Four Hearts and a Friendship w/ Bonus Friendship Stories Chapter 23

DAHIL HINDI napagkatulog sa biyahe ay pagod na pagod si Callie nang makauwi siya sa bahay. Ang dami niyang dala galing sa biglaang seminar niya sa Baguio. Wala naman talaga iyon sa plano pero dahil niyaya siya ng isa sa mga kaklase niya noong college sa seminar na iyon nang araw pagkatapos ibalita sa kanya na magpapakasal na ito ay sumama siya. Gusto kasi niyang malayo rito dahil gusto niyang mag-isip.

Hindi niya alam kung normal ba ang nararamdaman niya. Nagtatampo siya sa kapatid niya dahil ikakasal na ito. Pakiramdam kasi niya ay iiwan na siya nito at bubuo ng sariling pamilya at hindi na siya ang priority nito. Alam niyang napaka-childish at immature nang nangyayari sa kanya. Pero hindi niya maiwasang hindi maramdaman.

Siguro ay dahil takot siyang mas mawawalan na ito ng oras sa kanya. Na hindi na siya ang priority nito. Lalo na at narinig niya noon na mukhang hindi gustong manirahan ni Natalia sa Pilipinas. Paano kung mapagdesisyunan ng dalawa na sa Australia manirahan? Paano na siya? Ayaw niyang mamuhay nang tuluyan na mag-isa.

Alam rin niya na nandiyan ang ilan pang kaibigan niya. Si Nina, lalong-lalo na si Arjun. But Nina had her own family, too. Hindi naman palaging nandiyan ito sa tabi niya. At si Arjun na pinaka-close niyang tao bukod sa kapatid niya, palagi naman itong wala. Oo at binibigyan pa rin siya nito nang oras. Masaya na siya roon pero hindi pa sapat. She wanted more but she knew she can’t demand from him because she was only his friend.

If only I have the right... Like a girlfriend to his boyfriend. Kaya lang, kahit maraming nagsasabing may spark kaming dalawa, wala pa rin siyang move. We are still friends.

Inalis niya sa isip iyon. Those things would just give negative vibes in her body. Marami na siyang negative vibes na naipon sa katawan dahil na rin sa sinabi ng Kuya niya noong isang araw. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin iyon natatapos. Ayaw na muna niyang mag-isip ng mga bagay na masasaktan lang lalo siya.

Hindi na niya kinailangan pang mag-door bell para makapasok sa bahay. May sarili siyang susi ng gate at pinto. Alam kasi niyang kapag umuwi siya ay siguradong tulog pa ang Kuya niya. Late riser kasi ito. Pero nagulat siya nang makitang bukas ang pinto at may tao sa terrace. Papalakpak na sana siya pero nang makita niyang hindi iyon ang kapatid niya ay natigil siya. Lalo na nang ngumiti ito sa kanya.

She felt like the whole world had frozen. Ganoon ang palagi niyang nararamdaman kapag ngumingiti ito sa kanya. Isama na rin na nasurpresa siya na nandoon ito. Halos isang taon na rin simula nang muli silang magkita. Nabitawan niya ang mga bitbit at tumakbo papunta rito.

“Arjun!” she hugged him. He hugged him back. And it felt like more than home. Its heaven.

“I missed you so much,” wika pa nito sa kanya. Gustong tumulo nang luha niya. She missed him more.

“Nakakainis ka! `Di mo sinabing uuwi ka pala!” himutok niya rito.

“I want to surprise you,” ngingiti-ngiti pang sabi nito. “Kagabi pa nga ako nandito, eh. Hinihintay ka,”

Ako araw-araw, gusto sana niyang sabihin. Ilang araw na ba simula nang huli silang magkita? Iyon ang bilang na pinagdadasal niya sa Panginoon na makasama muli ito. She always wanted him to be there. Pero kailangan niyang intindihin ang sitwasyon nito. Na intindihin kung ano lang siya sa buhay nito.

Isa lang siyang kaibigan nito. He was not hers, entirely. So she had no right to say that. To ask him to stay.

Tumingala siya rito. Malaki ang tangkad ni Arjun sa kanya at kung ang ibang maliliit na kagaya niya ay nai-intimidate sa matatangkad, siya ay hindi man lang nararamdaman ni katiting noon kapag kasama ito. Komportable siya na kasama ito. Wala siyang pakialam kung marami ang nagsasabing hindi sila bagay dahil sa kakaibang anyo nito kaysa sa normal na Pilipino. Dahil ang tanging pakialam lamang niya kapag kasama ito ay ang puso niyang hindi mapakali kapag kasama ito.

Yes, she loved his best friend. But only on her own.

“I CAN’T do it, Raj. Please understand,” nagsusumamo ang boses ni Arjun habang kausap ang manager niyang si Raj sa Skype. Gusto siya nitong pabalikin sa India as soon as possible. Nakatanggap raw kasi ito ng biglaang offer para sa kanya para sa isang pelikula. Nag-back out raw ang orihinal na gaganap at isang araw na lang at magsisimula na ang taping. Isa siya sa mga nag-audition para sa main role noon pero hindi siya natanggap. Ngayon ay siya ang napiling ipalit.

“Ney!” matigas naman na wika nito na ang ibig sabihin ay hindi. “This movie will surely be a hit. You have to accept it, Arjun,”

Kung sa ibang pagkakataon ay baka `di siya magkandaugaga sa saya na magkakaroon ulit siya ng proyekto. Matagal na rin kasi simula nang huli siyang magkaroon ng main role. Puro supporting roles na lang pagkatapos nang huli niyang nag-flop na pelikula.

Pero hindi niya puwedeng tanggapin iyon ngayon. Wala pa siyang bente kwatro oras sa Pilipinas at iilang oras pa lang niya nakakasama si Callie. Kung sakaling babalik muli siya ng India, siguradong matatagalan ulit bago pa siya makabalik. Hindi niya gusto iyon. He wanted to be here. Lalo na sa mga panahon ngayon. Alam niyang kailangan siya ni Callie.

“I want to stay here in the Philippines. At least for now. Kshamaa keejiye,” He means sorry in Hindi.

Naging matagal ang pag-uusap nila ni Raj. He knew he meant good for his career but for once gusto rin niyang magbakasyon dahil na rin sa payo nito. He felt disturbed since the issue. But most of all, he wanted to prioritize his happiness for once. At alam niyang mahahanap rin niya ang happiness niya kay Callie. Kapag kasama niya ito at napapasaya niya ito ay masaya siya. Ilang taon na rin niyang pina-prioritize ang career niya sa pag-aasam na magkaroon nang mas maayos na buhay. And it all turned out to almost nothing. He was not happy. He was not satisfied. Siguro iyon ay dahil hindi niya rin pr-in-ioritize ang sarili niya. Mas inisip niya ang kapakanan ng iba.

Sa huli ay nakumbinsi rin niya si Raj. Alam niyang kahit hindi na niya ikonsulta pa sa Mama niya ang bagay na iyon ay papayag rin ito. Matagal na siya nitong in-encourage na magpahinga. Ramdam rin siguro nito na hindi siya ganoon kasaya. Nasa India pa rin ito dahil kahit nagkasira na sila ng ama ay hindi pa rin kayang pabayaan nito ang huli. Her mother is so full of hope that his father will still recover. Siya naman ay kaunti na lang talaga. But he still supports. After all, his father is still part of his family. Nakita rin naman niyang nakiki-cooperate ito sa mga rehab sessions nito.

Pagkatapos nang pag-uusap ay lumabas siya ng guest room ng bahay nila Callie. Nagkulong muna siya roon kanina dahil na-hint na niyang problema ang dadalhin ni Raj. Ilang buwan na bakasyon kasi ang hiningi niya rito at bilin niyang `wag siyang tatawagan nito unless kung urgent iyon. Kakatapos lang rin kasi ng kontrata niya sa film company. Inaalok man siya nang bago ay ginawa niyang cue iyon para magbakasyon muna.

Ayaw niya na makita ni Callie na namo-mroblema siya. She knew she had enough worries already. Pero hindi pa rin pala iyon makakaligtas sa pag-oobserba nito.

“Problem?” tanong sa kanya ni Callie nang makalabas siya. Nakaupo ito sa sofa at halatang inaantay siya. Silang dalawa na lamang ang nasa bahay ng mga ito dahil umalis na papunta sa trabaho ang kapatid nito. Ilang linggo pa muli bago ito makakabalik. Wala na rin katulong sa bahay ang mga ito dahil simula nang mamatay ang Mommy nito ay pinaalis na ni Callie ang natitirang katulong. She lived independently.

Tuwing uuwi siya ng Pilipinas ay nagdadala siya ng kopya ng DVD’s ng pelikula niya at pinapanood nila ang mga `yun ng sabay pagkatapos ng hapunan. Ang mga pelikula niya nang nagdaang taon ang mga panonoorin nila ngayon. Nakasalang na ang DVD at may popcorn na rin na nakahanda para kainin nila kaya ito nasa sala. Siya na lang talaga ang kulang.

Hinagod niya ang buhok at tumabi rito. Hindi na siya nagsinungaling pa. “Pinapabalik na ako ng manager ko papuntang India,”

“S-so babalik ka na?”

Tumingin siya rito. Kitang-kita ang kalungkutan sa mga mata nito. Ngumiti siya. “Nope,”

“B-bakit?”

“Gusto ko lang,” dahilan niya. Kumuha siya ng popcorn at sumiksik sa tabi nito. Noon niya naramdaman na tila nanigas rin ito. Bihira niyang maramdaman kay Callie iyon kapag nahahawakan niya ito. They were physically comfortable to each other. Ngayon ay mukha itong na-tense.

“O, bakit ganyan ang itsura mo?”

Sa halip na sagutin siya nito ay niyakap siya nito. Hindi niya alam kung ano ang problema nito pero ganoon pa man ay niyakap niya pa rin ito. He had known Callie for years at alam niyang hindi ito vocal sa feelings nito. Isang patunay na roon ang hindi nito pagsasabi sa kapatid nito nang nararamdaman sa planong pagpapakasal nito. Minsan ay pinipilit nila itong magsalita pero matigas nitong hindi nagsasabi nang nararamdaman. Madalas na silang mga nasa paligid nito ay nakikiramdam lamang sa mga nararamdaman nito. Naramdaman na lang din niyang tumutulo na ang luha nito sa T-shirt niya.

“Hush...” pag-aalo niya.

Kumalas ito sa pagyakap at tumingin sa kanya. Akmang sasalubungin niya ang tingin nito pero sa iba naglanding ang mata niya---sa parte na ginamit nito para magsalita. “Thank you so much,”

Matagal na itong nakapagsalita pero hindi pa rin nawawala ang tingin niya sa labi nito. Marami na siyang nahalikan na labi dahil sa mga pelikulang nagawa niya. Hindi na bago iyon sa kanya. Pero isang labi lang ang palagi niyang iniisip na halikan.

He is suppressing his happiness and so his feelings for her for a long time. Siguro naman ay puwede niyang pakawalan iyon ngayon. Kahit sandali. Gusto niyang iparamdam rito ang malaking pagkagusto niya rito sa pamamagitan ng halik na iyon. One step at a time, ika nga. Kahit alam niyang may pagkamarahas ang step niya ngayon, hindi na rin naman niya kayang magtimpi. One looked at those kissable lips and he was in a spell.

Hinalikan niya ito. Naramdaman niyang nagulat ito sa ginawa niya. But he was not sorry because he enjoyed it.

“You’re welcome,” he said and clipped his hair into his ears.

HINDI MAKATULOG si Callie. Kahit ilang oras na siyang mag-isa sa bahay nila ay hindi pa rin mawala-wala ang pagdagundong ng dibdib niya. Kahit alam niyang may mali sa paghalik sa kanya ni Arjun, she can’t help but to like it. She couldn’t deny the fact that she enjoyed it. Hindi niya kayang alisin si Arjun sa sistema niya. Lalo na kapag binibigyan pa siya nito nang ganoong ka-intense na damdamin nang halikan siya nito.

Binuksan niya ang lampshade sa beside table niya. Bumulaga roon ang picture nila ni Arjun. First year high school pa lamang sila sa litratong iyon na kinuhanan ng Daddy niya dahil pareho silang bumida sa isang school play. Ang play na iyon ang naging ugat ng lahat ng kung anong relasyon na meron sila at nang nadarama niya rito simula’t sapol. Tandang-tanda niya pa ang lahat ng pangyayari nang araw na iyon. The feelings when his lips first landed in hers...

“You’re good, Callie. I didn’t expect you to have a performance like this. Kahit naman pala tahimik at mukhang mahiyain ka ay may ibubuga ka. I love your stage presence. And that is same to you, Arjun. Ang medyo sablay lang kayo sa pag-arte, lalo ka na Callie, ay `yung sa tagpong magkakalapit kayong dalawa na sa original naman ay maghahalikan talaga dapat sina Romeo and Juliet. Parang nagkaka-ilangan kayo,”

Gusto niyang mapangiwi nang marinig ang sinabi ng teacher nilang si Miss Fermin. Hindi ito ang magiging director ng school play na gaganapan nila pero isa ito sa mga napadaan na teacher sa loob ng theater. Pang-ilan na ito sa mga dumaan at pumuna sa pag-arte nila at lahat ay kaparehas ng opinyon nito. Tina-try naman niya ang best niya na ayusin iyon. But it felt like something is wrong with her.

Siya at si Arjun ang naging highest sa written examination nila sa literature na ang buong exam ay naglalaro sa kuwentong Romeo and Juliet. Nang dahil roon ay sila rin dalawa ni Arjun ang napili ng teacher na siyang maging main cast ng sikat na stage play.

Noong una ay marami ang nagdududa sa kakayahan niya sa pag-arte. Kilala kasi siya bilang mahiyain at hindi gaanong nagsasalita. Pero pinatunayan niya sa mga ito na kaya niya. May tiwala rin siya sa sarili niya na may talent siya sa pag-arte. Ilang beses na siyang napasama sa mga school play noong elementary siya. Isama pang paborito niya ang kuwentong Romeo and Juliet. Kaya nang pinili siya ng teacher nila na maging si Juliet ay tinanggap niya iyon.

Kay Arjun ay wala namang problema sa pag-arte. Kahit hindi ito gaanong kinakausap ng mga kaklase nila, base sa performance nito sa ilang mini-drama plays na ginagawa nila sa subject din na iyon at ang katalinuhang pinapakita nito sa klase, kitang-kita na may ibubuga ito. Pinatunayan naman nito na magaling talaga ito base sa mga practice nila. Ganoon rin naman siya sa performance niya, kaya lang ay may mga pagkakataon na nate-tense siya kapag dumarating sa punto kung saan dapat ay maghahalikan sila.

Ilang eksena rin ang magiging kissing scene nila Romeo and Juliet. Pero dahil bata pa sila at hindi naman professional artist, eksenang magkakalapit lang ang mukha nila ang pinapalit roon. Kaya lang kahit ganoon ay dinadaga pa rin ang puso niya. At alam niyang hindi iyon dahil sa takot siya kay Arjun kagaya na lamang ng karamihan sa mga kaklase niyang lumalayo rito. Wala siyang problema kay Arjun kahit kadalasan ay out-of-place ito at nilalayuan. Isang beses na niya itong naging seatmate at hindi naman ito mabaho kagaya nang inaakusa ng mga kaklase nila rito. Hindi rin siya natatakot sa built at kulay nito. Sa katunayan nga ay iyon ang isa sa mga attributes na nagpaguwapo rito. Kung hindi ba naman kasi racist ang mga kaklase niya at karamihan pa ay mga matapobre.

Kahit mayaman sila ay hindi siya pinalaki ng mga magulang na matapobre. Wala rin siyang pakialam sa itsura ng tao lalo na kapag wala itong ginagawang masama sa kanya. Pero may kakaiba siyang nararamdaman kay Arjun tuwing maglalapit ang katawan nila. Kaiba kaysa sa mga nararamdaman niya sa mga dating nakatambal niya.

Bata pa siya pero alam niyang may ibang ibig sabihin ang nararamdaman niyang ito. Nanggagaling iyon sa puso niya. She watched romantic movies and based on that, she can conclude that it something related to love, or maybe affection. Crush niya ito kaya hindi siya ganoong makapag-concentrate. Guwapo naman kasi talaga itong maituturing kung hindi lang titignan ang estado ng buhay nito at kung paano ito itrato ng mga kaklase niya. Isama pang matalino at mabait rin ito.

“I’m sorry, Ma’am,” tanging nasabi na lang niya.

Tumingin siya kay Arjun. Kagaya rin ng reaksyon niya ang reaksyon nito. Hindi na siya mapakali dahil bukas na ang play. Hapon na at kakaunti na lang ang oras nila. Kakaunti na lang din ang tao sa theater at paalis na ang mga ito. Okay naman daw kasi ang performance nila kahit may sablay. First year pa lang naman daw kasi sila. Most people won’t expect perfection to them. But she wanted it to be. A-absent sa trabaho ang Daddy niya para lang mapanood siya. She wanted to make his Dad proud. She wants the play to be the best.

Kinausap niya si Arjun. “P-puwede ka bang ma-late ng uwi?”

Nagulat ito sa tanong niya. “Ha? Puwede naman. Pero bakit?”

“I want to practice more. I want the play to be perfect for tomorrow,

“But how about the people in the production? Aalis na sila,”

Umiling siya. “Kahit tayo lang dalawa. I-practice natin `yung part na sumasablay. Siguro naman ay papayagan tayong gamitin itong theater hanggang matapos natin kahit tayo na lang dalawa,”

Tumango ito. Walang problema sa kanya na ma-late dahil puwede naman mag-hintay ang sundo niya. May dahilan naman siya at mabuti naman iyon.

Umalis na ang buong tao sa production at sila na lamang ni Arjun ang natira. Huminga muna siya nang malalim bago nagsimula. She would be better.

“Don’t saints and pilgrims have lips too?” bigkas ni Romeo sa linya nito.

“Yes, pilgrim—they have lips that they’re supposed to pray with,” sagot naman niya.

“Well then, saint, let lips do what hands do. I’m praying for you to kiss me. Please grant my prayer so my faith doesn’t turn to despair,”

Unti-unting lumapit na sa kanya si Arjun. Unti-unti rin na parang natuyo ang lalamunan niya. Pero sinikap niyang huwag ma-distract doon. “Saints don’t move, even when they grant prayers,”

“Then don’t move while I act out my prayer,” his eyes is so full of emotions when he said that to her. Sa buong durasyon ng pagpa-practice nila ay ngayon niya lamang ito nakitaan ng ganoong klaseng emosyon. And that made her feel nervous and tensed. Isama pang hinawakan nito ang kamay niya pagkatapos. Napapikit siya. Hindi niya mapigilang makaramdam ng kakaiba.

Lumapit ang mukha nito sa mukha niya. Dapat ay ganoon rin ang gagawin niya sa eksena. Pero sa halip ay tumalikod siya. Hindi niya kinaya ang gagawin nito. Kasing pula na yata ng kamatis ang mukha niya. Apektado siya sa ginagawa nito. Mabuti naman `yun sa performance nila pero para sa sarili niya ay hindi. Bakit ba siya nakakaramdam ng ganito kay Arjun? `Di naman siya ganoon sa mga dating ka-partner niya. Isa pa ay mga bata pa sila. She couldn’t feel to be in love...

Pero hindi pala nakabuti ang pagtalikod niya. Hinila siya nito pabalik at dahil nanghihina siya ay napakadali para rito na mapaharap siya. And its not just their face became closer. It was also their nose and...lips.

He accidentally kissed her!

And on that day, pakiramdam niya ay natupad ang dasal ni Kupido sa kanya. She conclude she was in love.

Naalala pa niyang ilang beses itong humingi nang patawad dahil sa nangyari. He was shocked and so was she. Ang akala niya noong una ay magiging hadlang iyon sa performance nila. But it didn’t. Nagka-ilangan sila pero hindi rin iyon nagtagal. Well, siguro ay dahil dinala nila in a positive way ang nangyari. Na sa halip na pananaigin niya ang takot ay in-enjoy niya ang nadarama niya. She stepped naturally on Juliet and so was Arjun. Dahil sa naging maganda ang kinalabasan ng play ay ilang beses na nagpasalamat sila sa isa’t isa. Pareho silang naging masaya sa resulta at naging daan iyon sa pagkakaibigan nila. Pagkakaibang hanggang ngayon ay matibay.

But still remained the same.

Even if she was deeply in love with him for so many years, hindi naman niya magawang sabihin rito ang nararamdaman niya. Bukod sa natatakot siya dahil baka wala namang katugon ang nararamdaman niya, malinaw pa rin sa isip niya na babae siya. Dapat ay hindi siya ang gumagawa ng first move. Ang nangyari tuloy ay hanggang ngayon walang usad pa rin ang love life niya.

Marami ang nagtatangkang manligaw sa kanya. Pero binigo niya ang lahat ng mga iyon. May ibang binigyan niya ng chance pero nauwi rin sa wala. Kahit ano kasing gawin niya, kay Arjun pa rin ang puso niya. Ito ang tanging lalaking nakikita niya na makakasama niya habang buhay. Sadly, wala naman itong ginagawang move para i-level up ang relationship nila.

Until now...

She rolled up in bed and hugged her pillow. Inisip niyang iyon si Arjun and suddenly, she felt that she was on cloud nine again. Kinikilig pa rin siya kapag naalala niya ang ginawa nito. Oo, mapangahas ang ginawa nito dahil magkaibigan sila. Pero para sa kanya na lihim na sinisinta ito, `di siya makapagreklamo. It was what she was dreaming of. Isama pa na magbabakasyon ito sa Pilipinas para lang sa kanya. Iniwan nito ang nangungunang priority nito para sa kanya. She felt more than special.

Kahit malungkot siya ngayon dahil sa nalalapit na kasal ng Kuya niya, alam niyang mawawala rin iyon ng dahil kay Arjun. She wanted him to be there. Nang sabihin sa kanya ng kapatid niya ang plano nito, si Arjun agad ang naisip niyang puntahan para masabihan ng hinanakit niya. Kaya nga lang ay hindi pa siya nagkakaroon ng pagkakataon. Wala kasi ito nang mangyari iyon. Ngayon naman ay masyado siyang masaya para i-open up iyon.

Si Arjun lang ang madalas na nakakaintindi sa kanya. Kahit malayo ito ay alam nito ang mga pinagdadaanan niya. She keeps him updated. Ang hindi lang nito alam sa kanya ay ang tungkol sa nararamdaman niya rito. Isama na ang mga pagtatampo niya kapag hindi siya nito nabibigyan ng oras.

Marami siguro ang magtataka kung sakaling nalaman ng mga itong nagtatampo siya kay Arjun kapag hindi siya nito nabibigyan ng oras. May mga oras na kailangan niya ito pero wala naman ito. Hindi naman siya makapag-demand rito. Marami rin siguro ang magsasabi na selfish siya dahil para sa kapakanan naman nito ang pinagseselosan niyang career nito. Pero minsan ay nakakasawa rin na umintindi. Kaya lang ay hindi naman niya masabi ang mga iyon. Alam pa rin niya kung saan siya puwedeng tumayo. She didn’t want to be a nagger, too.

Kaya naman nang sabihin nitong mag-i-stay ito sa Pilipinas ay ganoon na lang ang tuwa niya. Hindi man niya alam ang totoong dahilan nito ay masaya siya. Sa wakas ay makakasama na niya ito. Isama pa na may nararamdaman siyang kakaibang puwedeng gawin nito sa relasyon nila. Bakit kasi hinalikan siya nito? Matagal na siyang umaasa na magparamdamam ito. Ayaw niyang mag-assume pero hindi niya mapigilang hindi kiligin sa naiisip na baka its a romantic act for the both of them. At baka ang panimula nito sa lahat ay ang paghalik nito sa kanya kagabi.

Sana nga lamang ay `wag siyang mapakanta ng Isang Pangarap pagkatapos.

TANGHALI na nang makabisita si Arjun sa Book Keeper. Doon na niya napagpasyahang dumiretso sa araw na `yun dahil alam niyang doon niya matatagpuan si Callie. Late nga lang siya dahil napadaan siya sa unit ng dating kaklase na si Ryan na nakatira sa condo building na tinitirhan rin niya. Dumaan siya roon dahil gusto niyang kumpirmahin kung tuloy ba ang get-together party nila na napag-alamanan niyang pinagpaplanuhan ng mga ito noong isang buwan. Ito ang organizer ng event dahil ito ang class president nila. Nakikita niya kasing nag-uusap ang mga ito sa Facebook at nire-request ng mga itong kapag nangyari ay umuwi sana siya.

Dati ay halos hindi siya pinapansin ng mga kaklase niya. Pero ngayong sikat na siya ay iba na ang tingin ng mga ito sa kanya. Kahit naman kasi sa India siya artista ay kilala na rin siya sa Pilipinas. Isa siyang Filipino na naging matagumpay sa ibang bansa. May mga pelikula na rin siyang naipalabas sa Pilipinas at lahat naman iyon ay suportado ng mga Pinoy. Doon rin namulat ang mga ito na tangkilikin ang mga Bollywood movies.

Pero a-attend siya ng get-together party hindi dahil gusto niyang magpasikat. Iyon ay dahil sa gusto lang niyang makasama ang mga ito. They still became a part of his life though. Nalaman niyang tuloy naman ang get-together party at bukas na pala iyon mangyayari. Paalis na kasi papuntang ibang bansa ang isa nilang kaklase kaya naging biglaan ang party. Binigyan siya ng mga ito ng dalawang invitation at ibinigay niya kay Callie ang isa. Iniabot niya iyon rito pagpasok sa book store na pagmamay-ari nito.

“Para saan ito?” nagtataka pa ito nang makita iyon.

Lumingon siya sa buong shop. Nang makitang wala namang tao roon kundi ang assistant nitong si Nina ay inalis niya ang cap sa ulo niya. Ginagamit niya iyon dahil bilang celebrity ay kailangan niyang itago ang itsura niya para hindi siya mapagkaguluhan. Pagkatapos ay in-explain niya kay Callie ang tungkol sa imbitasyon. Mukhang wala itong kamalay-malay.

“Hindi ka ba nagbubukas ng Facebook mo?” tanong niya.

“Nagbubukas. Pero wala akong natatanggap na kahit anong message ni isa sa kanila,”

“Ganoon? `Di ko naman nasabi sa `yo. Ang akala ko kasi ay nasabihan ka na nila. `Di bale, pinadalhan ka na naman nila ng invitation. Tig-isa tayo,”

Lumabi ito. “If I know, nakalimutan nila ako. Naalala lang nila dahil pumunta ka at best friend mo ako. `Di na kasi ako kasing yaman nila, eh.”

Napatitig siya rito. He saw hint of sadness in her face. “Galit ka?”

Tumawa muna ito pero umiling. “Bakit naman ako magagalit? Ganyan naman talaga ang buhay, eh. Kapag mayaman ka o sikat ka, mapapansin ka. Pero kapag mahirap ka at mababa ang narating sa buhay, balewala ka na. Ika nga, parang gulong ng palad lang `yan. Dati ay nasa itaas ako at ikaw ang nasa baba, ngayon nasa baba ako, ikaw naman ang nasa itaas. Saka `di ko na naman maibabalik ang buhay ko sa dati. Wala na ang hari sa buhay ko, wala na si Daddy. Maybe I am living well compared to others. But yet, I can’t have a princess life anymore. I am not ‘that’ Callie Delos Santos anymore,”

A cold finger touched his heart. Hindi naman iilang beses na in-open up sa kanya ni Callie ang problema nito sa pagbabago ng buhay nito. Alam niyang napakasakit nang nangyari rito makatapos na mamatay ng ama nito at magkasakit ang ina nito. Isa siya sa mga nasasaktan doon... at nagi-guilty.

Nagpapakapagod siya sa trabaho para makaipon nang malaki. Madalas ay hindi na niya nakakausap si Callie kapag busy siya. Minsan ay nagkakaroon sila ng isang linggong `di nakakapag-usap. Pero kahit mahirap para sa kanya ay nagsa-sacrifice siya. Kahit gusto niyang makasama ito, iniisip na lamang niya na lahat ng ginagawa niya ay para sa pamilya niya at para na rin dito at sa pangakong binitawan niya sa ama nito.

Ang pangako rin na iyon ang dahilan niya kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya magawang ligawan si Callie. Kahit wala na ito ay isinasapuso niya pa rin iyon dahil iyon rin ang nakikita niyang tama. He was still not financially capable. And being in a serious relationship needs that. Hindi niya pa kayang ibigay rito ang buhay na ibinigay rito ng Daddy nito. Lalo na ngayon...

Napaisip tuloy siya. Tama ba na nag-decline siya sa trabahong in-offer ni Raj para makasama si Callie? Para naman sundin ang puso niya kahit ngayon lang? Para sa sake rin naman ni Callie ang ginagawa niya ngayon. Pinili niyang magbakasyon para rin damayan ito sa problema nito tungkol sa kapatid nito. Inaantay niya lang ito mag-open-up sa kanya dahil hindi pa naman niya ganoon kasigurado kung may dinaramdam ito. Hanggang ngayon ay nag-i-stick pa rin siya sa hula ng Kuya nito.

His brain is telling him to think to prepare for the future. But his heart is yelling for the present. To be there for her. Even today.

He hoped the guilt will not eat him up. Because if it happened, he knew he would make another hard decision. He would leave his happiness.

He would leave Callie.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.