In Love With The Rain Chapter 30

Hindi ko alam kung paano ko igagalaw ang aking paa, pati ang aking kamay. Wala akong maramdaman. Sobrang bigat ng aking pakiramdam at halos ayoko na lang buksan ang aking mga mata.

"F-Fred," bulong ko.

Pinilit kong buksan ang aking mga mata nang dahan-dahan. Nangangapa ako nang maramdaman ang isa pang kamay na humawak doon.

"Z-Zeren."

Malalim na boses na matagal ko nang gustong marinig. Matagal ko nang hinahanap. Napadilat ako at tuluyang nakita ang mga matang iyon. Malakas na kumalabog ang aking puso. Dahan-dahan akong napangiti nang makita ko ang lalaking nasa harapan ko.

"F-Fred. S-Saan ka galing? Ang tagal mong nawala," bulong ko saka mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniya.

Hindi ito nagsalita. Nakatitig lang siya sa akin at nangunot ang noo. Sandali itong lumingon sa kaniyang likuran at saka nagbalik sa akin.

"Tatawag lang ako ng doktor, babalik ako," saad nito saka binitawan ang aking kamay.

Roon din ah bumungad sa akin si Jairo at Faith. Nakatayo ang mga ito at mukhang may pinag-uusapan. Hindi sila lumapit sa akin. Agad kong inilibot ang aking paningin, may mga nakakabit na aparato sa aking katawan at ang paulit-ulit na tunog sa makina na nasa aking tabi.

Maya-maya pa ay mayroong dalawang tao na lumapit sa akin. Sinipat agad ang aking mata at ang bilis ng pagtibok ng aking puso. Hindi ako nag-abalang pakinggan ang mga sinasabi niya dahil patuloy ko pa ring inaalala ang mga nangyayari. Mas lalong kumikirot ang aking ulo kapag pinipilit ko.

Ang tanging alam ko lang ay pinapapunta ako ni tito sa isang lugar, para sa trabaho. Ngunit nakapagtataka, bakit ako nandito? Bumagsak ba ang eroplanong sinasakyan ko?

"Bantayan ninyo muna siguro siya. Kung sakaling lumala ang kalagayan niya, saka natin dalhin sa syudad. Kulang ang gamit namin dito kaya kailangang muna siyang bantayan."

Napatingin ako sa gawi nila. Lumabas ang dalawa na kaninang tumingin sa akin. Maya-maya pa ay lumapit sa akin sila Jairo at mataman akong tiningnan.

"Nakikilala mo pa ba kami?" tanong nito at pantuturo sa kanilang tatlo.

"Y-Yes. Jairo and Faith," sagot ko kaya napangiti sila.

"How about this old man?" natatawang tanong ni Jairo na nakaturo sa lalaking nag-iwas ng tingin sa akin.

"Fred. He's Fred."

"Alam mo ba ang mga nangyari sa 'yo?" tanong ulit ni Jai kaya dahan-dahan akong tumango.

"Pinapapunta ako ni tito sa Agustin. Ahm, then sumakay ako ng eroplano. B-Bumagsak ba ang eroplano kaya ako nandito?" tanong ko kaya sila napakunot.

Agad na napatingin sa akin si Fred na para bang gulat na gulat sa mga sinabi ko. Iyon lang ang naaalala ko.

"Sinabi mo pa nga sa akin kahapon na tanggapin ko ang offer ni tito," dugtong ko.

Nakatitig lamang ako sa kanila na titig na titig sa akin. Halos hindi ko maintindihan kung bakit gano'n sila. Lalo na si Fred na malayo sa akin.

"Y-Yeah. I told you that, but that was last three months ago, dalawang buwan ka nang nandito sa Agustin. What's wrong with you?" bulong ni Jairo.

"Sigurado ba ang mga doktor na okay na siya?" mabilis na saad ng isang lalaking galing sa dulo ng kuwarto.

Dalawang buwan? Paano?

Hindi ko sila pinansin. Nanatili lang ako sa higaan ko at pilit na inaalala ang mga nangyari. Iyon lang ang huli kong maalala. Hindi ko na alam ang mga sinasabi nila sa akin.

Lumipas ang ilang araw na si Faith ang nagbantay sa akin. Nauna na raw si tito na bisitahin ako noong nakaraang linggo na wala pa akong malay. Dalawang linggo ako nawalan ng malay at walang bumagsak na eroplano ang nangyari. Si Jairo lamang ang nagkukwento habang si Faith ang nag-aalaga sa akin. Si Fred naman ay nauna nang umalis at hindi ko man lang nakausap.

"Paano ninyo nakita si Fred? Hinanap mo ba Jai?" tanong ko sa gitna nang pagpapakain niya sa akin.

Napatitig ito at kumunot. Umiling ito at saka hinipan ang pagkain sa kutsara. "No. Sinabi niya na nagkikita kayo sa isla noon. Then, umulan ng malakas tapos nakita ka niya sa pampang na walang malay. Siya mismo ang nagdala sa 'yo rito. W-Wala ka bang maalalang gano'n?" tanong nito na inilingan ko.

Inubos ko na muna ang pagkain sa bibig bago magsalita. "Hindi mo alam ang mga sinasabi mo. Ang pagsakay sa Eroplano ang naaalala ko. Ngayon ko pa lang nakita si Fred. Sa Agustin pala siya nakatira?" tanong ko saka siya bumuntonghininga.

Kinabukasan ay medyo maayos na ang pakiramdam ko. Tanging sa wheelchair lang ako nakaupo at dahil gusto ko na ring umalis sa hospital. Kailangang ko na lang uminom ng mga gamot at sanayin ang sarili na maglakad-lakad. Napuruhan daw ang aking balakang. Maingat akong inilapag ni Jairo sa kotson na nasa sahig lang din. Napansin ko ang ilang gamit at damit ko sa loob ng cabinet na para bang matagal na akong naninirahan dito.

"Sa ngayon, pahinga ang kailangan mo. Ako na muna ang magtatrabaho. Si Faith ang mag-aalaga sa iyo rito. Baka i-uwi ka na rin sa mansyon kapag hindi pa bumuti ang kalagayan mo," anas ni Jairo habang inaayos ang mga unan sa paligid ko.

"Rito lang ako buong araw?" tanong ko saka niya ako tinitigan.

"Oo. Kailangan mong magpagaling. Ayaw mo naman atang magalit ang tito mo," ngising sabi nito saka siya tumayo.

"T-Teka, puwede mo bang tawagin si Fred? May sasabihin lang ako."

"Tungkol sa?"

"Alam mo na yon," mahinang anas ko.

"Hihingi ka ng sorry? Dahil pinagbintangan mo siya noon?" sabi nito na tinanguan ko.

Ang tagal kong pinag-isipan ito noon. Hindi ko man alam ang mga nangyari sa akin, pero buo na ang desisyon kong humingi ng tawad. Iyon lang ang gusto ko. Ang humingi ng tawad.

"Huwag na. Napatawad ka na niya. Nagsisisi nga e, bati na kayong dalawa. Ayaw niya lang humarap sa iyo ngayon," nakangising sabi nito saka kumuha ng maiinom.

Napakunot ako at umayos ng upo. Mas lalong sumasakit ang ulo ko dahil sa kung ano-anong sinasabi nila.

"Paano?"

"Nagkwento siya. Sige na. Alis na ako. Babalik na rin si Faith, dito. Magpahinga ka muna riyan, baka mamaya pagbalik ko rito, isama ko si Fred."

Hindi na ako nag-abalang pakinggan siya. Isinandal ko na lang ang aking ulo sa unan at saka may kung anong boses na narinig.

"P-Patawarin mo ako Fred..."

Panaginip lang siguro iyon.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.