I FELL IN LOVE WITH MY BEST FRIEND'S CRUSH Chapter 10

CHAPTER 10

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock kaya bumangon na ako kahit antok na antok pa ako.

Ayokong isipin ng mga tao dito sa bahay na pabigat lang ako !! kaya binilisan ko na ang kilos ko at saktong pagkalabas ko ng kwarto ay nakita kong sarado pa yung tindahan dahil tulog pa yung pinsan ko.

Nakalimutan ko pala sabihin na maagang umalis yung aunty at uncle ko dahil may bakasyon sila kaya naiwan kami dalawa ni suzzeh dito di yun alam ng pinsan ko dahil ayaw siya ipasama ng mommy at papa niya kaya maaga silang natulog kagabi dahil maaga din sila gigising.

Naisipan kong magluto muna ng agahan bago ako mag general cleaning total wala naman kaming pasok dahil saturday.

Kumuha na ako ng mga sangkap para sa lulutuin ko.

Kumuha ako ng corned beef at itlog sa tindahan para sabay itong lutuin ng sa ganun ay may pang palaman kami sa tinapay

Nung naluto na ang putahe ko ay inayos ko na yung mesa at nung natapos na ako ay bumalik ako sa kwarto para gisingin yung pinsan ko para sabay na kaming kakain.

"Heeey! Gising na"! Buyaw ko sa kanya para magising.

Tulog parin!

"Gising na oy"! At kasabay ng pagyogyog ko sa kanya ay nagising naman din to at umanat-onat na muna bago tumayo

Lumabas na kami ng kwarto para kakain.

Nagtaka siya hindi dahil sa ako lang yung nakikita niya kundi dahil sa dalawang pinggan na nasa mesa.

"Bakit dalawa lang"? Tanong niya

"Kasi tayo lang naman dalawa dito"! Sabi ko

Tahimik lang siya at umupo para kakain.

"Kanina pa sila umalis first trip di ka na sinama dahil ilang days sila dun at ayaw ni aunty na mag absent ka tska walang magbabantay ng tindahan" Tugon ko sa kanya

Aba! Ang haba ng sinabi mo huh! may sakit ka ba? Himala huh! Habang pumalakpak

Whatever! Kasabay nun inikotan ko lang siya ng mata.

Bilisan mo ng kumain para makaalis ka na sa harapan ko. !!!! Sarcastic na sabi ko

Aay ang harsh naman sabi nya at nag pout pa ito kaya nagmumukhang bebe ('ε')

Tahimik lang kaming kumain at ilang minuto pa lang ay natapos na ang pinsan ko at nauna na itong naligo dahil magbabantay pa siya ng tindahan at pareho kami wala kaming pasok kapag saturday pwera nalang kung may mga meeting o gagawa ng projects.

Habang kumakain ako biglang tumunog cellphone ko.

Message from unknown :

Goodmorning.. :)

Di ko ito nireplyan hindi dahil sa di ko kilala kundi dahil sa tamad akong mag type ng letters >_<

Natapos na akong kumain at niligpit ko na ang pinagkainan namin ng sa ganun ay makapagsimula na akong maglinis ng bahay.

Habang naghuhugas ako ng pinggan ay biglang tumunog cellphone ko pero hinayaan ko lang at hanggang sa tumunog ito ng pang apat na beses pero di ko parin naisipang iopen di ko to ininda at hinayaan lang.

Nang natapos akong maghugas ay tiningnan ko sa cellphone ko kung anong oras na pero napukaw yung attention ko nung may 5 message ako the same last # nung nag Goodmorning sakin kanina

Message 1

Wala bang Goodmorning too dyan?

Message 2

Busy?

Message 3

Ako paka ito yung humingi ng cellphone number mo kagabi yung naka chat mo.

Message 4

Grabi di nagrereply

Message 5

Text ka huh kung di ka busy maghihintay ako

ito yung nabasa kong mga message niya kaya naisipan ko nalang na replyan total kaya ko lang naman maglinis ng bahay habang may katext.

Hello po good morning din ↖(^ω^)↗ pasensya na kung ngayon lang ako nakapagreply may ginawa kc ako. Ahh ikaw pala yan yung kagabi, nakapagcharge ka na pala hehe.

Send!

Opo ako po ito. Busy ka pa ba? Tanong niya

Medyo lang kc mag general cleaning kasi ako dahil wala naman pasok para naman maging malinis to dito. Sabi ko sa kanya

Wow bait naman. Siya

Bait pag tulog. HAHAHA. ako

Habang naglilinis ako ay tuloy parin ako sa ginagawa ko sinusubukan kong tanggalin yung mga alikabok sa mga gamit at pinunasan ko din yung mga silid para matanggal yung mga nakadikit na mga alikabok.

Medyo napahaba-haba na din convo namin nitong si boy ng bigla niyang i insert yung pagkikita namin na kasama pinsan niya niyaya daw kasi siya ng pinsan niyang si aljhen dahil gusto daw nila akong makita o makilala man lang.

Kaya sinabi ko sa kanya na nahihiya ako sa inyo kasi baka pagtawanan nyo lang itsura ko isa pa pangit ako eh, di ako sexy, di ako mayaman at di ako maganda, nobody lang ako. Willing parin ba kayo na kilalanin ako? Tanong ko sa kanya

Sus. Di naman sa itsura binabase yung pakikipagkaibigan, di kami mapanghusga at mas lalong di kami mapili sa kakaibiganin namin. Sabi nya sakin

Kaya bahagya akong napangiti sa sinabi niya ng biglang...........

Hooy! Tanga lang? Nagmamap ka na nakangiti? Ayos ka lang? Parang may tama ka yata o baka gutom ka pa. Tska para kang baliw dyan ヾ(〃^∇^)ノ Saad ng pinsan ko

Pero di ko ito ininda bugkos ay nagpatuloy parin ako sa ginagawa kong pag mamap.

Ano kaya itsura ko ngayon hahaha siguro tama pinsan ko baliw na yata ako dahil tumatawa ako ng mag isa. hehehe naranasan niyo na ba to? Nakakaloka nuh?

Nung napansin kong malapit na mag lunch time ay nagluto na naman ako para sa tanghalian namin at habang nagluluto ako ay katext ko parin ang isang to

Madami na din kami napag usapan at madami na din siyang naikwento sakin kaya nagpaalam na muna ako sa kanya dahil maliligo na ako at pumayag naman siya

Pero di ako naligo that time nagpaalam lang ako dahil tinatamad akong mag type at nung nakapagluto na ako ay niyaya ko na ang pinsan ko para kumain.

Nang matapos kaming kumain ay agad akong nagligpit at naligo kasi gusto ko ng magpahinga dahil napagod ako, madali lang akong mapagod dahil di ako sanay sa mga trabaho masyado akong buhay prinsesa sa bahay namin.

Habang nakahiga ako, nakikinig din ako ng mga kanta. Nakahiligan ko na kasi ang pagsasoundtrip nasanay na din ako na sa t'wing matutulog ako ay nakikinig ako nito.

Kagaya ng ginagawa ko ngayon.

🎶🎶🎶🎶🎵🎵🎧🎧

KATHANG ISIP

'Di ba nga ito ang 'yong gusto?

Oh, ito'y lilisan na ako

Mga alaala'y ibabaon

Kalakip ang tamis ng kahapon

Mga gabing 'di namamalayang oras ay lumilipad

Mga sandaling lumalayag kung sa'n man tayo mapadpad

Bawat kilig na nadarama sa tuwing hawak ang iyong kamay

Ito'y maling akala, isang malaking sablay

Pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito

Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo

Ako'y gigising na sa panaginip kong ito

At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo, lalayo sa...

Gaano kabilis nagsimula

Gano'n katulin nawala

Maaari ba tayong bumalik sa umpisa

Upang 'di na umasa ang pusong nag-iisa?

Pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito

Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo

Ako'y gigising na sa panaginip kong ito

At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo, lalayo sa...

Sumabay sa agos na isinulat ng tadhana

Na minsan s'ya'y para sa iyo pero minsan, s'ya'y paasa

Tatakbo, papalayo, kakalimutan ang lahat

Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh

Ooh-ooh-ooh-ooh, ooh

Pero kahit sa'n man lumingon

Nasusulyapan ang kahapon

At sa aking bawat paghinga

Ikaw ang nasa isip ko, sinta

Kaya't pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito

Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo

Ako'y gigising na mula sa panaginip kong ito

At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo, lalayo sa...

'Di ba nga ito ang 'yong gusto?

Oh, ito'y lilisan na ako

🎵🎵🎵🎵🎶🎶🎶🎵🎵🎵🎵🎵

Habang pinapatogtog ko ang kantang ito ay ramdam ko talaga ang gustong iparating ng lyrics nito

kaya di ko maiwasan na maisip yung taong minahal ko talaga ng sobra at di ko alam kung hanggang kailan ako magpapanggap na limot ko na siya kung yung totoo ay fresh parin sa puso ko yung sakit 〒_〒

Sabi nga nila.

"Mahirap kalimutan yung taong naging bahagi na ng iyong nakaraan"

Please follow me po 🙏🙏🙏

Don't forget to vote 🤳🤳🤳 and free to comment 👎👎👎

THANK YOU and GOD BLESS 💓💓💓

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.