Heartbreakers Series Chapter 43

Usad-pagong ang mga sasakyan. Bumilis lang ang daloy sa lansangan nang makalagpas na sa area na may baha. Pero malapit nang mag-alas siyete nang mai-park niya ang sasakyan niya. “Sana naman mahintay pa rin ako ni Marcoe. Basta pupunta ako sa date namin. Kahit bagyo hindi ako mapipigilan.”

Pagbukas ng elevator ay nagulat siya nang makitang nakasandal si Marcoe sa pinto ng condo niya. “What are you doing here? Sabi mo papunta ka na sa restaurant, hindi ba? Well, this isn’t the restaurant.”

He smiled smugly at her then buried his hands deep in his trouser’s pocket. “And you told me that you had just finished taking a shower. Di ko alam na sa labas na pala ang shower room mo. Sa ulan pa.”

She rolled her eyes. “Okay. I was stranded because of traffic and flood.”

“Get inside, chère. You’re soaking wet. Mukhang nakipaglaban ka sa bagyo.”

“Oh, I did that literally. Sumuong ako sa baha at bagyo. Bumisita rin ako sa evacuation centers.” Binuksan niya ang pinto. “I am sorry. Mukhang matatagalan pa ako. Paano ang reservation natin sa restaurant?”

Nagkibit-balikat ito. “It’s okay. I cancelled it.”

She whirled around to face him. “What? Di na tuloy ang date natin?” Parang sinasaksak siya sa puso. Last minute ba ay nagbago ang isip nito at ayaw na nitong makipag-date pa sa kanya. Samantalang excited na excited siya sa date nila.

“Dito na lang tayo magde-date sa condo mo. Ayoko kasing bigyan mo ako ng excuse para di matuloy ang date natin. Kaya tumuloy na ako dito.”

“Ano naman ang kakainin natin?” Puro instant at de lata ang pagkain niya dahil tamad siyang magluto.Kung di siya kumakain sa labas ay nagpapa-deliver siya.

He picked up a plastic bag. “Namili na ako ng gagamitin para sa pagluluto.”

Bumagsak ang mukha niya. “Marcoe, di ako marunong magluto. Ang alam ko lang kumain nang kumain. Sorry, ha?”

“Sino ang may sabi na magluluto ka? I will do the cooking,” he announced.

Napanganga siya. “Marunong kang magluto? Masarap ba naman iyan?”

He smiled arrogantly. “Bakit hindi mo na lang tikman mamaya?” Inilapag nito ang grocery sa mesa at bahagya siyang itinulak. “I can handle this, chère. Go take a shower now and I will take care of everything.”

SATISFIED NA pinagmasdan ni Reese ang sarili sa salamin. Her hair was in a French twist and she was dressed in a black sequined jumpsuit. Suot din niya ang diamond necklace at earrings na pamana ng namayapa niyang ina. She looked classy.

“Mabuti na lang nagpaturo akong maglagay ng make up kay Tita Harlene kahapon,” usal niya sa salamin habang naglalagay ng mascara. Ngumiti siya matapos I-apply ang lip gloss sa labi. “Baka magulat si Papa at kuya kapag nakita ako. Tiyak na hindi nila ako makikila. Maganda pala ako.”

Pinaghandaan niya ang date nila ni Marcoe. Kaya kahit sa condo lang niya ang date nila, dapat parang sa exclusive restaurant pa rin sila kakain.

Paglabas niya ay naka-set na ang table. Inabutan siya ni Marcoe ng isang kopita ng Rosé. “For you, mademoiselle.”

“Merci, Monsieur Arezmendi,” she thanked him with a smile.

Binigyan siya nito ng isang yellow rose. "Une belle rose convient à une beauté rare comme le vôtre. "

“Je suis désolé,” hinging paumanhin niya. “But my French is limited.”

“A beautiful rose befits a rare beauty like yours.”

“Well, you look handsome yourself tonight.” Di niya inaalis ang tingin dito habang iniinom ang Rosé. “This wine is great! Is this from your winery?”

“Yes. I think it is perfect for our dinner tonight.”

Namangha siya nang makita ang naka-serve na pagkain sa mesa. “Wow! Ikaw ang nagluto lahat nito?”

Tumango ito at inisa-isa ang pagkain. “Chicken with basil, pistou with seafood sauce and tarte au thon. Made of tuna and basil.” Bagay lang ang Rosé sa niluto nito.

“I am impressed. I have a handsome French guy with me, French wine and French cuisine is also served. Kulang na lang siguro Eiffel Tower para maramdaman kong nasa France ako.”

He let out a masculine laugh. “Bon appétit!”

Isa-isa niyang tinikman ang pagkain. She could help but moan everytime she put something in her mouth. “This taste great, Marcoe! Pwede ka nang mag-asawa,” biro niya. Nadagdagan tuloy ang paghanga niya dito.

“I am taking my time,” he answered as he cut the chicken.

“Who taught you how to cook?”

“My dad is a chef. May restaurant kami sa Bordeaux. Siya mismo ang namamahala doon habang hina-handle ang winery. When I am old enough to handle the winery myself, he became a full-time chef at the restaurant.”

“Who cooks better? You or your dad?”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.