Kinailangan pa ni Alex na suhulan ang gwardiya para malaman kung saan ang unit ni Jake Herrera.Medyo uminit ang ulo niya kasi hindi lang pala simpleng girlfriend ni Jake si Shelly.They are living together.Sabagay sa bilis ba naman sa babae ng gagong yun magtataka pa ba siya?
Pero okay lang sa kanya yun.He grew up in the States so wala namang problema.Hindi pa naman sila ni Shelly.Ibang usapan na pag sila na.He wants to see her pero kailangan muna niyang magtiis.Umpisahan muna niya sa simpleng pagpaparamdam.Napangisi siya sa alam niyang magiging reaksiyon ng gagong si Jake Herrera.
Shelly let out a sigh. Parang padami ng padami ang rules,huhuhu.Aabot kaya ng ilan?
Rule #5 Bawal siyang pumunta sa coffee shop sa baba at bawal siyang lumabas ng condo ng walang kasama.
Yung cellphone na binigay sa kanya ni Jake,iilan lang din ang contacts na kilala lahat nito. Hindi naman sa nasasakal siya. (wehh?) ..O sige! Slight lang siguro.Pero okay naman din sa kanya ang mga rules ni Jake kasi hindi din naman siya mahilig lumabas.Tapos nakakailang din naman yung mga pictorials na super sexy.May nag-offer dati sa kanya to pose for men's magazine pero tinanggihan niya.Okay pa ang mga swimwear or lingerie sa mga catalogs.Hindi mo naman kailangan na maging seductive kasi halos mga babae ang market mo na bibili ng mga minomodelo mo.Unlike sa men's magazine na dapat nang-aakit talaga ang mga mata at poses mo.Idagdag pa na halos wala ka nang saplot.
Yung sa phone naman niya okay din kasi hindi na siya matatawagan ng stepsister at ng stepmother niya.May kasabihan nga na..look at the bright side.
Gagabihin daw si Jake dahil kailangan nilang ilabas ni William yung mga kliyente nilang Chinese.Ano ba ang pwedeng gawin? Nakakainip din naman kasi 7 PM pa lang baka mga 11 na makakauwi si Jake.
Her phone rang.
"Kim?" tanong niya.
"Shelly,magbihis ka! Sunduin kita in half an hour." Sabi nito in her usual cheerful self.
"Ha? Saan tayo pupunta?" She asked.
"Basta! May date tayo! Alam na ni Jake kasi pinagpaalam na kita." Sabi nito.
Yes! At least hindi na siya ma-bobore.Si Kim naman ang kasama niya kaya pumayag nga siguro si Jake
"Okay.What do I need to wear?" excited na tanong niya sa hipag ng nobyo.
"Anything na comfortable ka."
"Okay.Sige see you later.Thanks Kim." She said happily.
(At the Herreras..)
When Kim ended the call,she looked at her mother-in-law.
"Ma? Magwork kaya ang plano natin?" tanonng nito.
Actually di pa niya pinagpaalam si Shelly sa bayaw.Alam niyang hindi sasama ito if alam nito na hindi pa pumapayag si Jake.
"Subukan natin.Kawawa naman si Shelly.Nakausap ko si Celia kanina grabe naman pala talaga ang higpit ni Jake.Hindi naman siguro magagalit yun kung tayo ang kasama ni Shelly di ba?" medyo duda din ang mama ni Jake.
"Bahala na ma! Hindi din naman natin siya masolo dahil halos palaging nakasunod si Jake pag andito sila sa bahay." Kim sighed.
"Ewan ko ba sa batang yan.Hindi naman dating ganyan yan di ba?Naninibago sa nararamdaman niya kay Shelly kaya sumobra naman.He needs to loosen up." Mrs.Herrea said.
"I know they are having dinner now with the clients.So malamang bago mabasa ni Jake ang text ko kasama na natin si Shelly." Sabi ni Kim sa biyenang babae while typing her message to Jake.
---------------------
The three women went to a fancy restaurant.According to Kim,may bonding time din silang mga babae.They do it once or twice a month.
Hindi lang nakasama si Sandra ngayon because she's at her bachelorette party.Kim decided not to go.She faked a headache kasi hindi din naman pinayagan ni Jake si Shelly and she doesn't really like Sandra anyway.Besides last minute, parang umayaw na din si Thomas na pumunta ang asawa.Sabi nito may narinig ito na malamang maging wild ang party dahil sa mga kaibigang modelo at starlet ni Sandra.
"Sana palagi ka ng makasama sa amin Shelly."Kim said." Di ba ma, mas magaan kasama si Shelly ?" tanong nito sa biyenan.
Ngumiti lang ang mama ni Jake.
"Alam mo naman na basta mahal ng mga anak ko,okay na sa akin.Ang palagi naming iniisip na mag-asawa,hindi naman kami ang makikisama."
"In short Shelly,hindi din feel ni mama si Sandra.Sana nga mauntog na si Will." Seryosong sabi ni Kim.
"Tita!" a female voice come from nowhere.
"Cassie?" tanong ng mama ni Jake.
Shelly looked at the woman.Maganda ito.Morena pero makinis ng balat.She's wearing a black tight-fitting one piece dress na may slit sa gilid.It's above the knee.Just below her ears ang straight jet-black hair nito.Bagay na bagay sa babae.She's taller than Shelly and has bigger boobs.Shelly is just 36 cup C mukhang 36 D yata ang babae.
Kim looked uncomfortable.
Yumuko ang tinawag na Cassie para bumeso kay Mrs.Herrera.
"Kumusta tita?" sabi nito sa boses na feeling ni Shelly masyadong maarte.
"Okay naman,thank you for asking! Nice to see you.By the way," sabay tingin kina Shelly at Kim,'Si Kim kilala mo na di ba?"
The woman smiled and nodded at Jake’s sister-in-law.
Then si Shelly naman ang tinignan ng ginang." Si Shelly,girlfrend ni Jake."
Shelly smiled at Cassie .For a second or two napansin niya na nag-iba ang mukha ng babae pero mabilis lang yun.Baka nga hindi man lang napansin ni Kim and Mrs.Herrera.
"Hello" sabi nito sa surprisingly malambing na boses.
"Ah tita,I heard na may dinner sa bahay niyo this Sunday. Is that true?" Ibinalik nito ang tingin sa mama ni Jake.
"Oo." Sabi ng ginang na nakangiti." I hope pumunta ka."
"Sure tita! I miss the old days." Makahulugan na sabi nito.
Tahimik si Kim which is kind of unusual.
"I have to go tita,my friends are waiting for me.See you sa Sunday na lang."bumeso ulit ito kay Mrs.Herrera.
She nodded at Kim then kay Shelly.
Paalis na ito ng biglang lumingon and she had her eyes directly at Shelly." Please say hi to Jake for me." Sabi nito with a smile that doesn't reach her eyes.