I FELL IN LOVE WITH MY BEST FRIEND'S CRUSH Chapter 8

CHAPTER 8

Anyeeeonggg ^_^ heto na naman ako sa pov ko na malahaba. Please support niyo po sana tong story na to. (:

Suzzeh Pov

8:30pm

.

.

.

.

Kakatapos ko lang isara yung simple naming tindahan at gusto ko pa sanang manood ng palabas pero napansin kong tulog na ang mga kasama ko dito sa bahay.

Haaayst tae naman! ang aga-aga pa ba't ang aga naman yata nilang natulog ngayon. Takang tanong ko sa sarili ko.

Pagkapasok ko ng bahay ay agad akong umupo sa upuan kaso bigo yata ako dahil di ko talaga maramdaman na may lalabas pa ng kwarto siguro nga tulog na talaga sila.

Himala naman yata na maaga silang matulog kc sa mga oras na ito dapat nasa sala na sila para manood ng palabas kahit si mommy at daddy din hindi na lumabas ng silid nila. Tsk boring tuloy ako :-|

Mga ilang minuto pa ay tumayo na ako at dumiritso na sa tindahan ng sa ganun mabilang ko na ang pera.

Bad trip naman nakakatamad magbilang tsk bakit ba kc ang aga nilang natulog.

10,800 aaaay napagod akong magbilang grabe nakakapagod pala magbilang ng tig 20 at ng mga coins grabeeee!  Pakiramdam kong bumigat katawan ko kaya tumayo na ako at pumunta ng cr para makapag half bath na ako at tsaka para na rin makatulog. Grabiiii nakakapagod ang araw na ito at gusto ko ng matulog! ( ̄へ ̄)

Ng matapos akong mag half bath ay pumasok na ako ng kwarto at nag switch on ako ng ilaw...

"Wwwwaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!!!!  Σ (゚Д゚;) multo"!!!!!! Sabay takip ko sa mga mata ko.

Pagkatapos kong sumigaw ay binalot ng katahimikan yung kwarto namin at dahan-dahan kong ginalaw ang daliri ko ng sa ganun masilip ko yung multo at at at.............

"Bwesit ka! Gaga ka ba! Bakit ganyan itsura mo?! Tsaka bakit ka nandyan!!! Muntik na akong atakihin sa puso alam mo ba yun?!!! Baliw ka na ba?!!! Tinatakot mo ba ako?!! Buyaw ko sa kanya."

"Tapos ka na"?! Tugon niya

"Oo bakit"? Takang tanong ko sa kanya.

Nagulat ako nang bigla niyang tinakpan yung mukha niya gamit yung buhok niya. Sa itsura niya ngayon ay nagmumukha siyang ewan at unti-unti itong lumapit sakin.

Aaaaat

A-t

Aaa-t

"bwwwwwwwwaaaaaaaaah" !!!! sabay pakita ng mukha niya ng sa ganun magulat at matakot ako.

"Ganun manakot ang mga multo, gets mo?" Saad niya at biglang tumawa ng malakas na parang may kakaiba.

At matapos niyang sabihin ang linyang iyon ay agad itong tumalikod sakin at pumunta sa higaan niya para humiga na.

Habang ako ay di parin nakagalaw sa kinatayuan ko, letse siya! Nakuha niya pang mag joke sa ganung sitwasyon!

Di ako makapaniwala na may side din pala siyang ganito, simula kc nung nagsama kami never ko pang nakita ang ganung side niya kc masyado siyang seryoso sa mga bagay-bagay bihira lang siya mag smile kaya di ako makapaniwala na tumawa siya.

"Tsss!. Umayos ka nga!. Nakakanerbyos ka!" Sabi ko sa kanya pero di na ito tumingin sa akin at umaasta na parang di ako narinig.

Kaya hinayaan ko lang siya at kumuha na ng cream na ilalagay ko sa mukha ko at humarap ako sa salamin nang bigla akong napatingin sa kanya tinitigan ko siya dahil nakikita ko yung reflection niya sa salamin. Nagtataka ako dahil habang busy siya sa cp niya ay napapangiti ito ng di ko malaman kung ano yung dahilan.

Pansin ko ang kakaiba niyang mga ngiti ngayon, ibang iba sa mga ngiting madalas kong makita sa kanya.

At pumunta ako sa direksyon niya at huminto sa tapat niya dahilan para tumingin siya sakin pero napansin kong nawala ang mga ngiting iyon at napalitan ng mukha na walang ka expression-expression.

"Umayos ka nga! Sa ginagawa mong yan mapapagkamalan kang baliw" Sabi ko at nakatitig lang ito sakin kaya nailang ako.

"Tsa--k-a masya-masya-dong creepy yu-ng mga- ngiti mo". Utal kong tugon sa kanya.

Natakot ako sa reaksyon niya, kaya umiwas ako ng tingin sa kanya at agad ding tumalikod dahil alam kong nakatitig parin siya sakin at nung saktong malapit na ako sa kama ko ay bigla siyang nagsalita

"Sa inaasta mo, tingin mo ba di ka pa ba baliw sa lagay na yan. Maangas niyang sabi niya"

Abaaaaa ako pa baliw ngayon! Kaya hinarap ko siya at pinuntahan sabay nun ang paghila ko ng buhok niya pero di ganun ka lakas.

Tumawa siya kaya tumawa na din ako

"Langya ka tet, umayos ka nga ! Alam mo bang tinatakot mo ako".  Sabi ko

"Natatakot na nga ako sa mga titig mo sabayan mo pa ng boses mong cold."

"Ganun na ba ako ka pangit para mapagkamalan mo akong multo? At ganun na ba ako kasama para matakot ka sakin"? Saad niya habang busy sa cp niya

"Aa-ah h-in-di na-ma-n kasi ano, kasi.... Kasi..... Kasiiii ano". Naiilang kong sabi sa kanya

"Ano ba yun"?! Tanong niya at this time nakatingin na siya sakin ●︿●

Ayan na naman siya sa itsura niya na masyadong seryoso.....

"Hmmm ano kc di ako sanay na makita kang ngumiti tsaka ang creepy kc ng dating dahil mag isa ka lang na ngumingiti dyan.... At nakakatakot kang tumingin pakiramdam ko tuloy gusto mo akong kainin" Nahihiya habang sinasabi ko yun sa kanya

At bigla itong nagkasalubong ang kilay na pinagtataka ko at tumingin sa ibang direksyon at bigla itong ngumiti na parang nagmukhang ewan.

"Tao parin ako tsaka may karapatan akong ngumiti nuh"! Sabi niya habang nakatitig sa kawalan

"Baliw ka na yata."! Sabi ko sa kanya

At tumalikod na para pumunta sa kama ko. Nababaliw na yata tong pinsan ko! At tumingin ako sa direksyon niya nakita kong busy na siya sa cellphone niya habang nakangiti. Pero kahit ganun gustong-gusto ko yun, gusto kong makita na nakangiti lang siya palagi.

Ngiting  ngayon ko lang nakita simula nung napadpad siya dito sa bahay namin.

Madaming beses ko ng sinubukan na patawanin siya at mabilang lang yung mga araw na nakita ko siyang tumawa pero this time nakita ko sa mga ngiti niya yung saya na di ko pa naparamdam sa kanya

Alam kong masyadong weird tong pinsan kong ito at pag nagsalita din kasing ikli pa sa buhok ni dora yung sasabihin niya ganun ang pagkakilala ko sa babaetang to

Sa kakaisip ko di ko na namalayan na napapangiti pala ako habang nakatitig sa kanya. Buti nalang di niya ito napansin dahil busy din siya sa cellphone niya. Tumalikod na ako para di ko na siya makita at pinikit na ang mga mata ko....

Please follow me po 🙏

Don't forget to vote 🤳 and free to comment 👇

Sana po supportahan ninyo ang kwentong ito.

THANK YOU po pala and GOD BLESS din po ❤❤❤

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.