Her Sweet Revenge Chapter 44

Kathlia Pov:

Para akong na statwa sa kinatatayuan ko ngayon ng makita ko sa loob ng sasakyan namin si Kira at si Max na naghahalikan at talagang nakapatong pa itong si Kira sa kanya. And I don't know what to do as in hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung papasokin ko ba sila sa loob ng sasakyan or hihintayin ko nalang silang dalawang matapos sa ginagawa nila O di kaya ay aalis nalang ako at pipilitin ko nalang ang sarili ko na hindi ko nakita ang lahat ng ito.

Ngunit bigla nalang bumukas ang pinto at siya namang pag labas nilang dalawa.Napansin ko din pagka gulat nilang dalawa ng makita nila akong nakatayo sa labas ng sasakyan.

End Pov:

"Kath----- Look it's not what you're thinking. Nag usap lang kami ni Kira about our new out of town meetings.Diba Kira?" PAK"

"Usap ganun ba? Stop fooling me Max! may nag-uusap bang naghahalikan at naglalap-lapan sa loob ng sasakyan? Kitang-kita ko kayo! Siya ba?! si Kira ba ang dahilan kung bakit nagbago ka? Ha! Sagutin mo ako Max!" Humahagulgol kung sabi sa kanya habang unti-unti na akong umuupo dito sa sahig.

"Paano mo nagawa sa akin ito? Mag-kaibigan tayo Kira...Paano mo ako nagawang traydorin ha?! Paano?" Galit na sabi ko sa tinuring kong bestfriend na si Kira. At dahil nga sa galit ko ay nasampal ko siya sa magkabilang pisngi niya. Dahilan upang masampal din ako ni Max, kung ano ang ginawa ko kay Kira ganun din ang ginawa ni Max sa'kin.

"Yan lang ba?! Sige pa sampalin mo pa ako! Dahil hiyang-hiya naman kasi ako sa inyong dalawa ni Kira eh, nagagawa mo sa akin ang lahat ng ito, dahil lang sa babaeng yan. Max, alam mong minahal kita diba! at ni minsan hindi ako nagkulang sa'yo... Pinilit kong kinaya ang lahat. Hindi ako sumuko kasi nga mahal kita. At umaasa ako na sana balang araw bumalik yung dating tayo nuon! Pero mali pala ako kasi hindi na pala mang-yayari ang lahat ng yun, dahil sa kanya!"Turo ko kay Kira.

"Alam kung maling isuko kita Max! Pero pagod na ako! at hindi ko na matiis ang lahat ng ito. Ang lahat ng ginagawa mo sakin. Sana sumaya ka! kayong dalawa ng babaeng yan! Don't worry I will sign it." I said then left him standing without any single words that came out of his mouth.

Max Pov:

That's it! nakita niya na kami, pero imbes na sana matuwa ako ay nasaktan lang ako. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ang lahat ng ito kasi alam ko naman sa sarili ko na si Kira na talaga yung mahal at pinili ko sa kanilang dalawa.

Pero bakit ganito? Shit! Inis na napakamot ako sa ulo at kaagad na sumagi sa isip ko ang sundan si Kath sa loob, baka kasi biglang mag skandalo ang babaeng yun sa birthday party ni Mom, na maging dahilan para kamuhian ako ng pamilya ko at ng pamilya niya. And I will not allow it to happen.

End of Pov:

Napansin ko ang pag ngiti ni Kira habang nakasandal sa labas ng sasakyan at simpling pinagmamasdan ang sarili nito sa maliit na salamin ng sasakyan ko. "Finally we're free Max."

"Dito ka muna okay? Susundan ko lang si Kath.'' I said to Kira then I kissed her lips

''Kath are you okay bakit ka umiiyak?'' Nagtatakang tanong ni Tita Matilda sa akin.

''I'm okay tita, wala po ito na puwing lang po ako kaya ganun.'' Pagsisinungaling ko naman sa kanya.

"Happy birthday Mom." Sabi ni Max habang palapit sa aming dalawa ni Tita Matilda at hinawakan ang bandang bewang ko. Pero di ko pinapahalata kay Tita matilda na dahan-dahan kong inaalis ang kamay ni Max na nakahawak ngayon sa may bewang ko, pero talagang malakas ang walang hiyang lalaking ito. Kaya wala na akong nagawa kundi hayaan nalang siya. At sinabi ko nalang sa sarili ko na ngayon lang naman ito eh, di na mauulit pa. Sa harapan lang naman ni Tital Matilda ito.

"Thank you Son." Sabi naman ni Tita Matilda sa anak niyang walang kwenta!

"I love you " Pa sweet pang sabi ni Max sakin sa harap ni Tita Matilda, kaya tumugon nalang din ako. Para hindi na magtaka si Tita ang bait pa naman niya sakin. '' I love you too,'' Sabi ko binigyan siya ng piking ngiti.

"Diyan muna kayo ha? Pupuntahan ko lang ang Tita Shane niyo at ang Tito Noah at ang pinsan mong si Austin.

"Oh, Austin! Ang gwapo muna."

"Hindi naman po Tita Matilda." Sabi ko kay Tita habang pinagmamasdan si Kath na kasama si Max, sa gitna at nakahawak pa talaga ito sa beywang ni Kath na ikinainis ko.

''Aysus! Napaka humble mo talagang bata ka, Manang-mana ka talaga sa mga magulang mo.'' Sabi ni Tita sa harap ni Mom at Dad, kaya bigla tuloy akong nahiya dahil sa sinabi nito.

''Don't tell Mom what you saw today! kung ayaw mong may gawin akong hindi maganda sayo. Tandaan mo yan Kath, kilala mo ako. At alam mo rin kung ano ang mga kaya kung gawin. Mawala ka lang sa landas ko.'' PAK'' Pagbabanta ni Max sakin kaya nasampal ko siya ulit.

''You cant traiten me! because I'm 3 months pregnant and you're the father of this baby that I'm carrying now. Seryoso kung sabi sa kanya. Pero tinaasan lang niya ako ng kilay at ginawaran ng ngiting nakakaloko.

''Stop making jokes of me Kath, Ako-- ang Ama niyang dinadala mo? O baka naman ang pinsan kung si Austin ang Ama niyan. Mahiya ka naman sa sarili mo Kath, kung sa bagay di na ako magtataka kung bakit ka niya nabuntis kasi nga malandi ka diba? Una si Tristian tapos ngayon si Austin naman.'' Walang gana kung sabi sa kanya bago ako umalis at iniwan siyang mag-isang nakatayo dun sa gitna. Dahil wala na akong ibang masabi sa kanya at naging blanko ako bigla dahil sa nalaman ko ngayon. Am I the Father of that Child?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.