Hunter's Temptation Chapter 5

MAAGA pa lang ay naipadala na ni Hunter kay Zyline ang sketches nito. Wala naman halos siyang binago sa ginawa nito. He just made it lighter. Ayaw niyang kapag dadalaw siya sa condo ni Mikaela’y para siyang pumasok sa bahay ni Barney.

Nanatili lang siya sa bahay dahil Linggo naman. Tinawagan niya si Daniel para mag-inuman sana pero nasa mission pala ngayon ang pinsan. Si Thunder at Rain naman ay maagang ring umalis kasama si Theon, ang kanyang Mommy ay nagpunta sa salon kasama si Mikaela.

Naiwan siyang mag-isa sa bahay nila. Great. Just great.

Sa AVR niya naisipan magpalipas ng maghapon. Tinatamad siyang lumabas kaya naman nanatili nalang siya doon. Doon na din siya nagpahatid ng tanghalian sa kasambahay nilang hindi niya alam ang pangalan. Hindi niya tuloy mawari kung bago ba ito o sadyang wala siyang pakialam sa mga ito.

Tinignan niya ang mga movie na pwede niyang mapanuod. Hindi niya mapigilang mapamura nang makitang halos lahat ng naroon ay tungkol sa romance.

Hindi talaga dapat nila hinahayaan si Mika na mamili ng mga ganito ng ito lamang. A walk to remember? The Notebook? The last song?

Maganda naman daw ang mga pelikulang ‘yan pero… tangina. He’s Hunter Dela Cruz and he’s not going to watch those movies for crying out loud.

“Wala man lang bang porn dito?” he hissed. Napailing nalang siya. Alam niyang wala dahil si Mikaela ang madalas na gumagamit ng kwartong ito. Baka mapatay silang dalawa ni Thunder ng mommy nila kung nagkataon.

He checked his phone and checked his e-mails. Sa susunod na linggo pa ang dating ng ka-deal niya kaya paniguradong sa susunod na linggo ay abala siya.

He’s scrolling his e-mails when a message popped in.

From unknown number. Kumunot ang noo ni Hunter.

Unknown number:

Can we talk? I have to ask you something about my sketches.

Hindi alam ng binata ngunit bigla siyang napangiti nang mabasa ang text. It was from Zyline.

“Yeah, sure,” he replied. Hinintay niyang magreply ito.

“Fuck.” Tinitigan niya ng masama ang cellphone. Halos sampung minuto na ang nakalipas pero hindi pa nagrereply ang dalaga. Iniisip ni Hunter kung narecieve ba nito ang mensahe niya. Should he send it again?

Ibinato niya ang cellphone sa dulo ng couch at itinuon nalang ang atensyon sa pinanunuod na pelikula. Napatingin siya sa cellphone nang mag-ilaw ito. Agad niyang kinuha at tinignan kung sino ang nagtext.

Brat:

Kuya, may nakita akong new model ng Chevy!

Lihim niyang sinakal sa isip si Mikaela. Ano bang tingin sakanya ng bunsong kapatid? Lumalakad na bangko?

Maya-maya'y may pumasok ulit na text sa cellphone niya. Agad niya itong tinignan.

Zyline:

Okay. Where are you?

Napangiti siya. “House,” he replied. Ang alam niya’y alam naman nito ang bahay nila. She replied okay. Mas lumawak naman ang ngiti sa labi ni Hunter dahil dito. Tutal ay wala naman siyang magawa, mas okay na din na naroon si Zyline. May maiinis siya.

Kulang isang oras ang binilang bago dumating si Zyline. Naka-jeans ito na mukhang sinira ang bandang tuhod at hanging sleeveless blouse. Litaw na litaw ang magandang kurba ng bewang nito maging ang pusod.

Hindi napigilan ni Hunter mapalunok.

“Hi, Ms. De Guzman,” he just smiled at her. Pormal naman ang mukha nito. “Binago mo ang design ko?” Salubong sakanya nito nang nakataas ang isang kilay.

Natawa naman si Hunter sa reaksyon nito. He’s expecting that, though.

“I just made a little changes, Ms. De Guzman. And I’m sure, walang reklamo ang kapatid ko sa ginawa ko.” Nagkibit-balikat siya bago umupo sa couch. Pinagmasdan naman siya ni Zyline na matalim ang tingin sakanya.

“Kung ako sa’yo ay uupo ako. Pihado’y masakit na ang paa mo sa napakataas na takong ng sapatos mo.” Ngumiti si Hunter kay Zyline. Hindi naman mapigilang mapasimangot ni Zyline. Kung tutuusin ay kanina pa nga masakit ang paa niya. Kinailangan niya pang kausapin ang isa na namang pinapa-blind date ng mommy niya sakanya para tumanggi ito. Hindi niya lubusang maintindihan kung bakit ba pinagtutulakan na siya nitong magpakasal. Wala siyang nagawa kundi sumunod kay Hunter at umupo sa upuang naroon. Inilapag niya ang bag na hawak at ipinakita sa binata ang sketch na binago nito.

“What’s wrong with that?” Hunter asked her. Sumandal pa ito at inilagay ang magkabilang kamay sa likod ng ulo. Napatingin naman siya sa triceps ng binata at napansin niya ang pagngiti nito kaya agad niyang iniiwas ang tingin.

“What’s wrong? Pinakialaman mo ang sketch na hindi naman sa’yo.” Inis na sabi niya sa binata na tila balewala naman kung galit siya o hindi.

“Iyon ba?” Kumunot ang noo ni Hunter. “Mas maganda na nga, eh.” Nagkibit balikat ito. “You see, Ms. De Guzman, hindi lahat ng sa tingin mong tama, tama talaga.” May lamang sabi ni Hunter sakanya. Tumaas naman ang kilay niya dito. “What exactly do you want to say, Mr. Dela Cruz?” tanong ni Zyline sa binata habang nakataas ang kilay.

Nagkibit balikat ulit ito. Doon lang napansin ni Zyline na naka-simpleng black shirt lang si Hunter at white shorts. Napansin din niyang naka-tsinelas lang ito.

Well, at least, malinis ang paa nito. Mukhang alaga din.

“I hope, puro magagandang bagay ang nasa isip mo habang sinisipat mo ako, Ms. De Guzman,” ani Hunter na nagpaangat ng tingin niya sa mukha nito. Hindi niya naiwasan pamulahan ng pisngi. Huling-huli siya nito sa pagsipat dito.

“As I was saying… try to look at those sketches. Mas naging okay siya. Huwag mong pairalin ang pride mo at—“

“Hindi ko pinapairal ang pride ko, okay?” she hissed. Tumaas naman ang kilay ni Hunter sa dalaga.

“Hindi nga ba?” sinundan niya ito ng mahinang tawa. Gusto namang sabunutan ni Zyline ang sarili dahil sa hindi malamang dahilan, sexy ang naging dating ng tawa ni Hunter sakanya.

“Hindi talaga,” sagot naman niya sa lalaki. Inirapan niya pa ito ng katakot-takot.

“Okay,” he smiled. “Then, huwag mong pairalin ang galit mo sa akin. Because I can see that you don’t like me and I actually don’t know why…” tinignan siya ng seryoso ni Hunter.

Hindi naman sa hindi niya ito gusto. Ayaw lang niyang i-associate ang sarili sa binata. He took Storm away from his brother before and then dumped her after, tapos ang asawa ni Thunder ngayon na si Rain ay tinangkang agawin din nito. Hindi niya alam kung sadyang inggitero ba ito o psychotic.

“Look, Mr. Dela Cruz, I don’t—“

“Enough with that freaking formality. Call me Hunter,” he arrogantly said. Napataas ang isang kilay niya dito. “Bata pa lang naman ay magkakilala na tayo, Zyline. We’re not friends, I know. Pero hindi maikakaila noon na noon pa man, magkakilala na tayo.”

Hindi siya kumibo. Totoo naman ang sinabi nito. Magkaibigan ang mga kapatid nila kaya kilala niya rin ang binata. Nga lamang, si Mikaela, ang bunso ng mga Dela Cruz, ang nakasundo niya dahil pareho silang nagmodelo.

“And I know your story with Cupid, too. And what you did to stop their wedding and—“

“Hindi ko alam na chismoso ka pala.” Mataray na sabi niya sa lalaki. Iyon ay isang parte ng buhay niyang kung maaari lang ay gusto niyang kalimutan dahil nagsisisi siyang ginawa niya iyon kay Cupid at sa asawa na nito ngayon na si Cristine. But at least, they are happy now. With their son Kiro, na inaanak pa niya ngayon.

“Was that a secret? Hindi ko naman alam,” he chuckled and once again, gustong sabunutan ni Zyline ang sarili.

“Hindi naman ako nagpunta dito para pag-usapan natin ang nakaraan dahil kung may nagawa ako sa past, for sure, meron ka din. Mas malala pa kaysa sa akin.” Inirapan ni Zyline ang nakangiting binata.

“So, chismosa ka din pala.” Ngumisi si Hunter bago kinamot ang kilay at tumingin sakanya. “The difference is, hindi ko naman nililihim iyon. I don’t mind kung tatawagin ako ng lahat na black sheep or the beast. Boring kung magiging katulad ako ng iba.”

Napailing nalang si Zyline. How can someone be this blunt?

“I am here to talk about Mika’s condo and my design, not about my or your past. Like what I said, hindi ko gustong pinapakialaman ang gawa ko at—“

“Napakialaman ko na,” putol ni Hunter sa sinasabi niya kaya tumingin siya dito ng masama. “Which I don’t like,” diretsong sabi niya.

“Pero nagawa ko na,” ani Hunter na nakangiti sakanya na tila nang-aasar pa.

“Ugh. You’re so annoying, alam mo ba ‘yon?” Naiinis na sabi niya sa kaharap.

“Well, I guess, annoying is my middle name. Sometimes it’s rude, but most of the time, it’s sexy,” ani Hunter matapos ay kumindat sakanya.

Napabuga nalang ng hangin si Zyline sa ginawa nito. Mukhang wala naman siyang mapapala sa pagpunta dito. Kinuha nalang niya ang sketch niya at ang lapis. Kung tutuusin, maganda ang ginawa ng binata sa design niya. Pero hindi kasi talaga niya gustong pinapakialaman ang designs niya, higit lalo, ayaw niyang mapalapit kay Hunter. Tama na ang isang playboy na naging parte ng buhay niya.

“Huwag mong babaguhin ang ginawa ko, Zyline. You wouldn’t like what I will do next if that eraser erase it.” Ani Hunter nang nakangiti pero bakas ang pagbabanta sa tinig. Napahinga nalang ng malalim si Zyline.

Pinagmamasdan naman ni Hunter si Zyline habang abala sa pagdadagdag pa ng kung ano sa sketch nito. Hindi niya mapigilang mapatitig sa labi nitong kumikibot kapag nagkakamali ng linya at biglang kukunot kapag may maling naiguhit.

Naka-indian sit na ito sa sofa nila at nasa sahig ang sapatos nito. She’s pretty.

“We’re home!”

Lihim siyang napamura nang marinig ang boses ng kapatid. “Kaninong car ang nasa—OMG! Ate Zy!” Lumapit si Mika sa babae at nakipagbeso. “What are you doing here? May problema ba sa condo ko? Sa design?” Sunod-sunod na tanong ng kapatid niya sa bisita niya.

“Wala naman, Mika. Pinakita ko lang kay Hunter ang designs.” Nag-angat ng tingin sakanya si Zyline tapos ay bumaling muli kay Mika. “Here…” iniabot niya ang designs kay Mika at mukhang natuwa naman si Mika. “Ang ganda. Thanks, Ate!” Niyakap ng kapatid niya si Zyline.

“Oh, Zyline. Narito ka pala. Saluhan mo na kami sa dinner.” Aya ng mommy nila nang makita nito si Zyline.

“Nakakahiya naman, Tita,” nahihiyang sabi nito. “Ay, Ate. Huwag kang mahiya. Okay lang ‘yan. Plus, Kuya Hunter will cook our dinner today…” tumingin sa kanya si Mika, “Oh, Kuya. Bawal magreklamo. Request ni Mommy!” Pigil ng kapatid sakanya nang magsasalita na dapat siya.

“Tss.” Napahalukipkip nalang siya. Narinig niya ang pagtawag sakanya ng mommy niya kaya naman tumayo na siya at pinuntahan ito. Sinulyapan niyang muli ang dalawang babaeng nakaupo sa couch na iyon at nakita niyang close talaga si Mikaela at Zyline. Bigla namang lumingon si Zyline sakanya kaya nagtama ang paningin nilang dalawa. Hindi ito nagsalita kaya naman nagtungo na siya sa kusina at siya nga ang nagluto.

Hustong tapos na magluto ng hapunan si Hunter nang dumating sila Thunder at ang pamilya nito kaya naman sabay-sabay silang dumulog sa hapag-kainan.

“Buti nakadalaw ka, Zyline,” nakangiting sabi ni Rain habang sinusubuan si Theon.

“She’s designing my new condo kasi,” Mikaela said.

Napasimangot si Hunter. Siya ang nagpapunta sa dalaga, gusto niyang sabihin. Pero bakit nga ba gusto niyang sabihin? Hindi nalang siya kumibo.

“Masarap ba ang luto ng anak ko, Zyline?” Tanong ng ina niya sa bisita nila.

“Opo, Tita. Masarap,” magalang na sagot nito sa ina. Napangiti siya sa narinig na compliment mula sa dalaga.

Si Zyline naman ay kanina pa naiilang sa tingin ni Hunter. Natuwa ba ito sa papuri niya? Nagsasabi naman siya ng totoo. Masarap ito magluto. Nakakabilib nga, eh.

Nang matapos maghapunan ay nag-aya pa silang magkape. Hindi naman nakatanggi si Zyline dito. Halos alas-nueve na ng gabi nang magpaalam si Zyline sa kanyang ina. Si Thunder naman ay nasa library at may inaayos na naman na kung ano. Si Rain ay pinapatulog ang anak at si Mika naman ay maagang natulog.

“Dalasan mo ang pagdalaw, hija. Para may nakakausap naman si Mika,” ani ng ina niya sa dalaga. Ngumiti naman si Zyline at tumango. “Hunter, ihatid mo na si Zyline sa sasakyan niya.” Utos ng ina sakanya. Hindi naman na siya nagprotesta pa.

“About your design…” napalingon si Zyline kay Hunter nang magsalita ito mula sa likod niya habang naglalakad sila papunta sa sasakyan ng dalaga.

“What about it?” tanong niya dito.

“It’s beautiful, actually. Binago ko lang ng kaunti dahil gusto kong maging independent ulit si Mika. Sa design mo, parang nakita ko doon na pinapakita mo na she’ll never be alone again. Ayokong paasahin mo ang kapatid ko.”

Natigilan siya sa sinabi ni Hunter. Wala siyang planong ganoon sa kapatid nito. Pero naiintindihan niya ito. After what happened to Mika, alam niyang nakita nila Hunter kung paanong nasaktan ito.

“Okay, now I understand why.” Tumango-tango siya. “I have to go. Thank you sa dinner, Hunter.” Ngumiti siya sa binata sa kauna-unahang pagkakataon.

“Sandali…” pigil ni Hunter sa dalaga na pasakay na ng sasakyan nito.

“Bakit?” kumunot ang noo ni Zyline habang nakatingin sa lalaki.

“I’ve been wanting to taste your lips the moment you stepped in,” nanlaki ang mata ni Zyline nang biglang yumuko si Hunter at idinampi ang labi sa labi niya.

Mabilis lang ang halik nito at agad ding lumayo sakanya. “Ingat. Good night,” ani ng binata bago siya iniwan sa labas ng bahay nito.

What the hell just happened?

A beast kissed her. And damn… ang lambot ng labi ni Hunter!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.