Her Raging Flame- Tagalog (R-18) Chapter 42

"He's nineteen."

"Nineteen?!" bulalas ko. "And he's dating a minor?!!"

"Pwede ba?" Iritado ang mukha nito nang bumaling ito sa akin. "Hindi big deal ang age gap, okay? Besides, hindi naman niya alam. Ang akala niya, 18 na ako. Di naman kasi halatang 15 pa ako."

She's right. With our height and body proportions, no one will suspect us for being minors.

"Wow. And here I am thinking this is a place for conservative mindsets."

Inignora na niya ako at ipinagpatuloy na ang pagmo-model sa salamin.

After Trisha left, I got bored so I decided to go to the main plaza of the town. Eto pa lang ang pangatlong beses na pupunta ako sa center town. Ang una ay noong pista ng nayon at ang ikalawa naman ay para samahan si Manay Letty na mamalengke. Sa lahat ng lakad na iyon ay sobrang pag-iingat ang ginawa ko. Lagi na lang ay naka hoodie ako at sweatpants. As much as possible, I need to disguise myself. Kahit malabo ang percentage na malaman nilang kapatid ko si Trisha, still I won't take the risk. It was the rule my parents gave me.

Nakataas ang hood sa ulo at nakapamulsa na nag-ikot ikot ako sa lugar. The place is too peaceful to the point of being boring. No clubs, no entertainment hubs and no big malls. Tipikal na lugar sa probinsiya kaya panatag silang iwan ako rito.

Nilampasan ko ang palengke ng lugar para magpunta sa iilang kainan na available sa lugar. Malapit ito sa isang community college na nasa loob ng isang parang compound. I heard from Manay that it's an all boys school set up by an organization.

Tumitingin ako nang pwedeng kainan nang mahagip ko ang pamilyar na bulto ni Trisha na nasa loob ng isang restaurant. Tumigil ako at dumako ang tingin sa masayang kausap nito. Gumilid ako sa isang parte ng glass wall para makita ang lalaki para lang matigilan.

The guy is a manifestation of my ideal man physically. He's manly, very very manly. He's tall, dark-haired and with a face straight out from a magazine. He is practically crowding the space. He smiled and his jaws have become more defined. Golden skin on top of a lean not so bulky muscles..Perfect nose, red lips, thick brows and a pair of playboy eyes just like most men of the Asturias.

Doon ako natauhan. Danger. This man spells danger. Itinaas nito ang kamay at dinala ang hawak na sigarilyo sa bibig nito. He blew off the smoke but I didn't feel any sort of repulsion. Instead, I viewed it as sexy just like my sister who is looking dreamily at him.

A knot formed in my stomach. Jealousy struck me like a lightning.

Alam ko na agad ang nangyayari base sa reaksiyon ko. I just had a crush on my twin sister's boyfriend.

Dumiretso na ako ng uwi. Nag-take out na lang ako sa isang fastfood chain.

"Senorita, hindi pa ba umuuwi ang kapatid mo?" tanong ni Manay Letty sa akin nang maabutan niya akong nakaupo sa sofa sa sala. "Aba, malapit nang mag-alas siyete. Wala naman siyang pasok ngayon dahil Sabado."

"I don't know. Maybe she did some projects or whatever," pagsisinungaling ko.

"Ganun ba. Sige susunduin ko siya sa mga kilala kong kaklase niya. Senorita, nagugutom na po ba kayo? Gusto mo bang ipaghain ko na kayo?"

Umiling ako. "No, please don't bother. I'm still full. You can go now."

"Sige po."

Tumayo ako para pumunta sa kwarto. Tinatamad akong pumunta ng batis para maligo. Nagpasya muna akong matulog. Ipipikit ko na sana ang mga mata nang gambalain ako nang pagbukas ng pinto kasabay nang pagpasok ni Trisha bitbit ang bouquet of flowers and chocolates. Abot tenga ang ngiti habang maingat na inilalapag sa kama niya ang mga bulaklak.

Tiningnan pa niya ako bago ako nginisihan na parang nang-iinggit.

I rolled my eyes at her and forced myself to sleep. Kinabukasan ay kinailangan kong bumalik sa Monte Vega para sa assessment ko.

The next day, I went back to Sta. Barbara to spend my vacation. Pagbukas pa lang ni Trisha ng pinto ay alam ko nang hindi niya nagustuhan ang pagbabalik ko. I was puzzled because she is not as hostile as this during our first meeting.

The morning after, Maverick visited my sister in the house. Nasa bakuran sila nag-uusap at kahit labag sa loob ko ang makita silang magkasama ay hindi ko pa rin maiwasang nakawan ng sulyap si Maverick. Mabilis lang dahil madadaanan ko rin naman sila papunta ng batis. Pagbalik ko ay wala na sila.

Dumaan ang ilang araw at palagi na ay bisita na ni Trisha si Maverick lingid sa kaalaman ni Manay Letty na palaging nasa sentro para asikasuhin ang operasyon ng kamag-anak nito. Tuwing bumibisita ang lalaki ay naglalagi ako sa ilog para iwasan silang dalawa. I pack foods and read my books there.

"Hey."

Naging alerto ako sa boses na narinig. Agad kong ibinaba sa mat ang librong binabasa at nilingon ang lalaki na ngayon ay nakaupo na sa damuhan katabi ng mat ko.

He's intently looking at me with those playful eyes and a glint of frolic smile on his mouth. Hindi agad ako nakahuma. My mind went blank instantly at his wondrous sight. My young heart leaped and sang a colorful song.

Mas guwapo ito sa malapitan. All his assets were magnified in person. Namula ako nang ma-realize na kanina pa ako hindi nagsasalita at nakatunganga lang sa lalaki.

"Sorry, what do you say again? I got lost in my thoughts," I said to try to salvage myself.

Tumawa ang lalaki. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko. For a teenage girl who has never been this close to a total stranger who is a very attractive boy, I am not so sure how to react at the very male sound of his voice. This is my first encounter of his kind with my guards down.

"I'm Maverick. Your name lovely lady?" Inilahad nito ang kamay sa akin.

Tiningnan ko lang ito pero hindi ko inabot kaya ito na rin ang nagbawi. Tumawa uli ito. "Feisty, huh." Dumako ang tingin nito sa mga nakahilerang libro sa mat. Dinampot nito ang isa at binasa. "Fundamentals in Business Ethics." Kumuha pa ito ng isa. "Economics, Politics. Woo-hoo. Pretty serious in life meh?" He chuckled.

Inagaw ko mula rito ang mga libro at inilagay sa kandungan. "I'd rather study than live a life like a bum like what I think you're doing."

Imbes na magalit sa sinabi ko ay tinawanan niya lang ako. "Fierce. I like that." Tumingin ito sa banayad na ilog  pagakatapos ay sumipol. "What a beauty! I can understand your fascination here. Dito ka pala naglalagi kapag nagpupunta ako sa inyo."

"I think you better go. Baka hinahanap ka na ni Trisha."

"No, she won't." Tumindig ito at aktong maghuhubad ng t shirt. Napatili ako at agad na tinakpan ang mga mata.

"What are you doing?! Can't you see that I'm here?! How inappropriate! Hindi ka ba naturuan ng tamang asal ng mga magulang mo?!" sigaw ko habang mariing nakapikit.

"Hey easy, easy! Okay, I'm not doing it. Geez! Gusto ko lang namang maligo. I don't know you'll freak out. Pwede ka nang magdilat. I'm still fully clothed."

Dahan-dahan kong inalis ang kamay sa mata para makita lang ang ngising nakabalandra sa mukha nito. Nagpupuyos ang kalooban na tumayo ako at inimis ang mga libro at mat saka walang kibo na nilayasan ito.

"Hey, hey! Pwede na akong maligo rito ha!" sigaw pa nito.

Nagpatuloy ang pang-aasar sa akin ni Maverick tuwing nagpupunta siya sa bahay. Ang dating katahimikang nakukuha ko sa pag-iisa sa ilog ay biglang nawala dahil palagi na ay sinusundan ako roon ng lalaki.

I'm always pushing him away kasi ayaw ko ng away. Kagabi ay binantaan ako ni Trisha na wag raw aagawin si Maverick sa kaniya. Of course I find it pathetic that she's taking it against me.

"Hey Fem, do you have a boyfriend?"

Nag-angat ako ng tingin kay Maverick mula sa binabasang libro. Nandito na naman siya sa lugar na parang inako na rin ito. Naglagay ito ng distansiya sa aming dalawa dahil maninigarilyo raw ito.

"I'm not interested in boys," sagot ko at ibinalik na ang focus sa libro.

"But are you interested with men?"

Isinarado ko ang libro at sinimulang ligpitin ang mat. Nang matapos na ay nilingon ko si Maverick na busy pa rin sa kakahithit.

"Not either especially those who smoke like there's no tomorrow."

Tinalikuran ko siya saka mabilis na tinahak ang daan pauwi. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin pero hindi niya na ako kinausap pa. Sa bungad ng bakuran ay nakaabang na sa amin si Trisha na madilim ang pagmumukha. Sadya niya akong binunggo sa balikat bago nito sinalubong si Maverick. Hindi na ako lumabas pa ng gabing iyon.

Bumukas ang pintuan at pumasok ang galit na si Trisha.

"Malandi ka!" tungayaw nito sa akin at pilit akong hinila patayo.

"Ano ba!" ganting sigaw ko rin.

"Akala mo ba hindi ko napapansin na gusto mo rin si Maverick? Mahiya ka naman Femella! Nasa iyo na nga ang lahat tapos pati boyfriend ko aagawin mo na rin?" Taas-baba ang dibdib nito dahil sa galit.

"Ew Trisha. Ang baba mo talagang mag-isip kahit kailan. I understand that a lot of teenagers are into stuff like this but for you to liken myself to you is just eww. I don't do boyfriends at my age! And correction, iyang bf mo ang lapit ng lapit sa akin so siya dapat ang pagsabihan mo hindi ako. Do it kung ayaw mong isumbong kita kina mama at papa."

Bumalik ako sa pagkakahiga at nagtalukbong ng kumot.

The day after, I went back to Monte Vega for another assessments and reviews for my college entrance examination. I planned to study in America but the family wanted it to be in Europe so Europe it is.

All that time, my young heart longed to see Maverick. Kaya nang magpasya sina mama na bumisita kay Trisha ay sumabay na rin ako. They brought with them a set of musical instruments for Trisha. May grand piano, violin, cello, at iba pang mga instruments. They build up a musical room to the house for her alone.

Habang busy sila sa loob ng bahay ay tumalilis ako papunta sa batis. Namimiss ko na ang lugar dahil mahigit isang buwan ko na rin itong hindi nababalikan.

Pero higit sa inakala kong tanawin ay mas nasorpresa ako sa nakita. Ang binatang ilang araw na nasa isip ko ay nakahiga at natutulog sa damuhan. Nakataas ang dalawang kamay nito sa ulo at nakanganga ito nang kaunti. Idinuduyan nang mabining hangin ang medyo mataas na nitong buhok.

Tila nahihipnotismong tinititigan ko lang si Maverick habang payapa itong natutulog. Hindi ko pinansin ang eratikong pintig ng puso ko. Ayaw ko mang aminin pero na-miss ko pala siya nang sobra.

Pumihit ako para umalis na nang bigla itong magsalita. Napalundag ako sa gulat.

"Hey, nakabalik ka na pala."

Nilingon ko ito na ngayon ay nakaupo na at hinahagod ng kamay ang mukha. Pagkuwan ay tumingin ito sa akin at matamis akong nginitian. My heart somersaulted in its cage.

"Narito na pala ang tunay na may-ari ng lugar na to. I'm sorry for intruding again in your private place. Nagagandahan lang talaga ako."

"No, it's okay. I don't mind."

Tumayo ito at nilapitan ako. "Do you mind if I say that I want to be your friend?"

I step back when I felt a little. overwhelmed by his presence. "Magagalit si Trisha," mahinang sagot ko.

Tumawa ang lalaki saka inilagay ang kamay sa batok. Napasunod na lang ang tingin ko rito. "No, she won't. What made you say that? You're his sister unless it's you who won't want to be friends with me."

Awtomatiko ang ginawang pag-iling ko. "No, I won't mind."

Unti-unting sumilay ang simpatikong ngiti nito. "Talaga? Then how about we sit together now and maybe talk about things. You cool with that?"

Expectant itong ngumiti sa akin.

"Sure."

Magkasabay kaming umupo sa damuhan at tumitig sa ilog. Tensiyonadong tensiyonado ako. I can almost feel my heart out.

"So ano ang ginawa mo sa loob ng isang buwan? That was a pretty long time to be away, huh."

"Nah, it's just mostly about school stuff. Studying, exams and other assessments."

"Reminds me of my self so much. It's what good girls do."

Hinubad nito ang jacket na suot at pinatayo ako. Inilatag niya ito sa damuhan at pinaupo ulit ako.

"Ikaw? What did you do for the past month? Did you uhmm?" Nagdadalawang-isip ako kung tatanungin ko ba siya kung ano ang pinaggagagawa nila ni Trisha.

"Me? Well the days have been so boring. The place is boring lalo na nung nawala ka. Wala na akong iinisin."

Inirapan ko siya. He just chuckled.

"You're not really from here right? Bat ka napadpad dito?"

Sandaling sumeryoso ang mukha nito. "Typical story. Ipinatapon ako ni mama rito. Nagsawa na yata siya sa pagiging bulakbol at gwapo ko kaya naisipang ipamigay ako."

"A rebel, huh. Huhulaan ko ring matinik ka sa babae at kabi-kabila ang mga pinapaiyak mo. You're bad." Umingos ako.

"It's not my fault that girls are drawn to me."

"Tsk. Palusot ng mga lalaking conceited."

He laughed.

Pumunit sa namuong katahimikan ang tunog ng cellphone nito. He hesitated at first but he still read the message. Nag-aatubili pa rin ito nang tumayo ito at inilahad ang kamay sa akin. Pinukol ko siya nang nagtatakang tingin.

"I have to go and I can't possibly leave you alone here. Come, I'll take you home."

Mabilis ang ginawa kong pag-iling. "No, nasa bahay ang parents ko."

"Then I'll just watch you from a distance. Come on." Iginalaw nito ang nakalahad na kamay kaya wala na akong nagawa kundi abutin ito. We walked home holding hands. Nang tanaw ko na ang bahay ay kusa ko nang hinila ang kamay at nagpaalam.

Nakita ko pa siyang nakatayo lang sa bungad ng gubat hanggang sa makapasok ako sa gate. Pagpasok ko sa buhay ay agad akong sinalubong ng sabunot ni Trisha. Napasigaw ako sa sakit ng anit.

"What are you doing?!" I asked after freeing myself.

"Nagtatanong ka pa? Di ba binalaan na kitang wag nang lalapit pa kay Maverick? Matalino ka naman pero bakit hindi ka makaintindi?" nanlilisik ang mga mata nitong sumbat sa akin.

Wala akong masagot lalo pa at nakita ko si mama sa kusina na nakatingin sa amin. I don't know if she saw what Trisha did or not but she didn't do anything.

"Girls, what's happening?" tanong ni papa na kapapasok lang sa sala mula sa ipinapagawa nitong music room ni Trisha.

"Nothing. We're just talking," sagot ko at agad na bumira nang alis. Rinig ko pa ang pagtawag ni papa sa akin pero hindi ko na siya pinansin. Nagtuloy ako sa kwarto at binuklat ang mga libro.

Simula noon ay iniwasan ko na ulit si Maverick. Hindi na rin ako masyadong nagpupupunta sa ilog. Kahit masakit na ang dibdib ko sa sobrang selos sa nakikitang pagmamahal at pag-aasikaso nila mama kay Trisha ay tiniis ko. When my parents went back to Monte Vega, I stayed despite Trisha's protest. Idinahilan ko ang isang linggong pahinga bago ako lumipad patungong Europa.

"I've been waiting for you for two weeks here. Sa wakas nagpakita ka na rin."

Humigit ako nang malalim na hininga at nilinga si Maverick na naupo sa tabi ko. I noticed his hair is now longer. Pagod ang mukha nito na animoy ilang araw nang walang maayos na tulog.

"Busy. Maraming dapat pag-aralan."

Umisod ako palayo rito nang kaunti.

"Really? Hindi mo ako iniiwasan?"

Pinaglaruan ko ang mga damo gamit ang daliri.

"Bakit naman kita iiwasan?" Hindi pa rin ako nagtaas ng tingin.

"Kasi napapansin ko na kapag bumibisita ako sa bahay niyo ay palagi kang nagkukulong sa kwarto. Did I do something?"

Doon ko na sinalubong ang kaniyang mga mata. "No, you didn't. Ayoko lang na makakuha nang rason sina mama para pabalikin na ako sa amin. She doesn't want me to talk to strangers here. Don't ask why. I can't tell you. Pero wala ka talagang ginawa na mali. In fact, I'm starting to get a hang of you." Nakagat ko ang dila sa huling nasabi. Hindi ko dapat sinabi iyon. Baka magkaroon pa siya nang hinala na may gusto ako sa kaniya. Bawal iyon. Boyfriend siya ng kakambal ko at masyado pa akong bata para rito.

Sinubukan ko namang balewalain noong una pero di ko talaga mapigilan ang sariling mamiss ito at hanap-hanapin ang presensiya nito.

"You're so mysterious, Fem. But you know what. Same thing. I'm starting to get a hang of you."

Namumula ang mga pisnging ngumiti ako rito. He pinched my cheek.

"You're blushing. Cute. Teka, I have something for you." May dinukot itong kung ano sa bulsa ng maong na pantalon at inilagay sa nakabukas kong kamay. I held it in the air.

"A bracelet?" It was a gold band with cute little chunks of celestial bodies adorning it. Napangiti ako sa kagandahan ng alahas. I don't know why when it looks cheaper compare to my collection of jewelries. Siguro dahil sa taong nagbigay.

"No, it's an anklet. Come, let me put it."

Agad ang ginawa kong pag-iling nang lumuhod ito. "No, it's okay. Naiilang kasi akong nahahawakan. I hope you understand. Sorry..."

"Oh.. Sorry for touching you earlier. Okay lang. Ang mahalaga ay nagustuhan mo. Do you like it?" halos may kasabay na pagsusumamo ang nahimigan ko sa tinig nito.

I smiled sweetly at him. "Yeah, I super like it. Thank you."

Saglit na natulala ito sa akin bago tumikhim. "You are most welcome."

Bago ako umuwi ay napapayag niya akong sumama sa lakad nila ni Trisha. He didn't let me go until I said yes.

Alas-tres ang usapan namin at nagkukumahog na ako sa paghahanap sa bigay nitong anklet. Inilagay ko lang iyon sandali sa pocket ng maleta pero hindi ko na mahanap ngayon. Nagpasya na lang akong umalis na at mamaya ko na lang ito hahanapin pagbalik ko. Kanina pa nakaalis si Trisha. Ang sabi niya sa plaza na lang nila ako hihintayin. Kuntodo disgusto pa rin ito sa pagsama ko pero wala na rin itong nagawa.

Lumiko ako sa gilid ng simbahan para marating ang hilera ng mga benches na nasa paanan ng plaza. Inayos ko ang suot na red. off-shoulder dress bago tuluyang lumapit. Pero hindi ko rin nagawang maihakbang ang mga paa dahil sa sunod na eksena na nasaksihan.

Trisha received a bouquet of flowers from Maverick and then the two hugged. Trisha kissed him in the cheek and then they went on to ride a luxurious car parked nearby.

Alikabok na lang ang naiwan mula sa papalayong sasakyan. Naiwan akong luhaan, naaawa sa sarili at kumikirot ang pusong unang beses na nasaktan.

Kinagabihan, habang hinihintay ko ang sundo pauwi sa Monte Vega, may narinig akong isang pagsabog sa di kalayuan. I went there to only witness the kidnapping of Trisha. When I regained my senses, tumawag na ako ng tulong.

That is when my parents arrived panicking. Nang malaman nila ang nangyari kay Trisha ay mas nag-panic sila. Doon na nila ako pinapangako na kailangan kong mailigtas si Trisha bago nila kinitil ang sariling mga buhay.

My life after then became dark all over.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.