His Lovely Obsession (Filipino) Chapter 13

It has been two days ng may mangyari sa kanila ni Derick. Medyo mahapdi pa din ang ibabang bahagi ng katawan niya. Naalala niya kung paano siya tignan ni Heather. Hindi niya alam if nakahalata ito na medyo hirap siyang lumakad ng deretso.

Nailing na lang siya. Buti naman hindi na siya masyadong kinikibo nito.Mas tahimik ang buhay niya. Pero at the back of her mind, nag-aalala din siya pag naiisip niya ang June edition ng Not Eye Candy Magazine. Malamang na-distribute na ang mga kopya. Iniiwasan nga niya si Tyler. She feels really uncomfortable knowing na baka nakita na nito ang mga larawan niya.

"Miss Hotness! May nagpapabigay." nakangiting sabi ni Blake.

Kakatapos lang ng number nila. Sinabihan siya nito na after their performance dapat sa dressing room lang siya .Okay din sa kanya ang ganung arrangement. Mula ng gabing nagkasama sila ni Derick, medyo na-conscious siya na baka nasa audience ito. Mahirap din minsan yung nag-peperform ka na hindi mo nakikita ang nanunuod sayo.

She frowned. Isang mahabang box with a single long stemmed white rose.

"Kanino galing?"she asked.

Blake shrugged his shoulders. "Sabi ng isa sa waiters may nagpapabigay daw. In 20 minutes alis na tayo. Sabay ka na sa akin. Magkita na lang daw tayo nila Eve sa sinabi niyang lugar." he playfully ruffled her hair before leaving.

Maaga silang aalis. Ang assistant manager muna ang bahala sa bar. Nag-propose na ang boyfriend ni Eve so mag-cecelebrate sila.

She looked at the flowers. Wala namang card.

Nag-umpisa na siyang mag-alis ng make-up. She just wants to have a nude colored lipstick on her lips.

(Nick)

"Happy birthday Billy!!' sabi niya sa kaibigan.

They are in an exclusive bar. Kakarating niya lang. Tamad sana siyang pumunta pero kinakantiyawan na siya ng mga ito.

Since nagkasama sila ni Stacey, hindi na siya sumasama sa pag-babar-hopping ng mga ito.

"Salamat mate!" tinapik siya sa balikat nito.

"Kung hindi pa birthday ni Billy hindi ka namin makakasama." tila nagtatampong sabi ni Jim.

"Pagod lang sa trabaho." pagdadahilan niya.

Inikot niya ang mga mata sa paligid. Medyo madami-dami na din ang tao.

Limang lamesa ang inoccupy ng mga bisita ni Billy. Mga malalapit na kaibigan lang ang inimbita nito.

"Baka naman may bago kang pinagkaka-abalahan!" biro ni Jim

"Dang mate! Baka babae yan! Pakilala mo naman kami!" natatawang sabi ni Billy.

He just shook his head and gave them a sneering smile as he drank his scotch on the rocks. Nakaupo siya sa stool ng bar.

"Mate, it's my birthday pero ako ang may regalo sayo ngayon. Alam kong ilang araw ka ng bored." bulong ni Billy.

Kumunot ang noo niya. "What gift?" he asked.

Tinapik nito ang balikat niya. " Heto padating na."

Pumihit si Nick sa kanan. He saw three women walking in their direction. Ang ex ni Billy with her friends ang padating.

Damn! It's Stacey's half sister! he told himself ng luminaw sa kanya kung sino ang tinutukoy ni Billy.

He looked the other way ng mapansin niyang nakatititig na agad sa kanya si Heather. She obviously likes him but he's not interested. Maganda din ito but Si Stacey ang gusto niya.

"Hi Nick." maarteng bati nito sa kanya. She sat on the empty stool on his right side.

Without looking at her he just said hello.

"Sorry about last time. I heard you had to carry me to my bed." she said huskily.

"That's okay." he said. He signaled to the waiter to bring him another round.Nilingon niya si Heater. "You want anything?" he asked.

Ngumiti ito ng malapad and mas dumikit ito sa kanya. "Tequila." she said. He frowned but said nothing.

Heather can't take her eyes off him. Napaka-hot talaga kasi ni Nick. Naka-dark blue na long-sleeves at black na pantalon. She wonders how his stubble would feel like pag hinalikan siya nito sa leeg at ibang parte ng katawan. His body looks hunky under his polo. Kinilig siya sa naisip.She will do anything para akitin si Nick Alcantara. He is a dream. Saksakan ng guwapo, ang ganda ng katawan, matangkad at mayaman. She's absolutely sure na pag ito ang naging bf niya, lahat ng kaibigan at kilala niya mamamatay sa inggit especially her chubi half-sister.

Nick gave Heather her the tequila. Hindi siya nakatingin dito. He is thinking of Stacey. He misses her. He knows natanggap na nito ang ipinadala niyang bulaklak. He almost smiled at the thought. Unang beses siyang nagpadala ng bulaklak sa babae. Definitely he will see her in a few days time. May kailangan muna siyang gawin.

Nung gabing inihatid niya ito, ,gustong-gusto niya itong halikan sa labi but nagpigil siya. It’s his first time to have the urge to kiss a woman on the lips. Medyo nailing na uminom siya ng alak. Ang dami niyang mga dating hindi ginagawa na ngayon he does para kay Stacey.

Tinawagan niya ng gabi nay un ang driver niya bago sila umalis sa town house para dalhin ang big bike niya sa lugar nila Stacey. Hindi siya makikilala nito because he had his helmet on. He wanted to be sure na safe makakauwi ito kahit isang block lang ang layo ng pinaradahan niya. He has grown protective towards her.

"Nick...don't you like me?" asked Heather.

Napalingon siya sa babae. He has a slight frown on his face.

Hinawakan nito ang kamay niya na nasa baso. Her fingers traced his hand going up to his arm.

"Heater..." saway niya.

"I like you. Don't you like me? Alam ko wala ka namang girlfriend .I asked Billy." she said.Her eyes twinkling.

Umiling si Nick ."Stay away from alcohol Heather." sabi niya as he took another gulp of his drink.

He knitted his brows. Wala itong pinagkaiba sa mga babaeng ayaw na ayaw niya. Masyado itong agresibo.

Heather pouted nang tanggalin niya ang kamay nito na umakyat na sa isa niyang braso.

***

"Miss Hotness, mauna na tayo sa loob. Padating na daw ang love birds may dinaanan lang. Baka sa biglang liko." naiiling na sabi ni Blake.

Natawa si Stacey.

Hinawakan ni Blake ang kamay niya bago sila pumasok sa bar.

Madami-dami na din ang tao. Wala na nga silang maupuan. May music pero hindi naman ganun kalakas.

Yumuko si Blake para bumulong sa kanya. Sa bar na muna daw sila .May bakante pang upuan.

She nodded. Medyo madilim ang loob pero mas maliwanag ng konti sa bar. She had her head down dahil sa totoo lang hindi siya mahilig magpupunta sa mga ganitong lugar. Wala lang siyang choice dahil kumakanta na siya sa bar nila Eve at Blake.

"I am not drunk. Totoo ang sinasabi ko." Heather said as she touches Nick's bicep.

He looked at her then his eyes narrowed ng may napansin itong padating.

Heather saw his expression, she turned her head on her right side kung saan nakatingin si Nick.

Nauuna si Blake habang hawak nito ang kamay ni Stacey. There are ten stools sa bar. Yung nasa left na dulo occupied na. Meron din dalawang pares na nakaupo sa ginta. Inupo niya si Stacey on the left. May tatlong bakanteng stools between her and another lady. Blake chose to sit sa dulo. Stacey didn't look around. Kay Blake siya nakatingin.

"What do you want?" bulong nito sa kanya as he put his hand at her lower back.

FUCKING HELL! mura ni Nick sa utak niya as he angrily gulped his scotch.

Nag-iinit ang mukha nito. Blake hand is on Stacey's back. Kanina naman hawak nito ang kamay ng dalaga .Kahit nasa mag-kabilang dulo sila he can clearly see them .

Masama naman ang tingin ni Heather kay Stacey. The latter didn't see her. May couple na nakaupo between them. She si thinking na of all places dito pa nagpunta ang hate na hate nitong chubi (bitch) na half sister . She snorted then looked at Nick who seems to be pissed.

Control yourself Alcantara! Baka makahalata ang kapatid ni Stacey! kastigo ni Nick sa sarili.

He called the bartender and asked for a whole bottle of scotch and a bucket of ice.

Napangiti si Heather.

"We are so partying tonight Nick." malanding sabi nito as she touches his bicep.

"Club soda na lang." sabi ni Stacey kay Blake when he asked what she wants.

He chuckled then touched the tip of her nose. "Bawal muna ang good girl ngayon Miss Hotness."

She just smiled. Blake called the bartender. Nag-order ito ng whiskey on the rocks and margarita for her.

"Buti pa si Eve ikakasal na .Ikaw Miss Hotness? Kailan namin makikilala ang boyfriend mo?" birong tanong nito.

Bigla niyang naalala si Derick pero binura din niya sa isip agad. "Wala akong boyfriend." mahinang sabi niya.

Napaharap si Blake sa kanya. Titig na titig ito sa kanya.

"Kung wala lang akong girlfriend at anak liligawan kita ulit." seryosong sabi nito.

She also looked at him. Mukhang magkasing-tanglad it at si Mr. Sungit. Sa katawan halos pareho lang yata. Sabagay minsan lang niyang nakita si Mr.Sungit pero for her mas hot si Mr. Sungit kahit super yummy din si Blake.

"Kaso meron ka na kaya hindi na pwede, so sorry ka ." biro niya as the bartender gave them their drinks. Natawa din si Blake.

Sunod-sunod ang inom ni Nick. He is really pissed. Pasimple nitong tinitignan si Stacey at Blake sa salamin na nasa likod ng mga bote ng alak in the bar. He is a man so he knows the man with Stacey likes her. She told him na wala naman itong nobyo and he just wish na hindi din ito manliligaw ng dalaga. He reminded himself to ask her about that.Buti na lang kahit nakatingin sa right profile niya si Heather, mukha namang hindi ito nakakahalata that he is fuming.

"Nick, sayaw naman tayo." aya nito.

She wants to be closer to him. She wants to feel his body. Kahit naka long sleeves bakat ang magandang katawan nito.

He hesitated for a moment but naisip nito na he needs a distraction to cool down. Baka mabugbog pa nito ang kasama ni Stacey. Hindi ito dapat magpahalata na sobrang apektado ito. Masisira lahat ng plano nito for him as Derick and Stacey.

He stood up and took Heather's hand. Lumapad naman ng sobra ang ngiti ni Heater. Excited nitong kinuha ang kamay ni Nick.

"Blake babanyo lang ako." Stacey said.

Pagtayo niya and pagpihihit sa kaliwa she bumped into someone. She gasped when she saw it's Heather...at kasama nito si Mr.Sungit na masama ang tingin sa kanya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.