Mula ng huli silang magkita ni Shelly lalo ng hindi maalis sa isip ni Alex ang dalaga.He could still remember her scent.He needs to do something.Baka mabaliw na siya sa kakaisip kay Shelly.He put the bottle of beer he is drinking on the table.Naka- limang bote na siya.Nagkalat ang mga empty bottles sa lamesa na nasa sala ng unit niya.He dialed Patricia's number.
"Baby Alex!" masiglang bati nito.
"Patricia! Kumusta?"
"Okay naman baby Alex.May kailangan ka ba? Nagmamadali kasi ako magkikita kami ni bestie eh." Madaldal na sabi nito.
Alex's face broke into a smile.
Natutop ni Pat ang bibig niya.OMG! Lagot siya kay Shelly. "Me and my big mouth!" pinagalitan nito ang sarili.
"Ah..Patricia?Pwedeng mag-ask ulit ng favor?" tila nakangiting tanong ng guwapong binata.
Kulang na lang sakalin ni Pat ang sarili niya.Patay na naman siya kay Shelly.
---------------
Shelly is excited to tell Pat about Jake's proposal.Hindi niya talaga sinabi through phone.Gusto niyang makita ang reaction ng kaibigan niya.Magkikita sila sa pizza parlor na paboritong tambayan nila.Isa ang pizza sa madaming paboritong pagkain ni Pat.Jake will pick her up after his work.Tapos bibili na siya nito ng engagement ring.So medyo mahaba ang oras ng chikahan nila ni Pat..And maybe mag-iikot -ikot na din sila ng kaibigan sa malapit na mall while waiting for Jake.
Naka low waist faded jeans siya and flowing black tunic top.Flat black pumps ang napili niyang footwear in case maglalakad sila ng matagal ni Pat.She just tied her long hair in a ponytail.She decided to put a little make-up kasi mamaya magkikita sila ni Jake.And she wants to look pretty for him.Nag spray siya ng Midnight Pomegranate body mist ׁ.
Shelly saw Pat sitting on their favorite corner sa pizza restaurant. Medyo madami-dami din ang customers sa loob. It's meryenda time kasi. At least hindi ito late this time.When Pat saw her,kumaway ito. Tumayo din ito and kissed Shelly on the cheek.
"Susme naman bestie! Kaya haling na haling sayo si papa Jake eh.Hindi ka lang saksakan ng ganda,ang bango-bango mo pa palagi." Biro nito kaya natawa na lang siya.
"Nag-order na ako ng usual order natin.Okay lang ba?Para maka-gala din tayo. Sabi pa nito so she just nodded.
"Bestie..mukhang may dagdag na glow ang mga mata mo ngayon ha. Anong meron?” Tanong ni Pat after awhile. Ngumiti lang ng matamis si Shelly.
"Hulaan mo!" pambibitin ni Shelly.
Pat pouted her mouth habang nilagay ang hintuturo nito sa sentido niya. "Hmmm..don't tell me nag-propose na si papa Jake?"
Balak pa sanang patagalin ni Shelly pero bandang huli tumango na lang siya.Nanlaki ang mata ni Pat, then tinakpan nito ng mga kamay niya ang bibig para hindi marinig ang sigaw nito. She stood up afterwards and hugged Shelly.
"OMG bestie! Best wishes in advance!" tuwang tuwang sabi nito bago bumalik sa upuan. "Where's your ring?" Pat asked after sitting down again.
"Bibili pa lang ako ni Jake mamaya.Ako daw ang bahalang pumili." Shelly answered.
May dreamy look na naman si Pat as she said,"Bestie,tutal saksakan naman ng yaman si papa Jake,itodo mo na ang pagpili ha? Mas malaki ang bato mas bongga!"
"Sira! Simple lang ang gusto ko Pat.Alam mo naman ang mga tipo ko di ba?" Nakangiti na tanong nya.
Pat sighed."Hay naku,wala na talaga akong masabi.Parang nung nagsabog ang langit ng swerte at grasya nasalo mo ng lahat. Isa ka na ngang diyosa tapos magkaka-asawa ka pa ng hindi lang saksakan ng yaman,napakaguwapo pa at may katawang pang-romansa. At eto ang pinaka-malupit sa lahat! He's so crazy about you!" nailing pero nakangiting sabi ng kaibigan.
“Actually Pat,naguguluhan ako eh." Amin ni Shelly.
Pat was about to bite on her pizza when Shelly said that. Napansin niya na mukhang seryoso ang kaibigan so kahit laway na laway na siya sa pizza,binaba muna niya ito .Baka kasi pag naumpisahan na niya ang pagkain,hindi na siya makakapag bigay ng matinong advice kay Shelly.Magtiis muna sandali ang mga bulate niya sa tiyan.
"Naguguluhan saan?" tanong nito.
Then in a shocked voice with matching takip pa ng bibig with her right hand,Pat said, "OMG bestie! Don't tell me na nagdadalawang isip ka? Kung kailangang iuntog kita ngayon sa lamesa gagawin ko para lang matauhan ka? Susme ang daming babae ang gagawin lahat para mapansin ni papa Jake! Ikaw bestie,niyayaya ka na niyang pakasal tapos parang gusto mo pang umatras?" OA na sabi nito.
"May pagka-bayolente ka talaga Pat! Makinig ka nga muna!" asar na sabi ni Shelly.
"Ok fine! Sige go! Mag-explain ka ng maayos.Makikinig ako." Pat said while looking at the pizza on the table.
"Pat, sinabi ko na kay Jake na mahal ko siya.Pero siya hindi pa niya sinabi na mahal niya rin ako. So ngayon nag-iisip ako kung bakit niya ako niyayang magpakasal? Kung one-sided lang ang pagmamahal,pwede bang magsurvive ang marriage? Alam ko importante ang sex sa isang relasyon,pero hanggang kailan di ba? Sabihin mo ng cliché,pero dapat people marry for love." Malungkot na sabi n Shelly. Mukhang nasa thinking mode talaga si Pat dahil nakakunot na naman ang noo and ang index finger nito nasa baba niya. Maya-maya Pat sighed and leaned on the table habang nakatitig sa kaibigan.
"Bestie makinig kang mabuti ha? Baka kasi sa gutom ko hindi ko na maulit mamaya ang sasabihin ko. So try mong iabsorb lahat ng minsanan ha?" request pa nito.
Nailing na lang si Shelly.
'Okay ganito yun bestie.Sa tingin ko nung una kang makita ni papa Jake, malamang physical attraction lang ang naramdaman niya. Sa alindog na meron ka kahit sinong lalake mabubuhayan ng dugo. Pero ng makita ko na magkasama kayo ,kahit hindi pa ako nagkaka-dyowa,alam ko yung mga tingin niya sayo eh.Ganyan kasi tumingin ang papa ko sa mama ko,tsaka yung kuya ko sa asawa niya.So sa tingin ko mahal ka ni papa Jake.Maaring sasabihin ng iba na ang taong seloso walang tiwala sa sarili at sa taong ka-relasyon nito.Hindi ba pwede na kaya siya nagseselos kasi gusto niya sa kanya lang ang taong mahal niya?Na takot siyang mawala ito?Sa dami ng magagandang babae na naugnay kay papa Jake bestie,hindi ko malubos maisip na insecure pa siya sa pagkatao niya.Mukhang sayo lang siya hindi sigurado kaya ganyan na napaka-seloso niya.Kasi di ba sa umpisa pa lang sinabi mo sa kanya na ayawmo siya?Besides bestie,kung hindi ka niya mahal bat ka pa aayain magpa-kasal ni papa Jake?Eh mukhang gabi-gabi naman siyang nakaka-iskor sayo.Parang sex to the max!Excuse my words ha?So bakit papakasalan ka pa di ba?" mahabang salaysay ni Patܑ.
Natahimik si Shelly.
"Pero bakit hindi niya masabi na mahal niya ako?" mahinang tanong niya.
"Bestie,may mga tao talaga na hirap sabihin ang mga salitang yun.Baka tumityempo lang si papa Jake.Panghawakan mo muna yung kung ano ang meron kayo and kung ano ang ginagagawa niya para sayo.Di ba nga sabi nila ,actions speak louder than words."