Shelly woke up the next morning na wala na sa tabi niya si Jake.He came home late last night.She felt na galit pa din ang nobyo sa nangyari kagabi.He came home drunk.Mga 12:30 AM na yata ito umuwi.In fairness sa yummy pero mainitin ang ulong bf niya,kahit lasing or galit kagabi, he still made love to her.
Mamaya she'll prepare dinner for him para naman makabawi siya.She then decided to take a warm bath.Tutal wala naman siyang balak umalis ngayon.
She was having brunch while she was checking her text messages when the landline rang.Wala si manang Celia nagpunta sa grocery to buy some stuff.
She took a bite of her toast before going to the living room to get the phone.Naisip niya na for sure hindi naman si Jake ang caller.Unang tumatawag si Jake sa cp niya then if she's not answering,he'll call using the landline.Wala naman message or tawag si Jake on her mobile phone.
"Hello" bati ng isang babae in a husky voice.
Naisip ni Shelly na hindi naman siguro heavy breather to ang aga-aga.Tsaka babae.Unless si Jake ang pinupuntirya? Biglang bumangon ang inis sa dibdib ng dalaga.
"Yes?Who's this?" mataray na tanong niya.
"Hmm..hindi naman na importante kung sino ako." Came the husky reply.
Tumaas ang kilay ni Shelly.Kahit hindi niya nakikita ang kausap,she's pretty sure na ka-level ni Sandra or Cassie sa kaartehan ang babaeng nasa kabilang linya.
"What do you want, miss ka ba or misis?" pang-aasar niya.
"Nagpapatawa ka ba?" galit na tanong nito.
Nangiti si Shelly.Pikon naman pala.Biglang nawala ang kaartehan sa boses.Kaya naman palang magsalita ng normal eh.Sa phone lang aarte-arte pa kasi.
"Sino ba ang gusto mong makausap? Baka you've dialed a wrong number?" she asked in a sweet tone.
"I am pretty sure that I have the right number." Maarte na namang sabi ng babae.
Nauubusan na ng pasensiya si Shelly.She sighed.
" Pwede ba? I am in the middle of my meal.Kung may sasabihin ka or ipagbibilin for someone, please tell me now.Wala akong time makipag phone pal." Bugnot na sabi niya.
She heard the woman's heavy breathing.Wow naisip niya,ito pa ang ganang magalit? Ito na nga ang nang-iistorbo.
"Masyado ka naman yatang kampante sa lahat ng bagay,Shelly." The woman said sarcastically.
Kilala siya nito? But how? Wala naman siyang binigyan ng landline number nila.Kahit si Pat hindi alam ang number dito.
"Sino ka ba?And why do you know me?" she asked curiously.
"Now, I really got your attention, huh?" tumawa ng mapakla ang babae.
"Please,ano ba talaga ang kailangan mo?"
"Do you really think na seseryosohin ka ni Jake?"mataray na tanong nito.
OMG! Malamang isa sa mga ex ni Jake ang bruhang ito! Biglang bumangon ang galit sa dibdib niya. Walanghiyang lalake yun,mukhang alam lahat ng ex nito ang number ng landline! Halos murahin na talaga niya sa isip niya siJake. Kung kaharap lang niya ang nobyo baka naibato niya ang telepono dito dahil sa inis niya.
"Nilalaspag ka lang niya.Then after magsawa na siya sayo...bham!" “ sabi ng babae.
Naisip din naman niya yun.Pero hearing that from another woman,especially from one of Jake's ex- girlfriends,sobrang sakit pala.
"O natigilan ka na?" the woman asked.
Shelly tried to compose herself.Hindi niya bibigyan ng satisfaction ang babaeng ito na mahalata na apektado siya sa mga sinabi nito.
"Yan lang ba ang sasabihin mo?Sa sobrang bitter mo yata sa pang-iiwan sayo ni Jake,nag-aksaya ka pa talaga ng oras na tawagan ako.Sabi mo naman magsasawa din si Jake sa akin di ba? Eh di hintayin mo na lang na idispatsa niya ako baka naman may chance ka pa sa kanya.Although I doubt if may binalikan na si Jake sa mga pinagsawaan niya.Feeling ko naman ako ang pinakamatagal sa mga naka-relasyon niya.Ikaw baka one-night stand lang kaya bitin na bitin ka siguro.Ang saklap naman." Shelly said with a jeer.
She felt that her jibe hit home.Nanahimik ang babae.
"Ano may sasabihin ka pa Miss Ampalaya?" She asked the other woman with sarcasm in her tone.
Silence.
"Don't ever think na special ka kay Jake kaya nagtagal kayo.It's only been what? Two months or a little more than that.Sa palagay ko naman nabibilang na ang araw mo sa piling niya." The woman's voice is mocking .
"Nakaka-umay na ang usapan na ito.Kung wala ka ng masabi, ibababa ko na." Shelly said calmly although inside gusto na niyang sumigaw sa inis at galit.
"Makikibalita na lang ako pag wala na kayo ni Jake ha?And by the way, tumawag ako sa'yo hindi para awayin ka actually." Sabi nito sa maarteng boses.
Natawa ng bahagya si Shelly.
"How funny! Hindi naman kasi halata na gusto mo pala akong maging chum?"
The woman let out an exaggerated sigh.
" Believe it or not,gusto lang kitang warningan.Kasi naaawa ako sayo.Sa palagay ko kasi na ngayon na bumalik na ang fiancée ni Jake sa Pilipinas,malamang ituloy na nila ang naudlot nilang kasal.”
Shelly's face turned white.
"W-What do you mean?A-Anong fiancée?" Naalala tuloy ni Shelly yung babaeng nagpakilala dati sa phone na fiancee daw ni Jake.So totoo nga kaya yun?
"Oh! So wala ka nga palang talagang kamalay-malay! Masyado ka naman kasing umaasa na iba ka sa mga flings ni Jake.Tsk..tsk..tsk." nang-uuyam na sabi nito.
"Si Cassie Montenegro ang babaeng papakasalan ni Jake."the woman said with triumph in her voice.
Siguro may limang minuto na ang lumipas ng ibaba ni Shelly ang telepono.Halos mahilam na sa luha ang mga mata niya.
Ang sakit sakit ng nararamdaman niya! Kailangan niya pa palang marinig sa isa sa mga naging babae ni Jake ang matagal na niyang kinakatakutan bago siya tuluyang matauhan? Hihintayin pa ba niya na igaya siya ni Jake sa mga naging babae nito pag sawa na ito sa kanya?Meron pa ba siyang respeto sa sarili pag nangyari yun?To think ginagawa naman niyang lahat para mahalin din siya nito.Tama ang babaeng yun eh.Masyado siyang umaasa na iba siya sa mga naging babae ni Jake Herrera.Pero may parte pa rin sa puso at isip niya na nagsasabing espesyal siya kay Jake.Ramdam din naman niya yun eh.Madalas naman kahit galit na galit na si Jake kapag alam niyang nasasaktan na siya nito physically,medyo kumakalma na ito.Mali ba na umasa siya na mahal din naman siya nito?Maniniwala ba siya sa babaeng ni hindi naman niya kilala?What if paninira lang ang lahat ng sinabi nito?
Pero paano ma-eexplain yung nangyari sa bahay nila Jake?Yung magkasama sila ni Cassie sa verandah? Prior to that yung unang beses na makita niya ang babaeng anaconda? Yung paraan ng pakikipagusap nito sa mama ni Jake ?Pati yung reaction ni Kim? Shit! Ang gulo-gulo! She doesn’t know what and who to believe anymore! Tinakpan niya ang mukha niya with her hands.She cried her heart out.
Litong-lito talaga siya but ang malaking katanungan pa sa isip niya eh kung kaya niyang iwanan si Jake.
Then she made a decision.
She will still give Jake the benefit of the doubt.Hangga't wala siyang concrete proof,wala muna siyang gagawin.Basta she will not ask Jake any questions.She just have to make some keen observations lalo na pag tungkol sa Cassie na yun. But she promised herself na once napatunayan niya na niloloko siya ni Jake,she will leave him.Hindi na naman siguro ito gagawa ng paraan para maapektuhan ang Little Angels Orphanage.Nakita naman niya na hindi naman ito masamang tao.Ibang usapan na lang pagdating sa sex at sa babae.
And palagay niya kailangan mas maging matigas siya sa nobyo.If madaming rules ito for her,maybe it's about time that she also sets some rules of her own.Samantalahin na niya habang hindi pa nawawala ang pagnanasa nito sa kanya.Pwede niyang gamitin yun.Basta dapat mas malakas ang control niya this time.Jake is a born charmer and an excellent lover.Kung adik na din siya sa lovemaking nito,dapat unti-unti muna na niyang i-rehab ang sarili niya.Mahirap na,baka pag tuluyan na siyang pagsawaan nito,siya din ang mahirapan.
The message alert tone of her phone got her attention.
She wiped off the tears on her face.Tama na! Ayaw na niyang umiyak.Wala namang mangyayari if iiyak lang siya.Okay na nailabas niya kahit papaano ang laman ng dibdib niya.
The message is from Lorie.
Let's meet today.Dun sa coffee shop na malapit sa dati mong unit. 11 AM.Be there.We got important issues to solve.
She frowned.Ano na naman kaya ang pag-uusapan nila ng maldita niyang stepsister?She looked at the clock. 9:45 AM.
She thought na mas maaga na lang siyang aalis habang wala si manang Celia.Bahala na mamaya if magalit si Jake.Di ba nga dapat mas matapang na siya ngayon?She decided to leave her phone para hindi na lang siya mag-worry na tatawag si Jake.
She replied to Lorie's message.
Okay.I'll be there.Don't text me anymore.
Then binura niya ang received at sent messages niya.