His Lovely Obsession (Filipino) Chapter 32

Stacey is on her desk trying to draw some designs nang lapitan siya ni Cherry. Pumwesto ito sa gilid ng lamesa niya bago hinila ang sariling upuan.

"Stace na lang tawag ko sayo ha? Para maiba. Tutal bagay naman sayo. Lalong tunog sosyal. Parang ang beauty mo." kindat nito.

Natawa na lang siya as she tried to continue what she's doing.

Cherry looked at what she's drawing. Habang nakatingin sa ginagawa niya, she asked. "Stace,ilan ang nobyo mo?"

"Wala akong boyfriend." sagot niya habang patuloy sa pagguhit.

"Ano? Sa ganda mong yan? Wala kang nobyo?" nanlalaki ang matang tanong nito.

Umiling si Stacey.

Humalukipkip ito bago nagsalita ulit. "Kaya yata ako hindi ginawang saksakan ng ganda kagaya mo kasi if ako ikaw, magbibilang ako ng nobyo! Sayang ang alindog mo! May ipapakilala ako sayo Stace! For sure magugustuhan ka nun and you will like him too!" kilig na sabi nito.

"Aren't you supposed to be working Miss Mendez?!" an authoritative voice asked.

Muntik na itong mapatalon sa gulat ng marinig ang boses ni Nick. Stacey just threw him a glance. As much as possible gusto niyang umiwas sa boss niya.

"Ay sorry po sir. Nagpapahinga lang po ako ng five minutes." paliwanag nito bago ibinalik ang upuan sa sariling lamesa.

"Miss Ledesma, isasama kita sa isa sa mga auto-detailing shops ko. Yun ang gagawan mo ng designs for a new ad. I'll wait for you in the basement parking ." he said bago lumabas.

Stacey stood up and gathered her things.

"Stace! Ang swerte mo naman! Alam mo ba na ngayon lang ginawa ni sir yan?" panunukso ni Cherry.

"Ang alin?" she asked bago kinuha ang bag.

"Isama ang graphic designer! Usually inuutusan lang niya ang company driver para samahan sa site. Ikaw bongga! Si sir pa mismo ang kasama mo! Iba na talaga ang diosa! Bagay na bagay kayo pramis!" kilig na sabi nito.

"Hay naku Cherry! Huwag mong lakipan ng malisya. Nobyo siya ng kapatid ko kaya ganyan siguro siya sa akin. Sige na. Baka mapagalitan pa ako. See you later!" paalam niya sa sekretarya.

Paglabas niya ng elevator, she saw a white BMW X6 na nakaparada sa hindi kalayuan. Nang makita siya ng unipormadong driver na nakatayo sa gilid nito, agad siya nitong nilapitan para kunin ang dala niyang mga folders.

"Ay kuya ako na lang. Magaan lang naman ito." nahihiyang sabi niya.

"Ako na po mam.Ako nga po pala si Norman." pakilala ng driver. Nasa early 40s siguro ang idad nito.

Wala na siyang magawa kung hindi ibigay ang dala niya.

"Dito po mam. Sakay na po kayo." sabi nito as he led her to the car. Binuksan nito ang pintuan sa likuran.

"Stacey na lang po mang Norman." she said. Muntik na siyang mapasimangot ng makita niyang sa tabi ni Mr.Sungit siya uupo. Tahimik siyang sumakay habang nakatingin lang sa kanya ito. He has a serious expression.

Buti naman hindi mukhang galit. She thought.

Muntik na siyang mag-react ng may abutin ito sa gilid niya.

"Buckle up." he said before fastening her seat belt.

She stopped herself from raising her brows. Ano kayang nakain nito? Biglang naging gentleman! Bulong niya sa sarili.

"Thank you." sabi na lang niya.

She looked out the window to hide her expression from him. She felt a tingling sensation when his hand accidentally touched her lap nang ini-adjust nito ang seat belt.

Nagulat ka lang Stacey! No big deal! She told herself.

During the drive, he told her about his businesses at ang mga designs na ineexpect nito for all of them. Muntik ng malula si Stacey sa dami ng negosyo nito. No wonder mukhang sanay na sanay itong magtapon ng pera. For sure, hindi na ito papakawalan ng kapatid niya. Napa-guwapo at saksakan ng yaman. Parang may konting kirot siyang naramdaman sa isiping yun. She blinked twice to get rid of the thought and feeling.

I might find him very attractive but he is not the man for me.I should just stick to Derick. Anyway may nararamdaman na din naman ako for him. But I should be extra careful. Nick Alcantara is dangerously attractive and from the looks of it, can be very persuasive. I shouldn't forget na may relasyon sila ng kapatid ko. Pagmumuni-muni niya.

May isa pa siyang nadiskubre sa boss niya. When it comes to his businesses, sobrang seryoso ito. They spent almost half of the day going around the shop. Parang sumakit ang ulo niya when it finally struck her kung gaano kayaman ito. Napaka-successful ng shop na pinuntahan nila at hindi na niya ma-imagine ang iba pa nitong negosyo. Nagtataka siya kung bakit wala man lang itong bodyguard. She made a mental note to ask Cherry about that.

It was past 12 ng lumabas sila ng shop.

"What do you want to eat for lunch?'" he suddenly asked pagsakay nila ng kotse. As usual he fastened her seat belt. She tried to stop herself from feeling anything ng dumampi na naman ang mga kamay nito sa katawan niya. Nagulat si Stacey sa tanong nito so she just stared at him. He looked at her too. Hindi siya makatagal sa titig nito so she looked at her hands on her lap.

Nick frowned ng mapansin nito na hindi pa din suot ng dalaga ang bracelet.

"Sa office na lang sir." she said.

"Okay. Magpapadeliver na lang ako ng pagkain natin." sabi lang nito as he got his phone from his pocket. Malamig ang boses nito.

She chewed her bottom lip ng marinig niya kung ano ang inorder nito. She is thinking kung kumakain ba ito ng ordinaryong pagkain. Sa yaman nito kahit sa Hongkong kayang-kaya nitong magmiryenda araw-araw.

"Grabe Stace! Ngayon lang sumabay si sir na kumain sa amin! Tapos ngayon lang ako nakatikim ng mga ganung pagkain! Ang sarap!" Cherry said.

She just smiled. Gusto niyang kastiguhin ang sarili kasi para siyang tanga. Nag-expect siya na silang dalawa lang ni Nick ang kakain sa office nito. Parang mag-dyowa lang ang peg. Kaso sa isang silid sa floor na yun which also serves as a large pantry ng opisina sila kumain with his other staff. Ang dami nitong inorder na Italian food. She discovered na galanteng boss pala ito. Parang American company ang style ng kompanya nito. Libre ang mga empleyado na kumuha ng snacks at drinks sa pantry. May malaking freezer at fridge ito na puno ng pagkain. Pati mga cabinet may mga instant noodles, cookies at chips. Tapos ang daming different types of beverages.

May microwave din, water dispenser and even coffee maker. Yung huli siguro ginagamit for his coffee din. Baka hindi ito umiinom ng instant coffee.

Ang isang buong floor ng building na ito ang inookupa ni Nick. Nasa sampu ang empleyado dito .According to Cherry, pamilya ni Nick ang may-ari ng buong gusali.

"Ang yaman ni sir no? Nasa kanya na halos lahat. Lalo nga yatang dumadami ang members ng PNMK eh." pumapalatak na sabi ni Cherry.

Medyo relaxed si Stacey dahil kinailangan ni Nick na kitain ang ilang kliyente. Para siyang hindi mapakali pag alam niyang nasa opisina lang ito. Pasimple siyang palaging sumusulyap sa pintuan nito na para bang anytime lalabas ito.

"Buti wala siyang bodyguard?" naalalang itanong ni Stacey.

"Hay naku, no need! Alam ko black-belter yang si sir? Kayang-kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya. Tapos ang palagi niyang sinasabi, wala naman siyang atraso kahit kanino so wala siyang dapat ikatakot." paliwanag ni Cherry.

Stacey sighed.

Bakit ang dami yatang magandang katangian ni Mr.Sungit? Tanong niya sa sarili.

Hindi niya alam if matutuwa siya o maiinis kasi hindi na bumalik si Nick sa opisina hanggang uwian. Matamlay siyang sumakay sa kotse niya.

Tumigil ka Stacey! Hindi ka pwedeng magkagusto sa kanya! Pinagalitan niya ang sarili.

Nagulat siya ng makita niya na nakasandal si Blake sa Honda CBR1000RR nito. Mukhang kanina pa siya hinihintay. Nakaparada ito sa tapat ng bahay nila. He reminds her of Derick. She opened her car's window and lumapit ito.

"Miss Hotness!" bati nito as he smiles at her.

Hindi ito naka-leather jacket unlike Derick. Naka-sweatshirt ito na itim na tinernuhan din ng itim na jeans. Ang pogi din nito.

"Bakit andito ka sa labas?" she asked.

"Pinapapasok nga ako ng mama mo but sabi ko dito na lang kita hihintayin. Kakaalis niya with her kumare daw." he explained.

She nodded. "Tara sa loob?" aya niya.

"Actually Miss Hotness, gusto sana kitang ayaing lumabas .Pwede ba?"he asked.

She moistened her lips. She checked her watch, 6:30 PM.

"Sandali, pasok ko lang ang kotse ha?" sabi niya.

Pagbaba niya ng sasakyan naisip niya na wala namang masama if sasama siya siguro kay Blake. Ang aga pa naman. Tsaka hindi naman sinabi ng boss niya na bawal ang kumain o magkape sa labas .Iba naman ang nightlife. Tapos for her, hindi din naman ito date dahil kaibigan niya lang si Blake. So hindi din naman niya susuwayin si Derick.

"Ate gandaaa!! Sino na naman yang nakaka-umm na boylet sa labas? Grabe ate! May sir Pogi ka na may Sergio ka pa tapos may ganyan ka naman ngayon!!" namimilipit sa kilig na sabi nito.

"Shhh! Ang ingay mo Amy baka marinig ka." saway niya dito habang nakatingin kay Blake na nakasandal ulit sa motorsiklo nito.

"Pero ate guwapo yan kaso kung ako ang tatanungin mo, mas bagay kayo ni sir pogi! Yang ganda mo match kay sir pogi hindi sa may tattoo kagayaniyan. Tsaka mas bagay kami niyang wafu na yan sa labas ‘te! Balato mo na lang sa akin! Kayo na lang ni sir pogi! ” dagdag pa nito.

"Hay naku Amy! Nobyo siya ni Heather kaya tigilan mo yan! Sige na isarado mo na tong gate paglabas ko." she said as she walks to go outside.

"Ate!! " awat nito sa braso niya. "Mukhang hindi naman eh! Si mam Heather ang halos manghalay kay sir pogi nung huli. Todo iwas nga si sir pogi!" chika pa nito which made Stacey frown.

"Miss Hotness! Tara na!" tawag ni Blake habang palapit sa kanya. She nodded at him.

"Sige na Amy. Pakisarado ang gate ha?" sabi niya sa kasambahay.

Sinalubong siya ni Blake. May dala itong helmet na pang-babae. "Wear this.Hiniram ko kay Eve." nakangiting sabi nito bago maingat na isinuot sa kanya.

"SHIT!" mura ni Nick.

He came home quickly to change into a casual wear. Bad trip siya na hindi man lang niya nakita si Stacey bago ito umuwi. Kaya nga naisipan nitong puntahan ngayon ang dalaga to ask her to dine out. Nagpalit din siya ng sasakyan minus his driver. Naka itim siya na E 400 Mercrdez Benz. Tapos makikita niya ito na umangkas sa motorsiklo ng bar owner.

"Hold on tight Miss Hotness!" sabi ni Blake before starting the engine. Stacey put her hands on his shoulders.

Nick banged the steering wheel. His breathing became ragged as he tried hard to control his fur

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.