"Aren't you gonna get that, Miss Hotness? Baka yan yung gagong sinasabi ko." biro ni Blake.
Stacey let out a nervous laugh. "Sige na baba na ako. Salamat and sorry ulit." she said .
Ayaw niyang marinig ni Blake ang pag-uusap nila ni Derick. Nakakahiya pag nalaman pa nito ang set-up nila. Isipin pa nito na desperada na siya kaya siya pumayag.
He just nodded. "Basta remember what I told you okay? You are for keeps Stacey." he touched her face bago ito bumaba to open the door for her.
Gigil na gigil si Nick dahil hindi sinasagot ni Stacey ang tawag nito. Ang tagal na ng mga ito sa loob ng kotse tapos heto nakikita nito na bumaba ang kasamang lalake ng dalaga at pinagbuksan ng pintuan si Stacey.
Don't you dare touch her you fucking bastard! Galit na bulong nito.
Hinanda nito ang sarili . He got on his big bike but didn't turn on the engine. He told himself na pag nakita nitong hinawakan nito kahit siko lang ni Stacey, susugod na talaga ito. Anyway, he has his helmet on so hindi makikita ng mga ito ang mukha nito.
"Sige na. Pasok ka na." Blake said.
She nodded. She got her key then opened the gate. Ayaw na niyang istorbohin si Amy so nagdala na siya ng sariling susi.
Blake waited for her to get inside bago sumakay ulit sa kotse nito. Pagkaalis nito, she decided to call Derick. Nasa garahe pa din siya.
Nakita niya ang dami na naman nitong missed calls. She let out a heavy sigh. Magda-dial pa lang siya ng makita niyang tumatawag na naman ito.
"H-Hello.." she answered.
She heard his shallow breathing. Alam niya na galit ito dahil sa tinext niya kanina. Nadagdagan pa dahil hindi na naman niya nasagot ang mga tawag nito.
"Lumabas ka ng gate. Nandito ako sa likod ng itim na van malapit sa poste. Four houses away from yours." he said in a gruff voice.
"S-Sige." sagot niya.
She quietly opened the gate then closed it again. Nakita niya ang sinasabi nitong van. She walked towards it.Nang malapit na siya, she saw him on his motorcyle pero nakapatay pa ang makina. Naka-helmet ito ng itim at leather jacket na itim din ang kulay. He turned his head behind him.
She nodded. She knows pinapasakay siya nito sa likod. Buti na lang naka-jeans siya.
Nang makasakay na siya,."Wrapped your arms around me! Kumapit ka ng mabuti!" utos nito sa paos nitong boses.
Idinikit niya ang mukha niya sa likod nito and yumakap siya ng mahigpit. Muntik na siyang mapasinghap when her hands touched his six pack.S he bit her lower lip as she inhales his pleasant musky smell.Na-realize niya na sobrang namiss niya talaga ito.
First time niyang umangkas sa motorsiklo .Kung hindi siguro si Derick ang kasama niya baka natakot na siya. But she feels secure when she's with him. Ramdam niya na hindi siya nito papabayaan.
Kahit wala siyang masyadong alam sa mga big bikes, she knows na mamahalin ang gamit ni Derick. Naisip din niya ang binigay nitong bracelet sa kanya.Natanong tuloy niya ang sarili kung ano kaya ang trabaho nito.
The place they went to is probably just more than 5 minutes away from her house. She feels na since wala siyang helmet, ayaw namang lumayo nito. Hindi din mabilis ang pagpapatakbo nito. Dumiretso sila sa magandang park na nasa gitna ng subdivision nila Stacey. Medyo malayo ito sa mga bahay.
He turned off the engine. Lumingon ito sa kanya.
"Bumaba ka na and face the other way." he said.
She did just that. Pagkatalikod niya, she felt him put a blindfold on her.
Kahit na naka-helmet ito and Stacey can't see his face, ayaw ni Nick na makita ng dalaga kung gaano ito katangkad. Mahirap na.
He took off his helmet. Hinawakan nito ang kamay niya. Naningkit ang mata nito ng makitang hindi na naman niya suot ang bracelet na binigay nito sa kanya.
"Why aren't you wearing your bracelet?" may inis sa tono nito.
Binasa ni Stacey ang labi. She can hear that Derick is breathing heavily. "Ayaw ko siyang pang-araw-araw baka mawala."
He cursed. "I want you to always wear it." utos nito. He tilted her head by cupping her face.
"Baka nga mawala." she insisted.
"Naka-insured yun! Mula bukas palagi mo ng isusuot okay?" bulong nito sa paos na boses .
Tumango na lang siya.
"Sabi mo sa text mo kasama mo ang dating manliligaw m! .Naghatid sayo ang isa sa may-ari ng bar where you sing. So niligawan ka niya?" Nick asked through gritted teeth.
She felt his hand tightened on her face.
"S-Sorry sa text ko. Nainis lang kasi ako sayo." pag-iwas niya sa tanong nito.
"Answer me!" he commanded in a clipped tone.
"M-Matagal na yun. I just wanted to provoke you para mag-reply ka." she admitted. Hinawakan niya ang kamay nito na nasa mukha niya. "Sorry." Ulit niya.
Kanina inis na inis siya sa binata but ngayon na magkasama sila, she just wants him to hold her. Namiss naman niya talaga ito.
Kumunot ang noo ni Nick."Have you been drinking?!"
She pouted pero hindi siya sumagot. Mukha kasing lalong magagalit ito.
"SHIT!" mura nito. Hindi na nga nito gusto na kasama ng dalaga ang dating manliligaw tapos ngayon amoy alak pa ito. A lot of things are running inside his head again.
"Did he fucking touch you?!” he asked through gritted teeth.
Umiling na lang si Stacey na napaawang ang bibig because she didn’t expect his question. Bakit may touch touch sa tanog nito with matching mura?
Nick’s nostrils are flaring. Cool it! He told himself as he tried to breath in and out slowly.
Dahil sa selos na nararamdaman, lumalabas na ang Nick Alcantara na kilala ng marami.
"Sorry na Derick. Inis lang ako kasi hindi ka nagtext or tumawag ulit." she apologized.
He let out a heavy sigh. "I was angry with what you said! I wanted to cool off a bit bago kita ulit kausapin."
"What did I say?" kunot noong tanong niya.
Bumuntung-hininga ulit si Nick. He touched her hair and tuck a strand behind her left ear.
"Never use the F word to describe what we do pag mag-kasama tayo. It's much deeper than that. Hindi mo ba nararamdaman,honey?" he whispered.
"Nabigla lang ako." she said huskily.
She wants him to kiss her. Nahihiya naman siyang magsabi or magbigay ng motibo.
"Honey, I know I don't have the right but can I ask a favor?"
She has a feeling kung ano ang hihingin nito. And ewan niya but she will probably do it. Alam niya that he is a bit possessive.
“What favor? “ tanong pa din niya.
"Pwedeng huwag ka ng sumama sa lalaking yun?" he asked with a chilly tone.
Muntik ng mangiti si Stacey. She is right. Yun nga ang hihilingin nito. She wants to tease him naka naman pag napikon na ito ng todo magpakita na sa kanya.
"I have to see him cause I work in his bar." she tried hard to keep a straight face.
He didn't say anything. She can only hear his ragged breathing. Hindi niya alam na nagpipigil ng galit si Nick.
Hell no! I will make sure that you will never sing in that bar ever again! Bulong ng binata sa sarili.
“Derick..please try to understand…” she said in a quiet voice.” She bit her bottom lip para hindi siya mangiti. Humugot na naman ng malalim na hininga si Derick.
"Okay! If you do, I can't promise that I won't hurt him badly.." he threatened.
Natigilan siyang bigla. Ramdam niya na seryoso si Derick sa sinabi. Kaya ba niyang mangyari yun dahil lang sa gusto niya itong pagselosin? At maaatim ba niya na mabugbog ang walang kamalay-malay na si Blake? From the looks of it ,Derick is capable of doing anything he wants. Nagbago na ang isip niya. Hindi naman niya kasi inexpect na ganun ang sasabihin nito.
"Okay. I'll try to avoid him." she said. Ilang Segundo din na tumahimik ito. She is puzzled. Hindi niya alam that he turned his back on her and parang lumayo ito sa kanya and she doesn’t like that. Gusto nga niya na yakapin at halikan siya nito.
"Derick?" she called. Sinubukan niyang kapain ito. Her fingers touched his back. "I said susubukan ko." ulit niya.
Hindi pa din ito sumasagot o kumikilos.
She can't take this anymore. Kanina pa niya gustong yakapin siya nito or halikan. Maybe she can do the first move. Bahala na! She uttered to herself.
She hugged her from behind. She felt him straightened his back.
Nagulat si Nick. He was ready to take her hands off him when he heard her say.. "I missed you. Sorry na."
Kahit galit pa din ito he can't suppress a smile when he heard what she said. It took all his willpower not to turn around and hug her.
He has gone this far dahil sa mga plano nito and he had risked a lot already. Last thing he wants is masira lahat just because he can't control his desire to kiss or embrace her. Lalo na ngayon mukhang lumalambot na ang dalaga kay Derick.
Humigpit lalo ang yakap nito sa kanya. "Derick? Please huwag ka ng magalit." pakiusap ni Stacey. She doesn't like the feeling na may hindi sila pagkakaunawaan. "Hindi pa nga tayo mag-nobyo nag-aaway na tayo." sabi pa niya habang yakap pa din ito. He feels so hard and yummy. Ang bango din nito.
Nick sighed. He gently removed her arms wrapped around him.
She protested. "Derick.."
"We have to really talk about us honey." he said seriously.
He has to give it a shot. Anyway if hindi kumagat si Stacey sa ultimatum nito, may plan B pa naman. Kailangan niya lang ipadama dito na seryoso ito sa gusto nitong mangyari sa kanila.
She chewed her bottom lip.
"I don't want you going out with other men but sa estado ng relasyon natin ngayon, wala akong karapatang bawalan ka. Kahit ayaw ko gagawin mo pa din kung ano ang gusto mo. I can't bear that anymore. I don't know with you, pero ako, una pa lang after I discovered how wrong I was in judging you, I told myself I want to make it up to you. I made my intention clear na papanagutan kita. I know you said you want to see me first before making a decision but I have explained why ayaw ko munang makita mo ako. Alam ko mahirap. Hindi lang ikaw ang nahihirapan ako din nama. But believe me may magandang patutunguhan lahat ito. Just trust me, kagaya ng pakisuap ko pa dati." his voice is sober as he stares at her. “Will you just trust me on this honey? Please? “ he added.
"Derick.." sambit na naman niya sa pangalan nito. Wala siyang alam sabihin pero ramdam niya ang kaseryosohan sa boses nito. Hindi din naman kasi siya sure sa gusto niya din for them.
"Honey, papayag ka na bang maging tayo officially or we stop meeting each other?" he asked.