“Matagal nang naghahanap si Nikos ng assistant. Hindi si pwedeng magbiyahe ang sekretarya niya dahil may asawa na. Kailangan niya ng single na assistant. Para si Mandy, maiiwan sa office. Tapos may kasama pa rin siya kapag nagbibiyahe.”
“Thanks for the recommendation, Simone,” pasasalamat ni Arizona dito.
“Hindi na kayo pwedeng magbangayan sa trabaho ngayon.”
“I know. Nagkasundo na kaming mag-focus sa trabaho.”
“Nikos is a great boss. Walang mairereklamo sa kanya. Medyo may pagka-slave driver pero considerate naman siya sa mga tao niya.”
“I think you are right.” Dapat ay extensive ang magiging interview niya. Pero pinili nitong paikliin na lang para masundo niya sa ospital ang mommy niya. “Pero di kaya nagiging considerate lang siya dahil kaibigan ka niya?”
“Of course not! You deserve the job. Keep that in mind. Saka di ka ba natutuwa? Magkakasama na tayo sa hotel?”
“I’ll see you on Monday then.”
“Si Simone ba ang kausap mo, Arize?” tanong ng mommy niya. Unti-unti nang bumabalik ang lakas nito. Bilin ng doctor ay wag itong pag-alalahanin.
“Ibinalita ko lang po sa kanya na tanggap na ako sa trabaho.”
“Nabanggit sa akin ni Lillie na guwapo ang boss mo at kilalang playboy. Baka manligaw sa iyo, huwag mong sasagutin. Huwag kang basta-basta magtitiwala.”
“Nagpunta po ako doon para magtrabaho. Hindi para mag-boyfriend.”
“Huwag na huwag kang mai-in love. Masasaktan ka lang,” mapait nitong sabi.
“Hindi na po ninyo kailangang sabihin, Mommy. Alam ko po iyon.”
Wala siyang kaibigang lalaki. Marunong lang siyang makisama sa mga kasamahan niyang lalaki. Pero kapag may nanliligaw na, umiiwas agad siya.
Niyakap siya nito. “Tandaan mo ang ginawa ng daddy mo. Kung bakit tayo naging miserable dahil sa kanya. Kapag naulit sa inyong magkapatid ang nangyari sa akin, hindi ko na kakayanin.”
ARIZONA smoothed her skirt. Saka hinaplos niya ang buhok habang nakaharap sa salamin. Bago pumasok sa opisina ay pina-practice muna niya ang sarili sa restroom ng hotel. Gusto niya na kampante na siya kapag humarap kay Nikos. Isang linggo na siyang nagtatrabaho para dito at sa di pa rin nababawasan ang kaba niya tuwing nagkikita sila nito.
Pinangangatawanan nitong strictly business lang ang magiging relasyon nila. Makarinyo ito sa sekrataryang si Mandy pero sa kanya ay pormal ito. Which was fine with her. Sinusuklian lang naman niya ng pagiging pormal ang kapormalan nito.
Natigilan ang dalawang empleyado ng hotel nang makita siya. “Iyan ba ang executive assistant ni Sir?” bulong ng una. “Maganda rin naman pala siya.”
“Kinuha siguro siya dahil siya ang bagong girlfriend ni Sir Nikos.”
“Ano naman kaya ang mangyayari sa kanya oras na nakahanap si Sir Nikos ng bagong babae? Malamang matatanggal siya sa trabaho.”
Patuloy siya sa pagpapahid ng lipstick habang nagbubulungan ang dalawa. Excuse me lang, mga tsismosa. Hindi ako girlfriend no’n. Sa halip na magtsismisan kayo, magtrabaho na lang kayo, isip-isip niya.
She was wearing a smug smile when she left the powder room. Basta magtatrabaho siya nang matino. Although the idea of the being the topic of the gossip mill as Nikos’ girlfriend was irritating, she was not affected.
“Mukhang maganda ang araw mo at nakangiti ka,” puna ni Mandy nang dumating ito sa opisina at naabutan siyang nagsasalang ng kape sa coffee maker.
“Wala lang. Nalaman ko kasi na sikat ako dito sa hotel. Ang alam nila, ako ang girlfriend ni Sir Nikos.”
“Naku! Malamang iyon ang makakating-dila ng admin. Huwag mo na lang pansinin. Ugali na ng mga taong iyan na kung sino-sino ang pinagtsitsismisan. At si Sir Nikos ang paborito nilang pag-usapan. Lagi silang nakikipag-unahan sa mga tsismis sa press kung sino ang susunod niyang babae.”
“Sorry sila pero nagkamali sila ng pinagtsi-tsimisan. Coffee?” alok niya.
“Please bring me a cup of coffee too, Miss Calderon. I have something important to discuss with you,” pormal na wika ni Nikos na di nila napansing paparating. Saka ito tuloy-tuloy na pumasok sa opisina.
She straightened her skirt before she entered his private office with the coffee. Nakakunot ang noo nito habang nakatitig sa laptop. “Sir,” aniya at umupo sa harap nito para kumuha ng instruction.
“Send this report to the main branch in Athens. And get ready because anytime soon, we might flight down to Greece.” Nasa computer pa rin ang atensiyon nito habang kinakausap siya. She found it weird. Tuwing nag-uusap sila, kung di ito nakalikod sa kanya ay di siya nito tinitingnan.
“Yes, Sir. Would that be all, Sir?”
Tumango ito at nagsimula tumipa sa keyboard. “Thanks for the coffee.”
Am I repulsive that you don’t want to look at me?
Gusto niyang mainsulto. Yes, they disagreed a lot before. Tinanggap siya nito sa kompanya kahit di sila magkasundo. Pero kailangan bang di siya nito tingnan?
Ano bang inirereklamo ko? Di lang niya ako tinitingnan. Mas gusto ko na siguro iyon kaysa tingnan nga niya ako pero pagnanasaan naman ako.
Ibinuhos na lang niya ang atensiyon sa pagtatrabaho. Maraming email na dumating mula sa iba’t ibang branch ng La Brissa. She answered some of them. Mga simpleng issue na di na niya kailangan pang iparating kay Nikos. Ire-report na lang niya iyon kapag tapos na ito sa ka-meeting.
“Good morning, Sir Alonzo!” narinig niyang bati ni Mandy sa bagong dating.
“Good morning, Mandy,” sagot ng lalaki. “Is Nikos in?”
Saka lang siya lumingon sa lalaki. He was gorgeous. He reminded her of a Spanish Ilustrado. Very dignified and good looking. But unlike Nikos, he looked so serious. Iniisip tuloy niya kung kaibigan ito ni Nikos o hindi.
“Sasabihin ko na nandito kayo, Sir,” malambing na sabi ni Mandy.
Natigilan ang lalaki nang mapatingin sa kanya. “I believe we haven’t met. I am Alonzo Luminarez, Nikos’ friend.” Then he extended his hand to her.
Kinamayan niya ito. “I am Arizona Calderon, Mr. Theron’s executive assistant. It is a pleasure to meet you, Sir.”
Nanatili nitong hawak ang kamay niya. “Arizona Calderon? Are you the same Arizona Calderon who…”
“Yes, Sir,” putol niya sa iba pa nitong sasabihin. Ayaw niyang may ibang nakaalam tungkol sa naging engkwentro nila ni Nikos sa cruise ship.
He looked at her with disbelief. “Well, I am happy to finally meet the well-known Miss Calderon.”