HIS PERSONAL MAID Chapter 38

Sumenyas ang Mommy ni Winston kay Manang Sela. Walang pag-aalinlangan naman itong lumapit sa kanya. Alam naman nitong kalmado lang ang Mommy ni Winston. Masyado iong mabait kumpara sa Daddy niya. Nasa trabaho na ang binata at sila na lang dalawa ang masinsinang natira dito sa luxurious living room nila. Nahihiya pa rin siya at kinakabahan.

"Manang, can you please call the manager of the fashion department? I want everything that is best for this girl. What is your name again, darling?" she asked.

"K-Karina po. Huwag na po! Ayos lang po ako. May mga damit pa naman po ako doon." Pagtanggi ni Karina.

"Noted po, Madam. Tatawagan ko napo agadd ngayon."

"I hate that. Ayaw kong tinatanggihan ako sa lahat ng bahay, iyan ang pinaka-ayaw ko."

Napakagat-labi si Karina sa hiya. Aarte pa ba siya? Ang Mommy na mismo ni Winston ang nagbigay sa kanya ng kusa.

"S-Sorry po, Ma'am." Paghingi niya ng paumanhin.

"Masyado ka namang magalang, hija. Just call me Tita, okay?" anito sa kanya saka sinuklaysuklay pa nito ang buhok niya. Isang bagay na labis na kinasiya ng puso ni Kariina. Na-miss niya lalo ang ina niya.

Hindi niya napansin na natulo na pala ang luha sa kanyang pisngi.

"Wait, why are you crying?" nag-aalalang tanong ng Mommy ni Winston.

Mabilis naman na kinapa ni Karina ang kanyang pisngi. Totoo nga na umiiyak siya, hindi niya ito napansin. Masyado siguro siyang na-carried away.

"Sorry po, Tita. na-miss ko lang po talaga ang nanay ko. Palagi niya rin kasing sinusuklay suklay ang buhok ko tulad ng ginawa niyo kanina. Matagal na kasi siyang nawala. Sabay ng tatay na naatay sa isang aksidente." Malungkot na napakuwento si Karina.

Nagkurba ang kilay ni Misis Olivia sa awa. "Ohh, you poor thing! I am very sorry to hear that! I did not know, really. So you were an orphan all these times?" she curuiosuly asked.

Tumango si Karina "Opo, Tita. Pinalaki naman po ako ng tiyahin ko, pero labis na pagmamalupit po ang natamo ko lang sa kanya. ni minsan, hindi ko nakita na mahal niya ako. Sapilitan niya akong pinagtatrabaho sa bahay araw-araw habang sa gabi, nagta-trabaho rin ako sa bar. Lahat ng kinikita ko, kinukuha niya. Pinangsusugal, pinangtutustos sa lahat ng luho niya at ni isang sentimo, hindi niya ako binibigyan. Nakakatawa man pong isipin pero madalas wala nang laman ang kaldeo namin tuwing kumakain ako." Mahabang pagpapaliwanag ni Karina.

"Napakasama ng tiyahin mo, hija. HIndi ko alam na ang ganito kagandang mukha ay hindi minahal ng tama! Don't worry, think of me a your Mommy from now on, okay?" anito sabay hawak sa pisngi ni Karina.

Napangiti siya. Gustong tumalon ng puso niya sa galak. Sana, noon pa niya nakilala ang Mommy ni Winston. Totoong mabait ito. Ngayon, naiintindihan na niya kung bakit wala man lang pagkukumahog na makikita sa loob ng bahay nang dumating siya.

"Come here, let me give you a hug!" muling sinabi ni Misis Olivia.

Lumapit naman si Karina para bigyan ito ng isang manit na yakap. Yakap ng isang ina na matagal na niyang kinakapanabikan.

"Salamat po, Tita. Maraming salamat."

Hinagod nito ang likod ni Karina napara bang ramdam nito ang kalungkutan ng dalaga. "I Know your paianr, hija. Just cry it out. Dumaan dinako sa ganyan."

Napahiwalay si Karina sa yakap nito. "T--Talaga po?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Yes. Pero, ayaw ko nang ikuwento dahil masyadong mapait. Baka hindi mo kayaning marinig. Biro lang!" pilit na natawa ito. "Tara sa kusina, we will eat together with the maids."

Hindi makapaniwala si Karina sa mga sinabi nito. Talaga? Sabay silang kakain? At kasama pa ang mga katulong? Masyado na tuloy siyang nabaitan at nabillib kay Misis Olivia. She can't help but admire her this way. Napakabuti niyang tao.

Habang pinagmamasdan niya ang Mommy ni Winston na nakikipag-usap sa maids, para lang na magkaibigan ang mga ito. Para lng silang nagchi-chikahan at nag-get together after several years that had passed. Ngayon lang nging maingay ang kusina. Napuno ng tawanan ang bahay at hagikhikan. Sa ilang buwan niya dito, ngayon lang niya narinig ang ganitong ingay. Sobrang tahimik kasi ng bahay no'ng sila lang. Nakahinga na rin ng maluwag si Karina. Iba talaga si Misis Olivia.

"Oh, an, Karina, let's eat. Hindi magandang nakattitig ka lang sa akin, e. Alam ko namang maganda ako," natatawang sabi ni Misis OLivia sa kanya

Napangiti si Karina. "Opo."

Suntok ang bumungad kay Winston sa opisina. Malakas ang suntok na natamo niya mula sa Daddy niya. Alam nman niya kung bakit ito nagkagano'n. It is because of his absence kung saan siya kailangan ng kumpanya.

"How many times do I have to tell you, Winston! HIndi magandang impluwensya ang babaeng 'yon sa iyo! Huwag mo nang hintayin pa na palayasin ko ang hipokritang iyon sa pamamahay ko!"

Napahawak si Winsto sa nagdudgugo niyang labi.

He smirked. "Try it if you can, Dad." Mahina niyang sinunggaban ang Daddy niya ska naupo sa swivel chair niya para tapusin ang mga naiwan na trabaho. Malapit nang matapos ang ranking at nananatili pa rin sila sa taas, sana, huwag silang bumaba kapag last minute na lang. Ito ang pinangangamba nilang lahat.

Tumunog ang telepono nil at ang Daddy niya ang sumaot niyon. Nagbago agd ang ekspresyon ng mukha ni Mr. Aragon.

"What?!" Paghihisterikal nito at halatang hindi inasahan ang ang nariinig mula sa kabilang linya.

Napaangat ng kilay si Winston at inisip kung sino itong tumawag sa Dad niya na talaga namang napataas ito ng boses. He is trying to listen to the conversation nang hindi pinahahalata.

"Okay, bye!" sigaw nito sa kausap.

Binalingan siya ng Dad niya. "Did you know about this?" kompronta nito.

Mula sa ginagawa ay tumigil si Winston at napatingin sa Daddy niya. Nagkibit-balikat siya na kunwari ay walang alam.

"Tsk, don't tell me makikialam na naman siya?"

His Dad knows it. Isa si Misis Olivia sa mga dahilan kung bakit nananatili sa number 1 ranking ang mga Miller. Bukod sa weakness siya ng step father ni Evo, magaling ito at gamay ang business nila. Siya rin kasi ang nagma-manage abroad ng mga trabaho at negosyo ng pamilya. Kaya pakiramdam ni Mr. Aragon, natatapakan ang pagkalalaki niya.

"Bakit, Dad? Ano ang problema? Ayaw mo ba na manatili tayo sa taas? O, baka naman, pakiramdam mo ulit, natatapakan ang pagkalalaki mo? That's toxic masculinity, Dad."

Umismid si Mr. Aragon. "Insulto iyon sa akin! Hindi mo alam dahil hindi mo pa nararanasan!"

"Huwag mo akong igaya sa 'yo, Dad. Kailan man, hindi ko pinangarap na maging tulad mo. Makakalis ka na, po." Pinagdiinan pa nito ang salitang ‘po’ na siyang nakapagpa-usok ng ilong ng Daddy niya.

Matatalim na titig ang iginawad nito sa kanya saka siya lumabas ng silid na 'yon.

Napailing-iling na lang si Winston. "Mom is really a life saver."

Walang ideya si Mr. Aragon sa pag-uwi ng asawa niyang si Misis Olivia. Ayaw niyang malaman nito na itinakda niyang ipakasal si Winston sa anak ng kaibigan niya para mapanatili ang puwesto nila sa rank 1. Sigurado siyang magniningas ito na tulad ng isang apoy sa galit kapag nalaman niya.

He arrived in at home, carrying a case on his hands. "Nasaan si Olivia?" tanong ni Mr. Aragon sa isang katulong.

"Nasa kuwarto niyo po yata, Sir," magalang nitong sagot sa kanya saka yumuko.

He went straight to their room at nadatnan niya si Olivia na nakaupo sa couch while sipping her tea.

"Why did you suddenly get home, Olivia?"

Hindi ko pa nasasabi, para itong maamong tupa pagdating kay Olivia. Deep inside gusto niyang singhalan ito pero tuwing nakikita niya ang asawa niya, under siya bigla. Wala na ang tapang niya. Nawawala iyon. Dahil lang kay Olivia.

"I sensed something, Bad," sarkastiko na sagot nito habang nakatalikod pa rin kay Mr. Aragon. Nakaharap siya sa magandang view ng kakahuyan sa labas. Mula kasi sa kuwarto nila ay tanaw mo ang nasa labas dahil sa glass nilang dingding. It's a perfect place to sit and drink for a while.

"R-Really, as you can see, everything is fine here, Hon. W-Wala kang dapat ipag-alala." Nangangatog na ang tuhod ni Mr. Aragon.

Nasaan na ang tapang mo?

"Talaga ba. Ano 'tong nabalitaan ko?"

Nanlaki ang mga mata nito at nilapitan ang asawa. "Nabalitaang ano? Huwag kang magpapaniwala sa mga naririnig mo sa paligid, okay?" Pagsisinungaling nito at pilit pinagtatakpan ang ginawa.

"Are you going to tie your son to a marriage he does not want?"

Napalunok siya ng laway nang titigan siya ng matalim ni Misis Olivia sa kanyang mga mata. Their eyes met for one second at saka siya umiwas.

"W-Who told you that??" Gulat na tanong niya. Malaman niya lang sino ang nagsumbong no'n, tabas ang dila nito.

"Ang anak mo. Bakit? Hindi ba totoo?"

"Hon, g-ganito k-kasi 'yo---"

"Ssshhh!! Nakakahiya ka! Ikakasangkapan mo pa ang anak mo para sa ranking lang?! How shallow of you, Aragon! Magpakalalaki ka naman!"

"Stop it, Olivia."

"Kaya ayaw mo ba akong umuwi? Dahil baka malaman ko ang ginagawa mong kagalgalan?! Don't you even respect your son?!"

"I said stop it!!"

Napailing-iling si Misis Olivia. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Aragon." Dinaanan niya lang ang asawa niya saka iniwan ito sa silid nila.

"Damn it!!" hiyaw niya saka pinagbabato ang mga gamit na mahawakan niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.