Her Raging Flame- Tagalog (R-18) Chapter 27

"Dave, I'm in. How's your position?"

I gave out my sweetest smile to the photographer who asked for my photo and gracefully shook my head to refuse. I made my way to the main area of the largest convention area in the country and got myself a glass of champagne from the passing waiter.

"Kanina pa ako rito. Hinahanap ko pa ang room ni Lagma. Mahigpit ang security ng lugar. Hindi ako makapasok. I need more time."

I sipped on my glass and seductively smiled at the Korean gentleman across me. Kanina ko pa kasi siya napapansin na panay ang sulyap sa akin.

"It's okay. Go have all the time that you need. Mag-e-enjoy muna ako habang nanghuhuli ng matsing. Perhaps meet some old friends. After all, it's a gala night organized by my clan's number one enemy."

"Ok. I'm out."

Hinawakan ko ang tenga at pasimpleng ini-off ang hearing device na nakakabit sa earrings ko. Maimbay na naglakad ako papunta sa isang bakanteng poseur table at inilagay ang baso dito. I started to look for familiar faces. Hindi na ako bago sa mga events na tulad nito. When my clan was still basking in its power and wealth, gathering like this is something we love. We love the attention from everybody and the scorn from the Asturia clan.

"How happy they have been after our downfall." I smirked and started checking the place.

Aabot mahigit kalahating libo ang mga guests na nakakalat sa buong Palacio Royale habang nakikipag-mingle at socialize sa kapwa mga elites sa industriya.

High ceiling with some Renaissance-inspired painting on it and long artsy columns are being emblazed by the light coming from the globe chandeliers.

I see a number of spot lights stationed all over the place. Meron ding isang malaking LED screen sa stage na napapalamutian ng iba't ibang klase ng bulaklak ang ibabang bahagi. Just the right amount of it.

There are tables scattered all over the place with intricate table set ups. May mga unipormadong waiters rin sa kalayuan na nag-a-assist sa anumang mga pangangailangan ng mga guests.

Kanina pa tapos ang entertainment at ang introduction ng charity foundation ng mga Asturia kaya nasa cocktail area na ang halos lahat at nakikipag-usap sa mga possible investors at business partners habang pumapailanlang ang malamyos na kanta sa paligid. Nakadagdag rin sa mysterious ambiance ng lugar ang subdued na ilaw sa paligid.

Pabalat lang ang lahat ng mga usapin tungkol sa pagkakawang-gawa. Sa huli, lalabas din ang tunay na dahilan kung bakit ito inorganisa ng mga Asturia. It's a show of power and at the same time, a recruitment of new allies. After all it is one of the most prominent business gatherings of the year.

I took another sip of my drink. Naglumikot ang mga mata ko sa venue, naghahanap ng mga dating kakilala. I don't see any Asturia in my line of sight.

I spotted Senator Galleon talking with I recognized as a high-ranking military official in the country on the other side of table.

Some handsome Chinese looking guys are also in a corner having a chat. Hula ko babae ang pinag-uusapan nila base na rin sa kung paano nila tingnan ang mga female socialites sa kabilang mesa.

"Fem."

Napaigtad ako sa boses na Dave.

"Yes, Dave."

"Lagma is coming in your area. I need to know his room number para ma-bug ko ito. It's too risky to hack into the place's security system. Iba ang main server ng cameras sa convention at sa mga rooms. Your man is good in his business. I can't get through."

"Maverick is not my man. Saang banda siya?"

"Southeast of your position."

"Got it."

Hinanap ko si Lagma sa iilang tao sa likod ko. I saw him walking towards my direction while talking to Luca Asturia. The man is surprisingly tall, ruggedly handsome and has a pair of savage eyes. You can tell by how he presents himself that he means business. He's wearing a burgundy tuxedo. His long hair is neatly combed and tied down. His face is formidably handsome with his trimmed mustache above his upper lip. Napakalayo na nito sa Lagma Rey na naaalala ko.

Bumaling ako sa kasama nitong si Luca. The man is closer to Maverick in terms of the bulkiness of his body. Ito ang panganay na anak ng patriarch ng angkan.

Iniwan ko sa mesa ang wineglass at nakihalubilo sa mga tao. I smiled and exchange pleasantries with the ladies and gentlemen. Pinagbigyan ko rin ang alok na alak ng isang lalaki. Sa buong durasyon ay hindi ko inilayo ang tingin kay Lagma na ngayon ay may kausap nang iba.

"I'm closing in on him. What do I need to do?" ani ko sa mahinang tinig na sapat lang para marinig ni Dave.

"May hawak siyang exclusive card na nagsasaad ng kaniyang floor. It'll be easy for me to track his room after determining his floor."

Napapikit ako sa inis. "And how am I going to know the color? Shit! Okay, I'm on it."

Pinatay ko uli ang device sa earrings at nginitian ang isang. tsinito sa di-kalayuan. He motioned me to come to him which I gladly obeyed. His position is strategic. Madadaanan ko si Lagma papunta sa kaniya. Kumuha ako ng isa pang wine glass at inayos ang suot na a-line thigh high-slit backless dress. I twirled a strand of my messy braided bun styled hair and tucked it back.

Sumimsim ako ng alak at nagsimulang maglakad. I took my time thinking about what to do. Nakita kong babae na ang kausap ni Lagma. Minadali ko nang kaunti ang paglalakad. Sakto naman na may makakasalubong akong tatlong babae na agad isiniksik ang sarili sa gilid ni Lagma kaya nagkaroon ako ng pagkakataong tapakan ang hemline ng gown ng babae at itulak ang likod ng binti nito gamit ang tuhod ko. Natapon ang hawak nitong alak sa buong harapan ng suot ni Lagma. Napasinghap ang babae sa nangyari at matalim na sinulyapan ang bagong babaeng dumating sa likod nito.

Balewalang nagpatuloy ako sa paglalakad na may ngiti sa sulok ng labi. Uminom uli ako sa wineglass.

"I'm sorry, Rey. I'm sorry. Oh my God! I just ruined your suit!"

"No, it's okay. It's okay. It's nothing. Excuse me for a bit ladies."

Sinulyapan ko si Lagma nang may kunin ito sa loob ng suit jacket nito at inilabas para ipahid sa pantalon nito bago nagmamadaling naglakad palayo.

I stopped in an empty poseur table and pushed the button on my earrings again.

"It's gold."

"As I thought. Bad news Fem, that's the VVIP floor. Pinakamahigpit ang security sa parteng iyan ng hotel. I can't access that place. There's no way we could bug Lagma's room in there."

"Shit! So ano nang gagawin natin ngayon?"

"Hold it. May susubukan lang ako. Be right back."

Inubos ko ang laman ng baso at malakas na ibinagsak ito sa mesa. I can't just go home empty-handed. Kailangan may makuha ako sa gabing ito. Pagod na akong maghintay sa loob ng walong taon. I have to do something right now or face another years regretting what I didn't do.

Nagtaas ako ng tingin mula sa pagkakayuko nang may naglagay ng isang wineglass sa table. Nabungaran ko ang isang pares ng mga singkit na mata.

"Hi!" Simpatiko itong ngumiti sa akin.

"Hello there." I gave him my seductive smile.

"Enjoying yourself?" Lumapit ito sa akin.

"Yes, of course." Inalog ko ang wine glass at inamoy.

"That was a bit of a commotion there. I saw what you did there." Tumawa ito at binigyan ako ng makahulugang tingin.

I laughed nervously. "Really? Then what are you going to do now? Isusumbong mo ba ako? Is that the reason why you approached me?"

But you were quite frothing at me earlier.

Ngumisi ito. "I'm not a child anymore to do that."

Lumabi ako. " It's his fault. What a playboy! And you know how fragile a woman's heart can be."

"Lagma Rey is quite a charmer. Hindi na ako magtataka kung isa ka sa mga umasa sa kaniya."

Hindi ako nag-abalang itanggi pa ang akala niya. Mas mabuti na ngang isipin niya na isa ako sa mga fans ni Lagma na nagseselos.

"But he was never a playboy. I knew him. Siya na ata ang nag-iisang lalaki na kilala ko na one-woman man. He's very loyal to his wife."

Naudlot ang tangka kong pag-inom sa huling sinabi nito.

"Wife? May asawa na siya?"

"Had is the right term. He had a wife. At ang mga sabi-sabi, mahal pa rin niya ang kaniyang asawa kaya hindi pa siya naghahanap ng iba ngayon."

"Oh." Itinaas ko ang kopita sa bibig at uminom.

"He and I are very similar. We don't play with a woman's heart."

Hindi ko na napigilan ang pagpaikot ng mga mata. "Yeah, yeah. Sa sobrang mapagmahal mo, nakalimutan mo yatang linisan ang lisptick diyan sa collar mo."

Tumingin ito sa itinuro ko at napatawa. "Damn, she's wild."

Ngumiti ako ng nakakaloko. "Men, men, men. Find someone other than me whom you can get through her pants tonight. I have some better things to do than fucking you."

"Clever woman. At dahil diyan, babalaan kita tungkol sa mga lalaking dapat mong iwasan sa gabing ito. Una, si Luther." Ininguso nito ang isang lalaki sa isang table na nakahawak sa bewang ng isang sexy na babae. "Pinakamatinik sa lahat. No girlfriend since birth. All are flings. Siya ang kabaliktaran ko. Ikalawa, si Cholo."

Tiningnan ko naman ang itinuro nitong matipuno na lalaki na may kausap na Amerikana. "Notorious sa pagpapaiyak ng mga babae. Ang dinig ko, seryoso lang siya sa simula ng relasyon. He pampered his woman before breaking their heart into pieces."

"At ano ka? Pambansang tsismoso ng mga nasa alta-sosyedad?"

Hinawakan nito ang dibdib at bahagyang yumuko sa akin. "Ouch! That hurts but I won't deny it. I enjoyed knowing everything in this side of the world. At muntik ko nang makalimutan si Maverick."

Naibuga ko nang kaunti ang iniinom pabalik sa baso dahil sa pangalang nabanggit nito.

"Maverick who?"

He smiled a knowing smile. "Maverick Fuentebella. He's not as bad as the other two. How do I put it? Ahh, he's mild and distant." He looked at my back. "And very much taken."

Dahan-dahan akong lumingon na sana hindi ko na lang ginawa. The view is distasteful. The man is dashing in his classic black suit and the woman beside him is equally gorgeous.

So nakabalik na pala siya.

Bumaba ang tingin ko sa nakakapit na kamay nito sa braso ni Maverick at hindi ko nagustuhan ang selos na kaagad na umusbong sa dibdib ko. I want to grab her hand and replace her beside my man.

Inagaw ko ang baso ng tsinitong lalaki at diretsong tinungga ito. I glared at him.

"Tell me about that girl."

"Woah! Are you okay? Ang pula mo na."

Hahawakan niya sana ako pero umiwas ako at matalim siyang tiningnan. With a firm voice, I asked him again.

"Tell me about the girl."

"Okay. Relax. I don't know the score between the two of you but okay woman, stop giving me death glares. She's Cahil Asturia."

Kinuha ko ang walang laman na glass at pinagpingki sa isa pang baso.

"Yes, an Asturia. Why am I not surprised? Talk about being in that clan. Proceed." May diin na sa boses ko.

Sinundan ko ng tingin ang dalawa na masayang nakikipag-usap sa ibang mga bisita.

"She's Maverick's childhood sweetheart. She just came back from Europe last week and rumors had it that she went to Japan with him."

"Tsk. Are they together?"

Hinablot ko ang waiter at kumuha ng tatlong baso ng alak. Isa-isa ko silang tinungga habang nakasunod pa rin ang tingin sa galaw ng dalawa.

"Why are you letting that bitch hold your arm." I gritted my teeth in annoyance.

Nababaghang tiningnan naman ako ng lalaki. "Some say they're at it. Sabi nila siya na lang daw ang hinihintay ni Maverick. Hey, hey, let go of me."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata at patuloy na hinila ito palapit sa akin gamit ang mamahalin nitong neck tie.

"What's your name, kid?"

"Hey, don't call me that. I'm not a kid anymore."

"Oh yes. Ganiyan na ganiyan rin ang sinabi sa akin ni Dave. Parehong-pareho." Patuya kong sabi. "Now give me your name."

"Wil Hayasa."

"Okay, Wil Hayasa." Hinawakan ko siya sa ulo at tuwid na tinitigan sa mga mata. "Let me tell you one thing. Ito sana ang ipagkalat mo. Mali ang nasagap mo na tsismis. Maverick Fuentebella is not in any way romantically involved with that girl, you get it? That man over there is my man, okay? Hindi niya hinihintay ang kung sino man diyan kasi ako ang hinihintay niya. He said he is willing to take any risk for me. Now who would say that other than my man?" Padaskol na pinakawalan ko siya at binalingan ang naiwang isang baso ng alak. I drank it all down and left the astounded Wil with a smirk.

"Dave, stand by. We'll go to that VVIP floor."

"What are you planning to do?"

"Wag kang kabahan diyan. Trust me. Ngayon sabihin mo sa akin kung ano ang gagawin ko kapag nasa VVIP floor na ako."

"Sa isa mo pang hikaw, may inactivated na hearing device diyan. Throw it anywhere in the floor. Ako na ang bahalang magmaniobra nito. I already know his room."

I nodded in approval. "Good. Now stay put."

"Ahm, Fem. You sound so badass over there. I just want to say it."

"Wha—" He already put off the device before I could even ask.

I rounded out the column into the comfort room and retouched my make-up. Bumalik din ako kaagad sa kasiyahan pagkatapos para kunin ang para sa akin.

Hindi na ako nahirapang hanapin si Maverick. The man's presence is too immense to not be noticed. Tila may magnet rin ito na nang-a-attract ng atensiyon mo.

"Dave? Give me Maverick's phone number."

"Copy."

Kinuha ko ang cellphone sa clutch bag  at tinawagan ang lalaki. I looked from the distance when he reached for his pocket and excused himself. Humabol pa si Cahil pero mabilis na na nakadistansiya si Maverick para sagutin ang tawag ko.

"Hello."

I almost jumped upon hearing his voice. It has a perfect combination of huskiness and sexiness in it which never failed to make me feel the familiar things.

"Maverick Fuentebella."

I watched in awe as his face turned from confusion into a very bright one.

"Fem? Is this you? How did you get my number?" He paused and breathed sharply. "Hey, I miss you."

The way he spoke the last words made me feel as light as a feather.

Hindi ko napigilan ang mapangiti. "Secret. Where are you?"

"I'm attending an event. After this, I'm going to your apartment. I miss you."

My smile became triumphant. "Don't bother. Turn around."

"What?" But still he turned around and found me smiling at him mischievously.

I waved my hand at him and turned off my phone. Humakbang ito palapit sa akin pero tumalilis na ako ng takbo. Tumatawang sumuot ako sa kumpol ng mga tao.

My phone rang.

I answered it while clutching the sides of my gown while occasionaly glancing at him to know that he is following me.

"Who's that girl?"

"What girl? Ahh, she's my friend."

I snorted. "I don't like her."

Maverick laughed. "She's not a threat, dear."

I reached the elevator car while counting the time before he will reach me. "Where's your room?"

He stopped for a moment. I heard him breathe a hard one. "Top floor."

"Can I get in?"

The seconds felt like forever. Pigil-hiningang hinintay ko ang kaniyang sagot. Bumukas ang elevator at pumasok ako.

"I already told you. You're welcome to all of my properties."

Relief flooded me. Akala ko tatanggihan niya ako considering na isang malaking event ang isinasagawa sa hotel niya.

Natutok ang tingin ko sa harap kung saan nakapamulsa ang lalaki. Kaswal lang itong nakatayo sa harap ko. A playful smile is on his devilishly handsome face.

I put my feet forward emphasizing my thighs. Hindi naman ako nabigo dahil bumaba ang tingin nito sa mga hita ko. Pinaglandas ko ang mga daliri sa tuhod pataas hanggang sa puno ng hita ko habang nakatitig dito at nakakagat-labi. Tumaas-baba ang dibdib ni Maverick. A surge of emotions washed through me. Hindi pa rin ako sanay na malaman at makita na ganito kalaki ang epekto ko sa kaniya.

"Very well then. See ya, Mav." May kalakip na lambing ang pagkakasabi ko bago pinindot ang top floor button. I winked at him and elegantly sipped on my wine before the door closes between us.

Pinatay ko ang cellphone at kinausap si Dave.

"Dave, I know you can hear me. Kapag sinabi kong nailaglag ko na ang device, you have to immediately turn off my listening device. I'll meet you tomorrow."

"Copy."

Huminga ako nang malalim. Wala ng atrasan 'to.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.