In Love With The Rain Chapter 38

Nakayuko lamang ako habang pinagmamasdan siyang inahaian ako ng pagkain. Hindi ko alam ang mga pagkain iyon pero mukhang masarap naman. Nakayuko lamang ako sa isang sulok habang ang manipis na kumot ay nasa aking hita. Sobrang ikli lang pala ng suot ko, damn!

Inhale, exhale, inhale, exhale...

"Kain na, ubusin mo yang gatas, binili ko pa yan sa sentro," mahinang saad nito saka inilapag ang tasa.

Kusang nanlaki ang mga mata ko dahil sa kaniyang sinabi. What did he say? Pumunta siya ng sentro? As in nagbangka siya para makapunta sa kabilang isla para lang sa gatas?

"Iniwan mo ako rito?" tanong ko na kinunotan niya.

"Bumalik naman ako, ah. Ligtas ka rito, kumpara sa kabilang isla. Rito, lamok lang ang mangangagat sa iyo, wala namang masamang tao rito dahil may kalayuan ang ibang nakatira sa islang ito, at may mga asawa. Ako lang naman ang binata ri—" Natigil ito dahil sa pagtataka ko sa kwento niya. Nag-iwas ito ng tingin at saka inusog ang mga plato. "Ang mahalaga, binalikan kita, kain na."

Inaantok man ay pinilit kong kumain at sinabayan na niya ako. Walang nagsasalita, gusto ko na lang matapos ang araw na ito dahil napapadalas ang pagtingin niya sa akin at may kung anong gusto siyang sabihin. Napansin kong uminom ito ng kape at saka tumayo papunta sa lababo.

"May naaalala ka ba kagabi?" mahinang tanong nito.

Napahawak agad ako sa tasa at ininom ang gatas na iyon upang pigilan ang pagsamid ko. Naikagat ko agad ang aking labi nang muli na namang bumalik sa aking isipan ang mga kabaliwang nangyari. Dapat ba akong magpanggap na walang maalala? Alam kong mahahalata niya ako.

Bumalik ito sa harapan ko at inilapag ang bote na may tubig. Napansin kong bagong ligo ito at sobrang linis ng pangangatawan niya kahit pa mayroon siyang balbas na hindi naman maruming tingnan. Mas lalo pa akong natutulala sa itsura niya ngayon. He looks matured.

"Gusto mo talaga ako, ano?"

"What?!" sigaw ko dahil sa biglaang sabi nito. Napahawak na lang ako sa aking bibig dahil sa pag-iling niya.

"Kagabi, nangungulit ka. Gusto mong halikan kita bago ka matulog. Tinanong kita kung aware ka ba sa mga ginagawa mo, sinabi mo, oo."

"You kiss me at my forehead not in my lips. So what's the problem with that?" kumpronta ko dahilan para mapangisi siya.

Hindi ko alam kung bakit mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko na halos matandaan kung ganito rin ba ang kay Sevein noon na halos makalimutan ko na. O baka mas malala ito? Am I in the stage at indenial? Goodness! Can myself answer me?!

"Naaalala mo pa nga. Hmm. Mabuti. Wala akong masyadong ikukwento. May mga tanong lang ako na gusto kong sagutin mo Zerenika Cazue Ficarro," bigkas niya sa buong pangalan ko dahilan para matigilan ko.

Mas lalo akong kinakabahan at nabitawan ko na ang kutsara dahilan para umingay ang buong paligid dahil sa pagbagsak nito sa plato. Nakaawang lamang ang aking bibig at hinihintay ang kaniyang sasabihin.

He looks like my lawyer. And now he gonna ask me some question to clarify those things that he noticed in order to know the truth.

I am his client.

"May gusto ka ba sa akin? Hindi mo kailangang mahiya. Magsabi ka lang ng totoo, malalaman ko naman kung nagsinungaling ka o hindi. Hindi naman ako nagbibigay ng malisya, gusto ko lang maliwanagan," mahinahong sabi nito.

And now, I am guilty.

Gusto kong magsabi sa kaniya ng kahit na ano, na kumportable akong kasama siy I can't define for now if I have an affection for him. I was really motivated and comfortable with him. That's it.

Yumuko ako. Tinipon ko ang natitirang pagkain sa aking plato at saka napangisi.

"I-I don't want to talk about that. Naguguluhan ako."

Liar!

The truth is I'm scared. Baka maulit na naman. Ayoko na.

"Okay. Iiwanan na kita rito. Mag-iigib lang ako. Kapag tapos ka na, dalhin mo sa likod ng kubo para mahugasan ko. Ihahatid na rin kita sa tinutuluyan mo," sabi nito na umalis na sa aking harapan.

Hindi pa rin ako gumalaw. Nakatitig lamang ako sa pagkain na umaasang sana matunaw na lang.

"Huwag mo nang isipin yong tanong ko. Ilusyon ko lang siguro iyon," huling sabi nito saka niya sinara ang pinto.

I'm hoping that he's true. Sana ilusyon lang.

Tinapos ko na ang natitirang pagkain ko at nilinis na rin ang aking sarili. I ponytailed my hair and fixed my dress. Hanggang hita ko lamang iyon at short na maiksi lang ang nasa panloob ko. I wore my black cover up para naman iwas kagat ng lamok.

Bumaba na ako para ibigay ang mga ginamit ko. Hindi pa man ako nakakapunta sa mismong likod ay napansin ko ang damit nitong pang-itaas na nakasabit sa kahoy. Huminga lang ako nang malalim at saka nagpatuloy. Hanggang sa bumungad ang malapad nitong likuran, nakatalikod ito habang kumukuha ng tubig sa balon.

"F-Fred," tawag ko ngunit naka-iwas ang aking paningin.

Napansin ko ang pagtingin niya sa akin at saka lumapit. "Balik ka na sa loob, malamok dito."

"Hmm yeah."

Nagmadali akong bumalik sa bahay niya. Wala akong magawa kundi ang ayusin ang ibang gamit doon dahil nakakahiya naman kung hindi ko aayusin. Kung ano-ano na lang ang ginawa ko. Tumingin sa mga litratong mangilan-ngilang naroon. Ang litrato niya ah ng kaniyang lola na nag-alaga sa kaniya.

I smiled bitterly. He once our employee. Sa tuwing break time noon sa kumpanya, hindi siya nahihiyang kainin ang niluto ng kaniyang lola. Inaalok niya pa ako ngunit mas pinipili kong ubusin niya ang pinaghirapan ng lola niya.

But then again, life is a beautiful lie, and death is a painful truth. Fred's grandma died. Malakas ang kutob kong kasalanan ko iyon, hindi ko maiwasang ibalik ang panahon noon, may tyansa pang mabuhay ang lola niya. Alam kong kinilang siya sa pera. Malaki ang sweldo niya sa amin ngunit nalaman ko na hindi niya rin iyon kinuha.

I badly want to ask him. Pero natatakot akong makita ang itsura niya na nanlilisik ang mata sa akin. Napapadalas ang panaginip ko tungkol sa kaniya noon na nagagalit ito sa akin, na ako ang dahilan ng lahat.

Everytime I asked him before about my dreams that seems like happened in real life, he always smiled. He didn't response.

Hindi kami natuloy sa pag-alis dahil sa biglaang pag-ulan, sobrang lakas at kahit siya ay hindi ako pinayagang umalis. Malakas ang kulog at nakakatakot ang panay pagkidlat. Baka tumama iyon sa isla at magkaroon ng sunog.

"Ayos ka lang?" tanong nito saka naupo sa aking tabi.

"I guess," tipid kong sagot at saka ko naramdaman ang paglingon niya.

Nasa sulok lamang ako ng kubo habang nakapulupot sa akin ang kumot. Tinitiis ko ang lamig kahit nakasara na ang mga bintana at pinto ng kubo ni Fred. Hindi ko pa rin maiwasan lamigin.

"Kanina ka pa tahimik. Nagulo ko ba ang isip mo sa tanong ko? Hmm, pasensya na. Gusto ko lang naman na linawin at marinig mula sa 'yo—"

"What if I said, yes? That I like you? Will you avoid me?" matapang kong saad habang kinukurot ang aking kuko.

Ayoko nang maging duwag. Wala ng lugar para doon, bahala na kung maging kahiya-hiya ako. At least hindi ko ito pagsisisihan, unlike noon, kung umamin ako, may tyansa siguro.

Tahimik. Bukod sa nagagalit na ulan, tahimik lang siya. Hindi ko magawang lumingon dahil natatakot ako, tatawanan niya kaya ako? Sana hindi na lang siya maniwala, para kahit papaano mabawasan ang hiyang nararamdaman ko.

Mas lalo kong isiniksik ang aking ulo sa sulok. At sa sobrang pagtatagal ko ay halos makatulog na ako.

Isang mahinang pagtapik ang aking naramdaman sa bandang balikat. Bahagyang kumirot ang kabilang balikat ko kaya agad akong gumalaw at nagmulat.

Si Fred, nakaluhod ito sa harapan ko ngunit tumayo rin. Nagmadali ako sa pag-aayos ng sarili dahil sa pagtingin nito sa akin. Ngunit musa siyang pumunta sa likuran ko at banayad na sinuklayan ang mahaba kong buhok.

"Nakatulog ka kanina. Hapon pa naman, napasarap ka ata sa pagtulog kaya hindi na kita ginising. Alis na tayo, hangga't kalmado ang alon," pabulong na sabi nito.

Hindi pa ito nakuntento at itinaas ang cover up ko upang maayos iyon. Nang tuluyan na siyang makaharap ay wala akong ibang makita sa mga mata niya kundi ang gaya ng dati. Maamo, nangungusap na para bang may gustong ibulong.

"I want to go home," bulong ko na kaniyang tinanguan.

Tahimik lang ang buong byahe. Ni hindi ako makapagsalita at sinigurado kong may sapat kaming layo sa isa't-isa. Sinigurado kong hindi niya ako maaabot kahit papaano. Agad akong kinabahan nang makita ko sa pampang si Mang Lando na natigil sa pag-aayos ng kaniyang lambat. Nakunot ito saka umiling nang huminto ang bangka.

"Mabuti naman at hindi mo siya pinabayaan Fred, nag-alala ako nang lumakas ang ulan," panimula ni Mang Lando na hindi ko pa rin siya tinitingnan.

"Hinatid ko lang po siya. Hindi rin po ako magtatagal."

"Tamang-tama, samahan mo muna si Ma'am Ficarro at kainin ito, niluto yan ng asawa ko." Inabot nito nay Fred ang maliit na bilao saka bahagyang yumuko.

"Salamat po. Una na po kami," pagpapaalam ni Fred at ngumiti lang ako sa matanda.

Nauna akong naglakad sa kaniya. Minadali kong lumakad papunta sa bahay at saka iniwang bukas ang pinto. Nang sa wakas ay nakarating na siya ay agad niyang dinala iyon sa mesa.

"Kapag may kailangan ka, si Mang Lando ang lapitan mo rito, wala naman akong selpon kaya hindi kita matutulungan agad kapag nasa kabila na ako," mahinang saad nito na nakatingin na sa akin.

Nakaramdam agad ako ng kakaiba sa aking katawan. Why do I feel this way? Nag-iiba ang temperatura ng katawan ko. Naiinitan ako na hindi ko maintindihan. Sarado ang mga bintana at pati ang pinto ay sinara niya. What am I thinking?!

"Ayos ka lang? Bakit ka namumula? Ayaw mo bang buksan ang electric fan o bintana para naman mahanginan ka. Matutuyuan ka ng pawis niyan," mahinang saad nito saka unti-unting lumapit sa akin dala ang bimpo.

I can't control myself. I have to do this, but how? Ang katawan ko, pinagtutulukan akong gawin iyon.

"Fred? I-I have a favor, if it's okay," bulong ko ngunit nangunot lang siya.

"Ano ulit?

"A-Ano, naiinitan kasi ako," bulong ko kaya agad siyang umalis sa harapan ko para sana buksan ang bintana nang hablutin ko siya.

"W-Would you mind to kiss me? A-Ahm, gosh!" pikit-mata kong saad.

"Ano bang nangyayari sa iyo? Bakit ba lag—"

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari, basta ko na lang nakita ang sarili kong hinahalikan siya, nanginginig ang aking mga kamay habang mahigpit na nakahawak sa kaniyang damit.

Ang dapat na pagbitaw ko sana sa kaniya ay naudlot dahil sa paglalim ng halik. No'ng una ay hindi siya gumagalaw but then, he suddenly moved as hell! Mas lalong nag-init ang katawan ko at pagpawisan ang aking katawan.

"Hmm!" Hindi ko na napigilang mailabas iyon sa aking bibig.

Nagsimula nang gumapang ang kaniyang halik sa aking panga, pataas sa tenga at unti-unting bumaba sa aking leeg. Humihigpit ang kaniyang hawak sa aking bewang habang sinusuportahan ako sa paghiga. Nang mahiga ako ay siya ang nasa ibabaw ko, ni hindi ko magawang imulat ang aking mga mata dahil sa sensasyon na nangyayari.

I am aware. This time we're both aware.

Naramdaman ko ang pagtigil niya. Umangat ito ng tingin at mabilis na napapikit. Parehas kaming naghahabol ng hininga at ang namumula niyang mukha.

"I'm sorry, Ren. Hindi ko kaya," bulong nito saka umalis sa aking harapan.

He closed the door. He left me. I am indeed desperate.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.