Heartbreakers Series Chapter 30

Umiling siya. “I don’t believe you. Sinasabi mo lang iyan dahil mahal kita.”

Hinawakan siya nito sa balikat at tinitigan siya sa mata. “I used to fancy myself in love with Simone. For four months, I stopped dating other girls. Sinabi ko na siya lang ang babae para sa akin. That changed when I met you.

“Nang makita pa lang kitang galit na galit sa akin bago mo ako sipain sa pool, attracted na ako sa iyo. Natakot ako na masisira ako sa fidelity test ko kay Simone. I failed being faithful to Simone when I kissed you. I told myself that I won’t kiss you anymore. But I couldn’t help my self. Ni hindi nga ako na-guilty nang halikan kita. Before I knew it, I am helplessly in love with you and forget about Simone.”

“And it scares you?”

Tumango ito at kinintalan siya ng halik sa noo. “So much. Hindi ko kasi alam kung paano iha-handle ang nararamdaman ko. What if you don’t like me? Or what if I hurt you? Gusto kong magpagulpi para parusahan ang sarili ko nang umiyak ka. And I made you cry again. It’s killing me whenever I see tears in your eyes.”

Hinalikan nito ang mga mata niya. Then he claimed her lips gently. Na parang isa siyang babasaging crystal na maaring mawasak. But that kiss and his affirmation of love was enough to make her whole again.

“Nikos, tell me it’s a lie. Tell me you don’t really love me.”

He groaned. “Agape mou, what else do you want? Ihinarap na nga kita sa pamilya ko. Ikaw lang ang babaeng ipinakilala ko sa kanila. Nasabi ko na rin na ikaw ang babaeng mahal ko. They flew all the way from Athens just for this. Ganoon ka kaimportante sa akin. Pagkatapos ayaw mo pa ring maniwala?”

“Kung mai-in love ako, ayoko sa lahat ma-in love sa isang katulad mo. You remind me of my father. He loved to play around. My mother ruined her self because of him. And I don’t want that to happen to me.”

“Kaya nang malaman mo ang tungkol kay Simone, pinili mong umalis?”

Tumango siya. “Hindi dahil naduduwag ako. I already accepted the truth. You don’t love me. Gusto ko lang buuin kung ano pa ang natira sa sarili ko.”

“And you’ll leave me broken?” He traced her face as if she was a work of art. “We, Heartbreakers have an oath. We can’t break the heart of the girl we will fall in love with or else it would break ours. So I won’t dare hurt you. I love you, Arizona.”

He kissed her again. Hard and long. They didn’t care if they were under the scorching heat of the sun or the whole island was watching. She didn’t even hear his family cheering for him. All she could feel was the all-consuming love they share.

“CONGRATULATIONS, Arize! Ikaw pa pala ang makakatisod diyan kay Nikos. Basta di ako papayag na di maging abay sa kasal mo,” sabi ni Simone nang tawagan siya sa cellphone habang nanonood siya sa paglubog ng araw sa verandah ng villa.

“Ngayon ko pa lang siya officially naging boyfriend. Kasal na agad.”

“Sus! Doon din iyon papunta. Parang gusto ko rin yatang mag-cruise kapag nag-leave ako. Baka sakaling makahanap ako ng ipapalit kay Alonzo.”

Hindi siya nakapagsalita agad nang yakapin siya ni Nikos sa baywang at kintalan siya ng halik sa leeg. Mabilis niyang inilayo ang cellphone. “Nikos, kausap ko pa si Sim. Huwag kang magulo!” saway niya dito.

Inagaw nito ang cellphone sa kanya. “Simone, sa pagbalik na lang diyan kayo mag-usap ni Arize. Kasi masyado kaming busy ngayon. Don’t worry, dadalhan kita ng guwapong Greek. Kahit sampu pa basta huwag mo kaming guguluhin.”

Malapad ang ngiti nitong inilapag sa mesa ang cellphone. Pinanlakihan niya ito ng mata. “Nikos, that is so rude!”

Umupo ito at hinila siya nito sa kandungan nito. “Kasi ngayon lang kita nasolo. Kanina ka pa di iniiwan ng pamilya ko. Hindi mo na ako pinapansin,”

Kinintalan niya ng halik ang labi nito at yumakap sa leeg nito. “Huwag kang magpapaawa. Hindi bagay sa iyo.”

“Ano ba ang bagay sa akin?”

“You always act like a Greek god. So sure of his self and always gets what he wants. Masisira ang macho image mo kung masyado kang magpapaawa.”

“Wala naman akong pakialam sa macho image ko. Mas importante sa akin ang image ko sa iyo. Well, you met my family. When we go back to Manila, I want to meet yours. Kailangan ko pang paamuin ang Mommy mo.”

Mahina siyang tumawa. “Pakipot lang nang konti si mommy. Pero makukuha mo rin ang loob niya. Kung tutuusin nga, mas masungit pa ako sa kanya.”

“Yes, I don’t think I would have a hard time charming her.”

Tumayo siya at lumapit sa railings. “I really love Santorini, Nikos.” She would never forget the place where Nikos captured her heart.

“The villa is all ours,” bulong nito sa kanya. “Bumalik na sila sa Athens kasama si Theia Ariadna.”

Tinaasan niya ito ng kilay. “Tumalikod lang sila…”

“I respect you. I won’t do anything that would compromise your reputation.” Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa kanya. “All I want is a kiss.”

Lumabi siya. “Just a kiss?”

He grinned. “Make it a million kisses.”

Tumingkayad siya at yumakap sa leeg nito. “Filise me, agape mou.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.