I'm His Destiny Chapter 47

Naman! Naman! Kailangan kong mag Jimmy Neutron mode! Mag-isip agad, kundi patay ako! Pat thought.

"PATRICIA?!!" Alex sounded impatient and annoyed. Mas madiin ang pagtawag nito sa kanya.

"S-Si kuya Allan! Wait sagutin ko lang." pagsisinungaling niya. She turned her face on the other side para hindi makita ni Alex na napangiwi siya. Sana lang talaga maitawid niya ang kasinungalingan niya. She tapped the accept call button.

"Angel?" bungad ni Matt.

"Kuya!" masiglang bati niya.

"Kuya? Angel, it's me Matt. Anong kuya?" takang tanong nito.

Sinulyapan niya si Alex.His eyes are on the road.

"Bakit kuya?" Tumingin sa kanya ang binata.

"Asan ka ba angel? When can I see you? Miss na miss na kita." patuloy pa na sabi ni Matt.

"Naku hindi pwede ang gusto mo kuya. Walang ganyanan. Sige na mamaya na lang tayo mag-uusap. "she said.

"I've talked to Ella. She promised hindi na siya manggugulo. Let's start again angel. Bigyan mo ulit ako ng chance. "pakiusap nito.

"Wala pa din akong tiwala sa babaing yun. Mahirap na." nakagat niya ang labi ng madulas siya.

Tinapunan na naman siya ng tingin ni Alex. Nakakunot ang noo nito.

"I mean, huwag kang magpapaniwala dun. Sige na kuya. Maya na lang ha? Pauwi na din ako." tinapos na niya ang tawag then turned off her phone. Ibinalik niya ito sa bag niya.

"Anong sabi ng kuya mo? And what was that about a woman you don't trust?" he asked. His eyes are narrowed. Binalik nito ulit ang mata sa kalsada.

"A-ah..ehh...hinihiram ang kotse ko ngayon! Ilalabas daw yung ex niya. Sabi ko hindi pwede. Mukha daw kasing makikipag-ayos sa kanya eh. Pero wala akong tiwala sa babaing yun. Niloko na niya si kuya minsan." pumikit si Pat as she looked out the window. Hindi siya sanay magsinungaling. Kaso pag hindi naman niya ginawa malalagot naman siya kay Alex.

"Yun ang huwag na huwag mong gagawin. Ang lokohin at gaguhin ako. You have seen me blew my top. I am a one-woman man so I also expect that you will be faithful too. I will badly injure any man na magkakagusto sayo." he threatened. He threw her a glance.

Pat played with her fingers. She doesn't want Alex to know that she is scared stiff sa sinabi nito.

"Nagkakaintindihan ba tayo baby?" tanong nito.

She just nodded. Kailangang magkalinawan na sila ni Matt. Mukhang mahihirapan siyang mag-ninja moves. Perilous!

Malcon: Hala girl! Seryosohin mo ang warning ni baby Alex. Hindi naman mahirap ang pinapagawa niya eh. Be faithful daw. Kaya mo yan 'te! One man woman ka naman di ba? Naku wait a minute duster na punit! Problema ang mga dyulakis na nagnanasa sayo. Si Jude bago mo pa lang namang kilala so baka naman madaling kausap yun. Si Matt, 'te! May feeling ako na medyo mahihirapan ka dun. Mas matindi ang tama sayo nun eh. Lalo na hindi naman love at first sight ang nangyari. Parang picture lang na na-develop. Natanto ko lang na mas malalim kapag ganun. Hindi naman sa tinatakot kita ha? Pero parang ganun na din. =)

"Baby,ang lalim yata ng iniisip mo? May problema ba sa sinabi ko?"

"W-Wala. Pero may ipapakiusap lang sana ako." she said.

"Ano?" he asked without looking at her.

"Sana naman huwag kang masyadong bayolente ." she fumbled with the strap of her bag.

With furrowed brows, Alex glanced at her." Anong ibig mong sabihin?"

"I-I mean, hindi mo naman kailangang sugurin lahat ng lalake na makikita mong kausap ko. I promisena ikaw lang. Kahit naman hindi tayo magkasama, hindi ko naman maiisip na lokohin kita especially now. So hindi mo dapat pagdudahan ang mga nakakasalamuha kong ibang lalaki. Baby, I am not like Shelly. She prefers to have few friends. As for me naman, mas madami akong kaibigan ngayon kasi nung mag-asawa siya at nagka-anak, ayaw ko na siyang masyadong abalahin so I tried to gain new friends. Besides,she is a homebody, I'm not. And sa trabaho ko, sometimes I need to attend seminars, be with prospective clients. Yung mga ganun. So I hope you understand. Shelly has adjusted to Jake's possesiveness easily. What's okay for her may not be fine with me .As they say, to each his own." she explained.

"So in other words, you want me to be lenient?" umiling ito. " No can do, baby. I have seen the way men look at you. You know I don't like it. Wala naman sigurong gagong lalake na hahayaan na may nagnanasa pa sa nobya niya di ba? About those seminars, mapag-uusapan naman natin yun. Regarding your friends, we can negotiate too. Women are fine but you being friends with other men? Definitely no! Clients are okay as long as hindi sila magkaka-gusto sayo. Never compare yourself to Shelly. She adjusted cause she loves Jake. Now if you really love me, you have to adjust too. Relationships are like that. I did a lot of things that I normally don't do when I felt that I love you so kaya mo din yan. We'll make this work." he said with finality.

Malcon: Nice try girl. Kaso wiz effect ang litanya mo. Waley! Importante willing namang maki-negotiate sa ibang bagay .Ganyan ka niya ka love. Okay naman talaga si baby Alex 'te wag lang mag Gelli de Belen (selos)or huwag ka lang magpa Julie Yap Daza (huli) in case like mong mag-ninja moves. He's right! Adjust ka lang girl! Siya din naman mag-aadjust niyan eh. You'll adjust, he'll adjust! Adjust tayong lahat para sa tagumpay at ikakatahimik ng relasyon na to!

No one spoke after that. Alex concentrated on his driving habang abala naman si Pat sa pag-iisip sa bagong stage ng buhay niya. She is not unattached anymore. Para na din siyang may asawa nito.

It was past ten ng makarating sila sa bahay nila. Alex didn't turn off the engine. Humarap ito sa kanya at kinuha nito ang mga kamay niya and said, " I may be possessive baby but I promise that I will always do things to show you how much I love you." he said with eyes dark with passion.

"I love you too Alex and pramis ko din na I will be a good girlfriend." sabi niya.

Sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi nito, "Then show me." he whispered before claiming her lips.

OMG! Ang sarap sarap naman na isipin na hindi siya kahit kailan man matitigang. She's so lucky na she has a virile boyfriend na mucho delicioso!

Mas lalong naging wild ang paghalik sa kanya ni Alex. He reclined his seat then maingat nitong hinapit si Pat sa bewang to position her on top of him. Hawak nito ang likod ng ulo niya while his other hand is groping her bottom.

Busy naman ang mga kamay ni Pat sa bicep at six-pack nito. She likes running her fingers on his smooth and firm body. Sa ganitong mga moment nakakalimutan niya ang adjustment issues niya. Malcon has a point, she should appreciate Alex's good side than dwelling on his shortcomings. Sabagay hindi din naman siya perfect. No one is. She is kind of liking the idea of being Alex's woman. Ang daming perks!

His lips are now on her neck. Pat can feel his tongue licking her skin. "Baby,no hickeys.." she pleaded.

Hindi ito nagreact. Umakyat na ang kamay nito sa gilid ng left boob niya. He started to squeeze it gently then he nibbled her earlobe ."I want you." he said sa tila hirap na boses.

Biglang silang may narinig na bumusina. Nag-angat ng ulo si Pat. She saw her car on the other side of the road. Nakaharang ang kotse ni Alex sa gate ng garahe nila.

"Baby,ang kuya ko." she said. She hurriedly went back to her seat then fixed her hair and top.

"SHIT!" mahinang mura ni Alex. Ang sakit kayang mabitin.

Inayos naman nito ang upuan bago iniatras ang kotse para makapasok sa gate ang kotse ni Pat na dala ni Allan.

Bumaba ang kuya niya from her car then knocked on the window on her side. Binuksan niya ang bintana.

"Bayaw!" bati nito kay Alex. Ngumiti naman si Alex.

"Pasok ko lang ang kotse! Baba ka muna bayaw. Shot muna tayo kahit tig-isang beer lang." sabi nito.

"Kuya, gabi na and mag-dadrive si Alex. Hindi siya pwedeng uminom." Pat said.

"No. it's okay baby. Sige bayaw. Kahit isang beer lang." sang-ayon nito.

Lumapad ang ngiti ni Allan ng marinig na tinawag siyang baby ni Alex. Pat rolled her eyes.

"Baba na kayo! Papasok ko lang ang sasakyan." Allan said before heading back to Pat's car.

Pinatay ni Alex ang makina. "Kala ko ba ayaw mong pahiramin ng koste ang kuya mo?" he asked

Napangiwi si Pat, "Kahit naman ayaw ko gagamitin pa din niya."

Nailing na lang si Alex then he got off to open her door. Abot ang dasal niya na hindi siya mabuking sa mga pinagtagpi-tagpi niyang kwento kanina sa pagtawag ni Matt. Napaka-tactless pa naman ng kuya niya. Dito nga yata siya nagmana eh. Buti na lang nabago niya ang sarili niya. Reyna kaya siya ng mga taklesa dati. Inalalayan siyang bumaba ni Alex. Hawak-kamay silang pumasok sa gate.

Saktong bumaba naman ang kuya niya sa kotse. "Sarado ko lang to bayaw."he said. Tumango si Alex.

While Allan was closing the gate, ninakawan si Pat ng halik ni Alex sa labi. Kunwari sumimangot siya and tinuro ang kuya niya na nakatalikod pa. He just flashed her his killer smile then kissed her hand.

"Taba!" tawag ng kuya niya.

"O?" sagot ni Pat. May sinisilip ang kuya niya sa bakod.

"Hindi ba kotse ni Matt yun?" tanong nito.

Parang slow motion lang.Alex went to where Allan is to check what he is looking at. Napapikit si Pat.

Malcon: Pag minamalas-malas ka nga naman no 'te? Sabagay okay na din naman na maaga ang Carmi Martin (karma) mo dahil sa pagsisinugaling mo. At least tapos agad di ba? =)

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.