Maagang umalis si Winston dahil may aasikasuhin sa opisina. Gumising na naman si Karina na wala ito sa kanyang tabi. As usual. Dapat masanay na siya. Winston is a busy person. Hindi lagi sa kanya iikot ang mundo nito. Malungkot man, alam niya namang para iyon sa kinabukasan ni Winston, kinabukasan nila. So, she accepted it ng buong puso.
"Hayy, nako, Winston. Pagkatapos ng lahat lahat kagabi, gumising na naman akong wala ka sa tabi ko," ani Karina habang nagtutupi ng bed sheet.
She's wearing Winston's polo na mistulang naging dress sa kanya. Sa tangkad ba naman ni Winston. She looks sexy in that polo pero hindi puwedeng iyon lang ang isuot niya pagkababa dahil sigurado siya, nag-aabang ang napakaraming mga mata sa kanya. Mga tingin na mapanuri at mapanghusga. Lalo pa't suot suot niya ang polo ni Winston. Ano pa nga bang iisipin nila? E, 'yon naman ang totoo, pero syempre hindi nila puwedeng malaman 'yon. Na may nangyayari na sa pagitan nina Winston at Karina. Hindi nila matatanggap na nakipagtalik si Winston sa isang hamak na maid niya lang. Magiging talk of the town siya at huhusgahan siya panigurado.
Nagbihis si Karina sa kuwarto niya saka dumiretso sa baba para tumulong. Pero nadatnan niyang nakahain na ang lahat sa kusina.
"Manang Sela, ang aga niyo naman yatang naghanda at nagluto?" tanong niya saka nilanghap ang pagkain sa mesa. Punong-puno ito ng samo't saring mga putahe.
"Hija, hindi ako maaagang nagluto. Sadyang anong oras ka nang nagising. Tingnan mo nga ang oras, tanghali na, o." Tinuro ni Manang Sela ang orasan at agad na napatingin si Karina sa direksyon niyon.
Namilog ang kanyang mata when she saw the time. It is already past 11AM. Ibig sabihin ba no'n. . .
"E, tanghalian na pala ito kung gano'n, Manang?"
"Aba'y oo."
Nasapok ni Karina ang ulo niya. Talaga naman, o! Gano'n ka ba pinagod ni Winston kagabi, Karina? At napagod ka ng ganyan?
"Ano bang ginawa mo kagabi at mukhang napagod ka yata ng sobra? Tinanghali ka na ng gising, e."
Namutla agad si Karina. Actually, she can trust Manang Sela kung gugustohin niya. Pero, ayaw na muna niyang magkwento sa matanda at baka kung sino pa ang makarinig. Saka, mas maigi nang mag-ingat.
"W-Wala naman po. N-Nanaginip po kasi ako ng masama, e."
"Ha? Anong panaginip mo?" sagot ni Manang Sela habang naglalagay ng plato sa napakahabang lamesang 'yon.
Napakamot ng batok si Karina.
"H-Hindi ko na nga po maalala, Manang, e."
"Ay, gano'n ba. O, siya. Tara na doon sa maids kitchen. Kakain na tayo. Mamaya, bababa na rito ang mga amo natin. Huwag ka munang papakita sa kanila kasi mainit pa ang dugo sa 'yo ng ama ni Winston. Lalo pa niyong Tiffany na 'yon." Bilin sa kanya ni Manang Sela.
Napabuntong hininga na lamang si Karina. She wish she could live normal. Para kasing siya si Ariel at si Winston ang taga lupa niyang prince charming, kahit na parehas silang taga lupa, alam na alam niyang magkaiba ang mundong ginagalawan nila.
Susunod na lamang sana siya kay Manang Sela dahil ayaw niya namang maging mainit na naman sa mga mata ni Tiffany pero mapaglaro talaga ang tadhana.
"Nandito ka pa rin pala, b*tch?" Pagtataray ni Tiffany. Umagang-umaga, ito ang agahan niya. I mean, tanghalian pala.
Hindi siya niingon ni Karina bagkos tumuloy tuloy ito sa pagsunod kay Manang Sela.
"Tandang Sela, please stop!" mariing utos ni Tiffany.
Napatigil si Manang Sela. Talaga namang wala itong respeto sa matanda. Talagang tinawag niyang tanda si Manang Sela! Inis na nasa isip ni Karina.
"Ayan, tumigil na rin ang b*tch sa bahay na 'to. Karina, face me, okay?"
Dahan dahang humarap sa kanya si Karina. Pero hindi nito in-expect na nasa likoran niya pala si Tiffany. At ang sunod nitong ginawa ang hindi niya lubos na inasahan.
*Splash!
Sinabuyan niya ng orane juice si Karina sa may bandang mukha.
"Ohh, my!!" Napasigaw ang ilang mga katulong sa gulat. Maging sila, hindi rin ito inasahan.
"Ops, sorry, ha? Mukhang kakagising mo lang kasi, e. Ayan, nakalibre ka na ng paligo," sarkastiko nitong sinabi saka humalakhak. Natatawa siya sa sinapot ng mukha ni Karina. Mukhang kaawa awa at kulay orange na tuloy.
"Sumosobra ka na!" sigaw ni Karina. Naiyukom niya ang palad niya sa sobrang inis. Galit na galit siya. Ginagawa niya naman lahat para umiwas pero talagang si Tiffany na ang gumagawa ng paraan para hindi siya tigilan at layuan. Talagang sinusubukan nito ang pasensya niya.
"Bakit? May magagawa ka ba? Look at you, poor thing. You should be thanking me in ghe first place kasi pinaliguan kita. Feeling prinsesa ka kasi, anong klaseng katulong ang gigising ng alas onse? Hipokrita."
Hinawakan ni Manang Sela si Karina sa balikat para pakalmahin ito. Hinagod niya ang likod ng dalaga saka inabutan ito ng tuwalya. Kahit paano kumalma si Karina.
Tinalikuran na lamang nila si Tiffany.
Tiffany smirked seeing them turning their backs on her.
"Huh! Bakit hindi ka na lang kasi umalis sa bahay na 'to, Karina? You don't fit here! You don't belong here!"
Huminto si Karina. Naalala niya ang sinabi ni Winston sa kanya kagabi. Ngumisi siya at mahinang natawa.
Nagsiakyatan lahat ng dugo ni Tiffany sa ulo sa sobrang pagkabanas.
"Why are you laughing at me?!!"
"Tama ka naman, Tiffany, e. Hindi talaga ako belong sa bahay na 'to."
"Buti naman, alam mo, poor maid!"
"Sinabi kasi sa 'kin ni Winston kagabi. . ." Saglit pa siyang tumigil.
"What did you say?! Kagabi?!" nanggagalaiti nitong sabi.
"Kagabi, magkasama kami. Ang sabi niya, tumigil na raw ako sa kapipilit ilugar ang sarili ko sa bahay na 'to."
Biglang ngumisi si Tiffany.
"Really? Mabuti naman at mukhang natauhan si Winston. I knew it. Sinasabi k—"
"Kasi alam mo kung anong sabi niya? He said I belong to him. I belong to his heart. I think it's more than just fitting into this house."
"Aaaaghhhhhh!!!!" Tiffany screamed sa sobrang galit niya pero wala na siyang nagawa. What's been said has been said and done.
Nanghihinang napaupo si Karina sa maids kitchen. Nagsikainan na ang lahat, habang siya, hindi man lang nakasubo kahit isang kutsara. Nakapagpalit na rin siya ng malinis at tuyong damit para palitan ang nabasang suot niya kanina. Napaligo siya ng 'di oras sa ginawang 'yon sa kanya ni Tiffany.
"Hija, kumain ka na nang magkalaman ang tiyan mo. Ibinilin ka sa 'kin ni Sir Winston. Saka, wala kang agahan. Huwag mong sabihing hindi ka pa rin kakain ng tanghalian?" ani Manang Sela.
Bigla tuloy bumalik sa katinuan niya si Karina mula sa pagkakatulala. Nagpapasalamat siya kay Manang Sela deep inside kasi mas nagmukhang nanay pa siya kumpara sa tiyahin nito. Mabuti pa si Manang Sela, kahit complete stranger at hindi sila magkaano ano, inaalalayan nito at hindi pinapabayaan. Pinaparamdam na pamilya siya.
"Salamat, Manang, ha."
Ngumiti lang ito sa kanya saka itinuloy ang pagkain.
"Nako, hija. Maliit na bagay lang 'yon, okay? Basta ba, mabait na bata," sagot ni Manang Sela.
Hindi na napigilan ni Karina na mapatayo at mayakap ito. Sobrang higpit. Halatang sabik sa pagkalinga ng magulang.
"Ay, nakooo 'tong batang ito."
"Nagda-drama lang 'yan, Manang!" sulsol ng isang maid.
"Salamat, Manang! Sobrang salamat! Mas naramdaman ko pa ang pagkalinga mo sa 'kin kay sa sarili kong tiyahin. Pagbigyan niyo muna akong yakapin kayo, miss na miss ko na kasi ang mga magulang ko."
Naramdaman ng matanda ang pangungulila ni Karina. Hinagod nito ang kanyang likod at pilit itong pinatatahan mula sa pag-iyak.
"Tahan na, hija. Tama na 'yan. Ayaw ko nang magtanong tungkol sa mga magulang mo dahil mukhang masakit at mapait ang nakaraan mong 'yon. Lilipas din 'yan, hija. Magtiwala ka."
Sa sobrang daming pinagdaanan ni Karina sa buhay, mas nagkaroon siya ng rason para mas lumaban. Hindi dapat siya maging mahina por que siya na lang mag-isa. Sa makatuwid, dapat mas lalo siyang maging matatag para sa sarili niya. Para ipagpatuloy ang buhay, may magulang man o wala dahil ito na ang kapalaran niya.
Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ni Karina. Cellphone na binigay sa kanya ni Evo. Dinukot niya 'yon sa bulsa niya to see who's calling but it was an unregistered number.
"Hello?" aniya sa kabilang linya. "Sino 'to?" she added.
"It's me, Karina. Si Evo 'to."
Napangiti si Karina.
"Bakit, Evo? Bakit ka napatawag?"
"K-Kasi, g-gusto kitang makita. Puntahan mo ako dito."
Napakunot noo si Karina. Puntahan? Nanimago yata siya. Usually kasi, tuwing gusto siyang makita ni Evo, ito mismo ang pumupunya rito kila Winston para sunduin siya. Nagbago yata ang ihip ng hangin ngayon? Anong nakain mo, Evo?
As usual, nakaharap na naman ngayon si Winston sa sandamakmak na paper works. Hindi siya maka-alis alis sa dami niyon.
"Son, mamaya, kakausapin nina Tiffany ang wedding organizer ninyo. You need to be there because you are going to be his husband."
Nagpantig agad ang tenga ni Winston nang marinig 'yon. Hindi na tuloy siya makapag-isip pa ng maayos.
"Dad, can you please stop talking about that fucking wedding?! I am not marrying her!!"
"Even if you say no, Winston, wala ka nang magagawa. Sa ayaw at gusto mo, pakakasal ka kay Tiffany at hindi ka na puwedeng humindi."
Agad na naibato ni Winston ang hawak niyang ballpen sa inis. As much as he's trying to think of a feasible way para manatili sa tuktok, mas lalong palapit ng palapit ang nakatakda nilang kasal. Nauubusan na siya ng oras.
"Darn it!!" inis na sigaw niya. "Aaaghhhh!!!" dugtong niya pa na halos masiraan na ng bait.
Si Karina ang paulit ulit na pumapasok sa isipan niya. Wala nang iba. Si Karina lang. He will never let her go, gagawin niya lahat. Even if his only choice is running away with her, gagawin niya.