Her Possessive Lover Chapter 48

Nagpa-drive si Shelly kay mang Eddie dahil may pictoral siya para sa isang catalog ng isang on-line beauty product. She told him na balikan na lang siya. She will just text him kapag natapos na sila.Papasok na siya sa maliit na studio ng mag-ring ang telepono niya.

"Oh no!" nabulong niya ng makita ang unregistered number.Nagdadalawang isip siya if sasagutin niya o hindi.But she decided to take the call after a few rings.

"Alex." Bati niya.

"Shelly, I want to see you." came the reply.

Bumuga muna siya ng hangin bago sumagot ulit. "Alex,please naman.Tama na." pakiusap ng dalaga.Walang reaction ang binata.Akala ni Shelly okay na.

"Either you see me today or susulpot ako mamaya sa condo ng gagong Herrera na yun." He said firmly.

Napanganga si Shelly sa gulat. Alex sounds serious.Napapikit siya out of helplessness.

"Alex, kung may gusto kang sabihin, please dito na lang.And I hope last na pagtawag mo na to." She looked at her watch.She can spare 15 minutes more bago ang call time.

"Gusto kitang makita.Asan ka ngayon? Pupunta ako.Kapag hindi mo sinabi kung nasaan ka,hihintayin ko na lang ang paguwi mo.I will be right outside the door of your unit." determinadong sabi nito.

Anak ng tofu! Parang sasakit yata ang ulo niya ang aga-aga.Bawal pa namang ma-stress kasi she needs to look fresh and extra pretty for the pictorial.

"Okay, itetex ko sayo ang address." She said with a sigh.

"Mukhang mas maganda ka pa yata ngayon kesa sa dati Miss Shelly." Puri ni Anya, ang baklang make-up artist habang inaayusan siya.

"Nakakadagdag kaya ng alindog pag napaka-yummy ng dyowa Anya.Di ba Miss Shelly?" Tam, the hairstylist said.

Shelly just gave them a shy smile.Iniisip pa din niya ang pagdating ni Alex later.Mukhang mas magiging complicated lahat,huhuhu.

"Alam mo ba Miss Shelly kanina pa kami nagtatalo nitong si Tam eh." Maarteng sabi ni Anya.

Shelly frowned a little," Nagtatalo about saan?"

"Eh kasi Miss Shelly," sabat ni Tam, “Para sa akin hawig mo si Patricia Tumulak yung beauty queen.Yung happy birthday girl sa Eat Bulaga. Sobrang sexy and napaka-ganda!" nakangiting sabi nito.

Si Anya naman ang humirit, " Ako naman ang feeling ko, hawig mo yung Kapuso Star na si Andrea Torres,yung umaapaw sa kaseksihan and appeal! Pero ikaw yung mas maputing version niya."

Shelly let out a quiet laugh. "Nakakahiya naman pag may nakarinig sa inyo.Mas maganda naman yung mga yun sa akin."

"Ay hindi Miss Shelly! Ganito na lang, para hindi din kami magtalo ng baklang to," sabay turo ni Anya kay Tam," You are cross between Patricia and Andrea!" sabay kumpas ng make-up brush sa ere.

Nag-appear ang dalawang bading.

"Tumpak ka diyan ateng! In fairness, English yun ha?" Sabi ni Tam, sabay kunway punas ng ilong.

"Nga pala Miss Shelly alam mo ba na kahapon naayusan ko yung ex ng yummy mong dyowa.Super arte pala nun.Kabaligtaran mo! Pramis!" kwento ni Anya habang pailing-iling pa.

"Bakla! Sino sa mga exes? Dami kaya nila.Puro modelo pa halos lahat!" tanong ni Tam.

Binato ni Anya ng takip ng lipstick si Tam.Bigla namang nagtakip ng bibig ang huli.

"Ay sorry Miss Shelly.Di bale mga ex naman sila. " hinging paumanhin ng beki habang nakangiti.

"Tumungga ka nga minsan ng break fluid bakla! Walang ka-preno preno yang bibig mo!Gagang to! " sabay ismid ni Anya.

Nangiti na lang si Shelly kahit sa totoo lang naiinis siya.Alam niya na madami talagang naging babae si Jake dati.Buti nga isa pa lang ang nakilala niya ng personal.Ang babaeng anaconda.

"Nahiya naman ako sa linis mo bakla! Parang ang galing-galing mong magtikom ng bibig!" ganti ni Tam.

" O siya! Hindi ko na sasabihin kung sino!" kunway tampong sabi ni Anya.

Sabay lapit ni Tam sa kaibigang beki," Sus naman bff, hindi ka na mabiro.Sige na bitin na bitin na kami ni Miss Shelly,sino ba yang sinasabi mo?" tanong nito na may pahimas-himas pa sa balikat ni Anya.

Shelly is curious too pero tahimik lang siya.

"O sige na nga,pinipilit mo ako eh." Anya straightened." Si Trish Valdez!"

"Ahhhhh..ang babaeng galit sa bra pala!" naiiling na sabi ni Tam.

---

Shelly felt a little tired after the pictorial.Magaling na photographer si Luis Alvez pero super perfectionist. She went back to the dressing room and naabutan niya sila Anya and Tam na nagtitilian.

"Grabe bakla! Akala ko talaga si Daniel Matsunaga pero mas nagmumura ang dimples ng papalicious sa labas!" kilig na kilig na sabi ni Anya.

"Naku muntik ko na ngang matapon ang kape ko sa kakatingin. Dibdib at abs pa lang ulam na!!" gigil na sabi ng Tam.

Nailing na lang si Shelly habang nag-aalis ng make-up.She would rather use her own red matte lipstick so pati labi niya kinaskas niya ng tissue.

Then she heard her ring tone.

"Andito na ako sa labas." sabi ni Alex.

"Okay.Sandali na lang ako." She hang up. Naisip niya si Alex ang pinag-uusapan ng dalawang beki.Wish niya lang na hindi sila makita ng mga ito na magkasama ng binata mamaya .May pagka-tsismosa pa naman ang mga ito.

---

Nakasandal si Alex sa pillar na nasa papasok ng studio. Naka-polo shirt ito na dark blue,faded maong and topsider ito.Napaka-guwapo nga naman talaga ito .May hawig nga ito sa half-Japanese and half-Brazilian na male model na sikat sa Pilipinas. Pinilig niya ang ulo .Ano ba ang iniisip niya? Erase!

----

The moment Shelly came out of the studio,dumiretso ng tayo si Alex. Bagay na bagay sa dalaga ang suot nitong beige na casual jumpsuit.Naka flat na silver sandals ito.She has her hair loose.

"Alex." tawag ng dalaga.

Lumapit ang binata and said," My car is parked sa side ng studio.Halika na."

"Saan tayo pupunta?" kahit nag-aalala si Shelly na makita sila nila Anya,she had to ask where they are going.Akala niya dito lang sila sa malapit mag-uusap.

"Basta,let's go!" hinawakan siya nito sa kamay at hinila papunta sa direksiyon ng sasakyan nito.

Wala na siyang magawa,so sumama na lang siya. Mas mahirap if maabutan pa sila nila Tam at Anya. Actually Alex is such a gentleman.Pinagbukas siya ng pinto nito then he made sure na nakaupo siya ng maayos bago sinarado ang pintuan. Naisip niya na ganun din naman si Jake minsan basta hindi lang inaatake ng selos. Kailangan niyang palaging isipin ang nobyo dahil napakalakas din ng dating ni Alex.Baka magkasala pa siya sa nobyo pag hinayaan niyang magpdala sa mga ginagawa at sinasabi nito. She can't believe na mukhang attracted na talaga siya ngayon sa mga guwapong brusko.Sa tingin niya kay Alex ngayon, parang may ganun din itong personality though mas subtle nga lang siguro kumpara sa nobyo niya.

Anak ng tofu! Hayan na naman siya! "Stop it Shelly!" pinagalitan niya ang sarili.

Pasimple niyang pinag-masdan si Alex.Medyo nakakunot ang noo nito na mukhang may malalim na iniisip.

"Saan tayo pupunta?" tanong ulit ng dalaga.

Lumingon panandalian ito sa kanya,"Gutom ka ba? You wanna eat Chinese food?" sabay balik ng tingin sa kalsada.

Shelly checked her watch. Malapit na palang mag 12. "Alex, hindi ako pwedeng magtagal.Naghihintay si mang Eddie sa tawag ko." she said.

"Okay.I'll turn left here.Meron ditong Peruvian Restaurant na palagi kong pinupuntahan." he looked at her again,"Okay lang ba yun sayo?"

She just nodded.Andito na din naman sila eh.Biglang nag-ring ang phone niya.Jake is calling.Hindi alam ni Shelly ang gagawin.Alex parked the car pero hindi pa nito pinatay ang makina.Tumingin sa kanya ang binata,then sa hawak niyang cellphone.She was just staring at him. Anak ng tofu! Magagalit na si Jake dahil hindi pa niya sinasagot ang tawag nito . She is scared to answer it.

All of a sudden Alex said,"Sagutin mo na.I will keep quiet." His face is not showing any emotion so tumango na lang si siya.

"ASAN KA?!! Bat ang tagal mong sumagot?!" galit na tanong ni Jake.

Nakagat ni Shelly ang labi niya then she looked at Alex.Hindi nakatingin ang binata sa kanya pero napansin niya that he is clenching his fists na nakapatong sa steering wheel.

"B-babe,hindi pa kasi tapos ang photo shoot.May isang set pa.Nag 15 minute break lang kami.Sakto tumatawag ka." she tried hard to make her voice steady. Napapikit na lang ang dalaga.She feels bad kasi nagsisinungaling na naman siya kay Jake. Wala naman siyang choice eh,huhuhu. Narinig niya nagbuga ito ng hangin.Alam niya bad trip na ang nobyo.

"Papunta diyan si Kim ngayon.Kailangan ka daw niyang makausap about sa party sa makalawa.I told her to talk to you after the shoot.Alam niya na ayaw kong naiistorbo tayo pag nasa condo na ako." Jake said.

Patay! Paano yan? Kailangang tawagan niya si Kim.

"S-sige.Hihintayin ko na lang siya." she said.

"Okay.Magkita na lang tayo sa bahay.Be sure to be home before 5." utos nito.

Pagkababa ng phone tinignan ulit ni Shelly si Alex. "Alex,kailangan kong tawagan ang hipag ni Jake.Kasi papunta daw sa studio eh." tila pagpaapalam niya. Alex said nothing.Tumango lang ito.Pero medyo madilim na ang mukha.

"Shelly! Papunta na ako.Kaso medyo ma-traffic as usual.Tapos na ba kayo?" tanong ni Kim.

Hindi niya alam kung paano uumpisahan ang sasabihin.Pero mas maganda yata that she should tell Jake’s sister-in-law everything.

"K-Kim...k-kasi..wala ako sa studio.Tapos na kami.Pero please don't tell Jake." pakiusap niya.

"Ha? What do you mean?" takang tanong ni Kim.

"Pwedeng mamaya ko na lang i-explain? Mga after an hour siguro pwede na tayong mag-kita.Tawagan na lang kita."Shelly said in a slightly embarrassed voice.

"Okay.Sige.Daanan ko na muna yung pinapakuha ni Thomas somewhere here.Hintayin ko na lang ang tawag mo." Kim replied.

"Thanks Kim."

"Ngayon na lang tayo magsosolo meron pa ding curfew? Kulang ang isang oras sa pag-uusapan natin." Medyo may lakip na inis sa boses ni Alex.

"Alex,kailangan kong kitain si Kim mamaya dahil kung hindi makakahalata si Jake." she explained.

Tinignan siya ng binata. "I want to spend more time with you.Tell her to come and join us for lunch." walang kurap na sabi nito.

Nanlaki ang mata ni Shelly. "Alex? Do you know what you are saying?" gulat na gulat na tanong niya.

"Oo naman.Mas maganda na makilala ng hipag ng gagong Herrera na yun ang karibal ng bayaw niya." he said seriously.

"WHAT?!" Shelly shrieked.

Humarap sa kanya si Alex.He looked at her eyes then at her lips."Tanggap ko na,na sa ayaw at sa gusto ko nauna mong nakilala ang walang kwentang Herrera na yun.Pero hindi ko talaga kayang pigilan ang nararamdaman ko sayo Shelly." he said huskily.His stare now came back to her eyes.

Shelly's pulse rate is starting to race.

"I badly want you.Handa akong makihati sa tarantadong Herrera na yun,just to be with you." he said throatily.

She was about to protest when he suddenly reached for the back of her head and pulled her face closer to his then he kissed her on the mouth.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.