hindi niya pa kayang mawalay sa lalaki. Lalo na ngayong masyado ng malaki at matindi ang nararamdaman niya para rito. “Pero kailangan kong malaman kung bakit sinabi niya ito. Hindi naman siguro siya magpapadala ng ganitong message kung hindi iyon importante.”
Hinayaan ni Matteo si Joy na magpadala ng message kay Luc para tanungin kung bakit.
“Its about your father.”
Sa sinabing iyon ni Luc, alam ni Joy na kailangan nga talaga niyang umuwi.
“MAY PROBLEMA ba, Matteo?”
Mula sa pagtingin sa bintana ng eroplano ay napabaling si Matteo kay Joy na nakasandig sa kanyang dibdib. Ang akala niya ay nakatulog na ito roon pero mukhang hindi o naggising na ito ngayon.
“May naiisip lang ako,” sagot niya rito saka hinalikan ang ulo.
“Hmmm... Let me guess, iniisip mo ang trabaho na naiwan mo? Nalulungkot ka ba ng dahil roon?”
“Of course not. Desisyon ko na sumama sa `yo at iwan ang trabaho ko sa London. Ginusto ko iyon.”
“Hindi ko maiwasan na ma-guilty.”
“You shouldn’t. I want to be with you, Joy. You need me to be with you.”
Nagdesisyon si Matteo na sumama kay Joy pabalik sa Pilipinas. Hindi nilinaw ni Luc kung ano ang dahilan kung bakit kailangan nilang bumalik o kung ano man ang problema. Hindi na rin naggawang tanungin ni Joy dahil mas natatakot lang ito kung ano nga ba iyon. Ayaw nitong mag-isip pa ng masama na maaaring masama nga. Hindi naman siguro pababalikin ni Luc basta na lang ang kaibigan nito kung hindi iyon importante `di ba? Kung hindi iyon isang problema.
Alam niya na natatakot si Joy ng dahil roon. Hindi niya gustong matakot si Joy at hindi rin siya mapapakali kung basta na lang niya ito pabayaan. Iniwan niya ang trabaho sa London at sumama papunta ng Pilipinas. Maayos lang naman iyon sa kanya lalo na at sa isang linggo ay lilipad rin siya sa Singapore para sa endorsements na gagawin.
“Kung ganoon, ano iyon?”
Hindi kagaya ng iniisip ni Joy, hindi ang trabaho ang dahilan kung bakit napapaisip siya roon. Sa totoo lang ay madali lang naman na solusyunan rin ang problema niya. Kailangan lang niya na itanong iyon sa babaeng nakasandig sa kanya ngayon. Pero maraming ikinatatakot si Matteo, marami pa siyang kailangang ikonsidera.
“Hindi naman ganoon kaimportante. You don’t have to worry about it.”
Masasabi ni Matteo na hindi naman talaga ganoon kaimportante nga iyon. Ang lahat ng iyon ay tungkol lang sa nararamdaman sa kanya ni Joy. Hindi na dapat niya iniintindi dahil na rin nararamdaman niya na may kakaibang damdamin rin sa kanya si Joy.
Pero iba pa rin ang may kasiguraduhan. Lalo na at kapag si Luc ang pinag-uusapan, nagiging pangalawa lang siya sa pinapahalagahan ni Joy. Pakiramdam niya ay nai-insecure siya at gusto niyang tawanan ang sarili niya ng dahil doon. Sa unang pagkakataon, na-insecure si Matteo Busby.
Sanay si Matteo na tinitingala ng mga babae, tila Diyos na sinasamba. Kapag dumaraan siya, nasa kanya lamang ang atensyon. Pero si Joy, ang babaeng pinapahalagahan niya nang husto ay hindi kayang gawin iyon. Sa halip na sa kanya lang ang atensyon nito, hindi niya magagawa iyon habang nasa buhay nito si Luc.
Anong mali sa kanya? Nagseselos ba siya kay Luc? May karapatan ba siya? Pero hindi siya masisisi. May matindi siyang nararamdaman para kay Joy. Isama pa na alam rin niya ang nararamdaman nito sa kaibigan nito. Naging saksi siya roon. Lahat ng sakit na pinagdaanan ni Joy dahil sa maling pag-ibig nito sa kaibigan nito ay nakita niya.
Ramdam niya na nabago na rin naman niya ang nararamdaman ni Joy. Nakita niya kung gaano ito kasaya at medyo ikinatuwa pa nga niya na malaman na hindi na ito nagbabahagi sa kaibigan nito at puro sa kanya na lang ang atensyon na ikinagalit ni Luc. Alam niyang mali pero siguro nga ay nagseselos siya kay Luc kaya ganoon.
Huminga nang malalim si Joy. “Okay, hindi na. I think I have enough problems to think of what your problem is. Hindi naman nga siguro ganoon ka-importante iyan,” sabi ni Joy at sumandig muli sa kanyang dibdib. Niyakap naman niya ito para iparamdam na maayos lang naman talaga ang lahat.
Iyon na nga ang dahilan. Kung sasabihin pa niya kay Joy ang tungkol sa dinaramdam niya ngayon, baka magtalo pa sila. May problema si Joy at natatakot siyang maging problema rin ang idudulot kung sasabihin niya rito ang nararamdaman niya.
Hindi ngayon ang tamang panahon. Hindi na niya gustong pag-alalahin pa si Joy. Ang tanging kailangan na lang niyang gawin ay ang suportahan ito.