Her Sweet Revenge Chapter 51

"You'll marry Kassandra or else ibabalik kita sa states at kapag di pa ako nakapagtimpi sa'yo, ako na talaga mismo ang tatapon sa'yo sa kalsada!"

Halos madurog ako sa sinabi ni Mom, na ngayon ay halatang nangagalaiti na sa galit. Habang si Dad naman ay walang nagawa kundi ang maupo nalang sa tabi ni Mom para pakalmahin ito. "Hindi ko Mahal ang babaeng yun Ma, bakit ba gusto niyong pakasalan ko siya? Bakit ba pinipilit niyo ako sa taong ayaw ko.

Biglang Tumayo si Mom at isang malutong na sampal ang binitawan nito sa pesngi ko, na ikinalaki ng mga mata naming dalawa ni Dad.

"You're asking me why? Austin! Think about what you've done to the Montalba family. At kung anong kahihiyan ang binigay niyo ni Kath sa amin, sa atin."

"Akala ko kilala niyo na ako Ma, kasi anak niyo ako, pero mali pala ako kasi mas naniniwala kayo sa ibang tao, kaysa sa akin na anak niyo!" Napansin ko ang pagkabigla ni Mom ng sabihin ko sa kanya iyon at si Dad naman ay malungkot na nakatingin at tila ba hindi alam kong anong gagawin.

"Kath okay ka lang?" Isang tango at pilit na ngiti lang ang isinagot ko kay Summer. Si Elana naman biglang umupo sa tabi ko at hinagod ang likod ko.

"I know you're not okay, Kahit sino naman ang mawalan ng isang anak hindi magiging masaya . Pero alam mo bilib ako sa'yo kasi pilit ka parin ngumingiti at nagpapakasaya para maitago ang pighati at lungkot na nararamdaman mo ngayon. You're a brave woman Kath, kaya magpakakatatag ka lang kasi you still had the other twins." Sabay himas ni Elana sa Tyan ko.

"Thanks Elana."

"Basta nandito lang kami para sa'yo." Dugtong naman ni Summer.

Sabay ko silang dalawa niyakap "Basta if ever man na umalis ako, please don't search for me. Hayaan niyo nalang ako at isipin niyo nalang na magiging masaya ako kung saan man ako dalhin nitong mga paa ko. Malay niyo dun kona makikilala si Mr.Right.

"Then what about Austin, Hindi paba siya si Mr Right para sa'yo?"Ani Elana.

"Ayaw kong mas lalo pang maging magulo ang lahat, nagkagulo na nga kahit hindi pa naging kami, how much more kapag naging kami na talaga diba? Kaya habang mas maaga pa wag na nating ipilit ang mga bagay na mahirap na talagang mangyari. I know in time makakalimutan niya din ako. At kapag nangyari yun magiging madali nalang para sa kanya ang magmahal at magka gusto sa iba." Seryoso at malungkot kong sabi kay Elana at Summer.

"Kaya sige na matutulog na ako, at kayong dalawa naman dyan matulog narin." Biglang natahimik yung dalawa na para bang nag-uusap lang sa isip nila.

"Ayaw naming matulog baka kasi bigla kang umalis kapag nakatulog na kami." Parang batang sambit ni Elana at Summer kaya napahalakhak ako ng tawa.

"Gaga! We're not joking here."

"Congrats Kassandra, they agreed on the arranged marriage proposal." Halos mapatalon ako sa tuwa at muntikan pa ngang mahulog ang baso na may lamang coffee na tinimpla ko para kay Dad.

"Talaga dad?"

"Wow, I'm so happy for you Kassandra. Magiging isang Mrs Valley kana. Diba Tito David?." Isang tango at ngiti naman ang itinugon ni Dad kay Belle.

"At talagang may lakas ka pa ng loob para bumalik dito sa bahay! Sa ginawa mong kahihiyan sa pamilya natin. At sa pamilya ng tita Shane at tita Matilda mo."Bungad sa akin ni mom pagkapasok ko sa loob ng bahay. Napansin ko din yung luggage kona nasa baba na ng hagdan at si dad na dala yung sling bag ko. Pinapalayas na ba nila ako?

"Ma... Wag niyo naman pong gawin ito sa akin. Paano nalang po ako kapag wala kayo." Pagmamakaawa ko kay Mom. Pero parang baliwala lang sa kanya ang pag iyak at pagmamakaawa ko sa harapan niya. At sumagi nalang sa isipan kong hindi na talaga mawawala sa isip ni Mom ang galit nito dahil sa mga kasinungalingang sinabi ni Max sa kanya tungkol sa akin.

"Hindi na maibabalik ng paghingi mong tawad ang kahihiyang sinapit namin ng dad mo sa pamilya ng asawa mo. Kaya bumalik kana dun sa asawa mo at ayusin mo itong gulong pinasok mo. Bago pa mahuli ang lahat at mapakasalan ni Max si Kira. Yun nga ay kung mapapatawad at tatanggapin ka pa niya and about Austin his engaged to Kassandra now. Kaya wala kanang matatakbohan kapag nagkataon dahil simula ngayon kakalimutan kunang naging anak pa kita.

"Madam gabie naman nganung naa paman ka diria sa gawas uy."

"I can't sleep, tumatanda na ako sino nalang ang mamahala sa lahat ng business ko dito sa Pilipinas at sa ibang bansa at sa Bloom Botique na minana ko pa sa mga magulang ko."Malungkot na Wika ni Mrs Ferrer sa katulong niyang si Anding.

"Hay naku Madam, saka niyo na po isipin yang ganyang bagay dahil para sa akin para namang hindi ka tumatanda tignan mo nga oh! parang bumabata ka lalo." Napahalakhak nalang ng tawa si Mrs Ferrer kay Anding dahil sa sinabi nito. Mag isa nalang kasi ito simula ng pumanaw si Mr Ferrer at si Anding nalang ang naging kasama nito sa matagal na pahon hindi kasi nabiyayaan ng anak itong si, Ms Ferrer.

"Aysus! Pakatawaon mangyud ko nimo Anding uy." Ani Ms Ferrer kay Anding bago ito tuloyang pumasok sa kwarto nito.

"Thank you for choosing me," Kira said to me. Ng biglang may nag doorbell sa labas ng gate at siya din namang paglabas ni Manang.

"Ako na po ang magbubukas sir Max.'' Wika nito at kaagad na binuksan yung gate.

"Kath..." Pansin kong ang pagkabigla ni Manang ng makita niya ako.

"Manang, si Max nasa loob ba?" Pagkasabi ko ay bigla itong napalingon sa may swimming pool area, kung saan magkasama si Max at Kira. Great just Great!

I smile bitterly bago ako nagsalita ulit. "Aalis nalang po ako Manang." Pero nung paalis na sana ako ay mabilis na hinawaka ni Manang ang braso ko.

"Saan ka naman pupunta kung aalis ka? Hali kana dito sa loob, bahay niyo naman itong dalawa ni Max kaya may karapatan ka parin kaysa dyan sa kabit niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.