Hearts Never Lie (Filipino) Chapter 6

Kumunot ang noo niya nang humarap si Vance na nakasuot ng tuxedo. Nawala ang masayang ngiti nito nang mapagmasdan siya. His eyes became hot and smoldering. Hindi niya alam kung di nito aprubado ang itsura niya na ito rin naman ang may gusto.

Pero bakit nanunuyo ang lalamunan niya sa init ng titig nito? Parang hinahaplos ng mata nito sa katawan niya dahilan para manlambot ang tuhod niya. Muntik na siyang matapilok nang nasa huling baitang siya ng hagdan. Bigla siyang napahawak sa hamba ng hagdan at naroon agad si Vance para alalayan siya.

"Hey! Are you okay?" tanong ni Vance habang halos magkalapit ang mukha nila. Drat! He looked gorgeous even in tuxedo. Wala na bang ipapangit ang lalaking ito? Kahit yata mag-doodle siya sa mukha at katawan nito ay astig pa rin. He could always take her breath away. No wonder women go gaga over him.

"You're late but you are worth the wait. Ano sa palagay mo, Vance?" tanong ni Mauricio na puno ng kasiyahan ang anyo.

Tumango-tango si Vance. His eyes were glassy as if he was on a daze. "She's really worth it, Ninong."

Nagkatitigan sila. Heto siya at nakatakdang makipag-date sa ibang lalaki pero sumisirko ang puso niya sa sa titig ni Vance. Anong problema niya? Makikipag-date siya sa ibang lalaki pero dito nagre-react ang puso niyang pasaway.

"Umalis na kayo dahil baka ma-late kayo sa party. Mag-enjoy ka, hija."

Akmang bubuka ang bibig ni Phoenix para itanong kung sino ang ka-date niya pero hinawakan na ni Vance ang siko niya. "Lets go, my princess." Puno pa rin ng tanong ang isipan niya nang igiya siya nito palayo.

Saka lang siya nagkaroon ng boses na magtanong nang sila na lang ni Vance sa kotse nito. "Nasaan na ang ka-date ko?"

"Sa party na lang,” kaswal na sabi ni Vance.

"At kailangan pa talaga ng glamorized chaperone kagaya mo? Sino ba ang ide-date ko at kailangang kasama ka pa?"

Kahit na sino pa ang ka-date niya, siguradong makakagawa si Phoenix ng paraan para madismaya ito sa kanya. Konting kalkal lang sa mga ginagawa niya bilang archaeologist at konting paninindak lang ay tiyak na makakalusot na siya. And walah! She would be back to Egypt. Ang problema lang niya ay kung paano matatakasan ang makakairitang presensiya ni Vance. He would be there to make sure that she won't screw up.

"Hindi mo ako chaperone. Ako ang ka-date mo."

"WHAT?" nanlalaki ang matang bulalas ni Phoenix at at hinagilap ng kamay ang handle ng pinto. Ang instinct niya ay tumalon na palabas ng sasakyan ni Vance.

Nag-hyperventilate siya. Si Vance ang ka-date ko. Si Vance ang ka-date ko.

Hindi niya inaasahan ito. Anong naisip ng tiyuhin niya at sa dinami-dami ng lalaki ay ito ang ipapa-date sa kanya? Mas gugustuhin pa niyang tumalon sa labas ng sasakyan at gumulong-gulong sa abalang kalsada ng EDSA kaysa maka-date ito. Subalit kahit anong hila niya sa handle ng pinto ay hindi iyon bumubukas.

"Huwag mo nang tangkaing tumakas. It's stupid to jump off a moving car. Buti na lang naka-power lock iyan,” anang si Vance sa amused the tono.

Umungol si Phoenix. Hindi magiging madali ito para sa kanya ito. Alam na ni Vance ang strategy niya para itaboy ang mga manliligaw niya. Knowing that she must endure a whole night with him as her date was horrible enough.

"I am not a monster," sabi ni Vance.

"You are worse than that," aniya sa naggigiyagis na ngipin. "You treat your women like trash. Pagkatapos mong gamitin at pagsawaan ay itinatapon mo na lang."

Nagsalubong ang kilay nito. "That's not a nice picture. Hindi ko alam kung paano mo nasabi iyan. Hindi pa naman kita nakaka-date o nagiging girlfriend. Nakausap mo na ba ang mga babae ko?"

Humalukipkip si Phoeniv at tumingin sa labas ng sasakyan. "No!" Hindi naman ganoon klaseng babae ang nakakasalamuha niya o kinakaibigan niya.

"Exactly. You didn't get that directly from the source. Baka gawa-gawa mo nga lang iyan. That's unfair, Phoenix. Kung talagang basura ang trato ko sa kanila, bakit nagmamakaawa silang bumalik sa akin. Handa silang gawin ang lahat huwag lang mawala sa buhay ko."

Umikot ang mga mata niya. "You are disgusting. Mga wala sigurong isip ang mga babaeng nagpapakahangal sa iyo."

Come on! Sinong babae ang papayag na itapon na lang basta pagkatapos paglaruan at magmamakaawa pa? Hindi siya magmamakaawa sa isang lalaki kahit na kailan. Kung ayaw nito sa kanya, mas lalong ayaw niya dito.

"And I dont think you are a stupid woman.” Ngumiti si Vance. “Kung sa palagay mo ay uutuin lang kita, hindi mo kailangang maniwala. Hindi ko na kasalanan iyon kung ma-inlove ka man sa akin."

"That's an unlikely scenario. Hindi iyon mangyayari iyon. Not in this lifetime. Never."

"Too bad. Hindi kasi ako tulad ng ibang lalaki diyan na basta mo lang maitataboy. Alam ko na ang strategy mo para itaboy mo ang mga lalaki sa paligid mo. Una, hindi ako insecure o takot sa boyfriend mo na royalty. And I have a thing for girls who like musty and old mummies for a boyfriend."

"Manahimik ka nga! Sabi mo sa akin hindi mo ako aasarin.”

Puno ng kompiyansa itong ngumiti. "I like you really. Bakit pa pumayag ako dito?”

Isinandal ni Phoenix ang ulo sa headrest ng upuan at pumikit. “Sana nalaman ko na ikaw ang ipapa-date sa akin ni Tito. Parang gusto ko nang magka-hyper acidity sa iyo."

"Meron akong gamot para diyan,” alertong sabi ni Vance at ngumuso sa compartment. “Buksan mo diyan. May mineral water din ako.”

"Smart ass! Why do you have the answer for everything?" she asked in an acidic tone. Wala siyang kawala dito.

"Bakit kailangan mo akong kontrahin nang kontrahin? Bakit hindi mo ako pagbigyan? Sabi mo sa akin pagbibigyan mo si Ninong sa sinumang gusto niyang ipa-date sa iyo. Hindi naman ako gagawa ng kahit ano maliban na lang kung gusto mo." At naglaro ang mapanuksong ngiti sa labi ni Vance.

Mariing nagdikit ang labi ni Phoenix at kinuyom ang palad. Naramdaman niya ang pamumula ng pisngi niya. Kailangan niyang pigilan ang pagsabog ng emosyon niya. Huminga siya ng malalim. Huli na ito para sa Tito Mauricio niya. Kaya niya ito.

"Fine. But keep your hands to yourself. O malilintikan ka talaga sa akin," banta niya. "Basta mag-behave ka lang.”

Just one night. Pero sa palagay niya ay hindi magiging madali ang lahat lalo na’t si Vance ang kasama niya. Hindi niya alam kung magbe-behave nga ito. O kung hanggang kailan ito kakayanin ng pasensiya niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.