Her Raging Flame- Tagalog (R-18) Chapter 38

Pinaarangkada ko agad ang Ford Mustang nang ibinaba na ni Luther ang race flag. Hindi rin naman nagpahuli si Cholo at sumabay na rin ang Porsche nito sa race track.

Dikit ang laban namin. May pagkakataong nauungusan niya ako pero nakukuha ko naman uli ang bentahe.

Napangisi ako nang ibaba nito ang bintana at sinigawan ako. "Pare, chill ka lang! Wag mo namang seryosohin! Baka mapingasan mo pa iyang sasakyan mo. Ipambabayad mo pa yan sa akin!"

"Keep on dreaming, man!" ganting sigaw ko.

I changed my gears and accelerated my speed. Ilang turns and downs na lang bago ang finish line. Sa di kalayuan ay tanaw ko na si Luther na nakaupo sa may guhit at kumukuha ng pictures. The guy is into photography these days. Bukas ay baka iba na naman ang hobby nito.

Isang balik na lang bago ang finish line kaya kampante na ako na mananalo ako. Cholo is closely behind me but I can still widen our gap.

Tumunog ang ringing tone ng cellphone ko na nasa dashboard. I immediately smiled at the thought of Femella. Gamit ang isang kamay  habang ang isa ay nasa manibela ay kinuha ko ito at binasa ang message. Isang nakangiting emoji lang naman ang reply nito sa message ko kanina pero para na akong nakalutang sa langit sa saya.

Napailing ako. "Baliw ka na talaga, Maverick."

Nang biglang nag-overtake si Cholo at naunahan ako sa linya. Natawa na lang ako at hinaplos ang kakabili ko pa lang na sasakyan.

"Paalam, kaibigan."

Naiiling pa rin na nilampasan ko ang line at ipinarada ang sasakyan katabi ng kay Cholo.

"Mukhang kinakalawang ka na yata, pare," kantiyaw sa akin ni Cholo nang makalapit ako sa kanila sa finish track ng race. Nakasandal ito sa Porsche nito katabi ang nagsilbing grand marshal namin na si Luther. Imbes na mainis ay nagkibit-balikat lang ako.

"Today is not my day." Kinuha ko ang susi sa bulsa at inihagis dito na agad naman nitong sinalo.

"As what we agreed. Sayo na iyang Ford Mustang ko."

Ipinaikot nito ang susi gamit ang isang daliri. "Ayos! I'll take this baby tomorrow to an event."

Napalatak ako. "Sa rami ng mga sasakyan mo sa garage, ito pa talaga ang ipapangalandakan mo."

Ngumisi lang ito bago buong kasiyahang pinagmasdan ang kotse. "Iba to, pare. It's a trophy. I got this because I beat you. Sa wakas naipaghiganti ko na rin ang Ford ko na nakuha mo noong isang buwan."

Napangiti ako sa sinabi nito at naalala ang malungkot na mukha ng kaibigan habang ibinibigay sa akin ang susi ng custom-made na sasakyan nito. Nanghihinayang pa rin na tiningnan ko ang bagong biling kotse.

"What happened there, man? Bigla ka na lang nag-slow down," puna ni Luther.

I remembered the emoji Femella sent me. Parang nakikita ko pa itong nagbabato ng heart sign sa akin. "I just received a very important message so I need to respond."

"Sa gitna ng karera?" Hindi nito makapaniwalang tanong.

"Yup. Ganoon ka-importante."

Siniko ni Cholo si Luther. "Narinig mo na ba ang pinakamainit na balita?"

"Anong balita?" Isinukbit ni Luther ang strap ng camera sa leeg nito.

"Maverick brought his girl to an event last night. Halos lahat alam na iyan. Saan ka ba naglulungga sa panahong ito? Sa La Vida na naman?"

"Galing ako ng Japan para asikasuhin ang joint project namin nitong si Maverick." Bumaling sa akin si Luther. "Kaya pala distracted. Who's the girl?"

"Femella Alcantara," sabad ni Cholo bago ko pa masagot ang tanong nito.

Sinuntok ako sa tiyan ni Luther. "Langya, kaya pala para kang baliw nitong mga nakaraang araw. Iba ka pare! Sa wakas, nakuha mo rin."

Dumilim ang mukha ko sa ibig nitong ipakahulugan. "What do you mean nakuha?"

Itinaas nito ang mga palad na para bang sumusuko sa isang police operation. "Chill, pre. Wala akong masamang ibig sabihin dun. What I mean is that you finally got her as your girlfriend at mukhang natamaan ka na rin ng love virus. Totohanan na ba yan, pre?"

Walang pag-aalinlangan na tumango ako. "Yes, of course. Nagpaplano na nga akong alukin siya ng kasal."

Kagabi habang natutulog si Femella sa bisig ko ay nabuo ang desisyon na alukin ko na siya ng kasal. I might have no idea how will she react but it's important for me to let her know that I respect and treasure her. Malinis ang intensiyon ko sa kaniya. I don't want her to think that I'm taking advantage of the fact that she's living with me. Gusto ko na maging akin na talaga siya legally. Hindi ko na rin mahintay pa na maging ina ito nang magiging mga anak namin.

"Woah, my man! Congrats na agad diyan! Paano ba iyan Cholo, naunahan pa tayo nito. Ihanda mo na ang pangmalakasang regalo."

Tumawa lang si Cholo bago nanahimik uli.

"Hihingiin kong regalo itong kotse kaya ingatan mo yan," biro ko.

"No chance, bro. Iuuwi ko na ang baby na ito." Sumakay na ito sa kotse. "Ite-test ko lang uli. Congrats, pare! Akin na ang pa-honeymoon niyo,"pahabol nito bago pinaharurot na ang kotse pabalik sa track.

Sinundan na lang naming dalawa ni Luther ng tingin ang kaibigan.

"Maverick tungkol sa construction ng capsule hotel, nagustuhan mo ba ang design na ipinasa ng team ko?" tanong ni Luther habang naglalakad kami patungo sa bleachers ng stadium.

"I have yet to make a decision. So far, I liked the plans you have sent me. I'll ask my assistant to contact you if I have the final decision." Umupo ako at binuksan ang bottled water. Kumuha na rin si Luther para uminom.

"Sinong assistant ang tinutukoy mo?"

Kumunot ang noo ko sa ipinahihiwatig sa boses nito. "Of course I'm talking about Ivan. Sino ba ang iniisip mo?"

Ngumisi ito at nagdekwatro. "Well, I have a particular person in my mind."

"Wag kang magkakamali, pare. Don't mess with Christine. Ang inosente nun. Don't play with her."

Tinapik niya ako sa balikat bago tumayo. "Malaki na ang secretary mo, pare. She can decide for herself." Hinawi nito ang buhok at ipinakita sa akin ang hiwa sa may noo. "Kita mo iyan? She did it to me. That vixen. So aggressively innocent. I like a challenge."

Tumaas ang sulok ng bibig ko. "Remind me to give her a raise. She deserves it by tainting your face. Hindi talaga ako nagkamali sa pag-hire sa kaniya."

"Kaibigan ka ngang tunay, Maverick."

Nginisihan ko lang ito.

Natigil ang pag-uusap namin nang tumunog na naman ang cellphone ko sa bulsa.

Nagpasintabi ako at sinagot ito.

"Hello, Jex."

"Sir, naiwala po ng security force na itinalaga niyo si Ms. Alcantara. Bigla na lang po itong hindi mahagilap sa dressing room ng mall, sir."

"What?!" Dumagundong agad sa kaba ang dibdib ko. "Suyurin niyo ang lugar. Check every CCTV. Call me after."

"Yes, sir."

Nagdidilim pa rin ang paningin na binalikan ko si Luther.

"What was that?" he asked.

Inihilamos ko ang palad sa mukha bago sumagot. "Femella's missing. Can I ask for a favor, Luther?"

Sumeryoso ang mukha nito at agad na inilabas ang cellphone.

"You have a connection with Interpol?"

Tumunog uli ang cellphone ko. "Wait a sec. Hello." Hindi na ako nag-abala pang tingnan kung sino ang tumatawag.

"Maverick."

"Who's this?" Binasa ko ang pangalan bago ibinalik sa tenga ang cellphone. "What is it Butch? It's not the best time, man. I'm having a emergency."

"Alam ko kung nasaan si Femella." Napakahinahon nang pagkakasabi nito na para bang ibinalita niya lang sa akin ang kinain nito kanina. I see red immediately.

"You fucking! Saan siya!" bulyaw ko. Hinablot ko ang susi mula sa kamay ni Luther at tinakbo ang sasakyan nito. "Don't hurt her. Kung may kaugnayan ito tungkol sa—"

"Relax. She's not with me." He cut me off.

Nakita kong lumapit si Luther at kinuha sa akin ang susi. Sinenyasan niya akong pumasok na. Tumalima ako. With my state now, siguradong aksidente lang ang aabutin ko sa daan. 

"Saan siya?" malumanay kong tanong.

"Bago ko sabihin sa iyo, gusto ko lang ipaalala sa iyong ito na ang pagkakataon mong kunin ang pamamahala sa grupo. Then coerced him to give back Femella's sister. It's the only way I see, Maverick. Para sa kaligtasan ng mahal mo."

Hindi ko na pinansin ang katotohanang alam nito ang tungkol sa kapatid ni Femella. Mas importante ngayon na malaman ko kung nasaan si Femella. "You're not my father, Butch. Wag mo akong pangunahan. Kapag nalaman kong may kinalaman ka rito, magsaulian na tayo ng kandila. I can't forgive you if ever. Nasaan siya?"

Sinagot naman niya ako.

Nagtatagis ang bagang na pinatay ko na ang tawag.

Hinampas ko ang dashboard at pumikit. "Damn. I'm coming for you, Femella."

Binilisan naman ni Luther ang pagmamaneho. Minutes later, I've made a hundred calls to save her, to save the other piece of my life.

"Hang in there, Fem."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.