I FELL IN LOVE WITH MY BEST FRIEND'S CRUSH Chapter 5

CHAPTER 5

kakagising ko lang nung tinext ako ni carla at nagreply ako agad sa kanya ng going. HAHAHA yung going ko kasi ibig sabihin nun para sakin MAGPREPREPARE PA lang kaya ayun naligo na ako, nag toothbrush (dapat lang para di tayo amoy bulok) at nung natapos akong mag ayos sumakay na ako para papunta sa school.

"Haiiii guys I'm here na".. Sigaw ko nung makita ko sila. Napansin ko lang na parang masaya ang tatlong to kaya tinitigan ko sila yung tingin na parang nagtatanong kung anong meron.

"May sasabihin kami sayo"!!!! -Yara and yvory

"Inlove carla natin" !!!! sabay turo nila dun sa lalakeng nasa harap ng school.

Kaya sinubukan ko ding lingunin yung lalakeng tinuturo nila at dun ko narealized na kaya pala parang kilala ko siya at parang nakita ko na at alam kong madaming beses na kaya pala! iisang school lang pala kami.!!¡!... Kahit nasa malayo siya kilalang-kilala ko tindig niya, itsura niya at................. Bigla siyang lumingon sa direksyon namin... !!!! Ayy--y hindi sa direksyon ko pala... Kaya napatago agad ang mga kasama ko na umasta parang mga inosente. (Titigtitigan nila tapos tatago lang. Pweee!)

Ito yung pangalawang pagkakataon na nagkatitigan kami, nakaramdam ako ng kung may anong tumatakbo sa loob ng puso ko. Kumakabog ito pero di ko malaman kung anong dahilan!. Siguro dahil nahuli niya na naman akong nakatitig sa kanya. Pero this time hindi ako nagpatalo sa kanya at tinitigan ko din siya gaya ng ginawa niya ng bigla itong ngumiti. Kaya napakunot ako ng noo ko. Para saan yung ngiting yun? Close ba kami?! Hindi naman ah,! friend ba kami?! Hindi din!, magkakilala ba kami?! Maybe?! Aaayy ewan.....

"Oy tara na english 103 na".-Yara

Habang nasa loob ako ng room iniisip ko na naging crush ko naman siya at aaminin kong crush ko siya simula nung nakita ko siya na kasama ang mga kaibigan niya at sa mismong gabing yun nakuha niya ang attention ko. Pero ngayon crush siya ng kaibigan ko kakakita niya lang at naging crush niya agad. Ganun ba siya ka gwapo? Haaayst di bale na nga lang!

Lahat ng lalake magaling lang sa umpisa. Mang iiwan lang din naman yan. Iiwan ka kung kailan minahal mo na ng sobra! minahal mo ng tapat! Maghahanap parin ng iba! Ganun ba talaga?! Pag nag mahal ka dapat may makilala ka munang maling tao?  Bakit yung iba nagagawa pa nilang paglaruan ang nararamdaman ng taong minamahal sila?!!!! Bakit kailangan pang may mang abuso sa nararamdaman?!!! Grabi nuh? Sana kung di kayang manindigan wag nalang sana umpisahan para wala ng masaktan!.

Kaya siya!!!? Humanda sya at Goodluck nalang sa kanya!!!! dahil sa oras na sinaktan niya kaibigan namin bukol labas niya At baka makilala niya pa si demonyo.!!! (hala ang harsh ko, may sakitan agad na magaganap?) excited manakit eh,, sarap kc manuntok ng taong nang-iiwan!! taong mapanakit! taong mapaang aabuso!!!!

"Hoooy time na"! - Jam isa sa mga kaklase ko.

"Aaay jusme! Palaka ka! ba't nanggugulat ka"!

"Time na kasi concern lang ako sayo baka maiwan kang mag-isa dyan". -jam

"Aaay time na pala? Di ko kc namalayan. Ano daw maiwan mag isa? Tagal niya na nga akong iniwan". HAHAHA

"huh"? -jam

"Walaaa! sabi ko, di yan sila nang iiwan" sabi ko

Grabi pala talaga pag iisip ko dun sa lalakeng yun! Ay este sa mga lalakeng mapanakit. Jusko! Baka ako pa ang ma inlove sa lalakeng yun ayoko pa naman saktan kaibigan ko.

Nakita kong nasa pintuan na sila Carla,Yvory at Yara

Hinihintay nila ako at sabi ni carla tambay daw muna kami dahil maaga pa naman daw at tsaka wala pa instructor namin sa next subject di pa daw kasi nakauwi. Kaya ayun dating gawi.

Habang busy kaming apat, naisipan kong lapitan si carla para tanungin patungkol kay alex gusto kong tanungin kung ok lang ba siya, hindi na din kasi ako nakapag update sa lalakeng yun. Oo kaibigan ko si alex at crush din ni carla si alex nagkakilala sila dahil sakin at ako ang gumagawa ng paraan para magkausap silang dalawa.

Flashback //////

Sabi kasi ni carla gusto niya maging malapit kay alex kaya one time tinext ko si alex na magkita kami bonding with carla pero sinabi ko kay alex yung totoo na gusto lang ng kaibigan ko na maging friend silang dalawa kaya pumayag siya total kasama naman daw ako. Kaya yun nagkita kami, nung time na nagkita kami alam kong masaya si carla at dun nagsimula na naging matalik niyang kaibigan si alex.

END OF FLASHBACK>>>><<<<

nung nasa likod niya na ako ay bigla kong nakita ang mukha ng crush niya.

"Tss Stalker"! Suway ko sa kanya

Di ko alam kung bakit bigla ko yun nasabi, di ko alam na parang tinusok ng karayom yung puso ko. Nasasaktan ba ako? Naku!!! Di to pwede di pwedeng magkagusto ako sa taong gusto ng kaibigan ko. Tssk! bakit iba yung epekto sakin ng lalakeng yun.

Nakita kong inopen ni carla yung profile nung guy at nagawa niya itong i save ng walang pag alinlangan at inopen pa yung iba pang mga larawan. Nalaman ito ng dalawang kumag. Na nakikinig lang pala at nagawa pang ngumiti ng nakakaloko.

Sa mga oras na yun naisip ko na kung sakaling magkagusto man ako sa lalakeng yun magpapaubaya ako para sa kaibigan ko. Alam ko kasi nung mga oras na yun parang may kakaiba na akong nararamdaman sa lalakeng yun dahil almost seven years kong hinintay yung taong sobra kong minahal at sa loob ng pitong taon never akong nagkagusto o humanga sa kahit na sino at di ko inasahan na dahil lang sa lalakeng yun. nakuha niya attention ko. Ano bang meron sa kanya? Naputol ang pag iisip ko ng biglang nagpaalam si Yvory

"Uwi na ako baka wala na akong masakyan"- Yvory

"Ako din" - yara

At maya maya pa ay naisipan na din naming umuwi. Umuwi kami pero di muna ako sumakay sinamahan ko na muna maglakad si carla para may kasama naman siya.

PLEASE FOLLOW ME PO 🙏

DON'T FORGET TO VOTE 🤳 FREE TO COMMENT PO 👇

THANK YOU ❤❤❤

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.