HIS PERSONAL MAID Chapter 51

Dala-dala ang maleta niya,tinulungan ni Evo si Karina na ipalabas ang mga gmit nito. Good thing may kaibigan siyang tulad ni Evo na masasandalan niya ngayong kailangan niya ito. Malakingtulon rin talaga ang pagkakaroon niya ng kaibigang tulad ni Evo na maaasahan sa lahat ng oras.

"Karinna, let's go. Baka ma-late ka sa 2PM flight mo." Paalala sa kanya ni Evo.

Napatingin siya sa orasan niya and it's almost 12PM. Dapat na sa airport na sila by 1PM para siguradong hindi sila mali-late sa aflight ni Karina.

"Ang bigat palang umalis, Evo, ano?" ani Karina sa malungkot na tinig. Bawat hakbang ng mga paa niya palabas ng inuupahang bahay ay naging mabigat.

Bago umalis, sumaglit muna sila sa land lady para magpaalam. Kung hindi kasi dahil dito, hindi naman makakapangibang-bansa si Karina. Napakabuti ng land lady nila dahil kahit sandali pa lang silang nagkakilala ni Karina, hindi ito nag-atubiling tumulong. May mga tao pa rin talagang gano'n. Kung sino pa nga iyong hindi ka kila, iyon pa ang madaling lapitan.

"Ma'am Emely." Bungad ni Karina sa kanya. Mula sa front desk kung saan nakaupo si Mrs. Emely ay inangat niya ang ulo niya to see Karins face.

"Oh, dear, Karina! Ngayon na pala agad ang flight na kinuha mo? Akala ko next month pa!" nagtatakang sabi nito.

Napabunttong hininga si Karina. "Oo. Kailangan, e. Maraming salamat po talaga, Ma'am. Kung hindi kasi dahil sa 'yo, hindi ko makukuha ang scholarship na ito."

Tumayo si Mrs. Emely para bigyan ng isang mainit na yakap si Karina.

"You deserve it, dear. Nang marinig ko ang storya ng buhay mo, alam ko na agad na deserving ka. Saka, ano ba naman ang paggagamitanko diyan? Graduate na lahat ng mga anak ko. Buti na lang at nakilala kita. Masaya ako na makakatulong ako at parte ako sa pag-abot mo ng mga pangarap mo."

Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ni Karina kay mrs. Emel. "Maraming maraming salamat po talaga!"

Kumalas na sa yakap ang land lady. "O, sige na at baka mahuli ka na sa flight mo. Mag-iingat ka doon, ha? Don't worry, ibinilin na kita sa kilala kong professor doon. Pinoy rin. ANg form na ibinigay ko sa 'yo, huwag na huwag mong iwawala. Nakasipit doon ang pangala niya." Bilin nito sa kanya.

Nakangiting nag-wave si Karina ng kanyang kamay kay Mrs. Emely bago tuluyang sumakay sa kotse ni Evo. There is still one person na gusto niya sanang puntahan para makpagpaalam ng maayos.

"May gusto ka pa bang puntahan, Karina? We still have some time," tanong ni Evo sa kanya habang nagmamaneho ito ng kotse.

Nakatanaw lang sa labas ng bintana si Karina. "Pwede bang sumaglit muna tayo kay Tiya Alicia? Alam kong magagalit siya pero gusto ko pa ring pormal na magpaalam sa kanya, malungkot na sagot nito.

"Walang problema, Karina. Basta saglit lang at baka pigilan ka pa no'n."

Mabilis na pinaharurot ni Evo ang kotse papunta sa address nina Karina. As expected, na sa labas ito at nakikipagsugal sa mga kaibigan at amiga niya. May yosi sa bibig at walang tigil ang pagbuga ng usok mula sa kanyang bibig.

Napataas agad ito ng kilay nang makitang may nag-park na kotse sa labas ng bahay nila. Mas lalong napaawang ang labi nito nang makita si Karina na lumabas ng kotse.

Nang makita siya ng dalaga, agad itong tumakbo papunta sa kanya saka siya niyakap ng napakahigpit.

"Hoy, Karina! A-Ano ba! Bitawan mo nga ako! Huwag kang magdrama diyan!" suway nito sa kanya pero mas lalo la hinigpitan ni Karina ang pagkakayakap niya.

"Mami-miss kita, Tiya Alicia! Aalis na po ako, nag-iingat po sana kayo dito," humahangos nitong sagot.

Natigilan ang kanyang tiyahin."A-Ano? S-Saan ka pupunta? Tatakasan mo na naman ako?! Aba itong batang 'to talaga! Kahit kailan, pasakit ka sa ulo!!"

"Tiya, hindi po. Mag-a-abroad po ako. Mag-aaal ako para makamit ko ang mga pangarap ko. Para guminhawa po ang buhay natin," sagot ni Karina.

"Ayan! Ayan ka na naman sa pangangarap mo ng mataas!! Huwag ka kasing masyadong ambisyosa nang hindi bumagbag iyang mga pakpak mo! Hala, sige! Umalis ka! Kapag ikaw, hindi umasenso, huwag kang iiyak--iyak pauwi sa akin! Ambisyosa!

Naiyak na lang si Karina sa mga masasakit na salitang pabaon sa kanya ng tiyahin niya.

"Karin, let's go. Hayaan mo na siya." Yaya ni Evo sa kanya sabay hawak nito ng mga kamay ni Karina.

Patuloy lang sa paghikbi si Karina habang papasok sa kotse ni Evo. Pinipilit lunukin ang mga sinabi sa kanya ng mismong tiyahin niya. Hindi pa rin talaga ito nagbabago.

"Tahan na, please. Sisikip lalo ang dibdib mo niyan kakaiyak mo."

"S-Sorry, Evo. Nagiging iyakin na yata ako ngayon."

Bumuntong hininga si Evo bago ni-start ulit ang engine ng kotse niya. "Normal lang na umiyak, Karina. Pero, dapat lang nating iyakan ay ang mga taong deserving sa mga luha natin. Lalo ka na. Your tears are precious at hindi mo ito dapat sinasayang."

Bandang ala una na ng hapon nang makarating sila sa airport. Palinga-linga pa ang dalaga sa paligid at tila may hinahanap. Tila may hinihintay na dumating. Bago pa man umalis si Karina para sumakay na ng eroplano, matinding yakapan pa ang nangyari sa pagitan nila ni Evo.

"Evo, huhu mami-miss kita!" ani Karina habang umiiyak na naman. Emosyonal talaga siya ngayon lalo pa at unang alis niya ito.

"Please don't cry, baka magbago ang isip ko at pigilan kitang umalis, e."

"Karina!"

Napalingon silang dalawa kay Eliza. Humabol pa pala ito.

"Eliza! Akala ko, hindi mo na 'ko makikita for the last time, e."

Napa-pout si Eliza. "Puwede ba naman 'yon? Nag-a-la flash ako sa bar para matapos ko agad ang trabaho ko at makahabol sa 'yo dito. Huhu! Hindi ko pa rin talaga ma-absorb na aalis ka na, Kars. Paano na 'ko nito? Sobrang mami-miss kot, e." Naiiyak na si Eliza.

Tuloy ay mas lalong napaluha si Karina.

"Babalik ako, at sisiguraduhin kong sa pagbalik ko, magiging proud kayo sa 'kin."

For the last time, sumulyap pa si Karina sa paligid. Umaasa at nagbabakasakali na darating si Winston para pigilan siya. How ironic dahil alm naman niya sa sarili niya na pinagtabuyan niya ito at hindi pinakinggan tapos ngayon, aasa asa siya na pipigilan siya nito? But there is no signs of Winston coming. Mapait na napangiti si Karina nang tawagin na ang flight nila.

"Karina, it's time for you to go," malungkot na wika ni Evo sa kanya.

"Kars! Mag-iingat ka talaga doon. Huwag kalilimutang mag-update sa amin, ha?"

"Oo. Mag-iingat ako at sana kayo rin. Huwag na kayon masyadong mag-alala. Kaya ko na dapat ang sarili ko," nakangiting sagot ni Karina habang lumuluha.

Nilapitan siya ni Evo for the last time saka hinagkan ito sa kanyang mga bisig. "I love you, please, alagaan mo ang sarili mo doon dahil kapag hindi, hindi ako magdadalawang-isip na sunduin ka." May pagbabanta pa sa boses nito.

Kahit umiiyak ay natawa si Karina. "Sobra ka naman!"

Kumalas na silang dalawa sa pagyayakapan. Humakbang na si Karina palayo sa dalawang kaibigan niya

Ito na yata ang pinakamasakit napag-alis sa lahat. Parang ayaw na niyang ihakbang paalis ang mga paa niya. Her body wants to stay. Sobrang sakit na isiping may maiiwan siyang pamilya, kaibigan, at minamahal.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.