HIS PERSONAL MAID Chapter 12

“Ayan kasi, puro libog. Tingnan mo itong batter ng cake napabayaan na." Puna ni Karina saka iyon hinalo ulit.

"Ikaw kasi, e."

"Ako? Kasalanan ko pa?" sagot ng dalaga.

"Psh. Give that to me, stop over mixing that batter."

Karina glared at him before she could ever handed the batter mixture.

Marahang ibinuhos iyon ni Winston sa baking pan pero bago 'yon, nilagyan muna niya ng baking paper 'yung pan para hindi magdikit ang mixture sa pan.

"Ganyan pala 'yan?" curious na tanong ni Karina.

"Yeah. It should be done this way, so easy, right?"

"Hindi rin," mabilis na sagot ni Karina.

"What's easier, then?"

Tumawa ang dalaga ng malakas.

"Siyempre ang kumain!" anito saka napahagalpak ng tawa.

"Really, you love eating, huh?" sagot ni Winston nang may pang-aasar.

"O-Oo naman, sino ba namang ayaw kumain? Baliw ka!"

Karina crossed her arms.

"How about sausages? You love eating them too?"

Pinandilatan siya ng mata ni Karina. Anong sausages ba pinagsasabi nito? Hindi kaya?

"Hoy! Bastos!" sigaw niya.

"What? You don't eat sausages?" natatawang sagot ni Winston.

"Actually, hindi pa 'ko nakakakain ng sausage. Maliban sa sausage mo?" pagbibiro ni Karina.

"You're lucky then. Wala pang nakakakain ng sausage ko bukod sa 'yo."

Nilagay ni Winston ang cake mixture sa oven na naka-preheat na rin. He set it into 350 C°.

Nanlaki ang mga mata ni Karina. Really? Wala pang nakakatoot ng alaga niya bukod sa 'kin?! Hindi ako naniniwala! Hindi kapani-paniwala! Hindi niya pagsang-ayon sa kanyang isipan.

"Sa tingin mo naman ay maniniwala ako?" Pambabara ni Karina.

"Then don't!" inis na sagot ni Winston.

"Suplado!"

Nilibot-libot ni Karina ang buong kitchen. Bakit kaya private 'to?

"Puwede magtanong?" ani Karina nang tumigil siya sa tapat ng cabinet na may mga baking tools.

"Go on," sagot ni Winston.

"Bakit private kitchen ang tawag mo dito?"

Masamang tiningnan ni Winston si Karina.

"Don't you know what private means?"

"Sobra naman 'to! Siyempre alam ko! Pero for what?"

Bumuntong-hininga si Winston.

"I love cooking. I want a personal space for my hobby. Ayaw kong may hahawak o gagamit ng pag-aari ko." Pagdidiin ni Winston.

Napalunok si Karina. Ang hilig pala talaga ni Winston sa personal? Personal maid, private kitchen? Hindi ba siya extrovert? Hindi siya going? Napaisip siya. Possessive rin pala ang amo niya. Mukhang ayaw na may ibang hahawak ng pag-aari niya. Paano na lang kapag nagka-girlfriend na ito?

"Gano'n ba. Masyado ka namang mapag-isa. Sabi ko na nga ba, malungkot ka, e."

"Paano mo nasasabi iyan? You really don't know me, Karina."

"Puwede namang manghula? Alam mo, ang sabi nila. The eyes are the windows of the soul. Makikita mo sa mata ng tao kung anong klaseng tao sila."

"And you saw what kind of person I am?" he intently asked.

"Sa palagay ko, ikaw 'yung tipo ng tao na masikreto. Wala halos na kaibigan, loner ang peg, pero mabait ka naman. Nakikita ko naman 'yon, maliban na lang tuwing tumutubo ang sungay mo."

He smirked.

"Ako? Mabait? I haven't done anything for you yet, aside from f*cking you and taking your virginity away."

Natahimik si Karina. She blushed with the thought of it. Panira ka naman ng moment, Winston, e!

"Hindi 'no. Literal na binago mo ang buhay ko simula noong nag-alok ka sa 'kin ng trabaho. Kahit papaano, you saved me. Niligtas mo 'ko sa mapang-alipusta kong tiyahin."

Bumuntong-hininga si Karina at saglit na nalungkot.

"Don't you have other family?" taimtim na tanong ni Winston.

"Wala, e. Sabay na namatay ang mga magulang ko sa aksidente. Ako lang ang nakaligtas. Ang tiyahin ko ang kumupkop sa 'kin kahit napilitan lang siya. Araw-araw niyang pinapaalala sa 'kin kung paano akong naging pabigat sa kanya simula nang kupkupin niya 'ko."

"Your life is sad. Pero paano mo nagagawang maging masaya? I have my family and all my riches. But I'm still sad. I'm still unhappy. Then here you are, who has more awful past, pero sinisikap mong maging masaya araw-araw? Ang tapang mo rin, ah?"

"Hindi ba, sinabi ko sa 'yo, hindi nabibili ng pera ang kasiyahan. Kasi ang kasiyahan, it's our choice. Nasa loob na natin 'yan. We just need to let it out," nakangiting sagot ni Karina.

Nauwi na tuloy sa heart to heart talk ang pag-uusap nilang dalawa. Bakit pakiramdam ni Karina magkaibigan na sila? Parang ang dali na sa kanya na magkuwento kay Winston nang walang pag-aalinlangan.

Seryoso niya itong tinitigan sa mga mata.

"Ang sabi ni Aling Sela, malapit ka raw sa mama mo?"

Nagbago ang ekspresyon ni Winston nang marinig niya iyon.

"Tss. Stop asking questions about my Mom."

"Bakit naman hindi? Ang sabi nga ni Aling Sela, close daw kayo, e. Kaso kailangan niyang asikasuhin 'yung properties niyo sa ibang ban—"

"Shut up," malamig nitong sagot saka dumiretso sa oven upang silipin ang nakasalang na batter. Luto na ito.

Kumuha siya ng patholder saka in-off ang oven.

Hindi na muna nagsalita si Karina dahil mukhang wala na sa mood si Winston. Baka biglang itapon pa nito ang cake. Sayang naman!

Pagkalabas no'n sa oven ay langhap na langhap ni Karina ang bango no'n. Nakaramdam siya ng gutom. Umagang-umaga kasi ay naubos ang enerhiya niya kakaungol. Panira naman kasing Winston 'to, e. Aniya sa isipan. Ako pa ang ginawang agahan!

Tahimik lang si Winston na inun-mold ang cake. Mainit-init pa ito kaya sinet-aside niya muna.

"Puwede ka nang umalis."

Nagpantig ang tenga ni Karina. What? Aalis? E, hindi pa nga ako nakakakain ng cake!

"Hindi mo 'ko bibigyan?" taas kilay nitong sagot. Hindi na siya nag-isip pa kung ayos lang ba ang ganoong pakikipag-usap niya sa binata. Kanina lang pakiramdam niya malapit na siya kay Winston, ngayon mukhang nag-iba na naman ang ihip ng hangin at nagsusungit na naman ito.

"Can't you wait outside? Labas!" Pagtataboy nito.

Pagkatapos ng lahat-lahat?! Pagwewelga ng isipan niya.

"Tsk!" Tanging naisagot ni Karina saka labag sa kalooban na lumabas ng private kitchen na iyon.

"Ang sungit-sungit! Akala ko pa naman, sasaniban na siya ng anghel," she murmured.

Pagkalabas niya ay bumangga siya sa isang matigas na. . .

Dibdib.

Hindi kasi siya tumitingin sa dinadaanan.

"Miss?" wika ng pamilyar na boses.

Iniangat ni Karina ang ulo niya at nakita niya lang naman si Evo.

"E-Evo?"

Mabilis siyang na-conscious sa ayos niya. Hair her is messy! Nakalugay lang iyon pero hindi naman nakabawas ng ganda niya. Mas lalo pa nga siyang naging maganda sa paningin ni Evo. She looks sexy on her over sized shirt.

"Karina! It's nice to see you again!" anito saka napatingin sa kuwarto na pinanggalingan ni Karina.

"Bakit ka napunta sa private kitchen ni Winston? Walang nakakapasok do'n bukod sa kanya."

Nagulat si Karina sa sinabi nito. Totoo? Wala pa talaga? Kung wala pa, bakit niya pinapunta si Karina doon?

"Sigurado ka ba?"

"Oo naman. I'm his best friend, remember. Kahit nga ako, never pang nakapasok do'n. Lucky you," he said and winked at her.

Talaga ba?!! Hindi siya makapaniwala. Kahit ang best friend ni Winston, never na nakapasok doon? Gustong sapukin ni Karina ang ulo niya. Ayaw naman niyang umasa at mag-conclude ng kung anu-ano dahil malinaw naman na personal maid ang role niya sa buhay ni Winston, kaya siguro gano'n na lang niya kung payagan itong makialam ng kaunti sa mga personal na bagay tungkol sa kanya. Hanggang doon lang 'yon. Hindi na lalalim pa ang relasyon nila. At ang extra service, for extra income lang 'yon. Hanggang doon lang dapat! Hindi niya dapat iyon haluan ng pagmamahal dahil in the first place, maid lang naman ang tingin sa kanya ng binata.

"S-Sige, mauuna na 'ko, ha. Maglilinis pa ako ng kuwarto ng amo ko, e." Pagpapaalam ni Karina.

"Wait!" Pigil ni Evo.

Napahinto si Karina sa paglalakad niya at nilingon ang binata.

"Bakit?" tanong niya.

"After your work, are you free at 5PM? Let's grab some snacks together!" alok nito.

Saglit pang napaisip si Karina. Papayag ba siya? Wala naman sigurong masama kung papayag siya hindi ba? As long as she get her work done before 5PM, she's ready to go.

"O-Okay."

Iyon lang ang nasabi niya saka naglakad na paalis.

"I'll wait outside the gate!" Pahabol pa na sigaw ni Evo saka napangiti.

He really find Karina interesting. Mayroon talagang kakaiba sa dalaga dahilan para mas lalo niya itong gustong makilala kahit na binalaan na siya ng best friend niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.