Alex grabbed Tommy from behind then hinarap sa kanya to strongly punch him once sa mukha. Nawalan ng balance ang huli kaya natumba ito .
"ALEX!" gulat na tawag ni Pat. Mabilis siyang tumayo then took hold of his arm ng susugurin na naman nito si Tommy who looks a little disoriented. Sa lakas ba naman ng suntok ni Alex eh.
Alex's face is red and his breathing is ragged. He looks scary!
Naglapitan ang mga tao sa gym including Tommy's friend ,"Pare!" sigaw nito ng makitang nasa sahig ang kaibigan.
Lalapitan sana ito ni Pat but Alex grabbed her arm then yanked her outside."Aw! Alex ano ba?" she complained.
"Alex!" tawag ng kasama nitong babae. Tinapunan ito ng tingin ni Alex then motioned for her to come with them.
"You don't have to drag me! Let me go!" inis na sabi ni Pat.
Ang kapal talaga ng basagulerong babaero na to! Ito na nga ang nagdala ng babae sa gym tapos ito pa ang basta na lang susuntukin si Tommy samantalang nananahimik silang dalawa .Ngayon naman kinakaladkad siya at kasunod pa ang babae nito.
"You're hurting me Alex ! Saan ba tayo pupunta?" she asked.
He stopped walking then tinignan siya nito ng masama without releasing her arm. Natigilan si Pat. OMG! Ngayon lang niya nakitang galit na galit na ganito si Alex.
"If you open your mouth one more time ,you'll regret it!" he threatened.
"Alex,what are you doing?" the brunette asked.
"Shut up Cindy! I'll take you home then I'll deal with Patricia." he said angrily while he looks at Pat.
Gusto sanang magsalita ni Pat but she kept her mouth shut. Aminado siya na natatakot siya kay Alex. Binuksan nito ang passenger seat ng Toyota Supra nito then isinakay siya. Tahimik na umupo si Cindy sa likod. Pinaharurot ni Alex ang sports car which made Pat nervous during the whole ride. No one dared to speak cause he looks really pissed. Even Cindy is quiet. Sa bilis nila, wala pang kalahating oras they reached their destination. Nasa basement parking na sila ng condo building nito. Biglang naalala ni Pat nung isang beses siyang nagpunta dito with Alex's staff. Lasing na lasing ito dahil kay Shelly. Pinilig niya ang ulo para burahin ang alaala ng nakaraan.
"Get your wheeled bag Cindy! I'll carry the bigger suitcases!" utos nito sa babae. Agad namang tumalima ito. She got out of the car to get her stuff in the trunk.
OMG! Sabi ni Alex kanina she will take Cindy home. And the woman has a lot of bags. Kinabahan siya. "Alex, hindi ba dito ang unit mo?" she asked.
"Oo." maiksing sagot nito na parang ikinasikip ng dibdib niya.
"B-Bakit ang daming dalang bag ni Cindy?" she asked. Pilit niyang tinitigan si Alex.
"She's gonna stay with me for a few weeks." He said.
Parang gustong mag-hyperventilate ni Pat sa narinig. She felt numb all over. She barely felt ng hawakan ni Alex ang baba niya then said, "Stay here Patricia! Huwag kang gagawa ng hindi ko magugustuhan!" banta nito.
And before he got off, he kissed her lips roughly for a few seconds. Sa gulat, she just touched her lips na hinalikan nito.
Did Alex just say na magsasama sila ni Cindy sa condo niya ng ilang linggo? She asked herself.
Ang numbness na naramdaman niya kanina unti-unting napalitan ng galit. Hayup talaga ang lalaking yun! Kunwari nanliligaw sa kanya tapos may babaeng inuwi sa condo nito? Mukhang gf pa nito ang babae na galing sa Amerika.
"DAMN YOU ALEX!" gigil na sabi niya.
Her eyes narrowed when she saw him coming. Kahit gaano pa katakam-takam ang hitsura at amoy ng manyakis na lalaking ito, she has a strong desire to scratch his handsome face. The She Cat in her wants revenge! She is extremely upset and jealous! Ito dapat ang pinapaasa niya hindi siya yung paglalaruan ng bwisit na perv na ito!
Madilim pa din ang mukha ni Alex nang sumakay ng kotse. He didn't even look at her pero hindi na nakatiis si Pat. "Ibang klase ka talaga no?" she sarcastically asked with eyes wide with fury.
Tumingin ng masama sa kanya si Alex, "What do you mean?"
"Ilang babae ba ang kaya mong pagsabay-sabayin?"
"What the hell are you talking about?" gulat na tanong nito.
"Iuwi mo na ako Alex!! I don't want to be one of your women!" She said. Her voice is almost shaking from anger.
"Ano ba ang pinagsasabi mo?" galit na tanong ni Alex. "Ikaw na nga itong lantarang nakikipag-landian sa gagong lalaki na yun!"
Pat slapped him.
Napaatras siya sa upuan niya ng makita niya ang madilim na mukha ni Alex. "Nabigla lang ako,sorry.."
Hinablot siya nito at marahas siyang hinalikan.
"Hmmmpp!!" She tried to free herself from his embrace.
Saksakan talaga ng kapal ang hambog na Don Juan na to! Pero as expected, hindi siya makagalaw. Hawak ni Alex ng isa niyang kamay ang likod ng ulo niya and he has his other arm wrapped around her. Her own arms are pinned on her sides. She knows na hindi naman titigil si Alex unless he's satisfied so she just let him kiss her. She is trying very hard not to open her mouth. Kanina she was so excited to be with him, to be kissed and hugged by him. But nasira lahat ng isama nito si Cindy sa gym. And to make it worst, titira pa sila sa iisang bubong!
Nung mapansin ni Alex na hindi nagrerespond si Pat, tumigil ito and he looked into her eyes with furrowed brows.
"Hindi ba malinaw naman sayo na gusto ko ako lang ang hahawak sayo? You are not supposed to let any man touch any part of your body! And you let that happened right under my nose!" He's almost gritting his teeth from anger.
Buong lakas na tinulak ito ni Pat and siniksik niya ang sarili sa pinakadulo ng upuan. She can feel the door's handle pressing firmly on her back. "Tigilan mo na ako Alex! Dun ka na lang sa girlfriend mo!" her eyes are sparkling because of resentment.
Lalong kumunot ang noo ni Alex. Girlfriend? Tanong ni Alex sa sarili .Then it suddenly dawned on him that Cindy's plan is actually working. A naughty smile suddenly broke from his lips. Pat is jealous because she thinks that Cindy is his girlfriend!
Lalong nagalit ang magandang mukha ni Pat. Gigil na gigil siya na isipin that this sex-starved two-timer thinks that the whole thing is funny. "What's amusing??!" she snapped.
Alex tried to control grinning. He likes it very much that Pat is jealous of Cindy. Inilapit nito ang mukha sa dalaga." Why are you such a sorehead baby?" he asked hoarsely. Lalong gumaganda si Pat pag galit.
Pat tried to push him again and she turned her face the other way dahil mukhang hahalikan na naman siya nito.
"Stay away from me!" she shrieked.
Hinawakan ni Alex ang baba niya and made her face him. Sobrang lapit na ng mukha nila.
"You look hotter when you are jealous which really turns me on." halos pabulong na sabi nito.
"NO!!" buong lakas niyang tinulak palayo ito. Alex just let her push him. Kung tutuusin naman if gugustuhin nito ni hindi nito maitutulak ni Pat kahit konti. Her svelte and desirable body is no match to his brawny one. Pero since natutuwa ito sa reaction ng dalaga, sasakyan na lang muna niya ang pagwawala ni Pat dahil sa selos.
"Subukan mong halikan ako ulit! You are disgusting! Hindi ka makuntento sa isang babae? Ilan ba ang gusto mo?" galit na tanong ni Pat ."Hindi mo na pala kailangang sagutin dahil hindi ako intresadong malaman! Basta take me home now and lubayan mo na ako!"
Alex's handsome face has an amused expression. Sumandal ito sa upuan while looking sideways at her. "Baby, Cindy will just be here for I guess two weeks. She has nowhere to stay. Ayaw ko namang mag-hotel siyang mag-isa. Mag-aalala lang ako sa kanya." He said trying to keep his face straight.
Napaka-walanghiya talaga ng lalaking ito at sinasabi pa niya lahat sa akin! She thought. Gusto niyang sumigaw sa inis.
"SHUT UP! Wala akong pakialam kung ano ang dahilan mo! I DON'T CARE! TAKE ME HOME!!" galit na sabi niya.
"But baby, huwag ka ng magalit. Wala naman yun .It's normal sa amin ni Cindy. Kahit naman sa America madalas tumitira siya sa bahay."nakangising sabi pa nito.
Nanlaki ang mata ni Pat. OMG! Ka-live in pa pala ni Alex ang Cindy na yun.? So nung umuwi dito si Alex sila pa ng babae na yun tapos sinabi nito na liligawan siya. Napakasama talaga nito! Hanggang ngayon hindi pa din siya siniseryoso ni Alex. All these time pinaglalaruan lang siya nito. Siguro dahil na din sa halo-halong sama ng loob napaiyak na lang si Pat. She covered her face with her hands then sobbed.
Nagulat si Alex sa pag-iyak niya. Nataranta ito.
"Baby don't cry," he tried to hug her but nagpumiglas si Pat.
"Huwag mo akong hawakan!" she said angrily while her pretty face is full of tears.
Alex released her. He didn't expect that she will cry. He probably went too far. He's sorry about that.Gusto niyang aluin si Pat but she continued sobbing while she looks out the window.
"Baby, sorry. I was just joking." malumanay na sabi ni Alex.
Bigla tinignan ng masama ni Pat ito. Her eyes are full of hatred. Parang sinipa ang dibdib ni Alex.
Pinunasan niya ang mukha niya with her hands then said, "Ganun naman talaga di ba? I am just a big joke. Bakit ba ako mag-eexpect na seseryosohin mo ako? Ang tanga ko lang di ba? Well at least sayo na mismo galing. Nagbibiro ka lang. Sige okay na ako dun. Sanay naman ako ng ganun eh. Di ba dati pa ganun na ang tingin mo sa akin? Madaling utuin? But huwag kang mag-alala..tanggap ko na. I am okay with this. Kalimutan na natin ang nangyari. Pareho na tayong manahimik Alex. Tama na. Iuwi mo na ako. And please lang , pabayaan mo na ako. After tonight, patahimikin mo na ako. Just leave me alone…utang na loob lang. At least yun man lang maibigay mo sa akin. I don’t want to see you anymore." malamig na malamig ang boses niya.
"The hell you don't!" galit na sabi ni Alex before he quickly maneuvered the car.
"We'll straighten this out! Even if we'll have an all-nighter aayusin natin ito!" He said sa matigas na tono.
"Wala tayong aayusin. Take me home." Pat said without any emotion in her voice.
" I am not taking you home. We will get a room somewhere!" he said with finality.