"Ang ganda talaga rito Ma'am, ano?" tanong ni Faith sa kalagitnaan ng pagtitig namin sa dalampasigan.
Nasa ilalim lang kami ng puno ng buko, mas pinili namin sa lilim lang manatili dahil sa nakakapasong init ng araw. Ngayon lang ako pinayagan ni Jairo na lumabas at gamitin ang swivel chair na inihatid ni Fred noon. Ilang araw na rin mula nang alagaan ako ni Fred at hindi ko pa rin siya nakikita. Ang sabi naman nila sa akin ay bumalik na ito sa pag-ta-trabaho sa ginagawang casino.
"Faith?" tawag ko sa babaeng katabi ko.
Natigil ito sa pag-kain ng prutas, at napalingon sa akin. Agad itong pumwesto sa likuran ko habang hawak ang swivel chair.
"Bakit po Ma'am?" tanong nito na hindi ko nililingon.
Baka sakaling kapag tinanong ko siya ay may makuha akong katiting na sagot. Opinyon lang naman ang gusto ko kung sakaling mangyari sa kaniya ang mga nangyari sa akin noon. Wala ng ibang laman ang utak ko kundi iyon na lang parati. Iyon at iyon na lang.
"Mahirap bang magpatawad?" tanong ko habang pinagmamasdan ang buong isla.
May mangilan-ngilang naglalakad sa manipis na buhangin habang sinasalubong ang katamtamang lakas ng hangin. Umaasa ako na sana naririnig niya ako ngayon. Dalhin sana ng hangin ang nag-iisa kong hiling.
"Depende po Ma'am, sa laki ng kasalanan sa akin ng tao. Paanong kasalanan po ba ma'am?"
Naikagat ko ang pang-ibabang labi ko. Ito na siguro ang panahong para kahit papaano ay mabawasan ang nasa puso ko. I want to tell this with anyone, para lang maging kalmado ulit ako.
"Hmm, let say na pinagbintangan ka sa isang kasalanan na hindi mo naman ginawa. Then, inalis kita sa trabaho at kinuha ko ang lahat ng sa iyo. Magagalit ka ba sa akin?" desperadong tanong ko at napansin ko ang pagtango ng kaniyang anino.
"Pinagbintangan ako? Hmm, aba! Opo naman Ma'am! Lalo na kung hindi ko naman ginawa tapos inalis pa ako sa trabaho, parang sobra naman po ata non. Kumbaga, napaka-unprofessional naman. Iba naman po kasi yong trabaho sa personal e. Talaga pong magagalit ako kung sakali," mahabang sabi nito dahilan para mas lalo akong manlumo.
Kaya ba gano'n na lang ba siya tumingin at makitungo sa akin? Kung noon ay nagagawa niya pa akong bituin, sana ngayon ay biro lang ang lahat. Nag-dadalawang-isip na rin ako kung dapat ko ba itong aminin sa tito ko.
"Paano kung humingi ako ng tawad? Mapapatawad mo kaya ako, matapos kong masira ang buhay mo?"
"Hindi ko po alam ma'am e. Siguro po hindi, kasi sabi ninyo nasira na ang buhay ko, at kung mapapatawad kita, baka po ma'am matagalan... O kaya minsan may mga taong walang balak na magpatawad dahil tumigas na ang puso nila."
Hindi ko alam kung tama bang sinabi ko sa kaniya ang gumugulo sa aming utak, mas lalo itong gumulo at mas lalong nakaramdam ng hiya. Duwag talaga ako. Totoo ang sinabi ni Nikasha noong nga bata pa kami. Duwag ako. Hindi ko kayang humarap sa problemang ako lang.
Pero bakit ang Diyos? Kahit na anong kasalanan ng maraming tao, natawa niyang patawarin? Ang lahat nang nagpahirap sa kaniya nagawa niyang patawarin? Bakit ako? Kailangan ko pa bang mamatay muna bago siya ako mapatawad? Handa akong lumuhod. Tatanggapin ko ang lahat ng masasakit niyang salita kung iyon ang nararapat.
Natulala lamang ako sa upuan ko dahil sa huling sinabi ni Faith, na huwag sayangin ang pangalawang pagkakataon kung sakaling bigyan ako ng pagkakataon pang magbago. Na itama ang mga mali.
Wala sa sariling dahan-dahan akong tumayo at kumapit sa puno. Pilit na nagtataka kung ano bang klaseng aksidente ang nangyari at bakit parang halos malumpo na ako. Makalapit lamang ako at iniingatang hindi madapa dahil wala pa naman si Faith.
Halos mapangiti ako dahil nagagawa kong makapaglakad nang hindi sumasakit ang balakang. Para na ulit akong normal ngunit kailangan kong sanayin ang mga paa ko. Habang tumatagal ay mas lalong bumibilis ang lakad ko. Unti-unti kong tinanggal ang aking pagkakawak sa mga puno at lumakad ng tuwid, ngunit agad akong natigil dahil sa matang nakatingin sa akin.
Mula sa pampang kung saan tulak-tulak niya ang bangka ay titig na titig lang ito sa akin na para bang nagtataka. Nakasuot ito ng karaniwang kasuotan ng mga nagtatrabaho sa hasyenda o parang isang magsasaka. Nakasuot ng sumbrero at long sleeve, na nakaterno sa mahabang pang-ibaba at bota.
Nagmadali akong tumalikod at sinikap na bilisan ang lakad, gusto ko na lang mawala sa kinatatayuan ko dahil doon naman sumakit ang aking paa.
"Hindi mo na kaya?" malamig na tanong ng isang baritonong boses mula sa aking likuran.
"I-I ca—"
"Make it slow, Zeren. Kung binilisan mo, mas lalong sasakit," sabi nito kaya ako napatingin sa seryosong Fred.
Sinunod ko ang gusto niya. Lumakad ako nang mabagal at walang ibang ginawa kundi ang tiisin ang sakit. Bahagya pa akong napapasinghap na alam kong naririnig niya.
"Puwede kitang buhatin papunta sa swivel chair, kung gusto mo. Mukhang ma-pride ka naman kaya tatanggi ka," prangka nitong saad kaya muli akong napatingin sa Fred na nakangisi.
"What did you say? Pride?"
"Tara na, ipapasan na kita," suhestiyon niya kaya ako natigil sa paglalakad.
Sinsero ang mga mata nito na malayong-malayo sa nakita ko nitong mga nagdaang araw. Ang Fred na nakilala ko noon. Kinuha mo na ang pagkakataong iyon upang abutin ang kamay niya ngunit agad itong naupo kaya naiwan sa ere ang aking kamay.
Nang-aasar ba siya?
Naiinis man ay pinilit kong pigilan ang sarili ko saka dahan-dahang sumakay sa kaniyang likuran, nakakaramdam pa ako ng pagka-ilang dahil sa aking dibdib na nakadikit sa kaniya. Napapikit na lang ako dahil sa pagsinghap nito.
"A-Ah, Fred," tawag ko.
Dahan-dahan lang itong naglakad at mahigpit lang ang aking hawak sa kaniyang malapad na balikat.
"Bakit? Mag-so-sorry ka na naman? Kung tungkol lang naman 'yan sa nangyari noon, ayokong pag-usapan ya—"
"Sorry kasi sinisi kita noon, h-hindi man lang kita pinakinggan bago umalis sa kwarto iyon. T-Tinanggal kita sa trabaho dahil lang sa napakababaw Kong dahilan. S-Sorry dahil naging ganyan ang buhay mo dahil sa akin," garagal kong saad at iniingatang hindi mahulog ang luha sa kaniyang balikat.
Ang kabang kanina kong naramdaman habang sinasabi iyon ay bigla na lang nawala at napalitan ng pagtataka dahil sa biglaan nitong pagtawa nang mahina. Kitang-kita ko ang pag-iling niya at mas lalong binagalan ang paglalakad.
"Huwag mong nila-lang ang nangyari noon. Hindi mababaw ang dahilan mo. Babae ka, si lola na ang nagsabi na kahit siya ay magagalit kapag nangyari iyon aa kaniya. Normal lang na sisihin mo ako kasi lalaki ako, parehas tayong nakainom, ang mali ko lang, ni hindi ko napigilan ang sarili ko dahil sa dami ng nainom ko, at hindi mo ako pinakinggan. Huwag mong sisihin ang sarili mo dahil sa buhay ko ngayon, ginusto kong lumayo matapos mamatay ang lola..."
Tuluyan nang bumagsak ang luha ko dahil sa kaniyang mga sinabi. Halos lahat ng bigat sa aking puso ay nawala dahil sa mga inamin niya. Inaamin kong binawasan niya kahit papaano ang mga pangamba ko.
"Alam kong wala kang maalala sa mga nangyari noon sa atin dito, pero humihingi ako ng tawad sa mga nasabi ko sa iyo, nadala lang ako, at wala rin akong lakas ng loob na lapitan ka noon, kaya mas pinili kong itaboy ka nang itaboy hanggang sa umalis ka rito sa isla, h-hindi ko alam na aabot sa ganito ang lahat. Ang ma-aksidente ka," dugtong nito na may pagkakahawig sa sinasabi sa akin ni Jairo.
Hindi ko na namalayan ang pag-upo ko sa swivel chair. Ang maingat niyang pagpunas sa aking pisngi. Kitang-kita ko ang paglunok niya at ang pagluhod sa akin.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo sa mga nangyari sa akin. Ginusto kong maging ganito, ang manirahan dito. Kaya sana, kung ano man ang gumugulo sa utak mo, alisin mo na. Wala akong karapatang magalit sa iyo, isa kang Ficarro."
Sa pagkakataong ito. Nakita ko kung paanong ngumiti ang lalaking kaharap ko. Ang paggulo niya sa aking buhok, at ang pagtayo sa aking harapan.
"O-Okay na tayo?" tanong ko saka inilahad ang aking kamay.
Sa pagkakataong ito, nakita ko kung paano niya titigan ang aking mga mata na para bang nanghihigop. Dahan-dahan niyang hinaplos ang aking kamay ngunit imbes na makipagkamayan, dahan-dahan siyang yumuko upang halikan ang aking palad.
Simbolo ng pagpapatawad.
Ngunit mabilis kong inagaw ang aking kamay dahil sa biglaang pagsulpot nila Jairo at Faith. Nakaramdam pa ako ng hiya dahil paniguradong nakita nila iyon base sa kanilang tingin. Napalayo naman nang kaunti si Fred at saka napatingin sa tiningnan ko.
"Huwag mo naman masyadong ituring na prinsesa 'yan," ngising sambit ni Jairo na inilingan ni Fred.
"May hinipan lang ako," depensa ni Fred kaya ako napalunok dahil sa pagtingin niya sa akin.
"Faith, bantayan mo muna ang kamahalan, kakausapin ko lang 'tong alipin." Pantatapik nito kay Fred na tumawa nang mahina.
Abot-abot ang kaba ko nang umalis sila, hindi ako nakaligtas sa babaeng nanunukso ang mga mata. Dinaig niya pa ang isa kong kapatid. Imbes na manatili si Faith sa aking likuran at nasa harapan ko ito at naupo sa paanan ko.
"Why are you looking me like that?"
"Napaghahalataan ka ma'am, huwag kang mag-ingles kapag nagagalit, naiinis, o kaya... Kapag kinikilig," natatawang usal nito na nilakihan ko ng mata.
"N-No. I'm not. May pinag-usapan lang naman kami. Naging parte rin naman siya ng kumpanya kahit papaano. At naging boss niya rin ako."
"Wala naman po akong sinasabing kahit na ano. Grabe ka naman po Ma'am. Pero diba, ang guwapo niya po? Para siyang lalaki na mula sa Texas, yong mga cowboy Ma'am, ang hot nila! Mas hot pa sila sa buhangin." Pagpapadyak na sabi nito kaya bumaling ako sa dalawang lalaki na nag-uusap.
Kumalabog ang aking puso nang tumingin ito sa akin. Maamo ang mukha at parang wala atang panahon para mag-sungit. Sa di malamang dahilan ay napangiti ako at hindi na inisip na nasa harapan ko si Faith. Hindi ko alam kung bakit ganito ako kasaya, dahil ba sa pinatawad na niya ako? Dahil ba maayos na kami? O may iba pang dahilan?