Isang linggo na ang lumipas simula ng huli kaming nag usap ni Janrick. Kung usap bang matatawag iyon. At hindi ko rin inaasahan na darating si Lenny upang sunduin ako. Nang sinabi ko sa kaniyang ipagbook niya ako ng flight pabalik sa America, hindi ko inaasahan na siya naman ang pupunta dito.
"Hoy maldita! Tumayo ka na riyan at may interview ka sa morning show dito sa Pinas!" Agad na singal sa akin ni Lenny na walang sabi sabing pumasok sa kwarto ko bitbit ang mga gagamitin ko. Dahil kararating niya lang kahapon dito na siya tumuloy sa unit ko para hindi na rin hustle. Pero ang pinagtataka ko kung paano siya nakapagbigay ng schedule about sa interview samantalang kahapon lang siya dumating.
"Interview for what? Please inlighten me, hindi pa sumasanib ang diwa ko sa katawang lupa ko." Sagot ko habang pupungas pungas at tumayo na para pumunta sa banyo.
"Beshy nakakatomboy ka naman!"
"May jetlag ka pa ba?" Kuryosong tanong ko. Ano bang pinagsasabi ng lokaret na ito?
"Gaga! Nagisingan ka na bang ganyan ni Janrick? O baka naman natulog na kayo ng hubad? Aba ang swerte niya huh!" Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni Lenny, hindi ko siya magets o sadyang hindi pa gumagana ang utak ko.
"Ano bang pinagsasabi mo? Honestly kinakabahan na ako sa'yo. Are you a lesbian?" I ask her.
"Bruha kilabutan ka nga, ang ganda ko para maging tomboy. What I mean is, did you really sleep like that? Ngayon lang kitang nakitang ganyan kaya medyo nawindang ako."
"Lenny natutulog akong hubad! At oo nakita na ako ni Janrick na nakapanty at bra lang. Nag sex na kami bakit may angal?!" Malditang sagot ko sa kaniya. Lenny and I become very close and best of friends since the day she work in the agency that Im working. Ngayon nga'y manager slash best friend at personal assistant ko rin siya
"Hey thats too much information! Huwag mong dungisan ang puri ko please lang!"
"Why? Are you still a virgin?"
"Di mo sure!" Napailing iling na lang ako ng hinagis niya ang tuwalya sa akin at lumabas habang tatawa tawa.
I took a fast shower and did my daily routine. I use the dress that Lenny gave me. Habang si Lenny naman ay may katawagan, nonstop! Ngayon ko lang siya nakasama sa bahay kaya naman medyo hindi pa maabsorbed ng utak ko na ganyan pala siya kapag may katawagan.
After a couple of hours, tinawag ko na si Lenny para ipaalam na okay na ako. Habang siya naman ay sumenyas lang at patuloy na nakikipag-usap sa kung sino man sa phone niya. Matiyaga naman akong naghintay hanggang sa matapos siya.
"Halika na sa baba nariyan na ang sundo natin." Hay sa wakas! Sa tinagal tagal niyang nakipag telibabad nakuha niya pa ring mag hire ng magiging personal driver namin. I can drive yes, but honestly nagrerent lang ako ng sasakyan dito. Whats the use of having a car here kung babalik din naman ako sa U.S right?
Nang makababa sa loby ay nakapagtatakang walang mga reporters. Tuloy tuloy kami sa garahe, at hinanap ang black BMW na sasakyan. Sakto naman lumabas ang driver mula sa itim na BMW na nasa tabi namin. But I got shocked ng makilala ko ang driver.
"Nico?"
"At your service Maam." Ang siste! Kailan pa naging driver itong baliw na kaibigan ni Janrick?
"Bakit ikaw ang driver?" Tanong naman ni Lenny sa kaniya.
"Because Im awesome?" Sagot naman ng hinayupak.
"Hala! May tagas braincells mo besh?" Hindi rin naman patatalo sa kabaliwan ang kaibigan ko.
"Pwede na siguro tayong umalis no? O gusto n'yong bigyan ko pa kayo ng ilang oras para mag talo?" Singit ko na sa kanila at baka hindi na kami makaalis, kung pababayaan ko silang mag paligsahan sa pagiging baliw nila.
Pumunta ako sa back seat, para na rin tahimik at makatulog pa ako ng kahit kaunti. Baka kasi pag tumabi ako kay Nico, tanong tanungin niya lang ako nang kung ano ano. Baka 'di pa ako makapagpigil masapok ko pa siya. Kaya naman si Lenny na lang sa harap, tutal pareho naman silang madaldal.
"Hey baby!"
"Ay pwet!" Anong ginagawa ni Janrick dito sa sasakyan? Nagdadalawang isip tuloy ako kung sasaky pa ba ako o hindi na.
"Baby, come on tabi tayo dito." Inirapan ko siya bago pumasok. Hindi ko naman siya kailangang intindihin. Hindi ako dapat na mag paapekto.
"Bakit narito ka?" Walang paligoy ligoy na tanong ko sa kaniya ng makaupo ako.
"May interview ako."
"Bakit 'di ako na inform na artista ka na pala?"
"Hindi ko rin alam na sisikat ako simula ng malink sa'yo". I rolled my eyes as he said that while smiling like a fool.
"Tigilan mo nga ako Janrick, wala akong panahon sa'yo!"
"Baby-"
"At 'wag mo akong ma baby baby please lang, break na tayo remember?" Bwisit na 'to, anong tingin niya sa'kin? Maaakit ako sa gwapo n'yang mukha at sa macho n'yang katawan? Well medyo marupok ako pag dating sa kaniya, pero hindi! Hindi na ko papatangay.
"Baby, hindi tayo nagbreak. Yes we had a fight pero walang break up. And no hindi ako papayag!" Sasagot pa sana ako ng bigala naman sumingit ang madaldal kong assistant.
"Pwede ba mamaya n'yo na ayusin yang issue n'yo sa morning show, mag kiss na lang kayo para bati na." Tumawa pa ang gaga sa sinabi niya.
"Who are you anyway?" Nico ask Lenny, while driving.
"Im half human and half goddess." Birong sagot naman ni Lenny sa kaniya.
"Ah, I thought, half human half engkanto."
"Ikaw kalahating tao kalahating gago!"
After a couple of minutes nakarating na kami sa lugar kung saan gaganapin ang morning show. Inaasahan kong may mga reporters na sasalubong sa amin pero nakapagtatakang kahit isa ay wala.
I saw Lenny talking to someone, probably one of the personnel in this show. Then she mouthed me be ready. After that I heard someone calling for our names. Yes its our names! Janrick Del Rio and Ayesha Mendez. Janrick held my waist and push me a little to walk inside, where the interview will be held.
The moment we enter I saw lots of people. And of course theres a lot of media reporters too. Kaya pala ni isang reporter ay wala akong makita na naglipana sa daan ay dahil halos lahat narito sa show ngayon. I used to be in the spot light but today I feel awkward, not because of those cameras flashes and people around us, but on Janricks presence.
"Lets all welcome our todays hottest and most talked about couple Janrick Del Rio and Ayesha Mendez." Nag palakpakan lahat ng manunood ang iba nag titilian pa, na para bang mga artista ang nakikita nila. Yes I'm a model but I didn't expect na may mga humahanga rin sa'kin dito sa Pilipinas. And what most shocking is they also screaming Janricks name.
Nang makaupo kami niyakap pa rin ni Janrick ang kamay niya sa baywang ko. Halata rin sa host ng morning show na kinikilig siya. Samantalang ako gusto ko ng sapukin itong katabi ko dahil parang tuko kung kumapit.
"You two looks really in love." Sabi ng host. Habang si Janrick ay nakatitig sa akin na para bang may mali sa itsura ko, na umani naman ng tili sa mga audience.
"Well to be start, how did you two met?" Tanong sa amin ng host na sinagot naman ni Janrick.
"She's my sexy little witch just beside my unit." Nagtilian na naman ang mga manunood dahil sa sagot ni Janrick. Habang ako naman ay hiyang hiya sa sinabi niya. Ang hayop! Mangkukulam daw ako!
"And he is my annoying neighbor beside my door!" Dagdag ko naman bago inirapan si Janrick. Wala akong pakialam kahit naka-ere sa t.v to.
"Ahh! Ang sweet, gusto ko rin kayong maging kapitbahay. So nagsimula ang lahat sa pagiging mag kapit bahay n'yo? Who fall in love first?"
"I think for me its, fall at first sight. I fall for her when I first saw her open her door for a pizza delivery guy. After that gusto ko na siyang laging makita." Janrick kiss my forhead after he said that while the audience screaming like crazy. Kahit ang host ay kinikilig din.
"Hey! Were on t.v moron!" Singhal ko sa kaniya bago inirapan na nakita naman ng host at 'di napigilang manukso.
"I think Miss Ayesha is blushing, aww so cute."
"Actually we're having a little fight, because my baby here is jelous. So i'd like to use this opportunity para magkaayos kami." Nanlaki ang mata ko ng sabihin niyang 'yon. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya sa show na 'to at sa harap ng maraming tao ang tungkol doon. Hanggang sa nagsimula na nga siyang mag paliwanag.
"Baby theres nothing going on between me and Nica, its only you. Maybe you heard us pero kung narinig mo lahat hindi ka sana magagalit. Yes, I did say that I love her, only because shes like a family to me. Please baby forgive me. I love you okay, ikaw lang wala ng iba." After he said that he kiss my lips and caught me off-guard. He deepen the kiss and when I start to kiss him back I realize that we're on a show. Napapanood kami ng buong mundo!
"I cant breath!" I unconsciously say that na narinig naman ng lahat. Halos mag patayan na ang buong manunood sa katitili dahil sa eksena namin ni Janrick. Peste nakakahiya! Ang rupok rupok ko!
"Oh my god! Iniinggit n'yo kaming lahat dito."
"Baby can you forgive me now?" Gusto ko na talagang lumubog sa kahihiyang nararamdaman ko. Kailan ba titigil si Janrick? The audiences started screaming while waiting for my answer. Kaya naman humarap na ako kay Janrick na nakatitig pa rin sa akin.
"Janrick were on t.v!"Sagot ko sa kaniya. Hindi ko napansin na nakataas pala ang mic ko kaya naman rinig ng lahat ang sinabi ko.
"I dont care. Wala akong pakialam kahit nasaan pa tayo, all I need is your forgiveness. At wala akong pakialam sa sasabihin nilang lahat, hindi sila ang nagpapakain sa'kin!" Naghiyawan na naman ang lahat ng manunood sa mga pinagsasabi ni Janrick. Pakiramdam ko naman ay pulang pula na ang mukha ko. Nang mapalingon ako sa gilid ng back stage nakita ko si Lenny na halos kalbuhin na si Nico kasasabunot dahil kilig na kilg din ang gaga.
I gave Janrick a serious look then answer him. "Okay I'll forgive you in one condition." The audience become silent while waiting for me to say my condition.
"Anything."
"Ligawan mo ko ulit!"
"Gladly baby!" The audience become wild again when Janrick said that. Malamang mataas na ang rating ng show na ito.
"Ladies and gentlemen lets give a round of applause for Janrick Del Rio and Ayesha Mendez. Once again thank you for coming into this show, we would like to have some time with you two but sadly we already reach the overtime." Sunod sunod na sabi ng host habang kami naman ay tumayo na para mag paalam dahil tapos na ang show.
Niyakap ako ni Janrick ng makarating kami sa back stage upang umuwi na. Hindi ako nakaganti ng yakap dahil nagulat ako sa ginawa niya. Pero mas nakakagulat ng halikan niya ako sa labi at sinabing I miss you so bad while still hugging me.
Dapat sana magpapakipot pa ako. Pero aarte pa ba ako kung gustong gusto ko rin naman? I also miss him hindi ko lang sinabi dahil alam kong lalaki ang ulo ng hudyong to. But still he have lots of time to prove how he misses me so bad, and Im just here waiting. Walangya ang rupok!