How to Heal: A Broken Heart(Taglish) Chapter 38

Matapos ang food tasting agad na ihinatid ni Paul si Ashy, pagkahatid sa kanya ay agad itong umuwi.

Pagdating niya sa bahay nila ay nadatnan niya si Storm na nakaupo sa sala. Base sa ekspersyon ng mukha nito ay hindi na talaga siya natutuwa sa ginagawa ng kapatid.

"There you are. Pinanidigan mo na talaga ang pagpapanggap mo," puna nito sa kapatid na noon ay paakyat na sana sa kwarto nito.

Bahagyang tumigil si Paul sa paglalakad ant nilingon ang kapatid.

"Anong pagpapanggap?" maang na tanong nito. Alam niya kung ano ang ibig sabihin ng kapatid. Ngunit hindi niya ito kakagatin na parang okay lang sa kanya na sabihan siya ng ganun.

"Best actor ka talaga Paul, eversince hindi ka parin nagbabago. Kaya mo paring paikutin ang lahat ng tao. Siguro nga, sila kaya mong paikufin sa mga palad mo. Kaya mo silang paniwalain sa lahat ng kasinungalingan at pagpapanggap mo. Pero ako, kahit kelan hindi ako maniniwala sayo." mriing turan nito sa kapatid na bahagya pang tumayo upang ipakita sa kanya ang pagtutol niya s amga ginagawa nito.

Ngumiti ng bahagya si Paul. Ngiti na hi di magugustuhan ng kahit sino man na makakakita.

"Iba ka rin ehh noh? Ako pa talaga ang nagpapanggap? Hindi mo alam ang ginagawa ko. Kaya wala kang karapatan na akushan ako ng kahit na ano. Kung may nagpapanggap sa ating dalawa dito sigurado akong hindi ako 'yon." nagpalakad-lakad ito hanggang sa makarating sa kinaroroonan niya.

Tumigil ito sa tapat niya saka niya ito tinitigang mabuti.

"Ikaw Storm, sa lahat ba ng pagkakataon naging totoo ka? Tuwing magakasama kayo ni Ashy, minsan ba hindi sumagi sa isip mo na sana ikaw na lang ako? Ni minsan ba hindi ka nag-isip na sana kayo parin. Na sana hi di mo siya iniwan at ipinagpalit. Masakit ba? Masakit ba na ang babaeng pinakamamahal ko ay sa akin mapupunta? Masakit ba na ako ang ipinaglalaban niya at hindi ikaw?" tiningnan niya ito na parang pinapakita niyang panalo na siya.

Pigil na pigil ni Storm ang sarili. Alam niyang dala lang ito ng pagka-inis sa kapatid.

"Kung ano man ang namagitan sa amin noon ay matagal ng tapos. Hindi mo kailangang ipamukha sa akin na nagkamali ako na saktan siya. Nasaktan ko siya hindi ko 'yon sinsadya. Pero ang gawin mo siyang tanga,yun ang maliwanag na sinasadya mong gawin.para ano, para makuha mo ang gusto mo." dinuro niya ito ng paulit-ulit.

Lumayo ng bahagya si Paul.

"Minahal ko siya, mahalaga siya sa akin at huwag mo akong pangaralan na parang alam ko lahat. Kung ano man ang ginagawa ko ngayon alam kong balang-araw maiintindihan din niya." umiwas ito ng tingin sa kapatid.

Iniwan siya ni Storm na nakatayo sa sala. Hindi niya alam kung bakit ganun na lang ang galit ng kapatid. Meron nga ba itong hindi sinasabi ss kanya?

Huminga siya ng malalim bago pa tuluyang tinungo ang silid. Kailabgan na niyang ihanda ang mga gamit niya upang makaalis na siya.

Matapos ang ilang oras ay bumaba na si Storm, hinintay lang niyang umakyat sdin ang kapatid. Hangga't maari ay ayaw sana niya itong makita sa araw na iyon.

Hindi pa man siya nakaktagal sa pagkaka-upo ay nakita na niya ang kapatid na pababa sa hagdan. May dala itong maliit na traveling bag at halatang may pupuntahan nanaman ito.

"Alam ba ni Ashy na aalis ka? Baka mamaya kung saan-saan ka nanaman hanapin nung tao. You always say na mahal mo siya pero iba ang ipinapakita mo," ouna nito sa kanya na napatingin pa sa dala niyang bag.

"Kaya nga andiyan ka para sabihin sa kanya kung nasaan ako diba? Para samahan siya sa mga lakad na dapat kaming dalawa ang gumagawa." balik na sagot nito sa kapatid.

"At kung sabihin ko sayong hindi na ako papayag na samahan siya, may magagawa ka ba?" matapang na tanong nito sa kanya.

Hindi man lang ito natinag sa sinabi ng kapatid. Tuloy lang itong humakbang pababa ng hagdan saka tumigil sa harapan niya.

"Kung hindi mo siya sasamahan, wala akong magagawa. Wala kang obligasyon na gawin iyon. Siguro nkaya naman na niyang gawin iyon mag-isa. Si Ashy pa ba. Matapang yun ehh. Kinakaya lahat kahit minsan gusto ng sumuko. Parang nung sinaktan mo siya. Kinaya niya kahit halos ikamatay niya." pinasaringan niya ito saka tinitigan ito ng masama.

Nagulat si Storm sa sinabi ng kapatid. Noon lang niya ito narinig sa kanya. Nagpantibg ang tenga niya sa sinabi nito.

"Ano sinabi mo?" pag-uulit nito na parang hindi narinig ng mabuti ang sinabi ng kapatid.

"Hindi ko alam na bingi ka na din pala. Diba totoo naman ang sinabi ko? Na iniwan mo siya para masunod ang gusto ng mama at papa. Kasi gusto mong magpabibo sa kanila. Gusto mo ikaw yung bida. Kaya kahit nasaktan ko siya,tiniis ko yun. Ikaw ba naman ang magmamana ng lahat, siypre kahit ako ganun din ang gagawin ko. Babae lang nan yan, pwedeng palitan ng pera yan." pangungutyang tiran ng kapatid.

Kuyom nito ang mga palad na tumingin sa kapatid.

"Ibahin mo si Ashy. Wala siyang kinalaman sa kung anuman ang naging desisyon ko. Nagkataon lang na kianilangan ako ni Girlie ng mga panahong iyon, akala ko hindi na siya magpapakita sa akin kaya napilitan akong su din ang gusto ng mga magulang natin." paliwanag nito, paliwanag na alam namn niyang hindi nito paniniwalaan.

"Alam ko, kaya nga nakuha mo na lahat ng para sayo diba? Kaya kahit hindi ka na magtrabaho, nakahiga ka parin sa pera."

"Its not all about the money. Its about the family's reputation and dignity. Reputasyon ng pamilya na muntik mo ng sirain. Ngayon sabihin ma sakin, sino sa ating dalawa ang walang utang na loob, sino sa atibg dalawa ang..." natigilan si Storm ng itaas ng kapatid ang mga kamay nito.

"Enough.. I'm doing my part as you can see. Eto nga at itinatayo ko na ang reputasyong sinasabi mo diba? Mag-aasawa na ako. Magpapakasal ako at magkakaroon ako ng sarili kong pamilya. Siguro naman sapat na 'yon para maitayo ang reputasyon na sinasabi mo! Pero hindi ibig sabihin nun na mapipigilan niyo ako sa kung ano ang magpapsaya sa kain.." seyosong sagot nito.

Binuhat nito ang mga gamit at dali-daling lumabas ng bahay. Gusto man siyang pigilan ni Storm ngunit wala na itong magagawa pa. Hinayaan na lang niya itong umalis. Kung iyon ang guato niyang gawin sa buhay niya,wala na siyang magagawa pa. Ngunit s apagkakataong ito ay hindi na niya ito pagtatakpan pa. Bahala na kung anong mangyari.

Hi di niya hahayaan na manatiling bulag si Ashy s amga nangyayari. Kung kinakailangan niyang sabihin ang totoo ay gagawin niya.

Dali-dali siyang umalis ng bahay. Halos paliparin na niya ang sasakyan niya upang makarating ng mabilis sa kinaroroonan ni Ashy.

Pagdating sa bahay nila ay tinaning niya agad ito. Nadatnan niya ang mama bmniya at halatang nagulat ito sa pagdating niya.

"Ohh.. Storm, napadalaw ka yata. May problema ba?" takang tanong ng ginang.

"Itatanong ko po sana kung andito na ba si Ashy," sagot nito na halatang hindi mapakali.

"Nakuh, wala pa ehh. Sumagkit daw muna sa mall dahil may bibilhin yata na kakailanganin sa opisina bukas. Wala naman na siyang mautusan kaya siya na ang pumunta. Kung gusto mo hintayin mo na lang siya. Pauwi na rin naman siguro iyon ngayon." niyaya siya ng ginang na umupo muna ngunit tumanggi siya. Kailangan niyang mapuntahan agad si Ashy upanasundan nila si Paul

"Pasensiya na po pero kailangan ko na talaga siyang makausap. Pupuntahan ko na lang po siya. Bahala na po kung saan ko siya makita, ang mahalaga maabutan ko po siya bago pa magdilim,"paliwanag nito sa ginang na nuon ay nagtataka sa mga ikinikilos niya.

"Hindi ko maintindihan Storm. Pero kung anuman iyan sana para yan sa ikabubuti ni Ashy. Mahal na mahal ko ang anak ko at hindi ko kakayanin kapag napahamak siya. Gawin mo kubg ano ang tama." payo ng ginang saka nito hinawakan ang mga kamay niya na para bang ipinagkakatiwala nito sa kanya si Ashy.

"Huwag po kayong mag-alal. Mahalaga s aakin ang anak ninyo at hindi ko hahayaang mapahamak siya. Lahat gagawin ko para sa ikabubuti niya. Dahil habggang ngayon, mahal ko parin siya at hindi yun nagbago."  pagkasabi nito ay tumalikod na siya at tinungo ang kanyang sasakyan.

Habang nasa sasakyan ay sinubukan niya itong tawagan. Ilang ulit na itong tumawag ngunit hindi nito sinasagot ang telepono niya. Ilang message na rin ang ipinadala niya ngunit kahit isa ay wala itong sagot.

Sobrang gulo na ng utak niya ng mga sandaling iyon. Alam niyang galit ito sa kanya at iyon ang pwedeng dahilan kubg bakit hindi niya ito sinasagot.

"Hello, Jem. Kasama mo ba si Ashy? Kubg kasama mo siya huwag mong sabihin na ako ang kausap mo ha?" sinabi nito sa kabialang linya bahang hawak sa kabilang kamay ang telepono niya.

"Bakit? Oo kasama ko siya nasa fitting room. Nagpasama kasi siya may binili." sagot naman ni Jemn na noon ay nasa kabilang linya..

"Sige salamat sabihan mo na lang ako kapag pauwi na kayo. Pasensiya na kailangan ko lang talaga siyang makausap. Wala na akong choice." yun lang ang sinabi nito at ibinaba na niya ang telepono.

Agad na itong nag-iba ng direksiyon....

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.