In Love With The Rain Chapter 18

Sinikap kong maagang gumising upang asikasuhin ang ilang bagay. Hindi rin naman ako nakatulog nang maayos dahil sa rami ng iniisip ko. O baka talaga iniisip ko ang mga bagay na iyon na matagal ko nang tinatakasan.

Hindi ako sigurado kung makakasunod ba sa akin si Nikasha, sa opisina. Nagpaalam kasi ito na may lakad sila ni Maru, kaya hindi na rin ako kumontra. Wala akong masyadong gagawib maliban na lang sa kausapin ang ilan sa mga empleyado namin na baka ma-huli ang pagdating ng mga sweldo nila.

Isang mahinang pagkatok ang narinig ko mula sa pinto kaya dali-dali akong tumayo upang buksan iyon, bumungad sa akin si Kevin, nakaayos ito at pormal na pormal ang suot. Ngumiti ito sa akin na sinuklian ko rin ng pag-ngiti.

"Pasensya na nahuli ako, si lola kasi e," nahihiyang sabi nito na tinawanan ko lang nang mahina.

"Wala yon, upo ka muna rito. Ayan na ba lahat? Bakit ang bilis naman ata?" pagtataka ko sa kontratang pinasuyo ko muna sa kaniya upang ipapirma sa may-ari ng Defg hij Company na pagmamay-ari ng isang Singaporean, na naka base lang din dito.

"Ewan ko rin kung bakit pumayag agad. Gusto ka pa nga niyang makausap ng personal o di kaya ang tito mo. Overall, maayos naman ang lahat, kaso nga lang, gusto sana niya na magsimula agad this month," mahinang sabi nito na ikinaalarma ko.

Naupo ako sa swivel chair at saka tiningnan ang mga dokumento. Magandang simula na rin ito lalo na't maraming bumibili ng mga property, hindi ko lang maiwasang magtaka dahil masyado silang nagmamadali, na halos ilang buwan kung abutin ang mga dokumento bago magsimula.

"Gagawa sila ng pabrika, malapit ito sa Sejas River, idurugtong nila iyon sa kalapit na lupa na binili nila, sampung ektarya ang lawak ng pabrika at iba pa yon sa bibilhin nila sa atin," pagpapaliwanag nito.

Hindi ako puwedeng pumirma na lang agad. Masyadong nakapagtataka lalo na't pabrika iyon at sa tabi pa ng ilog. Maraming iba't-ibang likido ang puwede nilang ilabas na diretso roon at pwedeng ikasira ng ilog.

Pero negosyo ito. Kailangang naming magbenta, pero paano ang mga taong nakatira malapit doon?

"Pag-aari ng gobyerno ang lupa roon diba? Paano sila gagawa non kung sakop ng sampung ektarya ang mga taong nakatira doon?" pagtataka ko at wala na akong nakuhang sagot.

Hindi na rin ako nagsalita at mas lalong inisip ang mga puwedeng gawin. Mas lalong nagulo ang utak ko dahil dito, sayang naman kung tatanggihan namin siya dahil malaki rin ang puwede naming makuha roon.

Imbes na makipagtalo ay nagpasya na lang akong ipahinga ang aking utak. Umalis na rin naman si Kevin, kaya mananatili na lang ako rito ng ilang oras at hintaying magdilim.

"M-Magpapaliwang ako, Ren. Hindi ko alam ang mga nangyari—"

Umalingawngaw ang isang boses ng lalaki sa aking utak, literal na hindi ko naimulat ang aking mga mata dahil sa sobrang kaba. Pakiramdam ko ay nagliliyab ang aking katawan sa tuwing naririnig ang boses niya. Para akong minumulto.

"M-Maniwala ka sa akin, hindi ko alam. Wala akong alam sa mga nangyari, maniwala ka sa akin. S-Sorry, hindi ko alam..."

"F-Fred," mahinang anas ko kasabay nang aking pagmulat.

Halos sumasabay ang paggalaw ng aking balikat sa aking dibdib, dinaig ko pa ang tumakbo na ilang kilometro para hingalin ng ganito. Agad kong pinunasan ang aking noo na namamasa na at saka tumindig. Gano'n na lang ang pagkatuliro ko nang maalala ang mga sinabi ni Veron sa akin noon bago ako umalis.

"Basta, ayan na ang mga suotin mo. Bagay naman sa'yo lahat e. Wear your confidence pa rin noh. Tapos pala, nilagyan ko ng camera yong wallet mo pati damit mo, para naman makita ko yong lugar hihi..."

Mabilis na kumalabog ang aking puso at halos matumba na ako sa aking ni kinalalagyan. Bakit ngayon ko lang naalala? Nakita ba lahat doon?

Hindi na ako nag-abalang ayusin ang aking mga gamit at saka pumanhik palabas. Pinapatay na ako ng konsensya ko, aminado akong wala akong alam sa nangyari ngunit pinaghahawakan ko pa rin na lalaki siya at kaya niyang gawin sa akin iyon. Hindi ako magkumahog sa pagmamaneho, nanginginig ang aking mga kamay at natatakot na baka hindi ko ma-kontrol ang aking sarili at puwede pa akong makapatay sa kalsada.

Nang makarating sa mansyon ay agad akong bumaba at saka dumaan sa likurang bahagi ng bahay, wala na akong panahon para kumustahin ang mga tito at tita ko. Sinara ko agad ang pinto at siniguradong hindi mabubuksan iyon.

Binuksan ko agad ang closet at hinanap ang mga damit na ginamit ko, nakasingit ang mga iyon sa iba pang gamit ko at minabuting kunin iyon nang maayos. Dali-dali kong ibinagsak iyon sa kama at isa-isang sinipat. Apat na Long gown, paano ko mahahanap ang maliit na kamera na iyon? Malaki ang posibilidad na idinikit ni Veron ang kasing-liit lang ng hikaw ng sanggol.

Tumagal ng ilang minuto ngunit wala pa rin akong nakikitang kahit na ano. Nakakapanghinayang at nawawalan na ako ng pag-asa na makita pa iyon. Nahilamos ko na lang ang aking mukha at saka naramdaman ang matinding hilo. Maagap kong pinunasan ang luhang kanina pang gustong kumawala sa akin.

Ngunit ang pagbaba ko ng aking kamay ang naging dahilan upang matanaw ko ang pouch na aking dala noon. Natigil ako sa aking ginagawa nang makita ko ang aking sarili sa bagay na iyon nang titigan ko.

Walang pagdadalawang-isip na kinuha ko iyon at saka muling naupo sa kama. Isang makinang na itsurang hikaw ang naroon sa pinakagitna. Nanginginig man ang aking kamay ay kinuha ko agad iyon at saka dali-daling pumunta lumang PC na nasa kwarto lang din.

Sinigurado kong walang makakadetect no’n. Sa pagsalpak ko ng maliit na bagay ay walang kahirap-hirap na bumungad ang mukha ni Veron, habang mataman na nakatingin sa camera.

""Basta, ayan na ang mga suotin mo. Bagay naman sa'yo lahat e. Wear your confidence pa rin noh. Tapos pala, nilagyan ko ng camera yong wallet mo pati damit mo, para naman makita ko yong lugar hihi, at saka pati ito nilagyan ko. Ang cute cute ko," Saad nito sa camera saka ko nakita ang aking sarili na kinuha ang wallet.

Dahil sa matinding pagdagundong ng aking dibdib ay hindi ko mapigilang i-urong ang video.

09-14-06

7:00 pm

S-in-et ko ang oras at kung kailan ang araw na iyon. Mabilis na nag-forward ang lahat ng mga nangyari pati ang lahat ng usapan sa araw na iyon ay aking naririnig. Halong manghina ako nang huminto iyon sa takdang oras at araw na hinahanap ko.

Magulo ang anggulo ng kamera, pansin ko na nasa pasilyo ako na naglalakad at sobrang sakit sa matang panoorin dahil sa pagewang-gewang. Tanaw ko na ang kwarto ko, ngunit naiurong ko na lang aking swivel chair dahil hindi ako roon pumunta, huminto ako sa isang pintong pamilyar sa akin.

Kitang-kita ko ang aking kamay na pinihit ang doorknob na agad ding nagbukas, nakita ko roon ang isang katawan na walang balot ang pang-itaas niyang katawan ngunit naroon pa rin ang pang-ibaba.

Si Fred. Kwarto ni Fred.

"Sev," nanghihinang tawag ko sa isang lalaking nasa harapan.

Mas lalo kong nilakasan ang volume upang marinig ang usapan.

Wala na akong ibang makita ngunit naririnig ko pa ang boses kong may sinasabi ngunit hindi maintindihan.

"S-Sino ka? Anong ginagawa mo rito?" mahinang ungot ni Fred, na base sa boses niya ay lasing na lasing na rin.

Maya-may pa ay narinig ko ang malakas na pagkalabog na nanggagaling sa pinapanood ko. Ang camera ay mukhang nahulog dahil ang anggulo na nakikita ko ay paa ko na. Napansin ko ang paglakad naming dalawa ni Fred, na naging dahilan para mas lalo kong makita ang aking sarili na nakayakap sa isang lalaki.

Roon din ay napansin ko ang pangungunot at pamumungay ng mga mata niya. Pilit niya akong inilalayo sa kaniyang dibdib kung saan ako nakasubsob. Dahil sa malinaw kong nakikita ang mga nangyayari, nakita ko kung paano ko itinulak si Fred sa dulo ng kama at saka dahan-dahang yumuko upang abutin ang labi niya.

Dahil sa nakagilid ang kamera ay nakikita ako ang buong nangyayari noong gabing iyon.

Napansin ko ang mahigpit na hawak sa akin ni Fred na agad akong tinulak palayo. Ngunit mas naging mapusok ang sumunod na nagyari. Napakuyom na lang ako dahil kitang-kita ko ang aking sarili na hinuhubad ng kusa ang aking suot. Nang mawalan na ako ng saplot at tanging panloob na lang ang natira, saka ako lumapit kay Fred, na naging dahilan kung bakit siya natukso.

Sa di malamang dahilan ay umalingawngaw sa akin ang sinabi ng kapatid ko.

"Normal lang sa lalaki ang makaramdam ng gano'ng bagay. As long as hindi ka nagpapakita ng motibo, hindi nila magagawa ang bagay na iyon. Halimbawa na lang na kapag inakit mo ang isang lalaki, alam mo na may intensyon ka talaga, dahil lalaki sila, hindi nila iisiping mali iyon dahil ikaw ang nauna..."

Ako ang may gawa. Ako ang naging dahilan kung bakit nakita kong mas naging mapusok si Fred. Habang tumatagal ako sa kinauupuan ko ay mas lumalalim ang nangyayari sa pinapanood ko.

Ang pamumula ng mukha at katawan ni Fred, ang paghawak nito sa akong bewang hanggang sa paghalik. Wala siyang sinasabing pangalan. Ni hindi siya nagsasalita at para bang ginagawa lang ang isang bagay na naging dahilan kung bakit mas naging mainit ang gabing iyon.

Lumalabo na ang aking paningin, hindi na kaya ng mga mata ko na hawakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Sinadya kong lagpasan ang pangyayaring iyon at s-in-et sa Isa pang oras.

09-15-06

6:00 am

"Z-Zeren?" boses ni Fred nang bigla itong mapaatras sa kama palayo sa akin na nakatalikod sa kaniya.

Kitang-kita ko ang gulo sa mata ni Fred at ang halos ika-iyak na nito. Kinuha nito ang kaniyang Pantaloon at agad na sinuot at lumayo sa akin. Hinilamos niya ang kaniyang kamay sa ulo at sinabunutan iyon.

"Hindi, hindi, hindi! A-Anong ginawa ko? Mali 'to, Fred, Mali!" mahinang asik nito saka nagpatuloy sa panghahampas sa sarili.

Halos lahat ng katawan ni Fred ay manginig na at hindi makatingin sa akin kung saan ako nakahiga. Hanggang sa gumalaw na ako na ikinabigla ni Fred. At doon ko na nakita ang sarili kong nagtataka at nagmamadaling bumangon.

"Z-Zeren—"

"H-H'wag lang lalapit, lumayo ka sa akin," nanginginig kong saad.

"M-Magpapaliwang ako, Ren. Hindi ko alam ang mga nangyari—"

"Sinungaling! Sinungaling ka! Lumayo ka sa 'kin, Fred! Hindi ako magdadalawang isip na ibato 'to, sa 'yo. L-Layuan mo ako."

"Maniwala ka sa akin, Zeren. H-Hindi ko alam. Wala akong alam. N-Nagising na lang ako na katabi ka—"

"What are you trying to say?! I knew what happened? I drunk last night! And you! You abused me! You had a chanced to did this while I'm drunk! H-How dare you?!"

"M-Maniwala ka sa akin, hindi ko alam. Wala akong alam sa mga nangyari, maniwala ka sa akin. S-Sorry, hindi ko alam..."

Tuluyan na akong napahagulhol dahil sa naririnig ko. Gulong-gulo si Fred at halos magmakaawa na sa akin, lumuhod pa ito para lang magpaliwanag, pero hindi, hindi ako nakinig. Mas pinili kong lumabas ng kwarto habang bitbit ang pouch kung saan naroon ang kamera na kitang-kita ang lahat ng nangyari.

Saksi sa pinakamalaking pagkakamali ko sa buong buhay ko.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.