Her Possessive Lover Chapter 33

The ringing of her phone woke Shelly up.

Si Pat! Gosh she almost forgot ngayon nga pala yung lakad nila.

"Pat," she answered in a little groggy voice.

"Bestie! Kakagising mo lang?" gulat na sabi nito.

"Anong oras na ba?" medyo antok pa na sabi niya.

"OMG bestie! 10 AM na kaya! Di ba usapan natin 12?Pinuyat ka na naman siguro ni papa Jake no?" panunukso nito.

When she heard the time,Shelly auomaticaly got up.

"PAT! Hindi pa pala ako nagpapaalam kay Jake!" alalang sabi ng dalaga.

Tama si Pat.Napuyat talaga ang dalaga kagabi.Mag aala- una na sila nakauwi ni Jake.Nag-performance level pa si Shelly pag-uwi nila.Para maisip ni Jake na mas malaki nga ang boobs ng babaeng anaconda sa kanya pero mas masarap siya..Sex is always great and for sure naman makakatulong yun para mahalin na din siya finally ng nobyo.Dapat ngang theme song nila is Adik Sayo.

--------------------

Jake was busy checking some papers when his mobile phone started to ring.

A smile formed on his lips as he remembers how wonderful Shelly was a few hours ago. She is really amazing..in and out of the bed.

"Hello babe," he greeted throatily.

"Good morning babe." Malambing na sagot ng dalaga.

He thought na kahit naka-ilang round sila kanina,just hearing her voice arises a lot of feelings inside him.One of those feelings would be carnal pero alam ni Jake meron pang mas malalim dun.

"Kakagising mo lang?" he asked.

"Yup!Hmmm..b-babe? I forgot to ask you last night.." Shelly intentionally left her sentence unfinished.

He frowned," Ask me about what?"

"K-Kasi nagpapasama si Pat na maghanap ng isusuot niya for the 25th anniversary ng magulang niya." Her voice sounded a little shaky.

"Di ba nagkita pa lang kayo last Saturday?" he asked habang naka-kunot ang noo.

"Babe kumain lang kami nun eh.Di ba nga mahigit isang oras lang kami mag-kasama?Sige na babe please.Magtatampo yun pag hindi ko sinamahan." Pakiusap ng nobya niya.

Silence.

"Okay.Anong oras kayo magkikita and saan?" he wanted to know.

"12:00.Sa Glorietta Makati."

Jake sighed." Okay be home around 4.Pa-drive ka kay mang Eddie.Don't wear anything I don’t like!" Utos nito.

"Okay.Bye, babe." She said.

Actually ayaw sanang payagan ni Jake ang nobya dahil lately hindi pa din siya kampante kapag hindi siya nito kasama.Kahit may bantay ito like mang Eddie or ni Belmonte,iba pa din pag siya ang kasama nito.Pero sabi nga ng mga kapatid niya,he needs to loosen up a bit.Baka masyado ng masakal ang mahal niya.

Oo mahal niya si Shelly.Hindi pa nga lang niya nasasabi.Hindi siya sanay sabihin ang mga salitang yun.He's afraid of rejection.He wants to be sure na pag sinabi nya ang mga salitang yun sa nobya niya,she also feels the same.He'll even use sex to make her always wants him as much as he wants her Eventually, she will feel the same for him.

-----------------------

"Bestie!" kaway ni Pat kay Shelly.

Nasa malapit sa entrance mall si Pat,kaya nakita agad ni Shelly pagpasok nito.Tsaka sa liwanag ng suot nito makikita talaga siya agad.Naka red na blouse ito at orange na jeans.

Shelly sighed.Para namang hindi niya tinuturuan ang kaibigan niya na mag mix and match ng damit. She on the other hand is wearing a dark blue jersey blouse and black bootleg pants.Naka wedge siya na dark brown.Nakalugay lang ang buhok nito Hindi naman niya kailangan ng make-up.Natural na makapal at maganda ang hugis ng mga kilay niya.Her eyelashes are thick, long and curly.Her cheeks have a pink glow in them.Nag-apply lang siya ng dark red na shade of lipstick. She is really eye-catching.She doesn't only have a sexy body and a lovely face.Malakas talaga ang appeal kumbaga.Dahil na din siguro sa training niya sa modeling,nahasa talaga siya on how to carry herself well.Kung kasama niya ngayon si Jake baka madami ng nabugbog ang nobyo niya sa dami ng mga lalaking napapalingon sa dalaga.

"Pat! Sorry na-late ako ng konti.Hinintay ko pa kasi si mang Eddie.Kasi last minute na nga ako nakapagpaalam kay Jake so galing pa si mang Eddie sa bahay ng mga parents niya." She said in a bit strained voice.

"Okay lang yun Bestie! Halika mag-juice muna tayo sa foodcourt." Sabay hila kay Shelly.

"Pat,mamili na tayo kasi 4:00 PM ang curfew ko.Mamaya na tayo mag-snack." Alalang sabi ng dalaga.

Pero parang walang naririnig si Pat hila-hila pa din niya ang kaibigan.

"Ngii! Bestie dati 6 ang curfew mo ngayon 4? Paaga ng paaga!" reklamo ni Pat.

"Kasi nga nagkita pa lang tayo nung Saturday."

Shelly sat down on a vacant table while Pat got their orders.She checked her phone baka may text or missed call si Jake.

"Bestie heto na!" Sabi ng kaibigan matapos ibaba ang carrot juice on the table.

"Akala ko ba juice lang?" She eyed Pat's foot long sandwich,fries, a tall glass of soda and orange juice.

"Hindi ako nag-breakfast and lunch." Palusot nito na ikinailing na lang ng ulo ni Shelly.

"Pat,ano ang pinag-usapan niyo ni Alex pag-alis ko?" Naalalang itanong ng dalaga sa kaibigan.

Her friend released a knowing smile," Uy bestie masama na yan ha? Bakit gusto mong malaman?"

"Tigilan mo nga yan Pat! Kilala kasi kita.Madali kang suhulan lalo na if pagkain ang pag-uusapan." Sabi niya dito sabay tingin ng masama.

Pat has a guilty look kaya ramdam ni Shelly na tama ang hinala niya.Naningkit na ang mata niya habang ninenerbiyos na sinisipsip ni Pat ang juice nito.

" Wala naman bestie! Tinanong lang niya ang mga gusto mong pagkain,hobbies..mga ganun lang." hindi makatingin sa mata ng kaibigan si Pat.

"Sigurado ka na yun lang?" may dudang tanong ni Shelly.

Silence.

"Bestie,actually may kasalanan ako...." Mahinang sabi nito.

Sumandal si Shelly sa upuan and looked at her friend with creased brows.

"Kasi nadulas ako eh.Mukha talagang intresado sayo si baby Alex.Sa dami ng tanong niya siguro nalito ako...nasabi ko na magkikita tayo ngayon..."

Nasapo ni Shelly ang noo niya.

"May boutique pala dito ang tita niya.Sasamahan daw niya tayo para maka-discount ako.Kaya hintayin lang natin siya kasi papunta na siya." Sabi nito sabay peace sign kay Shelly.

"Bestie sorry."Nag-apologize si Pat ng makita niyang lukot na lukot ang magandang mukha ng kaibigan.

"Pat, hindi ko alam ang sasabihin ko.Di ba sabi ko iniiwasan ko si Alex kasi ayaw ko ng gulo.Hindi ko alam anong gagawin ni Jake pag nalaman niya na nakakasama natin si Alex." There's disappointment and worry in Shelly's voice when she said.

"Promise bestie,last na to.Nadulas lang talaga ako.Nasabi ko kasi na magpapatulong ako sayo para sa isusuot ko sa wedding anniversary nila mama.Tapos nabanggit ko na ngayon nga tayo magkikita." Malungkot na sabi ni Pat.

"Please Pat,next time huwag kung ano-ano ang kinukwento mo kay Alex about sa akin."

"Oo promise bestie." Nag cross my heart pa ito.

"Pero alam mo bestie,mukha talagang seryoso si baby Alex sayo.Kitang-kita ko sa kanya na gagawin niyang lahat para magustuhan mo din siya."

"Hindi kami pwede Pat."

Tinignan ni Pat si Shelly ng matiim."Bestie? In-lab ka na kay papa Jake?"

Deretso lang na tinignan ni Shelly si Pat.Natakpan ng huli ang bibig niya.Tapos ngumiti ito ng pagka-lapad-lapad.

"OMG bestie! Super like na like ko yan! Bagay na bagay kayo ni papa Jake.Kelan ang kasal?"excited at kinikilig na tanong nito.

Shelly looked away.

"Wala pa Pat.Hindi ko naman alam if he feels the same."

"Susme naman bestie! Love ka din nun.Kita mo naman kung pano magselos as in grabe!Tapos haling na haling sa alindog mo.Sure na sure ako na lab ka din ni papa Jake!"

"Sana nga Pat.Kaso minsan hindi naman enough lang ang sex sa isang relasyon.Pero ginagawa ko naman lahat para mahalin din niya ako."

"Bestie,sino ba naming lalake ang tatanggi at hindi mag-mamahal sayo?Kita mo nga palagi napapa-away si papa Jake sa mga nagnanasa sayo." biglang natigilan si Pat,"Actually padating na ang isa sa kanila." she said while looking behind Shelly.

Alex is wearing a plain white v-neck shirt .Naka-dark maong pants ito.He has loafers on.He looks dashing.Kung wala siguro si Jake sa buhay ni Shelly may chance na maging sila.

He is beaming as he approaches them.Litaw na litaw ang dimples.The women around him obviously are feasting their eyes on this very attractive man.

The three of them started going inside shops.Napagusapan na tumingin-tingin muna sa iba si Pat and last silang pupunta sa shop ng tita ng binata.Kung titignan mo si Alex at Shelly para silang mag-nobyo.They make a lovely couple.Shelly felt uncomfortable sa mga titig sa kanya ng binata.Ang bruha naman niyang kaibigan kilig na kilig lang.

Nasa boutique na sila ng tita ni Alex and habang nagfi-fit ng damit si Pat , Shelly's phone rang.She excused herself and lumabas siya sa shop to answer the call.Alex frowned.Sinundan niya ng tingin ang dalaga as she went near the entrance of the shop.

"Babe?" Shelly asked Jake na nasa telepono.

"Asan ka na?" he sounds a little irritated.

"Andito pa babe."

"It's 3:00.Baka abutan kayo ng rush hour ni mang Eddie."

"Oo uuwi na din ako.Nagsusukat lang si Pat.After that aalis na ako." She assured her boyfriend.

"Anong suot mo?" Jake wants to know.

"Jersey blouse,bootleg and..."

"Shellly.Pat wants you." Came Alex's voice behind Shelly.

She froze.OMG! Why oh why, Alex?--Sigaw ng isip niya.

She looked at him.Nakangiti ito ng matamis. She heard Jake's ragged breathing.

"WHO THE FUCK IS THAT?!!" sigaw ni Jake.

Anak ng tofu! Anong sasabihin at gagawin ni niya?

"B-babe.."

"PUTANGNA!!"SINO YUN???!!" galit na galit na tanong ni Jake.

Alex saw that Shelly's face turned white.Ramdam niya na galit na galit ang gagong Herrera na yun.Di ba yun naman ang gusto niya?But he needs to do something.He can't bear to see Shelly like this.Takot na takot.

He got the phone from her hand.

Nagulat ang dalaga.She tried to get the phone back.Her face is panic-stricken.He made a gesture with his left hand,signaling to her to keep quiet.

"SINO ANG GAGONG YUN??" Alex heard Jake's thunderous voice.

Gustong-gusto na niya na magpakilala.But he saw Shelly's pale face.

"Hello.Pinsan ako ni Pat." Kunway pakilala niya kay Jake.

Silence.

"BAKIT KASAMA MO ANG GIRLFRIEND KO?" rasped Jake.

"Hindi ko siya kasama,sir.Nagtatrabaho ako dito sa shop na pinuntahan nila." Alex said sa malumanay na boses.

"GIVE THE FUCKING PHONE TO MY GIRLFRIEND!!"

Alex looked at Shelly and he saw that she's a little relieved.He handed her the phone.

"B-babe.."Shelly's voice sounded shaky.

"Umuwi ka na!Be home in less than an hour or else...." Pagbabanta nito sa malamig na boses, sabay baba ng telepono.

----

Jake's hands are clenched.

PUTANGNA! Hindi niya alam ang naramdaman niya kanina ng marinig niya ang boses ng tarantadong lalaking yun.Parang sasabog sa galit ang dibdib niya.

SHIT!! Wala na siyang pakialam! Masakal na si Shelly kung masasakal.He will make additional rules.Kesa naman maging kriminal pa siya sa tindi ng pagseselos niya sa mga basurang nakapaligid sa nobya niya.

-----

"Alex,salamat." Shelly said in a quiet voice.

"Wala yun.Sorry hindi ko naman alam na siya pala ang kausap mo."he sounded apologetic.

"Magpapaalam lang ako kay Pat.Kailangan ko ng umuwi."Sabi ng dalaga bago bumalik sa loob ng shop.

Tumango lang ang binata.Walang kamalay-malay ang dalaga na pinlano talaga niya yung kanina.He got jealous of Jake.He wanted to hurt that asshole pero nung makita niya ang takot sa mukha ni Shelly,he changed his mind.Madami pa naming ibang pagkakataon.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.