Her Raging Flame- Tagalog (R-18) Chapter 36

Napabalikwas ako ng bangon mula sa pagkakahiga nito sa kama. Pawisan at hinihingal na sinapo ko ang ulo. I'm having a nightmare again.

Kakaiba ang bangungot kompara sa nakaraang mga gabi. Ilang araw na rin akong hindi nagigising sa kailaliman ng gabi. Kadalasan ay sa umaga na ako nagigising at doon ko na lang maaalala ang panaginip.

I thought about my dream. The same girl in my every dream is calling my name. She's asking for my help while a big man is dragging her out of the dented car. Sinubukan ko siyang abutin para tulungan pero hindi ko maigalaw ang buong katawan ko na halos dumikit na sa steering wheel. Namamanhid na ito dahil sa kirot dulot ng pagkakabangga namin sa isang concrete barrier.

Pakiramdam ko ay napakawalang-kwenta ko ng mga panahong iyon. Wala akong magawa kundi pakinggan ang humihina ng sigaw ng babae. And then silence. I fought the urge to fell into sleep but the numb in my wound in head is throbbing. I closed my eyes and welcomed the deafening silence. And then I woke up running for breathe.

"Binabangungot ka na naman."

Napaigtad ako nang may dumaiting kamay sa hubad na likod ko. Nilingon ko si Femella na may nag-aalalang expression sa mukha. Napunta ang tingin ko sa hawak nito na libro.

Gaano katagal na itong gising at binabantayan ako? Gabi-gabi ba niya itong ginagawa? Kaya ba palagi akong nauuna ng gising sa kaniya dahil palagi itong puyat dahil sa akin?

"Why are you still up? It's late," sa halip ay sabi ko at pinahid ang pawis.

Kita ko ang sakit na dumaan sa mata nito. She feels rejected. Magandang pagkakataon sana ngayon para pag-usapan namin ang sinasabi nitong nakaraan ko na alam niya pero tumatanggi na naman ako.

Her face went blank. "May tinatapos lang akong basahin. The book's too good I can't put it down."

Tumingin ako sa digital clock. Ala-una na. "Bukas mo na iyan ipagpatuloy. Matulog ka na."

"Okay but not before I get you water."

"No," pigil ko rito. "Ako na. Lalabas din naman ako. I have something to finish for work."

Natigilan ito. Pain flashed in her eyes but she quickly concealed it by smiling. "Sure."

Bumaba ako ng kama at isinuot ang t-shirt. Nagpunta ako ng banyo para maghilamos. Paglabas ko ng pinto ay nabungaran ko pa si Femella sa kama na nakaupo at mukhang hinihintay ako.

She stared at me.

"You're still doubting me."

I froze in my feet. Her words are like knives that pierced through me. Wala akong maapuhap na sagot dahil tama ito. Nagdududa pa rin ako sa kaniya. Ayaw ko munang marinig ang sasabihin niya tungkol sa nakaraan ko dahil alam kong papaniwalaan ko siya. Gusto ko munang maalala ang mga nangyari bago ko siya pakinggan.

Femella smiled. "It's okay, Mav. Natural lang iyan. I have a history of lying and cheating people. It's good that you're cautious. But I tell you, the past I know about you is pure truth. Wag kang mag-alala, hindi na kita pipiliting pakinggan ako. Hihintayin ko na lang ang panahong lumapit ka sa akin at tanungin ako tungkol dito."

Tinitigan ko si Femella. I can read the understanding in her eyes. Nilapitan ko siya at hinalikan sa ulo. "Sleep. I'll join you later."

Lumabas ako sa silid at kumuha ng alak. Dumiretso ako sa home office para tapusin ang binabasang proposal. The capsule hotel is already in its interim phase. I just have to review some papers.

Binuksan ko ang laptop at nagsimulang magtrabaho. Gumigiti pa rin sa alaala ko ang panaginip. It's disturbing me kaya naman isang desisyon ang nabuo ko. It's high time to go to my neurologist again.

Pumunta ako sa unread emails para hanapin ang isa pang proposal ng design ng hotel. I scrolled through a bunch of messages when something caught my attention. Nasa unread ko pa rin pala ang report na ipinadala sa akin ni Butch. I'm contemplating whether to read it or not but I still find myself clicking on it.

Unang parte pa lang ng report ay gusto ko nang tumigil. It recounts about the life of Femella after the death of her parents. She worked in a fastfood chain as part-timer while studying in college. She lived in a slum with no family, no money. She has no one to protect her.

Pinasadahan ko ang mga lumang pictures ni Femella. Halatang naghihirap ito noon. Sobrang payat nito at walang buhay ang mukha habang nagma-mop sa loob ng isang fastfood chain. Hininto ko na ang pagbabasa at pinatay ang laptop. Hindi ko na kayang ipagpatuloy ang pagbabasa. My heart is aching out of pity for her.

Nilagok ko ang alak at lumabas na sa home office. Tumayo ako sa harap ng bintana at tinanaw ang maliwanag pa ring mga gusali sa labas.

Bumalik na naman ang sa isip ko ang napanaginipan. Bumuntung-hininga ako. Panahon na siguro para kausapin ko si Femella tungkol dito. I have to give her a chance.

Umalis ako sa harap ng bintana at humiga sa sofa. I closed my eyes and started remembering the face of the girl in my dreams. Pero wala talaga akong maalala na. Bumuntung-hininga na naman ako. I need to see my doctor in the soonest time possible.

Tumunog ang cellphone sa bulsa ko.

"Hello, Jex," sagot ko.

"Sir, tama po ang hinala niyo. Mr. Lagma Rey is a member of El Draconem."

Napatuwid ako ng upo sa sinabi nito. "More."

"Levin Monaco is his real name. He was recruited by your father ten years ago to be his second in arms in the organization. Siya rin po ang kasalukuyang lider ng isa sa mga faction na naglalaban para makuha ang chairmanship ng El Draconem."

Tumayo ako uli para kumuha ng alak. "Did you check in his base? May nakikita ka bang kahina-hinala? Perhaps he's hiding something?"

"We're concentrating on his real estate business as of now, sir."

Nilagok ko diretso ang alak mula sa bote bago ibinalik sa wine storage. "Okay. Keep me posted, Jex. Thank you."

Pabagsak na bumalik ako sa pagkakahiga sa sofa matapos ilagay ang cellphone sa mesita. Inilagay ko ang braso sa noo at pumikit. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising rin ako maya-maya. Kumilos ako para sana bumalik sa kwarto pero natigilan ako nang mapansin si Femella na natutulog sa ibabaw ko. Her face is resting on my chest while her hands are inside my shirt. Nakapaloob ang ibabang katawan nito sa mga binti ko. May kumot rin na nahulog sa sahig.

Pinagmasdan ko si Femella. Nakabuka ang bibig nito at nakasabog ang mahabang buhok. I combed away her hair and kept staring at her.

"I don't know how you did it but I'm glad that you kept strong. Hindi ka nagpadaig sa mga pagsubok. If you had given up then I wouldn't meet my match. You made me more alive, Fem.  I promise to keep you happy, always." I caressed her face. Umungol ito at mas isiniksik pa ang sarili sa akin. Inabot ko ang kumot sa sahig at ibinalabal sa aming dalawa. I tightened my hands on her back and kissed her head.

"Kinulam mo talaga siguro ako. I don't know how to explain what I'm feeling right now. Hindi ako naniniwala sa pag-ibig given how short the time we have spent together pero ano pa ba ang maaring explanasyon dito?"

I kissed her head and whispered. "I love you, Ms. Alcantara."

I closed my eyes and smiled at the fact that I finally admitted it to myself.  Napailing na lang ako sa sarili.

"I can't believe I'm confessing to a sleeping woman."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.