Her Possessive Lover Chapter 19

Dali-daling nagbihis ang mga modelo dahil may celebration sila sa isang kilalang bar malapit sa venue.Most of them pinatong na lang ang mga damit nila.They used the swimwear as underwear na lang.

"Hurry up Shelly!We can't miss the party!" Raine tapped Shelly's arm lightly.

Kung sila natataranta sa pagbibihis para makaalis na,Shelly is sitting down sa harap ng malaking salamin sa dressing room,slowly removing her make-up.

Naka-simpleng black sleeveless top with jeans lang siya.

"Mauna na kayo Raine.I will wait for my boyfriend." Sabi niya sa dalaga na ready ng lumabas ng pinto.

Raine nodded and said," Sabagay kung ako din ang gf ni Jake Herrera, ganyan din ang gagawin ko.Kahit wala ng party!Sarap kayang papakin ng bf mo Shelly!" she said giggling while giving her a peace sign bago lumabas ng pintuan.

Natawa na lang siya.

"Una na kami ha?" It was Sam who spoke next.

Shelly nodded and smiled," Have fun!"

Biglang bumukas ulit ang pintuan.They saw Raine's half body na sumilip at may dalang bulaklak.

"Shelly! Flowers daw for you.From one of your admirers!" sigaw nito.

"You can have them Raine!" she yelled back while tying her hair in a ponytail.She did not even looked at the flowers.Narinig na lang niya na nag thank you ang kasamang modelo bago isinarado ang pintuan ulit.Palaging may nagpapadala sa kanya ng bulaklak and even chocolates after a show.Pero ni isa hindi niya inuuwi..Binibigay niya lang palagi sa mga kasama niya.Kahit nung hindi pa sila ni Jake,never siyang tumanggap .Lalo na ngayon.Pag nalaman ni Jake siguradong magagalit yun.

She was the last one to go out.Paglabas niya ng dressing room, a hand grabbed her arm.

It's Marco!

Hinila siya nito sa kanang bahagi ng corridor.Wala ng tao sa pasilyo.

"What are you doing here?" gulat na gulat na tanong niya.

" To see you.Di ba sabi ko hindi pa tayo tapos magusap?" he said while sneering.

"You're more beautiful now." Sabi pa nito while looking at her lips.

"Go away Marco! You can't stay here.Jake will be here any minute. Please naman..umalis ka na! " She pleaded to him in a nervous voice.

Anak ng tofu talaga! Ilang beses kaya siyang malalagot kay Jake ngayon ?Bingong-bingo na siya!

"Come to think of it, parang mas gusto ko na ngang magkausap kami ng gagong yun!" May lakip na galit ang boses nito.

Pilit kumakawala si Shelly pero ayaw nitong bitawan ang braso niya.Inilapit pa nito ang mukha niya sa kanya.

"Marco ano ba?!"tutol niya.

Biglang may humila dito at nakita na lang ni Shelly ang pulang-pulang mukha ni Jake!

Dahil sa gulat hindi nakaiwas si Marco nang sunod-sunod na suntok sa mukha niya ang pinakawalan ni Jake.

"Babe!Tama na!" sigaw ni Shelly but her boyfriend doesn’t seem to hear her.He continued smacking her ex.

Takot na takot siya na napa-atras palayo sa dalawang lalake.Duguan na ang mukha ni Marco.Hindi man lang ito makalaban dahil sa galit ni Jake.Halos walang pagitan ang pagsuntok nito.

Noon naman saktong dumating sila William.Ito ang unang umawat kay Jake na wala pa ding tigil sa pagsuntok sa halos wala ng malay na si Marco.Tumulong na din si Thomas sa pag-awat kay Jake.

"SHIT! Jake tama na! Baka mapatay mo!" sigaw ni Thomas.

Nilapitan ni Kim si Shelly at niyakap.Takot na takot din ito.Si Sandra naman nasa isang tabi at parang namatanda.

"Kim!" naluluhang sambit ni Shelly habang hinagahod ng hipag ni Jake ang likod niya.Yakap siya nito.

"Talagang papatayin ko ang tarantadong ito!" sigaw ni Jake.

Natigil na din ang pagbugbog nito kay Marco.Pero habang nilalayo ng magkapatid si Jake,nasipa pa din nito si Marco na nakahandusay.

"PUTANGNA! Pag nakita pa kitang lumapit kay Shelly,tutuluyan na talaga kita!” galit na sabi ni Jake.

Tumagilid si Marco habang namimilipit ito sa sakit matapos tamaan na naming ng sipa ni Jake.

"Tama na sabi eh!" galit na sigaw ni Thomas.

Kumawala si Jake sa mga kapatid.Nakita nito si Shelly na yakap ni Kim sa dulo ng pasilyo.Lumakad siya papunta sa kanila.Nakatalikod si Shelly dahil nakayakap sito kay Kim.Si Kim ang nakaharap kaya kitang kita nito ang madilim na mukha ng bayaw.

Out of instinct she said," No Jake!" nang akmang hahablutin nito si Shelly.

"Jake!" sigaw din ni Thomas.

Nagulat si Shelly ng bigla siyang hinila ni Jake palayo kay Kim.

"Bro!Anong gagawin mo?" gulat na tanong ni William.

"Babe! " napangiwi si Shelly sa sakit dahil sa mahigpit na hawak ng nobyo sa braso niya.

"Jake, I think hayaan mo munang sumama si Shelly sa bahay.Palamig ka muna.Tsaka na kayo mag-usap." Suhestiyon ni Thomas sa mas mababang boses.

Nasabi ni Thomas yun dahil sa hitsura ni Jake ngayon baka kung ano pa ang magawa nito sa nobya.

"You all stay out of this!" sabay kaladkad ni Jake kay Shelly palabas

--------------

"Babe!Please,nasasaktan ako!" reklamo ni Shelly.

Ikaw ba naman ang kaladkarin while you have pumps on.Kahit ba naman takot na takot siya kay Jake kung halos naman matalisod at masubsob na siya hindi ba siya magkakalakas loob na magreklamo? Idagdag pa na halos wala na yatang dumadaloy na dugo sa braso niya dahil sa higpit ng hawak sa kanya.

Mukhang natauhan naman yata ang nobyo kaya binitawan ang braso niya.

"Walk faster!" utos nito habang masama ang tingin sa kanya.

Halos lumipad ang kotse sa bilis na pagpapatakbo ni Jake.Nakapikit na si Shelly sa takot.

"B-babe..please slow down." Pakiusap niya.

But parang walang naririnig ang lalake.Ganito talaga si Jake pag nagagalit mukhang nabibingi din yata.But of course naririnig ni Jake lahat ng sinasabi ni Shelly.But he chose not to answer.Medyo nabasawan ng konti ang galit niya ng mabuhos niya sa gagong lalaking yun.Nagdilim talaga ang paningin niya kanina ng makita nitong parang hahalikan ang nobya niya.Kung hindi lang dumating ang mga kapatid niya malamang nalumpo na niya ang tarantadong yun.Hindi niya alam kung maniniwala pa siya sa mga sinabi at pinakitang pictures ni Trish sa kanya kaninang umaga.Kung sabik si Shelly na makita yung gagong yun bakit kanina parang the fucking bastard was trying to force himself on her? Pwede din naman na takot lang si Shelly dahil alam niya na andun siya and siguradong mahuhuli sila.At tsaka bakit andun ang hayup na yun? Hinampas niya ng malakas ang steering wheel na ikinagulat ni Shelly.

“FUCK!” mura niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.