Matapos kong makapag-ayos ng aking sarili, ay lumabas na ako ng kwarto, dali-daling kumapit sa akin si Veron, at saka kami pumanhik palabas. Madilim na ngunit mas lumitaw ang ganda ng paligid lalo na ang mga bumbilya sa mga dinaraanan namin. Natanaw ko na ang ilan sa mga tita ko sa isang malaking pabilog na mesa. Nagtatawanan ang mga ito at halos hindi pa rin tumigil nang makarating kami.
Napapagitnaan ako ni tito at ni Veron, iba't-ibang mga putahe ang naroon na halos puro lamang-dagat. Hindi pinansin ni Veron ang lechon na nasa harapan niya, bagkus kinuha ang alimasag. Ayaw raw niyang tumaba. Kukuha na sana ako ng pagkain nang bigla namang tumunog ang selpon na nasa gilid ni Veron. Ang lahat ay natahimik, napatingin kay Veron na walang pakialam at agad na sinagot iyon.
"Kumakain ako, istorbo to," pabirong anas ni Veron sa kung sino.
Dumaan ang isa sa mga anak ng negosyante at agad kong nginitian.
[Ah. Saan kayo kumakain? Hotel?] boses ni Nikasha.
Nginusuan naman ni Tita Ezra si Tito na nasa tabi ko. Gusto man naming kausapin pero kumakain na rin si tito. Ako naman ay nag-dadalawang isip kung ano ang kakainin ko sa dami rito.
"Oo, bakit? Gusto mo, ibalot ko lahat to? Iyo na lang tong lechon, wala ka namang pakialam sa katawan mo kung tumaba ka."
[Sige. Bilhan mo rin ako ng kape. Yong kulay green ang balot.] Utos ni Nikasha na ikinatawa ng ilan.
Pati si tito ay napailing na lang. Automatiko namang kumunot si Veron, at binitawan ang alimasag.
"Kapal mo naman, kapatid. Wala pa nga akong sweldo."
[Nagsweldo ka kahapon, nakita ko wallet mo. Iwawaldas mo lang naman yan sa mga makeup, kala mo kinaganda mo. Bilhan mo na lang ako ng kape, yong kulay green ang balot, ayoko ng brown. Dalawang balot a...]
Marami pa itong sinabi na halos ikinatulala ni Veron, pero kahit papaano ay wala akong narinig na reklmao kay Veron. Ngumuso lang ito at skaa ipinagpatuloy ang pagkain. Nagkwentuhan na lang ang iba tungkol sa negosyo. Hindi ko maiwasang tingalahin ang iba dahil sa batang edad pa lang ay natutunan na nila kung paano humawak ng isang kumpanyang hindi biro kung pamahalaan. Kahit ako, sa tuwing naiisip ko na darating sa puntong sa akin ibibigay iyon, natatakot ako.
Lahat na lang ata kinakatakutan ko.
"He's courting you?"
Napapitlag na lang ako dahil sa bulong na iyon. Napangiti pa si tito dahil sa inakto ko at titig na titig sa kaniya habang umuulit ang mga salitang iyon sa aking utak.
"I hope so," bulong ko saka lumakad kasunod siya.
Naglalakad lamang kami sa dalampasigan papunta sa tinutuluyan namin, hindi namin alam kung saan nagpunta si Veron, dahil umalis agad siya matapos kumain. Napalingon sa akin si tito, at saka nanatili ang ngiti.
"Why him?" bulong nito na ipinagtaka ko.
Mas lalong lumapit si tito sa akin at saka ako inakbayan, yumakap ako mula sa tagiliran niya at sinikap na hindi mahirapan sa paglalakad.
"I-I don't know. Ang dami niya kasing quality na nagustuhan ko, but I'm still confuse about my feelings. Normal lang po ba tito na mawala ang feelings ng isang tao tapos biglang babalik? Then mawawala na naman, paulit-ulit," bulong ko.
Hindi ko napigilang magtanong dahil iyon talaga ang gumugulo sa akin. Gusto ko siya, bata pa kami, pero hindi ko alam kung gusto ko pa rin siya ngayon o baka wala na talaga, Ewan. Ang gulo ko.
Huminto kami ni tito malapit sa isnag puno ng niyog, parehas kaming naupo at saka dinaramdam ang singaw ng hangin. Gusto ko ang ganito, nailalabas ko ang nasa utak ko dahil alam kung may isang taong kayang ipaliwanag ang mga bagay na kumplikado.
"Ayan ba ang gumugulo sa'yo, kaya hindi ka focus sa trabaho?" natatawang tingin nito na ikinanguso ko.
"Hmm, slight."
Dinig ko ang buntonghininga niya at saka ako humiga sa kaniyang malapad na balikat.
"That's a really confusing, lalo na kung minahal mo ang isang tao ng sobrang tagal. Darating sa punto na itatanong mo sa sarili mo, kung pagmamahal pa ba ang iyong nararamdaman, o baka nasanay ka na lang," panimula nito at halos hindi ko makayanang pakinggan.
"Sinasabi ninyo po na wala na akong gusto pero mukhang meron lang dahil nasanay na ako noon?"
"I guess, it is. Dumaan din ako sa ganyan, pero magkaiba tayo. Pamangkin kita, kaya alam ko ang kilos mo. Ikaw na ang nagsabi na magaganda ang qualities niya. And by that, baka hanggang doon lang, baka gusto mo lang siya, pero hindi mo mahal."
Isang salitang mas nagpa-alog sa aking utak. Pakiramdam ko ay ito na ang salitang pinakahinihintay kong marinig. Salitang mas magpapagising sa akin. Mas masakit magsalita si Nikasha, pero si tito na siguro ang kalmado lang kung magsalita, pero sinisiguro niyang masasaktan ka.
"Opinion ko lang yan. Baka mamaya marinig kitang humahagulhol sa kwarto ninyo," dugtong niya muli saka hinimas ang aking likuran.
Kunwari akong natawa ngunit ang totoo ay mas lalo akong naliwanagan at naguguluhan, ngunit mas lalo akong nasaktan. Paano kung totoo? Na sinanay ko lang talaga ang sarili ko? Ano na naman ang halaga no’n?
"Sa totoo lang, hindi kita nakikitang si Sevein ang makakasama mo, thou I like him also for you, but I can't deny that thoughts. Pero huwag mo na lang pansinin ang tito, namomroblema lang din ako," natatawang usal nito na hindi ko na ring napigilang tumawa.
Umalis ako sa pagkakahiga sa kaniya at saka siya pinagmasdan, mukha siyang binata dahil sa suot niyang t-shirt.
"Ano naman po ang pinoproblema ninyo? Si Nikasha? Veron?"
Umiling ito at saka tumingin sa akin.
"Hindi ko mahanap si Fred."
Kusang kumalabog ang puso ko, ngunit nakakapagtaka lang dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin iniiwas ang tingin kay tito. Siya ang unang umiwas at saka bumuntonghininga. Hindi ako makapagsalita at mas lalong nahihiwagaan ako kung bakit niya iyon sinabi.
"Kailangan natin siya sa kumpanya. I admitted na magaling siya sa ibang aspeto. Nagtanong-tanong na kami sa ibang kumpanya, pero wala pa rin," dugtong muli nito kaya mas lalo akong nailang.
"May kapalit naman po siya diba?"
"Yes. Hindi sa minamaliit ko siya, pero higit na kailangan natin ang katulad ni Fred. Hindi ko alam kung anong rason niya sa pag-alis, sinigurado kong Doble ang sweldong nakukuha niya, wala akong matandaan na nagkaroon ng problema sa trabaho."
"Maybe, Maru will replace him."
"Still no. Pinag-aagawan si Maru, and I guess may napili na rin si Lucas. Fred is important to us, Zeren. Please do some favor, Zeren," paos na sabi nito na nilingon na ako.
Kitang-kita ko ang bigat sa mga mata niya. Hindi ko maiwasang masaktan lalo na't ako ang dahilan kung bakit umalis si Fred. Pero may karapatan din naman akong gawin iyon. Ako ang na-agrabyado.
"A-Ano po yon?" kinakabahang tanong ko.
"Ikaw muna ang pumalit sa pwesto ko, habang hinahanap ko siya. Sasabihan ko na lang si Nikasha, na tulungan ka, tutal nagfile na siya ng leave for two months. Maaasahan ko ba kayo?" sinserong tanong nito at wala sa sariling napatango na lang ako.
Napatingin ako sa malayo, pilit na isiniksik sa aking utak kung bakit pinagpipilitan na hanapin ang mga taong wala namang balak magpakita. At may mga taong pinaglalaban ang mali.