BUMABA na siya sa dining room makalipas ang ilang minuto nang makaalis si Mika. She felt bad. Nagi-guilty siya, eh. Alam niyang may mali sila sa nangyayari. None of them wanted this mess. Wala namang may gustong magkagulo silang lahat, eh. Pero nandito na, kaya hangga’t maaari, inaayos nila ang problema nila.
Dapat naman talaga, noong una pa lang, sinabi na niya kay Mika. Or pinaalam man lang nila dito ang nangyayari sakanila ng kapatid nito. ‘Yung relasyon niya at ni Hunter. She was part of the family. Kaya kahit anong mangyari, may karapatan si Mika’ng malaman ang tungkol sa pamangkin nito.
Naabutan niya si Mika at Hunter na nag-uusap sa may living room. Natigilan siya sa paghakbang.
“What’s wrong with that?” tanong ni Hunter sa kapatid. “Ano ba ang kinagagalit mo?”
“Kuya, what’s wrong? You’re seriously asking me what is wrong? Many people lied to me, already. Ilang beses pa bang may maglilihim sa akin at magsisinungaling para lang maintindihan ko ang reasons niyong lahat? Para lang masabi niyong hindi ako mababaw at may dahilan kung bakit ganito ako ngayon?” tanong ni Mika kay Hunter. “I don’t give a damn kung sinong idi-date mo, sinong mabubuntis mo, but the mere fact that she’s my friend, na nagtiwala ako sakanya, sa inyo, sana man lang nakuha niyong ipaalam sa akin para may idea ako. Para hindi ako nagmumukhang tanga sa bahay na ‘to!” malakas ang boses ni Mika kaya dinig na dinig iyon sa buong bahay.
“Mikaela Michelle, look, we’re going to inform you about this but you were in the States with Mommy…”
“I already called Kuya Thunder, alam na niya pala ‘to. Matagal na. Kahit si Mommy, alam na ‘to. Even Yaya Lourdes! So ako nalang pala ang hindi nakakaalam? Ano ba ako sa buhay niyong lahat, display? Tapos ano? You’ll just surprise me one day na may pamangkin na naman ako? That’s bullshit!”
“Watch your language, Mikaela Michelle…” seryosong saad ni Hunter habang nakatingin kay Mika. “I know you’re upset. But you’re overreacting. It’s Zyline, kilala mo naman. Dapat nga matuwa ka pa, eh,” sabi ni Hunter sa kapatid at tila pinapakalma din ang sarili..
Para namang napako sa kinatatayuan ni Zyline ang dalaga. Hindi siya makakilos habang naririnig ang pagpapalitan ng salita ng magkapatid.
“You know what, Kuya, wala naman kasing problema sa akin na si Ate Zyline, eh. Kasi dapat alam mong susuportahan kita kahit anong mangyari kasi kapatid kita and I want you to be happy. I’ll support Ate Zy because I know her, too. Susuportahan ko kayo, because I am sucker for happy endings. Kaso wala, eh. Pinagmukha niyo lang akong tanga. Katulad nila…” she said sarcastically.
“You were problematic because of your asshole ex-boyfriend, what do you want us to do? Sabihin sa’yo para mas magdrama ka pa?” tanong ni Hunter sa kapatid.
“That’s the problem with all of you! Wala ka ding pinagkaiba kay Kerko niyan, eh. Ang liit ng tingin niyo sa akin. Pakiramdam niyong lahat, hindi ko maiiintindihan. Hindi ko kakayanin. Kilala niyo ako pero kayo mismo, walang tiwala sa akin!”
“Brat, that’s not it. We’re just trying to protect you and—“
“By keeping a secret to me?” putol ni Mika sa sinasabi ni Hunter. “Sige, OA na. Mababaw na. Maarte na. Lahat na. Hindi ako makikialam sa desisyon niyo. You won’t hear anything from me. Tutal naman, display lang ako dito, diba? Hindi mahalaga ang opinyon ko,” masama ang loob na sabi ni Mika sa kapatid.
“Mika…”
Lumingon naman ang dalaga sakanya. Hindi agad ito nagsalita. Tinignan lang siya nito pababa sa tiyan niya. “Congrats. Welcome to the family…” she said emotionless. “I have to go,” sinabi nito bago dinampot ang bag at naglakad palabas.
“Mikaela Michelle,” tinawag ni Hunter ang kapatid pero ‘di naman na bumalik si Mika. Hindi din ito lumingon sakanila.
“Sorry…” ani Zyline nang makalapit siya kay Hunter.
Umupo naman si Hunter at ipinikit ang mata. “You don’t have to say sorry.”
“Nag-away kayo ng kapatid mo at—“
“It’s fine. Magpapalamig lang ng ulo ‘yon. She was always like that…” Hunter said. “Bata pa lang kasi, lagi na siyang pinaglilihiman ng mga tao sa paligid niya. ‘Yung sakit niya dati, ‘yung expulsion ko… it’s to protect her, though. Hindi lang siguro madaling i-absorb…” nagkibit balikat si Hunter. “Are you hungry?” tanong nito sakanya. Hindi sumagot si Zyline. Iniisip niya pa din ang naging reaksyon ni Mika.
“Zyline, she’s not mad. Nabigla lang ‘yon. Idagdag pa ‘yung problema niya kay Kerko,” sabi ni Hunter. “You’re 4 months pregnant, wala siyang alam. Natural lang ‘yon. Plus the fact that she’s Mikaela Michelle Dela Cruz. Siya ang pinaka-madramang Dela Cruz…” sabi pa nito para siguro pagaanin ang loob niya. “Don’t worry about it,” he said.
Huminga siya ng malalim. Alam naman niya na may pinagdadaanan din si Mika kaya hindi niya makuhang magalit. She’s worried. Ayaw niya kasing magkagalit sila ni Mika dahil kahit saan naman tignan, she was wrong. At isa pa, kadugo ni Mika ang pinagbubuntis niya. Instead of worrying about those things, kumain nalang sila ni Hunter ng almusal. Si Yaya Lourdes naman ay kinausap si Hunter tungkol sa alaga nito. She overheard what Yaya Lourdes said, sabi nito’y kasama ni Mika si Kerko kagabi. Naghalo-halo siguro ang nararamdaman ng dalaga kaya naibunton sakanila. Iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal sa isang tao. Kaya kang gawing baliw.
“May pasok ka ba ngayon?” tanong ni Zyline kay Hunter habang nagbibihis ito. Halos alas-dies na kasi ng umaga. Kung papasok ito, late na masyado.
“No. Sa mall tayo pupunta,” sabi ni Hunter sakanya. Kumunot naman ang noo ni Zyline sa sinabi ng lalaki.
“We’re going to buy things for the twins,” sabi ni Hunter na tila naasar dahil napakaslow niya.
“Hunter, almost 4 months pa lang sila. Ano bang malay natin kung babae pala sila?” sabi naman niya dito. Hindi pa nga sila nagpapa-ultrasound, eh. Masyado namang excited ‘tong lalaking ‘to.
“Eh, di gagawa tayong lalaki kung hindi lalaki ang mga ‘yan,” sabi nito na tila simpleng bagay lang ang sinabi.
“Hunter! Umayos ka nga!” asik ni Zyline dito.
“So what if they’re just 4 months old? We’re going to buy them things. Huwag ka na nga kumontra,” masungit na sabi ni Hunter. Kinuha nito ang isang cap at isinuot bago inaya siyang palabas. Simpleng white shirt at pants lang ang suot ni Hunter. While Zyline was wearing a simple white blouse. Nauna siyang magbihis kaya hindi niya ginaya si Hunter. Nakaflats lang din siya gaya ng gusto ng binata.
Sakay ng Hummer ni Hunter, dumiretso na silang dalawa sa mall para mamili ng gamit ng kambal. Si Hunter, dumiretso agad sa baby clothes. Hindi mapigilan ni Zyline na mapaikot ang mata.
He’s not vocal on saying he’s happy, but there he is, wala pa ngang limang buwan ang mga bata sa sinapupunan niya, namimili na ng gamit.
“Blue, white, yellow, green… all set,” sabi ni Hunter sa babaeng naroon.
“Are you going to buy that? Lahat?” tanong ni Zyline sa binata. Tumango naman ito. “Yeah, why?” kunot noong tanong ni Hunter. “Miss, add those, please,” tinuro nito ang isang stand pa ng mga damit. Ni hindi nga tinignan ni Hunter, eh!
“Teka, ang dami naman, sobra. Ano bang akala mo, magpa-fashion show agad ang anak natin paglabas?” tanong ni Zyline dito. Hindi niya maiwasang mamangha lalo na noong nagtingin-tingin pa si Hunter ng mga pwedeng ilagay sa nursery ng kambal kapag nariyan na.
“Ang ingay mo. Bakit ‘di ka nalang mamili diyan kesa sige ang daldal mo?” tanong ni Hunter sakanya. “Don’t pick pink. Itatapon ko talaga ‘yan,” sabi ni Hunter.
“May problema ka sa pink?” tanong ni Zyline. Naalala naman niya bigla ang sinabi ni Mika kaninang umaga sa kapatid nito. Bigla siyang natawa.
“What’s funny?” nakataas ang isang kilay ni Hunter sakanya.
Umiling si Zyline. “I just remember Mika’s reaction when she saw my bra,” sabi niya. “Tapos she asked you if you were a…” hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil bigla siyang natawa.
Oh, God! Di niya maimagine kung sakaling si Hunter, naging bakla. Sayang ang lahi!
“It’s so fucking easy for me to fuck you here now, Zyline Cerise. Para lang malaman mong hindi ako bakla,” seryoso ang pagkakasabi ni Hunter. Natahimik naman si Zyline. Seryoso kasi ang mukha nito. Nakakatakot. Baka seryosohin.
“Oo na, hindi na,” sabi niya. Tumalikod na siya at nagtingin-tingin sa mga damit na naroon.
Matapos ang kulang isang oras, lumabas na kami ni Hunter sa store na iyon. Bitbit niya ang paper bags na pinaglagyan ng mga damit ng babies.
“Let’s go here…” sabi nito na hinila siya papasok sa isang gift shop. Napakaraming stuffed toys ang naroon.
“What are we going to do here?” tanong niya sa binata. “You’re going to buy stuffed toys for the twins?” kumunot ang noo niya.
Hindi naman siya pinansin ni Hunter. Instead, Hunter picked up the biggest purple stuffed toy.
Para kanino naman ‘yan?
“Wala na bang mas malaki dito?” tanong niya sa lalaking naroon. “Sir, meron pa po kaming mas malaki diyan,” sabi nito. “This way po,” sinama naman ng lalaki si Hunter at naiwan siya.
She was still thinking kung para kanino ba ang binibili ni Hunter. Baka naman sakanya? Not that she’s assuming, pero may iba pa ba?
“Are you serious?” tanong ko kay Hunter nang makita ang napakalaking bear. That was actually bigger than him!
“Why?” Hunter asked her. Binayaran nito ang binili. “Pakideliver nalang,” sabi nito at may ibinigay na address.
“Magugustuhan ni Mika ‘yan,” kibit-balikat na sabi ni Hunter sakanya. “Peace offering,” dagdag nito.
Oh, so that was for Mika.
“Maybe it’s better if we give her strawberry cake, too…” suhestiyon niya naman sa lalaking kasama.
Hunter smiled. “Okay na ‘yon,” sabi nito. Tahimik na itong muli nang mag-ayang kumain silang dalawa. Halos hindi na ito kumibo kahit pa nagtatanong siya.
“Buti si Thunder, supportive sa atin, no?” sabi ni Zyline. “My brother doesn’t like the idea of me, being with you and I guess, si Mika din…”
“No,” ani Hunter na inabot din ang kamay niyang nasa lamesa. “My sister was upset. You heard her. She’ll support me no matter what,” he shrugged. “I’m just bothered with that brat,” he sighed. “Mas sanay lang siguro akong kami ni Thunder ang magkaaway.”
“Magiging okay din kayo,” sabi nalang niya dito.
Matapos kumain, dumiretso na sila ni Hunter sa pamimili ng iba pang gamit ng bata. Feeding bottles, even the crib, bumili na din ito kahit pa inawat niya ito.
Tinawagan niya si Cyan kung ano pa ang kailangan nila, si Rain naman ang tinawagan ng binata. Halos alas-singko na ng hapon ng makauwi silang dalawa. Naroon na din ang pinadeliver ni Hunter na stuffed toy para kay Mika. Kahit ang tatlong strawberry cake ay nandoon na pero walang Mikaela Michelle ang nasa bahay.
“Uuwi na ako,” sabi niya kay Hunter. Ewan ba niya, nakokonsensya kasi siya na nagkakasira ang magkapatid dahil sakanya. Siguro nagiging emotional lang siya dahil buntis siya.
“Dito ka na matulog,” sabi ni Hunter. “Wala namang tao dito,” dagdag nito. “And stop worrying about my sister. Ako na kakausap ‘don. Wala namang magagawa ‘yon,” sabi ni Hunter. “What do you want to eat?” tanong nito sakanya.
“Sinigang na hipon,” sabi niya. Bigla siyang nangasim sa naisip na ulam.
“Okay, I’ll cook…” tumayo na si Hunter at iniwan siya doon pero sumunod siya. Umupo lang siya sa gilid habang inihahanda ni Hunter ang kailangan niya.
“You really look good when you’re cooking,” hindi niya napigilang maikomento. Nakakadagdag gwapo kasi sa lalaki kapag marunong itong magluto, eh.
“I look good, too, when eating,” he smirked at her.
Nawala naman ang ngiti sa mukha ni Zyline. “Ang pervert mo,” she rolled her eyes.
“Sino kaya?” ngumisi si Hunter. “Hindi naman ako ang nag-iinitiate…”
Pinamulahan siya ng mukha. “Hubad ka kasi ng hubad sa harap ko,” depensa niya naman dito. “You were seducing me!” dagdag pa niya na ikinahalakhak ni Hunter.
“Zyline, I don’t need to seduce you,” he smiled sexily. “Hindi na kailangan ‘yon dahil akin ka naman na,” he said again.
Hindi naman niya napigilang kiligin dahil sa sinabi ni Hunter. Geez! She’s no longer a teenager. Per iyong mga ganyang pamanyak na banat naman kasi ni Hunter hindi mo maiiwasang hindi kiligin, eh.
Nakatingin lang si Zyline kay Hunter habang nagluluto ito. He was moving gracefully. Hindi talaga nakakasawang panuorin si Hunter habang nagluluto ito. Ang gwapo kasi talaga nito habang seryosong hinahalo o tinitikman ang niluluto niya, eh.
Para naman may magawa si Zyline at hindi siya nakatingin lang kay Hunter na kanina pa din siya inaasar sa pagsulyap niya dito, tumulong nalang siya kay Yaya Lourdes. Palagay na din naman ang loob niya sa matanda. Kasing-bait ito kasi halos nila Nanay Lorena.
“Sigurado ako, matutuwa si Laura kapag lumabas na ang mga apo niya kay Hunater,” ani Yaya Lourdes sakanya. Napangiti naman si Zyline. Pero hindi niya din naiwasan ang kabahan. Alam niyang alam naman na ng ina ni Hunter ang tungkol sakanya. But since she was in the States, si Thunder ang pinaasikaso nito sakanila. Hunter asked her to leave it all to him, as well.
Sa pamilya naman nila Zy, katulad ni Mika, walang alam ang parents niya. It wasn’t easy to hide. Laking pasasalamat nalang niya at nasa Paris ang mga magulang niya kaya hindi siya nakikita ng mga ito. Pero siguro mamaya, tatawag na siya sa Mommy niya para ipaalam ang sitwasyon niya. Alam niyang mali. Alam niyang dapat noon pa man sinabi na niya. Pero nakakatakot dahil alam niya ang expectations ng magulang niya sakanya. Paano niya naman ipapaliwanag na nabuntis siya at hindi sila kasal ng lalaki? Baka balatan siya ng buhay ng Daddy niya.
“Sayang nga po at wala na si Tito Lorenzo…” sabi niya. “Hindi man lang nakita ni Tito ang apo niya. Kahit si Theon man lang sana,” hindi naitago ni Zyline ang lungkot sa tinig nito. She saw how her parents smiled when they saw Lean and Enzo. Kaya sigurado siyang ganoon din siguro ang mararamdaman ng mga magulang ni Hunter.
“Pihado ko namang kahit nasaan si Lorenzo ngayo’y masaya iyon para sa mga anak niya,” ngumiti ang matanda sakanya.
Matapos ayusin ang lamesa, tumulong na si Zyline sa paghahain pero pinigilan na siya ni Hunter.
“Hayaan mo na sila. Don’t stress yourself,” ani Hunter na inalalayan siya makaupo.
“Ano ka ba, okay lang naman, eh…” sabi niya dito. Pero hindi naman nakinig si Hunter sakanya. Sa halip, pinagsilbihan pa siya nito. Hindi naiwasan ni Zyline mapangiti. Hindi pa sila nagsisimulang kumain nang may marinig silang mga boses.
“Who’s that?” tanong niya kay Hunter na natigilan din.
“Shit,” tumayo ito at lumabas. Sumunod naman siya para malaman kung sino ang mga dumating.
“What the fuck?” natigilan si Zyline nang makita niya ang mga ito.
Magkasama ang parents niya at ang Mommy ni Hunter!
“It’s really good to see you again, Barbara…” sabi ng ina ni Hunter sa Mommy niya. “At mukhang mas magkikita pa tayo ng madalas dahil sa mga anak natin…” dagdag nito.
“Hunter…” napakapit siya sa braso ng binata. Wala pang alam ang parents niya!
“Yes, that’s what I have in my mind, too…” sabi naman ng Daddy niya sa ina ni Hunter. “Now, where’s your son? I need to talk to him,” seryosong saad nito.
“Fernando, you should calm down. Makakausap mo din ang mga bata,” sabi ng Mommy niya. “Blue explained everything to you already,” she added.
Nakausap na sila ni Blue?
“Yes, your son explained everything to me but I’d like to hear your daughter’s side still…” he said again.
Kinabahan naman ng husto si Zyline.
“Why don’t we eat first?” aya ng ina ni Hunter sa mga ito.
“Mom.”
Naglingunan silang lahat sa kanilang dalawa ni Hunter. Maging siya ay napatingin sa lalaki.
“Hunter…” tawag ng ina nito sa binata.
“Zyline…” tawag naman sakanya ng mga magulang niya.
“What are you doing here, Mommy, Daddy?” tanong niya. She was hiding behind Hunter. Natatakot siya.
“No need to hide, Zyline Cerise…” her daddy said. “Alam kong buntis ka,” he said again.
“Dad…” unti-unti siyang umalis sa likod ni Hunter.
Napasinghap ang Mommy niya nang makita siya. Nahihiya si Zyline sa mga ito.
“Mr. De Guzman, let me explain what happened…” Hunter told her Daddy.
“You really should explain what happened…” her daddy said seriously.
“Daddy…”
“And we’re also here to talk about what will happen…” dagdag nitong sabi sakanila.
Nagkatinginan si Zyline at Hunter. “What are you talking about?” nilingon niya ang ama habang nakakunot ang noo.
“It’s about your wedding, Zyline,” sabi ng Mommy niya.
“What?” sabay na sabi nila ni Hunter. Nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa mga ito.
“Why? Wala kayong balak magpakasal matapos niyong gawin ‘yan?” tanong ng Daddy niya. Bakas ang pagkayamot sa tinig nito.
“Mr. De Guzman, I…”
“Of course, they will get married…” Hunter’s mommy said. Napatingin naman si Hunter dito.
“And that wedding will happen anytime soon,” sabi ng Mommy niya.
Nagkatinginan ulit sila ni Hunter. Wala pa silang napag-uusapan tungkol sa bagay na ‘yan! Wala pang kasal sa usapan nila sa ngayon dahil magulong-magulo pa ang sitwasyon. At kung magpapakasal sila, mas magugulo ang sitwasyon ngayon! They’re taking it slow, bakit nagmamadali sila?
“Mommy…”
“And my decision is final, Zyline. Ayokong mauulit ang nangyari sa kapatid mong nagka-anak ng hindi sila kasal. Bago lumabas ang anak mo, magpapakasal kayong dalawa ni Hunter.”
“Daddy…”
She looked at Hunter again. Hindi niya mabasa ang ekspresyon ng mukha nito.
“Is there a problem with that, Hunter?” her Daddy asked him.
Matagal bago sumagot si Hunter. They were all looking at him.
Bumibilis ang pagtibok ng puso ni Zyline.
Ano ang isasagot ni Hunter sa Daddy niya?
Huminga ng malalim si Hunter. He looked at her.
“Wala, Sir. I’ll marry your daughter. I’ll marry Zyline…”