Araw ng sabado. Walang trabaho kaya wala ring dahilan para bumangon ng maaga. Walang planong lumabas at isa pa wala rin namang makakasama.
Niyakap ni Ashy ang unan na nasa tabi niya tsaka ipinikit ang mga mata. Gusto niyang matulog ulit.
Maya-maya pa ay naisip niya si Paul, hindi na niya naisip tawagan ito kagabi dahil nagtatampo siya sa hindi pagsipot sa fitting session nila.
Inabot niya ang cellphone niya, wala itong message o kahit twag man lang mula kagabi.
Napabuntong-hininga na lamang siya habang nakatingin sa kisame.
Naisip niya si Storm na siyang nakakasama niya sa mga appointments nila ni Paul sa kasal. Minsan pa nga ay napagkakamalan sila na sila ang ikakasal.
Dumating din sa poiny na sana nga ay sila na lang ang ikakasal, natawa siya sa mga naiisip niya.
Hindi rin niya makaklimutan ang gabibg may nanguari ulit sa kanila. Napakagat-labi na lnag siya ng maisip ito. Namiss niya ng sobra si Storm,ga halik at yakap nito naas naging mapusok kumpara noong nasa college pa lang sila,halatang nagmature na siya pagdating sa bagay na iyon.
Sa kanya niya naraan ulit ang ganung pakiramdam na hindi niya nardan kay Paul. Sobra kasi kung pahalagahan nito ang pagkababae niya. Ikakasal na lang sila ay wala pang nangyayari s apagitan nilang dalawa.
"Ashy,anak?" Marahan na katok ang narinig niya sa pintuan. Ang mama biya ito. Napaisip siya kunh bakit siya niyo kinatok, hindi nan niya ito ginagawa tuwing araw ng sabado.
Dali-dali siyang bangon upang buksan ang pinto..
"Bakit ma?" Tanong nito habang hawak-hawak ang doorknob ng pintuan.
"Nandiyan sa baba si Paul. May lakad ba kayo?" Tanong nito na sumandal sa gilid ng pintuan.
"Wala naman kaming usapan ma,lahapon sana pero busy siya kaya hindi siya naka-attend sa fitting." Pinaikot nito ang mga labi niya tsaka tumingin sa kisame.
"Ohh sige na mag-ayos ka na at kanina pa iyon naghihintay." Tiran ng mama nito saka na ito tumalikod at tinubgo ang hagdan.
Isinara na ni Ashy ang pinto. Umupo siya sa gilid ng kama na waring nag-iisip. Hindi niya maialis sa isip at puso niya ang tampo na nararamdaman niya. Kung kelan sila walang pupuntahan tsaka ito magpapakita, samantalang kahapon halos maghibtay siya sa wala. Ni hi di nga siya mahagilap. Ni tumawag nga hindi niya maa-lala kung hindi pa ito ang unang nag-reach out.
Sinadya niyang hindi na muna kumilos upang siya naman ang maghintay sa kanya.
Nakadalawang balik na ang mama nito upang tawagin siya. Napilitan man ay lumabas na rin siya upang harapin iyon.
Pagdating niya sa sala nila ay nakita niya si paul na mukhang naiirita na sa paghihintay. Ngumiti lang ito nang makita siya.
"Goodmorning hon," tumayo ito upang iabot ang dalang bulaklak, saka siya hinalikan sa pisngi.
"Goodmorning," tipid na sagot nito at niyaya siyang umupo ulit.
"Mukhang napasarap ang tulog mo ahh. Pasensiya ka na pala kahapon kung hindi kita nasipot. Importante kasi yung meeting. Hindi pwedeng wala ako. Malaki ang mawawala sa kumpanya kung hindi ko iyon ma-handle ng maayos." paliwanag nito na halatang nardan ang tampo ni Ashy.
"Hayaan mo na iyon, tapos naman na. Mukhang pareho lang namn talaga kayo ng katawan ni Storm kaya ngakasya sa kanya yung damit mo." sagot nito tskaa inilapag ang bulaklak sa mesa.
"Nagtatampo ka ba sa akin?" maya-maya pa ay tanong nito tsaka hinawakan ang mga kamay niya.
Hindi siya tiningnan ni Ashy, sa halip ay bumuntong -hininga na lang ito.
"Hon, sorry na please! Alam mo naman kung bakit ko to ginagawa diba?" hinawakan ng mahigpit ang mga kamay niya upang maaaan ang sincerity ng sinasabi niya.
"Medyo, sino ba namang bride to be ang matutuwa na hindi kasama ang groom niya diba? Pero hayaan mo na iyon tapos naman na ehh. Kalimutan na lang natin." ngumiti na lang ito para lang hindi masira ang moment na magkasama sila.
Ang pangit din naman kung minsan na nga lang silang magkasama tapos masisira pa ng dahil lang sa pagtatampo niya.
"So ngayon babawi ako sayo. Labas tayo, mamasyal tayo. Kain tayo sa labas," ngumiti ito sa kanya.
"Sigurado ka ba? Hindi ka ba busy?" kunwari ay tanong nito. Sa totoo lang kasi, wala din kasi sana siya sa mood lumabas. Parang mas gusto niyang humiga lang maghapon.
"Hindi, this day is intentionally planned for you my future wife." hinawakan nito ang baba niya.
"Sige magbibihis lang ako." pagkasabi nito ay ayo na siya at tinungo ang kuwarto niya.
Hindi naman siya masyadong nagtagal, alam niya kasi na ayaw ni Paul ang naghihintay.
Simpleng dress na lang ang isinuot nito.
Nag-paalam na sila sa mama niya bago siala umalis. Natuwa naman ito at nakitang magkasama ang dalawa.
Alam kasi nito at ramdam niya na may tampo ang anak sa mapapangasawa niya. Hindi niya alam kung yun nga lang ba ang dahilan o may iba pa.
Hindi rin siya sigurado kung anong dahilan, kung ito ba ay may kinalaman kay Storm.
Pagkalabas ng bahay ay binuksan agad ni Paul ang pintuan ng sasakyan. Inalalyan niyang pumasok si Ashy sa loob tsaka nito isinara.
Tahimik lang sila sa loob ng sasakyan..
Nakarating sila sa paborito nilang kainan. Dito sila magkasundo, pagdating sa pagkain talagang dapat sila ang magkasama.
Habang kumakain ay biglang nagtanong si Paul.
"Siya nga pala hon, kumusta naman ang lakad niyo ni Storm kahapon? Hindi ba sumakit ang ulo mo sa kanya? May pagka-pilyo kasi yun ehh. Pasensiya ka na wala kasi akong ibang mpagkakatiwalaan pagdating sa mga agnung bagay." tumingin ito sa kanya bago sumubo ng pagkain.
"Okay naman siya,wala naman kaming masyadong napag-usapan. Pagkagaling sa fitting session nagpahatid na din ako pauwi. Tahimik lang naman siya nung nasa biyahe kami." sinubukan niyang pagtakpan ang naging usapan nila ni Storm.
Kahit papaano ay ayaw naman niyang magkasira silang magkapatid.
"Hmmm... mabuto naman kung ganon. Akala ko kasi kung anu-ano na ang sinabi sayo mahirap na baka magbaho ang isip mo na pakasal sa akin,"natatawa iyong tumingin sa kanya.
Natawa na lang din si Ashy. Naisip niya, kung sabihin kaya niya ang totoo rito, hahayaan parin kaya niyang magkasama sila ni Storm nang sila lang?
Maya-maya pa ay natapos na silang kumain. Tumayo na sila upang tunguhin ang sasakyan. Napaglasunduan nila na mamasyal.
narating nila ang isang park kung saan tahimik ang lugar. Perfect for couples lalo na kung medyo emosyonal ang pag-uusapan. Diyo napagdesisyonan niyang sabihin kay Paul ang totoo. Buo na ang desisyon nito at hindi na magbabago pa ang isip niya.
Naupo sila sa isang bench.
Huminga ng malalim si Ashy bago magsalita.
"Hon, may sasabihin sana ako sayo. Matagal ko ng gustong sabihin kaso lagi kang busy, ayoko naman na hindi natin mapag-usapan ng mabuti. Malapit na ang kasal natin at hangga't maari sana, ayokong ay mga bagay na hindi ko nasasabi sayo. Alam mo 'yon? Yung kahalagahan ng tiwala at katapatan sa mag-asawa." tumingin ito sa kanya tsaka hinawakan ang mga kamay niya.
"Ano 'yon hon? Ikakagalit ko ba yan?" tanong naman nito na bahagyang kinabahan at biglang nagbawi ng tingin mula kay Ashy.
Napansin ni Ashy ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ni Paul. Pakiramdam niya ay naapektuhan ito s asinabi niya. Gayumpaman ay itinuloy parin niya ang sasabihin niya total nasimulan naman na niya.
"Tungkol kay Storm," tipid na sagot nito.
"Bakit anong tungkol sa kapatid ko? May ginawa ba siya sayo na hindi mo nagustuhan. May sinabi ba siya?" tanong nito na nababakas sa mukha nito ang pagkabalisa.
"Wala naman, pero may dapat kang malaman at sana hindi ito mkaapekto sa kung anong meron tayo ngayon. Hon, si Storm na kapatid mo at si Storm na ex-boyfriend ko ay iisa. I'm sorry! Nagulat ako nung una ko siyang makita, hindi ko inakala na siya pala ang kapatid mo." maluha-luhang paliwanag nito sa kasintahan. Ni hindi niya ito matingnan ng deretso.
"Alam ko,"
Nabigla si Ashy sa sinabi nito. Napatingin ito sa kanya.
"Alam mo? Kelan pa?" ulit na tanong nito na sa mga sandaling iyon ay hindi alam kung mahihiya o magagalit ba siya.
"Sinabi niya sa akin 2 days ago. Pero hindi yjn big deal sa akin. Ang mahalaga tapos na kayo at tayo na ngayon. Tayo na ngayon at tayo ang magpapakasal. Hindi mahalaga sa akin kung ano ang nakaraan mo, ang mahalaga kung gaano ka katotoo s akung anong meron tayo." hinawakan nito ang kamay niya saka hinalikan.
"Hindi ka galit? Hindi ka nagseselos tuwing magkasama kami?" tanong niya na maedyo gumaan na ang pakiramdam niya
Ibang-iba talga ito kay Storm. Siguro kung si Storm ang boyfriend niya ngayon baka nagwala na ito sa galit. Pero si Paul, kalmado lang at nakita niya kung gaano kalawak ang pag-iisip nito.
"Hon bakit naman ako magagalit? Kasalanan mo ba kung naging kayo nuon at tayo na ngayon? Hindi naman natin hawaka ng kapalaran natin diba? Minsan mga bagay tayong nagagawa na hindi d naman natin sinasadya. May mga bagau na nagpasaya sa atin nuon na bahagi na lang ng nakaraan natin. At kung anan ang nakaraan niyo ng kapatid ko, para sa akin ay hindi na mahalaga. Dahil ang mahalaga sa akin ngayon ay tayo." ngumiti ito upang mabawasan ang pag-aalala sa mukha ng kasintahan.
"Salamat hon, napakalawak talaga ng pang-unawa mo. Akala koagagalit ka. Akala ko hindi mo ako maiintindihan." mangiyak-ngiyak na tuean ni Ashy sa kanya.
Hinalikan naman siya nito sa noo.
Maya-maya pa ay nagdesisyon na silang umuwi.
May napansin lang si Ashy na kakaiba kay Paul. Panay ang ring ng phone nito ngunit hindi niya sinasagot.
"Hon,hindi mo ba sasagutin ang phone mo? Kanina pa yan tumutunog ahh baka importante yan." puna ni Ashy, hindi kasi ito tumitihil sa kakatawag kaya sinabihan na niya ang kasintahan na sagutin ito. Baka kasi nahihiya lang ito na sagutin dahil magkasama sila.
"Trabaho lang yan hon, pag sinagot ko yan baka kailanganin nanaman ako or what. Ayoko namang masira ang araw nating iyo. Alam mo na bumabawi nga ako sayo tapos ma-iistorbo nanaman. Hayaan mo yan
Sagutin ko yan mamaya kapag hindi na tayo magkasama." tumingin ito s akanya saka siya kinindatan nito.
"Baka nga kasi importante. Sige ikaw ang bahala." isinandal nito ang ulo sa upuan.