Four Hearts and a Friendship w/ Bonus Friendship Stories Chapter 26

HINDI SIGURADO ni Callie kung dapat ba siyang mapangiti nang makita ang dami ng taong nasa labas ng Book Keeper. Having a lot of people outside is good for business but she knows that most of them are people who are hungry for news, not for books.

She saw Arjun sighed. Napatingin siya rito. Hinatid siya nito ngayong umaga sa trabaho niya. Wala itong sariling driver kaya sila lamang dalawa ang nasa kotse. Mabuti na lamang at tinted ang kotse.

“I am so sorry, Callie. Kagagawan ko ang lahat ng ito. Kung hindi sana ako naging impulsive pagsasabi ng nararamdaman ko sa `yo, `di siguro mangyayari ito,” nakatungong sabi nito.

“Hey, don’t feel like that. Ginusto ko rin naman ito,” pagpapagaan niya ng loob ni Arjun.

Simula nang eksenang ginawa nito sa Greenbelt mahigit isang linggo na ang nakaraan ay naging instant celebrity na rin siya. Marami ang kinikilig sa nangyari sa kanila, lalo na raw sa paraan pa ng pag-amin ni Arjun ng pag-ibig nito sa kanya. Hindi raw ito nahiya na ipaglandakan kung ano siya sa buhay nito sa harap ng maraming tao. Marami ang nakakaramdam na base sa pinaggagawa nito ay mahal na mahal siya nito. Pero hindi lahat ay iyon ang nararamdaman. May mangilan-ngilang naninira rin sa mayroon sila at nagsasabing hindi raw siya bagay kay Arjun. Napakasimple raw niya para sa lalaki. They said he deserved more. Pero hindi siya nagpaapekto sa mga iyon. She knew Arjun more than anyone. Alam niya na seryoso ito sa kanya lalo na’t pinaparamdam naman nito iyon sa kanya noon pa. Rumors and haters are also the price to pay for being a celebrity.

Masaya siya na sa wakas ay umamin na rin sa kanya si Arjun. Kahit madalas ay napeperwisyo na siya dahil hindi siya sanay sa buhay ng pagiging celebrity ay pilit niyang iniintindi ang lahat. After all, gusto rin naman niya ang pag-publicize ni Arjun ng nararamdaman nito sa kanya. Tanggap niya ang lahat ng naging actions nito. Dapat ay tanggapin rin niya ang kalakip ng mga iyon.

“I know you love your quiet life. At dahil girlfriend na kita ngayon, pakiramdam ko ay ninakaw ko sa `yo iyon.”

“Huwag mong isipin iyon. Kaya ko ito. Besides, because of you, mas naging popular pa ang shop ko. Mas tumaas ang sales dahil maraming nag-aabang kung pupunta ka raw ba roon katulad ngayon,”

“Pero hindi lahat. Most of them are just there for gossips. Harass na harass tuloy si Nina at ikaw,” napakamot pa ito ng ulo. “Kung `wag ka na lang kaya pumasok?”

“And what? Leave Nina with this entire people? Hindi puwede `yun. Baka mamaya makita ko na lang, nakabulagta na siya sa loob ng shop,”

“How about hiring people---“

“Its not an option, Arjun. You know I need to minimize cost. Isa pa, I prefer being there. Its my shop. Gaano man karami ang mga tao, kumportable ako na hawakan ko ang sariling akin,”

“Yes, and it means I can’t be with you,” he held her hand. “This is the price I pay for having a job like this,”

“We just need to compromise with each other. Ganoon naman talaga kapag nasa relasyon `di ba? Maybe I’ll just see you after lunch kapag wala nang masyadong tao sa shop. I’ll call you,” wika niya rito at ngumiti.

He usually smiled back at her then whenever she would bid goodbye. But this time, it was not the usual way. Well, simula nang maging opisyal na sila ay hindi na lamang sila basta-basta nagpapaalam sa isa’t isa. Their meet-ups always ended up with the kiss.

“I love you,” halos sabay pa nilang wika nang matapos ang halik. That gave her the energy to face the hard work.

Ibinaba siya nito may kalayuan sa shop niya para hindi makita ng mga taong may naghatid sa kanya at akalaing si Arjun iyon. Naging mahirap ang umaga sa kanya dahil na rin sa maraming tao. Karamihan ay hindi naman talaga bumibili, madalas ay nakikiusyoso lang sa kung ano ang estado niya sa buhay ngayon. Civil naman siyang makipag-usap sa mga ito pero nang makitang wala naman itong mapapala sa kanya dahil sinabi niyang busy si Arjun. Alam niyang ito naman ang pinakapakay ng mga tao. Nang malapit nang mag-lunch time ay dumalang na ang tao hanggang sa wala ng natira.

“Haay, salamat at wala na rin tao,” parang kasing lalim ng Tubataha reef ang buntong-hininga ni Nina. Kahit siya ay ganoon rin ang naging reaksyon. Ngumiti siya pagkatapos at tinignan ang cellphone niya. Nakita niyang naka-ilang text pa si Arjun sa kanya na namimi-miss na siya nito kahit ilang oras pa lamang sila nagkahiwalay. Ganoon rin ang nararamdaman niya kaya naman lahat ng pagod niya ay nawala. She replied immediately and freely texted him that there feelings are both mutual. Ngayong sila na ay wala nang makakapagpigil sa kanya na sabihin pa ang nararamdaman niya rito. Pakiramdam niya ay isang ibong nagkaroon ng laya ang feelings niya.

Hindi niya maiwasang isipin ang mga nangyari nang nakaraang linggo simula nang maging opisyal na sila ni Arjun. Kung dati ay masaya na siya kapag kasama lang niya si Arjun, ngayon ay hindi niya akalaing mas sasaya pa pala siya. Higit pa sa nasa alapaap ang nararamdaman niya. Ngayon ay mas maraming oras ito para sa kanya dahil sa nakalipas na linggo at susunod ay kakaunting eksena lamang ang nakaplano nitong i-shoot. Kapag wala itong ginagawa ay pumupunta ito sa kanya, making her experience that being his girlfriend is the best feeling ever. Well, kapag magkasama lang pala sila. Hindi niya rin tuloy naiwasang maalala ang ginawa nito sa kanya noong isang araw...

Pagod na pagod si Callie pagdating niya nang bahay dulot na rin ng patuloy na pagdagsa ng tao nitong mga nakaraang araw sa Book Keeper. Pero nang pagdating niya ay dagli rin nawala ang lahat ng iyon nang makita si Arjun. Hindi niya inaasahan na nandoon ito dahil baka raw gabihin ito sa shooting nito. But he was there, and most surprisingly, she saw him wearing an apron! May hawak pa itong tong sa kanang kamay nito.

“Maagang natapos ang taping kaya dumiretso na ako rito. I grilled barbeque and pork ribs for us,”

Nanlaki agad ang mata niya sa mga narinig na pangalan ng pagkaing niluluto nito. Those were her favorite! “This is quite a surprised. Ang akala ko ay bukas na tayo magkikita dahil sabi mo ay mahirap ang isu-shoot niyo ngayon and you expected a lot of takes,”

“Well, I realized its a special day for us kaya ginalingan ko at nakuha lang ng isang take ang eksena,”

Kumunot ang noo niya. “Special day?”

Ngumiti ito sa kanya. “Its our weeksary,”

“Oh, Arjun!” She said and hugged him. Ang akala niya ay lubos na niyang kilala si Arjun pero hindi pa rin pala. Hindi niya kasi in-expect na may ganoon klaseng sweetness pala ito na ang mismong week anniversary nila ay inaalala pa nito at ginusto pang i-celebrate.

Naging prinsesa siya ng gabing iyon dahil na rin sa kagustuhan nito. Ito ang nagluto at pati naghugas ng plato. Pinagsilbihan rin siya nito habang nakain sila. Kahit halata sa mukha nitong kagaya niya ay pagod rin, hindi nito binanggit man lang iyon sa kanya. Niyaya pa siya nitong mag-stargazing sa garden sa likod ng bahay nila. Magkatabi silang humiga sa damuhan. For a while, they just lay down silently. But after a while, he held her in his arms.

“Matutupad kaya ang wish ko sa bituin kung hihilingin kong sana ay habambuhay ka na lang nakakulong sa kamay ko?”he said, looking straightly in her eyes before he looked into the stars again.

She smiled. “Try,”

“Hmmm... Pero feeling ko, mas maganda siguro kung sa `yo ko sasabihin ito `no? So anong sagot mo? Willing ka ba?”

“Makakatanggi pa ba ako? Kung wala ng sinigaw ang puso ko kundi ang sumunod sa mga gusto mo?”

“Talaga lang, ha? Wala ng iba? Wala ng Ron?”paninigurado nito.

She rolled her eyes. “Hanggang kailan ko ba uulit-ulitin sa `yo na Ron is not a threat? He’s gay,”

“Medyo hindi lang kasi talaga kapani-paniwala. Lalaking-lalaki kaya siya noong highschool tayo. He even courted you,”

“Oh, he told me he changed in college. Nag-iba daw ang preference niya nang magkaroon siya ng kaklaseng bakla at naka-close niya iyon. Nahawa na siya rito pero hindi lang ganoong makapagladlad dahil na rin baka itakwil siya ng pamilya niya,” paliwanag niya rito saka bumuntong-hininga. “I don’t know how to react about this jealousy of yours. Nai-insecure ka pa rin ba sa kabila ng lahat ng mayroon ka?”

“I know I am not perfect enough. I still have a lot of imperfections so please don’t blame me for being insecure. Maraming beses kong naiisip na hindi pa ako deserve sa pagmamahal mo,” mahina lamang ang pagkakasabi nito ng huling pangungusap pero rinig na rinig iyon ng tainga niya.

“Bakit naman?”

Bumuntong-hininga ito. “Marami pang kulang sa akin. Hindi pa ako kasing successful ng mga kaklase natin. Hindi pa ako kasing yaman niyo noon---“

“Sa tingin mo ba, `yun ang mga bagay na kailangan ko, Arjun? Only you is enough for me...”

Nagliwanag ang mukha nito. “Really?”

“Of course! Kaya huwag ka nang ma-insecure. I know a little bit of jealousy is good for a relationship because you’ll have the knowing that someone is afraid to lose you. But get it over, okay? You have to trust me,”

“I’m sorry. `Di na mauulit `yung nangyari kay Ron next time. I get jealous because I cared.”

“Okay. Don’t talk about it now. What matters most is that we settled it all now. Palagi mo na lang tandaan na mahal na mahal kita at hindi kita kayang pagpalit sa ibang lalaki, kahit mas mayaman, mas guwapo at mas sweet pa sila sa `yo. Ikaw lang ang nakikita ng mata ko. Maraming tao na ang dumaan sa buhay ko. They come, go and some scarcely leaving an impression. Pero ikaw `yung tao na nagbigay ng pagbabago sa buhay ko kaya hindi na kagulat-gulat na ikaw ang nanatiling espesyal at palagi kong gustong makasama. Isama pa na hindi ko matanggi na gusto ko ang lahat sa `yo. I love your eyes, your smile, I cherish your ways and I even adore your style. For me, you’re one of a kind,”

“Naks! Saan mo nakuha `yan, ha? I didn’t know you could be that cheesy. I felt so lucky to have you. I love you so much, my Callie...”

Inilapit nito ang mukha nito sa kanya. He began to kiss her. And it felt like he never wanted to stop doing that. And as always, the feeling is mutual. Mas matindi pa nga yata ang sa kanya. Kay tagal niyang pinapangarap na hindi na magiging ‘awkward’ ang mga sandali kapag nagkakaroon sila ng pagkakataon na maging ganitong close sa isa’t isa. And now, it was a dream come true. They have crossed the bridge of friendship and it was the best decision that they made, for her...

Napatunayan niya kahit sandali pa lamang ang relasyon nila ni Arjun na totoo pala ang kasabihan na blessing comes to those who wait. This happening to their relationship is one blessing she was so grateful that happened to her.

Makatapos niyang i-text si Arjun na wala ng tao sa shop ay nagpahinga muna siya sa sofa sa loob ng Book Keeper. Iyon ang nagsisilbing waiting slash reception area ng shop. Double purpose iyon dahil hindi lamang iyon para sa customers niya kundi para na rin sa kanya kapag may mga pagkakataon na pagod siya at gusto niyang magpahinga sa loob ng shop.

Ilang sandali niyang ipinikit ang mga mata pero napuwersa iyong bumukas nang marinig niyang tumunog ang bell sa may pintuan tanda nang may pumasok sa loob. Nagmulat siya nang mata and saw a guy with a cap on his head walking towards her. May dala-dala itong isang tangkay ng bulaklak nang humarap sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya.

“I would like to offer you everything in this world just to see your sweet smile behind that tired face, but until I can. I hope this single stem will do.” Dire-diretsong sabi nito sa kanya

“Arjun! Simula nang umuwi ka ng Pilipinas ngayong taon, wala ka ng ginawa sa akin kundi surpresahin! Bakit ang bilis mo namang nakarating rito?”

“Yeah, and it seems like I am enjoying it. Kaya masanay ka na. At hindi naman talaga ako umalis. Nandoon lang ako sa kotse all the time, waiting this shop to be vacated,” hinalikan siya nito. “I miss you already.”

“Ako rin,” she said and kissed him back.

Kahit simpleng bagay lang kung maituturing para sa isang celebrity ang mga sorpresang ibinibigay sa kanya ni Arjun, masaya rin siya roon. Compare to other celebrities who are living their life as elegant as an expensive chandelier, Arjun live simply. And so all his actions he did for her was like that. Minsan ay hindi niya maintindihan kung bakit. Kung tutuusin ay kayang-kaya siya nitong bigyan ng mas marami pang bulaklak kaysa sa ibinigay nito sa kanya ngayon. Kaya siya nitong dalhin sa mas marangya pang lugar dahil na rin sa sinusuweldo nito. But Arjun, didn’t take him all that. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa nanggaling lang ito sa simpleng buhay at habang buhay yata ay gusto nitong maging ganoon. Gusto niyang magtanong pero natatakot naman siyang maisip nito na nagrereklamo siya. Masaya naman siya sa ginagawa nito sa kanya. Dahil sa mga naranasan niya, naniniwala siya sa katagang little things means a lot. And being with him, that just matters the most, right?

Hmmm...

HALOS MAGTATALON sa tuwa si Callie nang mabasa ang text message na ipinadala sa kanya ni Arjun. Sinabi nitong tapos na ang one-week taping nito sa Cebu at magkikita na muli sila. Didiretso raw ito sa bahay nila kapag nakarating na ito ng Maynila.

“Finally, nakita ko rin `yang ngiting `yan sa labi mo this week. Para kang halaman na hindi nadiligan ng isang linggo dahil wala si Arjun sa tabi mo, eh,” puna sa kanya ni Nina nang makita ang reaksyon sa mukha niya.

Kahit malayo si Arjun sa kanya nitong mga nakaraang araw ay hindi naman siya nito kinalilimutan. Araw-araw itong tumatawag sa kanya at nag-i-Skype pa nga sila kapag gabi at wala itong taping ng oras na iyon. Pero iba pa rin siyempre kapag nakakasama niya ito at nahahawakan niya ito. She missed him so much.

Noong magkaibigan pa lamang sila ay nahihirapan siyang mag-adjust sa mga panahong kakaalis pa lamang ni Arjun. But eventually, she managed. Pero ngayon, mas nahihirapan siya. Isang linggo pa nga lang itong wala sa tabi niya ay kakaibang kalungkutan na ang bumalot sa puso niya. She became more attached to him now.

“I am really excited to see him again, Nina. Ano kayang magandang iluto mamayang gabi?” nagtanong-tanong pa siya rito bago nagpaalam na maagang uuwi para mapaghandaan ang pagdating ni Arjun.

Hindi siya gaanong magaling magluto pero sinikap niyang pasarapin ang Pork Adobo na niluto niya dahil paborito nito iyon. Naghanda rin siya ng ilang madaliang lutuin na dessert kagaya ng coffee jelly at bumili ng cake bago siya umuwi. She wanted to give him a treat. Alam niya ang naging pagod nito sa trabaho at dapat lang niyang ipaghanda ito ng masarap na treat para mawala naman iyon kahit papaano.

Just as she was finished cooking, the doorbell rang. Excited na binuksan niya ang pinto, umaasang si Arjun iyon. Nasorpresa tuloy siya nang makita ang Kuya niya.

“Bakit ka nandito?” natanong pa niya sa kapatid niya. Kung dati rati ay masaya siya na dumarating ito, ngayon ay gusto niyang mapasimangot. Ibig sabihin lang noon ay hindi sila makakapag-solo ng nobyo.

Kumunot ang noo nito. “Day-off ko na. At isa pa, naka-schedule kami ni Natalia na mag-ayos ng wedding namin this week,”

Noon lang niya napansin na may kasama nga ito nang lumabas sa likod nito si Natalia at bumati sa kanya. Naalala niyang sinabi nga nito na isasama nito si Natalia sa susunod nitong pag-uwi.

“You don’t look so happy that I am here. May problema?” tanong sa kanya ng Kuya niya.

“Wala naman. Kaya lang ay darating si Arjun ngayon at---“

“At ano? `Wag mong sabihin na may gagawin kayong something fishy kaya ayaw mong nandito ako, ha?”

Todong umiling siya. Hindi sila dumadating sa puntong iyon. Pero mas masarap pa rin na magkasama silang sila lamang dalawa. “Of course not!”

Tumalim ang mga mata nito. “You sure?”

“Wala ka bang tiwala sa aming dalawa, Kuya?”

“Gusto ko lang masigurado. But the truth is, I don’t mind kung mayroon man!” humalakhak pa ito.

Napanganga naman siya. “What the---“

“Nagbibiro lang ako. But you see, Callie. I want you to settle down, too. And I am happy for you and Arjun. Alam ko namang kahit anong mangyari ay pananagutan ka ni Arjun. Takot na lang sa akin `no!” sabi pa nito at nilangkapan iyon ng tawa.

Hindi niya alam kung bakit may naramdaman siyang kakaiba sa sinabi sa kanya ng Kuya niya. Pero bago pa siya makapagtanong rito ay pumasok na ito sa loob pati na rin si Natalia hanggang sa nawala na sa isip niya ang mga sinabi nito.

Makatapos mag-ayos ng dalawa ng gamit ay kinausap ulit siya ng kapatid niya. Ilang araw lamang ang day off nito and they both plan to spend it organizing the wedding. Ngayong gabi lang daw ito mananatili sa bahay nila dahil bukas ay pupunta ito sa Anilao, Batangas kung saan gaganapin ang kasal ng mga ito. Doon mananatili ang dalawa para mag-asikaso ng kasal.

Alas siyete ng gabi nang dumating si Arjun. Mukhang nagulat rin ito nang makita ang Kuya niya pero sa huli ay nag-enjoy rin ito sa company nito kagaya na lang ng palaging nangyayari. Mula noon ay magkasundo na ang dalawa. Arjun is like a brother to his brother. Kaya naman nang ikinuwento niya sa kapatid ang tungkol sa pag-level up ng relasyon nila ng dating matalik na kaibigan ay walang pasidlan ang tuwa nito. Halatang gustong-gusto nito si Arjun para sa kanya.

Naging maayos naman ang dinner nila. Mabuti na lang at marami siyang niluto kaya naging tama lamang para sa kanilang apat ang pagkain. Naunang magpahinga sa kanila si Natalia dahil napagod sa naging biyahe papunta ng bansa. Nagpunta ang Kuya John niya at si Arjun naman sa garden at doon nagkuwentuhan. Gusto sana niyang sumama sa mga ito pero dahil nagtext sa kanya si Nina at finorward sa email niya ang ilang accounts tungkol sa Book Keeper ay iyon na muna ang inayos niya. Kailangan na kasi iyong i-submit sa city hall bukas. Mabuti na lamang at naalala iyon ni Nina kahit late na nito iyong nasabi sa kanya.

Mahigit treinta minutos rin siyang nagkulong sa kuwarto para ayusin ang accounts. Maaga pa kaya naman naisip niyang silipin ang dalawa at kung mapapagod agad ang Kuya niya ay puwede rin silang mapag-solo ni Arjun. Miss na niya ito pero hindi rin naman niya kayang ipagdamot ito sa kapatid niya. Alam niyang sabik rin ang Kuya niya na makasama ito dahil ilang linggo rin ang mga itong hindi nakapag-usap.

Pero bago pa siya makarating sa garden ay napatigil siya nang marinig ang pinag-uusapan ng mga ito. Napakunot noo siya nang marinig ang pangalan niya, ibig sabihin lamang ay siya ang topic ng mga ito. May kung anong puwersa tuloy na pumigil sa kanya na tumuloy at pakinggan muna ang pinag-uusapan ng mga ito sa lugar na hindi siya kita ng mga ito.

“Alam mo ba nang malaman kong kayo na ni Callie, halos tumalon ako sa tuwa! Gusto ko pang mapakanta ng Hallelujah sa sobrang saya. Sa wakas nagka-lovelife na rin ang kapatid ko. Salamat, bro, ha? Hindi mo talaga ako kayang biguin,”

Tumawa si Arjun. “Ikaw pa ba ang bibiguin ko? Alam mo namang isa ka sa pinakamalakas na tao sa akin!”

Tumawa rin ang Kuya niya at inakbayan pa si Arjun. “Ang saya lang ng pakiramdam ko na sa wakas ay may lovelife na ang kapatid ko. Mabuti na lang talaga at inutusan kita na ligawan na siya. Simula kasi nang magkalapit kayong dalawa, nakita kong nawala na ang lungkot niya na duda ko nga sa nalalapit na pagpapakasal ko. Naging masaya na siya, and even feel happier for me. See? Effective ang plano ko na kapag niligawan o naging kayo ng kapatid ko, hindi na siya malulungkot. Happy happy na tayong lahat!”

Happy lahat? Paano ako magiging happy?! Sigaw nang malaking bahagi ng puso niya. Pakiramdam niya ay nanghina siya sa narinig niya. Ang buong akala niya ay niligawan siya ni Arjun dahil mahal siya nito at na-realize lang nito iyon nang dahil kay Ron. Pero hindi lang pala iyon ang factor ng lahat...o mas tamang sabihin na baka ginawa lang iyong dahilan ni Arjun para hindi nga naman niya ito mabuking na kaya lang siya nito sinabihan ng ganoon ay dahil sa utos rito ng kapatid niya?

Hindi na niya kinaya pang manatili sa labas at makinig sa sumunod na usapan ng mga ito. Pumasok siya sa loob ng kuwarto niya at doon na lang inilabas ang sama ng loob sa lahat ng nalaman niya. Bakit ba ang galing niyang mag-assume na mahal rin siya ng best friend niya? Na itinatago lang talaga nito ang totoong nararamdaman nito sa kanya?

Ngayon ay napatunayan na niyang mali lahat ng nasa isip niya noon. Hindi totoo na itinatago lang ni Arjun ang nararamdaman nito sa kanya noon. Dahil kung totoo iyon, hindi naman nito ino-open up sa kanya na matagal na siya nitong mahal. Nag-conclude lang siya. At mali siya at patunay na noon ang narinig niya ngayon.

Ginawa lang siyang nobya ni Arjun dahil utos iyon ng kapatid niya.

Tama nga ang Kuya niya na naging masaya siya nang nasa tabi niya si Arjun. Nagtagumpay ito sa misyon nito. Pero may side-effect iyon. And that was the hurt she was feeling right now. Niloko siya ng mga ito at pinagmukhang tanga.

Nagtulug-tulugan siya nang silipin siya ni Arjun at ng Kuya niya sa kuwarto niya ilang sandali pagkatapos nang mga narinig. Naramdaman niyang parang nanlumo pa si Arjun nang makita ang itsura niya. Gusto niyang harapin ang mga ito, magtanong kung bakit niloko siya ng mga ito. Pero parang wala siyang lakas na gawin ang mga iyon. Wala siyang lakas na harapin pa ang dalawa sa kabila ng nangyari.

It hurt a lot and it would hurt more looking at the people who cause the pain to heart.

HINDI pa man lumulubog ang araw ay parang sasabog na sa sakit ang ulo ni Arjun. Kahapon pa siya halos walang tulog dahil sa maghapon shooting at sa buong araw na pangungulit kay Callie. Tapos ngayon ay nadagdagan pa iyon nang malaman niyang umuwi ng Pilipinas ang magulang niya.

He was in deep shit these days and entertaining them will just make everything worse. Well, sa kaso lang pala ng kanyang ama. Ayos lang sa kanya na umuwi ang kanyang Mama lalo na at nami-miss na rin niya ito. Isama pang kailangan niya ito ngayon dahil sa problemang kinahaharap sa nobya. Pero ang kasama nito ang kanyang ama? Siguradong problema lamang ang ihahatid nito.

Simula nang nangyari ang issue tungkol sa kanyang ama ay bihira na niya itong kausapin. He already made a lot of pain in his life. Kahit ayon sa kanyang ina at ilang naging kaibigan sa India ay malaki na raw ang improvement nito ay parang balewala na iyon sa kanya. Masyado na siyang asar na makita ang pagmumukha nito dahil sa mga ginawa nito sa buhay niya. Pero hindi niya puwedeng takasan ito lalo na at kasama nito ang kanyang ina. Kagaya nga ng palagi niyang sinasabi sa sarili niya kapag nawawalan na siya ng pag-asa rito, “he was still his father. He was still his family.”

Kahit puro problema ang dala niya sa akin kahit iniisip ko lang siya.

Dapat ay kanina pa sila tapos sa pagsu-shoot pero dahil masyado siyang distracted ay marami siyang nagawang mali kaya paulit-ulit sila. Alam niyang naiirita na sa kanya ang mga co-stars niya pero ano bang magagawa niya? Ang dami niyang pinoproblema ngayon at dumagdag pa ang kanyang ama. Naka-pitong take sila bago niya na-satisfy si Rafael.

“Umuwi ka na at magpahinga,” payo nito sa kanya matapos ang take.

“Pasensya ka na, Pare. Alam mo namang namomroblema ako kung bakit ayaw akong kausapin ni Callie at ngayon ay dumating pa si Papa,” iiling-iling na wika niya.

Ilang araw na simula nang huli silang mag-usap ng normal ni Callie at hanggang ngayon ay hindi niya alam kung bakit. Nang unang araw naman nang pag-uwi niya sa Pilipinas ay okay sila. Pero pagkatapos noon ay bihirang sinasagot nito ang mga tawag at mga text niya. Ni hindi man lang siya nito binibigyan ng rason kung bakit.

Sinubukan niyang puntahan ito sa bahay nito pero hindi niya naabutan ito. Ayon sa mga kapitbahay ay kakaalis lang daw nito ng puntahan. Hindi niya tinigilan ang pagtetext rito para tanungin kung saan ito nagpunta. Pati si Kuya John ay sinubukan rin niyang contact-in pero unattended ang cellphone nito. Ayon sa iilang text na na-receive niya kay Callie ay naiwan daw ng Kuya nito ang personal cellphone nito kaya hindi rin nito iyon mako-contact. Ayon rin dito ay nagbakasyon lang ito at nais nitong huwag muna siyang makausap sa mga panahong iyon.

Hindi niya alam kung ano ang eksaktong dahilan ni Callie. Alam niyang may problema ito at ramdam niyang siya iyon kahit hindi nito iyon diretsang sabihin. Bakit naman kasi siya nito tatratuhin ng ganoon kung hindi? He hated the feeling that she didn’t speak out to him. Kahit ina-assure naman nito na okay lang ito at `wag siyang mag-alala rito ay hindi niya maiwasan iyon. May problema sila at gusto niyang ayusin iyon. But she doesn’t want to cooperate.

Napakarami niyang trabaho ngayon dahil nagsabay-sabay ang alok sa kanya na maging endorsers ng ilang brand. Tatlong linggo na kasing consistent ang pagtaas ng show kung saan kasama siya at siya raw ang dahilan kung bakit ganoon iyon. Pero sa halip na matuwa ay ni hindi niya maramdaman iyon dahil kay Callie. He kept thinking of her. And how will he be happy with those fortunes coming when the person whom he want share those is not with him?

“I understand. Pero payo lang, Pare. `Wag mong pakaisipin iyon. Hindi ba’t sinabi na rin niya sa `yo na kailangan niya muna ng space? Pagbigyan mo muna siya. Alam kong mahirap na hindi mo siya makasama pero paano kung ang naiisip niyang paraan ay lumayo muna? Sinabi na rin naman niya sa `yo na ganoon ang gusto niyang mangyari. Mahal ka ni Callie at sigurado ako na babalikan ka rin noon. Bigyan mo muna siya ng panahon. Sa ngayon ay ang sarili mo muna ang intindihin mo. Natatakot na nga ako sa `yo dahil parang ilang sandali na lamang ay magbe-break down ka na,”

Bumuntong-hininga siya. Siguro nga ay tama ito. Pero hindi pa rin niya tinigilan na tawagan si Callie sa abot ng kanyang makakaya. Naka-ilang dial pa siya sa cellphone nito pero sa tuwina ay hindi nito iyon sinasagot. Nang maramdaman niyang nanghihina na talaga siya ay tumigil na siya at sinunod ang payo ni Rafael. Umuwi na siya ng bahay.

Pagdating niya ay una niyang naabutan ang kanyang ama na sa sala. Sa lagay nito ay mukhang inaantay talaga siya nito. Nagtataka siya kung bakit. Hindi naman ganoon ang kanyang ama dati. Palagi pa ngang kapag darating siya ay palaging tulog na ito at tanging ang Mama na lang niya ang nag-aantay sa kanya. Pero ngayon ay parang gusto na nga niyang maniwala na nagbago na nga ito.

Tinignan niya ito. Malaki nga ang pinagbago nito. Nagmukha itong malinis dahil inahit nito ang mahabang balbas nito. Nanaba na rin ito at hindi na “groggy” look. Pero ang pinagtataka nga lamang niya ay kung bakit habang tinitigan niya ito ay parang umiikot yata ang paligid niya. Napahawak siya sa sofa na nasa tabi niya.

“Aap teek he kyaa?” narinig pa niyang wika nito bago tuluyang nagdilim ang paligid.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.