Habang nasa daan kami papunta ng airbase ay ramdam ko ang agwat naming dalawa ni Femella. She is on the far side of the car seat while I was on the other. Wala sa amin ang nagkikibuan sa biyahe hanggang sa marating namin ang destinasyon. Halos sabay rin kaming bumaba at naglakad malapit sa runway.
Sa likod namin ay ang aking mga tauhan na nakapwesto na rin. I also have a security force all over the place in case the worst happens.
I'm still angry at her for what she had decided to do without even saying it to me. Nuncang papayag din ako sa gusto niyang mangyari. Wala naman akong balak pang patagalin ang alitan namin ngayon. I just wanted to give ourselves some space to think things out. What I can guarantee is the fact that there's definitely no break-up that will happen.
"Kahit tanggihan mo ako ngayon, sasabihin ko pa rin sa iyo ang buong pangyayari tungkol sa nakaraan. Wala akong pakialam kung ayaw mong makinig. It's now or never, Mav."
Bahagya kong nilinga si Femella na tuwid na tuwid ang pagkakatayo sa tabi ko. I can't read her face because of her shades but I can certainly sense her steadfastness.
"I'll provide the details that no detective can give you." Huminga muna ito nang malalim bago nagpatuloy. "Ang angkan namin ay kilala sa kayamanan at kapangyarihan but as much as possible, we keep it low key. That's just who we are and that's how our ancestors survived so we keep on the tradition. Karibal namin ang mga Asturia na hindi naman lingid sa kaalaman ng madla. We were on top of every field and industry in our town. We practically ran the place. Kinokunsulta muna kami ng mga pulitiko sa kanilang mga gagawin bago nila ito ipatupad. But we did not come that far easily. Mahigpit ang tradisyon at batas namin. We were a very conservative family who believes in every superstition. May nakakatawang paniniwala kami sa loob. Kapag daw nagkaroon ng kambal sa amin, babagsak daw kami." Histerikal itong tumawa. "Imagine that! Sobrang nakakatawa lang di ba? But we were also a family of crazy and too traditional people so that idea floated on until the next generations. At finally isinilang kami ni Trisha. Takot na takot ang mga magulang ko kaya itinago niya sa lahat na kambal ang anak niya. If that news got out, we would have been killed instantly by our own relatives. Yes, that's how crazy they are." Suminghot ito.
Namulsa ako at hinayaan lang itong magkuwento.
"So ayun na nga. Hindi naman maitago ni mama na nagbuntis siya kaya ang ginawa nila, pinaghiwalay niya kaming dalawa ni Trisha. I was the weaker one so they chose me. Ipinadala nila si Trisha sa tauhan namin sa isang malayong probinsiya. One day, they realized that they chose the wrong one. Wala akong kahit ni isang talento sa musika. Nasisira ko palagi ang anumang instrumentong mahawakan ko. I don't know how to sing. I can't play any musical instrument. For an Alcantara, that's a big shame. Music runs in our blood but I guess it skipped me. On the other hand, nabalitaan nila mama na nanalo sa isang musical competition si Trisha. They were so elated to know that. Balak nilang pagpalitin uli kami pero malabong walang makapansin. We were not identical twins. Araw-araw akong nabubuhay sa comparison nila sa akin kay Trisha. Not that it matter that I excel in business. Babae lang naman kasi ako. I can't hold one raw kahit ayon sa tradisyon namin, ang anak ng panganay ng aming abuelo ang papalit sa ama." Tumigil ito sandali para sumagap ng hangin.
"One day, our parents decided to visit Trisha. I tag along. Gusto ko rin siyang makita kasi sa pictures ko lang siya nakikita. Ang isang araw na pagbisita ay nauwi sa ilang linggo. I loved the place that's why I did everything to beg them to let me stay for a while. Doon ko lang kasi naramdaman ang pagiging tunay na malaya. No rules, no musical classes and no parents who will always compare me to my sister. Trisha and I never got close to each other. She spent her time envying my privileged life while I do the same because of her talent. And then you came along."
Napahugot ako ng hininga sa sinabi nito.
"What do you mean?" tanong ko.
Narinig namin sa taas ang ugong nang paparating na helicopter. Nakataas ang mga tingin sa ere na sinagot ni Femella ang tanong ko.
"Ipinatapon ka ng parents mo sa probinsiya on your last year of college. It's the same province Trisha lived. It's also the same time that I lived there. You and Trisha fell in love with each other. It's the reason she's in the same car with you during that accident. Si Lagma ang bumangga sa sasakyan niyo noong isang gabing iyon. Nahuli lang kami ng dating pero nakita ko pa ang aso niyang dala at ang tattoo niya sa leeg bago niya tuluyang naisakay sa van si Trisha. Ako ang tumawag ng 911 para mailigtas ka. Hindi lumabas sa balita ang aksidente dahil ginawa nila mama ang lahat para maitago ang katotohanan na may kambal ako pero huli na ang lahat para sa aming pamilya. It created an internal turmoil which caused our downfall."
Parang nabingi ako sa mga narinig. Nanigas ako sa kinatatayuan habang pinoproseso pa sa isip ang mga nalaman.
Lumapag ang helicopter at nilipad ng hangin na dala nito ang buhok ni Femella. Her shades flew off revealing her cold hurting eyes.
"You always ask why you are so crazy with me? You ask why you loved me for a very short time? You ask if it's even possible? But I don't think it's me you loved, Mav. Naramdaman mo lang sa akin iyon dahil naaalala mo siya. You are reminded of her through me. Your subconscious recognized our similarity," wika nito sa kontroladong boses.
"I never believed for once about your love for me, Fuentebella. Never," dagdag nito.
I clenched my teeth at her words. How dare she doubt about my love for her? When I am more than ready to forgive her, forget about everything, and offer her everything I got?
Naagaw ang atensiyon namin nang bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas ang isang babae.
"Remember about that story I told you on our last night at the island?"
Kahit na nagulat at hindi makapaniwala sa mga ipinagtapat nito, I still managed to remember that night. Heck, I remember everything about her. Naaalala ko ang lahat ng bagay na ginawa namin nang magkasama at ang lahat ng bagay na may kaugnayan siya.
"What about it?" My eyes are fixated to the girl descending from the aircraft.
"You're about to meet her. That girl."
Nagsimula na itong maglakad para salubungin ang babae.
Nanatili akong nakapako sa kinatatayuan. Pilit kong inaaaninag ang mukha ng babae. Nang maklaro ko na ang mukha nito ay parang may sumipa sa sikmura ko.
Biglang nagkaroon ng mukha ang babae sa panaginip ko. Hindi ako nakagalaw pa at hinintay na lang ang mga mangyayari. Ilang sandali pa munang nag-usap silang dalawa ni Femella bago napunta sa akin ang paningin ni Trisha.
She smiled and then she came running towards me. Bigla niya akong niyakap nang napakahigpit at umiyak. I didn't respond. I can't respond because I don't know how to sift through this happening.
Lumipad ang tingin ko kay Femella na nag-iwas ng tingin sa amin. Walang ekspresyong tumalikod ito at sumakay sa sasakyan na hindi ko namalayan na dumating pala.
Inalis ko ang mga braso ng babaeng nakayakap sa akin para habulin ang babaeng mahal pero mas humigpit ang hawak niya sa akin at mas lumakas ang pag-iyak nito.
I looked back at the helicopter and saw Lagma staring hard at us. Sa unahan ay nakita ko ang pag-abot ni Jex ng envelope sa isang tauhan ni Lagma.
What just happened?