Her Possessive Lover Chapter 37

Shelly just got out of the bathroom and is wrapped in a white towel when Jake came in the bedroom.He looked somehow relieved ng makita siya.He ran towards her and enveloped her in his arms and kissed her on the lips.When he broke the kiss, he hugged her very tightly and kept on murmuring his endearment for her which surprised her.

She is thinking kung ano kaya ang nakain ng nobyo niya kasi ang OA maka-react?O baka naman may ginawang karumal-dumal kaya guilty? Daig pa nila ang hindi nagkita ng isang taon sa reaction nito ngayon eh.Ano ba kasi ang nangyayari sa yummy niyang jowa?

"Babe," Jake said her name in a throaty voice.

Inilayo siya ng bahagya nito sa kanya to tilt her chin and titigan siya sa mata.

She frowned as she saw something in his eyes.She saw a trace of worry and fear?

"Babe,napano ka ba ?I'm wet.Mababasa ang suit mo." She complained and tried to push him but Jake doesn't want to let her go.

"Saan ka ba nagpunta?Bakit hindi mo dala ang phone mo?" alalang tanong nito na ikinagulat niya kasi milagro na hindi pagalit ang tanong nito sa kanya.

"Magkikita sana kami ni Lorie kanina but hindi naman siya sumipot.Nakalimutan ko ang phone ko sa pagmamadali.Sorry hindi na ako nakagpaalam baka kasi hindi mo ko payagan lalo wala si manang." Shelly lied.

Alam naman ng dalaga na masama ang magsinungaling.Pero kung white lie naman, minsan okay lang naman siguro.

"Please next time huwag mo ng gagawin yun.I was worried sick about you." He said in a hoarse voice then hugged her again.

She then suddenly thought of a brilliant idea.Since mukha namang maganda ang mood ni Jake baka pwede naman na isingit niya yung tungkol sa mga rules na yan.

"B-babe…" she began.

"Hmmm?" Jake answered while kissing the side of her face then going on her right ear to nibble her earlobe.

She almost rolled her eyes kasi heto na naman si Jake..kunwari ang sweet sweet lang.Yung yayakap na walang malisya.Tapos hindi din makatiis,nag-uumpisa na naman sa pagmamanyak sa kanya.

"Babe! May sasabihin ako." She is trying very hard to control herself para hindi siya bumigay.Kailangan nilang mag-usap.

Pero anak ng tofu naman! Sino ba naman ang hindi madadarang kapag French kiss na ang usapan? Leche naman kasi ang yummy niyang boyfriend eh! Gusto yata siyang tumahimik kaya ang bibig naman niya ang napagdiskitahan.

She told herself na.after ng French kiss magsasalita na siya ako.Five minutes lang niyang nanamnamin ang halik ni Jake.

Kaso nga lang after ng French kiss ang dila naman ng manyak na jowa niya ang gumapang na sa leeg niya .Pababa ng pababa kaya mukhang nakalimot na naman siya.Hindi nga niya namalayan na pati towel niya wala na pala.

Jake carried her to the bed.And as expected walang nangyari sa promise ni Shelly na five minutes.

After satisfying their hunger for each other,totoong pagkain na ang kinakain nila.And makakatiyempo na si Shelly to talk about Jake's rules and her own rules. They are in the kitchen eating dinner.

Nung pumasok na si manang Celia sa kwarto nito,in-open up na ni Shelly ang gusto niyang pag-usapan nila ng nobyo.

'Babe.We really need to talk." She said seriously.

"About what?" Jake asked after swallowing his food.

Binaba ng dalaga ang fork and spoon niya and tinignan niya ng derecho sa mata ang nobyo and Jake did the same.Napansin siguro nito na mukhang seryoso ang paguusapan nila.Sumandal ito sa upuan ang folded his arms in front of his chest.

"I want to talk about the last rules you added."

He frowned but didn't say anything.

"We both know na you're busy with work so hindi mo ako pwedeng basta samahan sa mga lakad ko.Next week babe ang dami kong naka-line up na photo shoots.Hindi ko din naman gusto na pagurin si manang Celia sa pagsama-sama sa akin.Hindi pa ba okay si mang Eddie?"

"Hindi mo naman na kailangan magtrabaho.I told you I will take care of you.Dito ka na lang sa bahay.Gusto ko nandito ka pag-uwi ko.And bakit hindi mo pa ginagamit ang binigay kong credit card sayo?Why tire yourself with work kung kaya ko namang ibigay sayo ang lahat?" he asked her.

Shelly sighed and rolled her eyes.

"Babe gusto ko ang ginagawa ko.Mula 16 ako, independent na ako.I am used to taking care of myself financially.Hindi man ganun kalaki ang kinikita ko but I am happy with what I am doing.Tsaka pag umuuwi ka andito na din naman ako.So please don't ask me to give up my career."

Jake was just looking at her.

After a while he said." Okay.For now pwede ka pang magtrabaho.But we'll definitely talk about this again."he said with finality.

YES! Shelly cheered inside.

"And one more thing." Pahabol ng dalaga na ikinasingkit ng mata ni Jake.

"I don't want you doing business with that Cassie." Walang kurap na sabi niya..

Silence.

"Too late babe.Binenta ni Will ang shares niya sa mga Montenegro because he'll be busy with his own business.Si Cassie ang papalit sa iniwang pwesto ni Will. Kim will train her starting tomorrow.Sa tingin ni mama,this will definitely help para tuluyan ng mabalik ang closeness ng pamilya namin at ng mga Montenegro."

OMG! Parang gustong maiyak ni Shelly sa narinig.That means na araw-araw na magkikita si Jake at ang babaeng anaconda na yun.Mas lalo siyang mapa-praning pag nagkataon but she has to calm herself like now because Jake is looking at her with an odd expression on his face.

"Babe? Did you say something?" he asked curiously.

Shelly tried to meet his eyes and pilit na ngumiti.

"W-Wala.I didn't say anything." Artista mode muna siya.Smile-smile lang kahit gusto na niyang mag-walk out.

"You don't have to worry about me seeing Cassie every day sa office babe.It's just work." He casually said.

Wag daw siyang mag-worry? Anak ng tofu! Babaeng anaconda ngasi Cassie so ibig sabihin delikado! Ano kaya kung i-suggest niya kay Jake na mag-aaply na lang siyang sekretarya nito para mabantayan niya ito? Kaso hindi nga pala pwede dahil kawawa naman si Miss Toledo kapag nawalan ng trabaho.Napabuntunghininga na lang siya.

Kailangan siguro na isipin na lang niya na at least pag palagi magkasama ang dalawa sa opisina,mas mabilis niyang mahuhuli ang mga ito kung may ginagawang milagro di ba? Pwede naman siyang basta na lang sumulpot dun.

Jake took her hand from across the table.

"Babe, just trust me okay? " he gave her a charming smile.

"Wala naman akong choice di ba" she said na lang in a sad voice.

-------

Jake is in the bathroom ng marinig ni Shelly ang ring tone ng nobyo.Lumapit siya para makita kung sino ang tumatawag.Cassie's name is flashing on the screen.She is torn between answering the call or not.She can't fathom why the bitch is calling Jake.It's late.10:30 PM na.If it's about work she should call during the day time.

Finally the ringing stopped.Lumayo siya from the side table where the phone is.She pretended to be busy applying body cream on her arms when Jake came out of the bathroom.Nakaupo siya in front of the vanity table which he bought for her when she moved in.

He has a white towel wrapped just below his six-pack.May pilyong ngiti ito habang pinagmamasdan and dalaga.She just threw him a glance then continued what she was doing.Kinakain siya ng selos but even if it kills her,hindi niya ipapahalata kay Jake.Tama na ang ilang beses na sinabi niya sa nobyo ang nararamdaman niya about Cassie .If he says she shouldn't be jealous of that woman,so be it.Nahasa na din naman siyang umarte.

Nag-ring ulit ang phone nito.

Through the mirror nakita niyang sinulyapan ni Jake ang phone nito .He was putting on his shirt.She couldn't see his face dahil nakatalikod ito sa kanya.Napansin ng dalaga na parang nag-hesitate ito na sagutin ang phone but after a few seconds he picked it up.Yumuko siya to take her eyes off him.Baka mapalingon ito and he'll see her pained expression in the mirror.Ang mga legs naman niya ang dahan-dahan niyang pinahiran ng body cream.

"What?" Jake rasped at the caller.

Silence.

He seems to be listening to whoever it is on the other line.Then he got out of the room while still on the phone.Shelly isn't aware that she is clenching her fists.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.