Kinabukasan, wala ang aking tito sa kaniyang kwarto nang daanan ko iyon. Sinusundan ko lamang ng tingin ang pusa na kasabay kong naglalakad sa aking unahan. Medyo tanghali na rin nang magising ako dahil sa lalim ng aking pagkakatulog. Kaunti lang din ang mga tao at ang iba ay mukhang may pupuntahan pa.
"Do you hear me, I'm talking to you, across the water— hey, good morning."
Natigil ako sa pag-inom ng tubig dahil sa boses na iyon. Bakit ba madalas akong antukin dahil sa boses niya, lalo na kapag kumakanta siya. Nakangiting sinulyapan ko ito at kumaway.
"Good morning. Work?" tanong ko.
Umiling ito saka lumapit sa akin. Inayos nito ang aking buhok na nakadikit sa pisngi at saka ngumiti. "Tinatamad ako," bulong niya at saka kami napatawa.
He wore a blue trunk short, and white sando. Napansin ko rin na naka-paa lang ito. Kadalasan sa mga tao rito ay nakasuot ng tsinelas na pambahay lang. Kumaway ito kay Von na kapapasok lang ng kusina para kumuha ng tubig.
"Date huh," bulong ni Sevein na tinutukoy si Von na tumango.
"With client."
"Ah, akala ko kay ano."
"Kanino?" tanong agad ni Von, kaya kaming tatlo ang nagtitigan.
"Sino ulit?" natatawang tanong sa akin ni Sevein.
I don't know what they're talking about.
"Date with Zafia? Olivia? I-I don't know," kabado kong sagot dahil sa napamaang na si Von sa harap namin.
"May date kami ng bunso. Ayokong umiyak ang baby kong yon," natatawang sabi nito saka namin narinig ang malakas na boses ni Lana.
His sister.
Naiwan kami ni Sevein sa sala na nagtatawanan, masyado siyang ilag pagdating sa love life. If I know, he's courting that Olivia. Hmm, don't know.
Nagpatuloy ako sa pagtitimpla ng gatas habang si Sevein ay nakasandal na lang sa kitchen island. Sinisipat nito ang mga basong pantay ang pagkakaayos.
"Wanna date? Wala ka naman sigurong gagawin, right? Sayang kasi yong dalawang ticket na binigay sa akin para sa musical play, ikaw lang din ang kilala kong mahilig doon, kaya ayon. Please? Bawal tanggihan ang grasy—"
"Of course! I-I want. Ngayon na ba?" tanong ko agad matapos kong uminom.
"Mamayang hapon pa naman. Then, let's have a dinner. Para mamayang pag-uwi mo, makapagpahinga ka na," nakangiting saad nito na sinang-ayunan ko.
Ayoko siyang tanggihan. Wala rin naman akong gagawin at gusto kong makalimot muna kahit papaano, baka ito na lang din ang paraan para gumaan ang mga iniisip ko, sa lalim nito.
To: Tito:
I'm going in Musical play. Yah know, that's the part of my rest. Ahm, I'm with Sevein, so yeah. There's nothing to worry about.
Alam kong magiging maayos ang araw ko.
Para malibang kahit papaano ay naglinis ako ng aming kwarto, baka kasi mamaya umuwi rito ang isa sa mga kapatid ko at madatnan nilang hindi maayos. Sila Jairo lamang ang nakakita sa amin, it has not big deal, because we always did this stuff, dating with them. Date is not a big deal.
Simple lang ang aking sinuot, black pants and jacket is enough. Mukha akong teenager. Lumabas na ako sa kwarto at saka niya ako sinalubong sa pasilyo. Parehas pa kaming natawa dahil parehas ang aming suot, magkaiba nga lang ang kulay.
"You can read my mind, huh."
"You too."
Nagmukha siyang college student. Napatitig pa sa amin si Lucas na madalas mag-isip ng kung ano-ano. Hinawakan agad ni Sevein ang aking palad upang makapaglakad palayo kay Lucas na may ibinubulong na kung ano.
Pero ang mas nakakagulat ay halos ang lahat ay naroon na sa sala. Nahinto sila sa pag-uusap, gano'n na rin si Keus, na nakatapat sa malaking electric fan para magpahangin.
"Witwiw! Mareng Ezra o, anak ninyo, kumakarengkeng na," panunumbong ni Keus kay tita na kunot-noong nakatingin sa amin.
"Buti naman nakanahap ka ng kasama mo, you know what Zeren, kagabi pa yan namomroblema kung sino ang isasama niya," panlalaki ng mata nito sa panganay niya.
"Kaya nga po e. Hmm, alis na po kami. Magsisimula na po yon," pangingindat niya sa kaniyang nanay.
Nang makasakay kami sa kotse ay maaliwalas pa rin ang paligid. Napangiti ako dahil halos tuyo ang kapaligiran. Nagsimula na siyang magmaneho at hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano na naman.
Tinuon ko na lang ang aking sarili sa pakikinig ng kanta na nagmumula sa kaniyang selpon. I love music. Kaya hindi ko tinanggihan ang alok ni Sevein sa akin dahil Isa rin ito sa kinahihiligan ko. That has related in theaters activity. Mahilig din naman siyang kumanta, hindi gaya ng kapatid niya na hindi madalas pinapakita ang mga talent niya. Kung tutuusin, mas magaling si Maru, kumanta, but he's too shy to do that in front of us. Mahiyain naman siya, di lahat halata.
But the memorable trademark for being Sevein, he is the only one who's certified a car racing. Mas magaling siya pagdating sa pagpapatakbo ng sasakyan.
"We're here."
Napabaling ako sa harapan namin. Big studio in phase 2. Nagpasya kaming lumabas ng kotse at salubungin ang maraming tao. Malaking studio iyon na kung saan maraming pelikula ang pwedeng panoorin at may iba't-ibang theater stage na depende kung sana mo gustong manood. Base sa hinintuhan namin ni Sevein, ay tungkol ito sa mga young couples. Dahil bawal kumain sa loob ay tubig lamang ang aming dala at naupo sa hindi masyadong kalayuan sa tapat ng stage.
Pinagsamang lamig, at dilim ang paligid. Kulay pula lamang ang ilaw na makikita sa teatro at nakatapat sa titulo na iyon.
"Loud Whisper," pagbabasa ko rito.
Pero ang bigat sa pakiramdam nang magsimula na sila. Nagkatinginan lamang kami ni Sevein na animo'y bubulong sa akin dahil malapit ang mukha nito. Nakaramdam ako nang pagka-ilang.
"Fantastic!" bulong ni Sevein.
Gano'n na lang din ang pagkamaang ko nang maganap ang rebelasyon, base sa mga suot nila ay mukhang 80s ang pinagbasehan nila, base na rin sa mga suot. Tutok na tutok lamang kami at halos hindi ako kumurap huwag lamang malampasan ang bawat senaryo at ang tinig nila.
"Sakto ang title sa kanila. Kaya pala," tatango-tangong sagot ni Sevein, nang makalabas kami at natapos ang pinapanood.
Bawal silang magsalita, lalo na ang mga kabataan, kung ayaw nilang parusahan ng gobyerno. Pinakita nila iyon sa gawa at kung hihingi ng tulong ay kailangang mong bumulong. Bawal ang sumigaw, kailangan mo munang lumuha ng dugo bago ka pansinin ng mga taong nasa itaas.
Salute to those playwrights to give us some inspirational act. Plus, the actress and actor. Nabigyan nila ng hustiya ang bawat linya.
I remembered my sister, Nikasha was once who directed some movies, and even in the theater stage on our school. She can write and can be a director.
Those writers is a powerful. Just a single world, it has a big impact. I salute them.
"Masarap ba? Kanina ka pa tahimik," pagtatanong ni Sev, sa kalagitnaan ng aming pag-kain.
Napangiti ako saka tumango. Isa rin siguro sa dahilan kung bakit ako tulala ay dahil sa aking kinakain.
"Hmm, yep. I want to buy this tomorrow for Nikasha and Veron. Hindi rin kasi maganda ang timpla nila."
"Nag-away?"
"Ata? Hindi ko alam kung paano sila mag-away dahil normal expression nila ang gano'n. Anyways, thank you again," pagpapasalamat ko na agad niyang nginitian habang hawak ang burger.
"Ikaw pa. Malakas ka sa akin. Ikaw lang talaga ang gusto kong isama sa ganito, sinama ko noon si Maru. As expected, ang ingay niya. Panay palakpak. Minsan, naiiyak na lang ako kapag niyayaya niya akong mamasyal, wala e," naiiling niyang kwento tungkol sa kapatid niya.
Hindi ko maiwasang mapatawa dahil bakas sa mukha nito ang pamumula ng mga pisngi. Siya na lang ang nahihiya sa ginagawa ni Maru.
"Gustuhin ko rin yayain ang mga kapatid ko, pero madalas si Veron lang ang nakakasama ko. Unlike Nikasha, hindi ko malaman kung anong gagawin ko sa kaniya."
"Kailangan niya ng lalaki. Alam ko naman na pati kami pinag-isipan niya ng masama," mahinang sabi nito kaya ako kinabahan.
"W-What do you mean?"
Ibinaba nito ang hawak nito saka uminom ng tubig. Mapait itong napangiti sa akin.
"Madali pag-aralan ang ugali ninyo. Pero mahirap makibagay sa isa mong kapatid. For sure, hindi niya pa rin nakalimutan ang mga nangyari sa kaniya noong bata siya. She has a trauma with that driver. Kinda sad, because she is the result of that. Kaya ko sinabi na kailangan niya ng lalaking makapag-iiba ng tingin sa kaniya. You know what Nikasha's mindset..."
Tuluyan akong natuliro sa mga narinig ko, hindi akong makapaniwala na napapansin din pala nila iyon. Halos lahat ng lalaki sa mansyon ay kinausap ni tito at aware sa gano'ng bagay. Pati siya, na walang ibang ginawa kundi ang intindihin ang kapatid ko.
"She has a trust issue. I'll respect her."
Nakauwi kami nang maayos sa mansyon at mas dumami ang mga tao. Hindi ako napansin ni tito kaya umakyat na lang ako at nagpalit na lang ako ng aking damit. Hindi ko pa rin makalimutan ang mga pinaguusapan namin kanina. Inuusig ako ng maraming tanong. Mas lalong bumigat ang nararamdaman ko dahil pakiramdam ko, ako si Nikasha. Tinitingala ko ang kapatid ko, but when it comes in mindset, I don't want to be like her. Ayokong isipin na ang lahat ng tao ay iisa.
"Pero ayokong mabulag sa mga maganda nilang ginagawa," matigas kong saad saka inayos ang aking buhok.
Hinanap ko ang alaga kong pusa sa kwarto, pero wala ito. Nagpasya akong bumaba na lang at sinalubong ng halik ang aking tito sa pisngi. Pero ang mas nakakabigla ay ang pagsenyas niya ng kaniyang daliri papunta sa pool. Nnag lumingon ako roon ay nakita ko ang babaeng pinaguusapan namin kanina. Balot na balot ng kumot ang katawan habang sumisiim ng kape. Tulala at halos walang buhay ang mukha.
"Fred is not totally part of our company, nag-resign na siya. Hindi ko alam kung bakit biglaan ang lahat dahil nakausap ko pa siya sa gawing next project for the next year," pagpapaliwanag ni tito. "May kinalaman ka ba rito Zeren?" dugtong ni tito na nagpakabog sa puso ko.
Kusang nanginig ang aking mga daliri at sinubukang pigilan iyon. Marahan akong kumunot at saka nanatiling nakatayo sa harap niya.
"W-What do you mean po?"
"Baka alam mo ang dahilan kung bakit siya umalis? Ni wala siyang sinabing kahit na ano sa akin. Iniwan niya lang ito at nalaman ko na wala na rin siya sa pinagtatrabahuan nila Lucas," sagot nito na inilingan ko.
"Hindi ko po alam. Baka po may problema siya," depensa ko.
"Hindi e. Hindi siya gano'n, wala rin sa sarili no'ng tinatanong namin e. Parang hindi kami kilala. Pinuntahan na rin namin siya sa bahay nila pero binenta na raw yon, bakante na. Ngayon lang siya nagkagano'n e," singit ni Lucas, habang nasa tenga ang kaniyang selpon.
Nakaramdam ako ng konsensya. Pero hindi ba ito ang gusto ko? Ang umalis siya para makalimutan ko ang lahat kahit papaano, para maging maayos ako. Mas malaki ang magiging problema at posible pa siyang mapatay ni tito kapag nagsumbong ako.
"G-Give his time. Baka kailangang niya lang magpahinga, or what. Everyone deserves to be rest."
Tama ang ginagawa ko.