Hindi ko maiwasang tingnan ang lalaking taimtim na nagdarasal, nakaluhod at pilit na kinakausap ang Diyos, ngayon ko lang nalaman na mahilig siyang magsimba at pansin kong kilala siya rito. Dahan-dahan itong nagmulat saka napatingin sa akin, kumunot ito na para bang nagtataka kung bakit ko siya tinititigan. Ngumiti lang ako saka naupo muli, gano'n din ang ginawa niya. Nanatili lang kaming tahimik hanggang sa tumunog ang kampana. Napatayo agad kami bago ngumiti sa iba na binabati ang isa't-isa.
"Sana huwag munang umulan," sabi nito sa akin saka kami nag-high-five.
Dumiretso agad kami sa kotse, gustuhin man niyang siya ang magmaneho ay wala naman siyang lisensya. Napansin ko ang mahinang pagkanta nito habang pasulyap-sulyap sa akin. Naikagat ko na lang ang aking labi nang maalala ko ang mga nangyari kagabi. He even sweeter right now. Napapadalas ang pagiging malambing niya na alam kung hindi na magtatagal. Dahil sa kaunting panahong na lang aalis na siya. Sinubukan kong alisin sa utak iyon dahil ayokong may makasira ng araw niya, I clearly seeing that he's happy. Ang napapadalas nitong pagngiti saka hahawak sa aking kamay.
"Sigurado akong magugustuhan mo kung saan tayo pupunta," bulong ko habang kinukuhanan niya ako ng litrato.
"Let's take a picture, later. Para may dadalhin ako 'pag uwi," mahinang sinabi nito habang titig na titig sa camera.
Gusto ko siyang pigilan, pero hindi ko alam kung paano. Gusto ko siyang kumbinsihin na huwag na lang umalis at tutulungan ko siyang makuha ang lisensya para makapagsimula, pero tanging ngiti lang naman ang sinasagot niya sa akin.
Let's do some memories in that camera, not for us, but for me alone to remember. Let's do it, Fred. We will make this day, an unforgettable day.
"Yeah. For memories," bulong ko.
Hininto ko na ang kotse dahil halos tanaw ko na ang isang sikat na museum, nangunot naman ng noo ang katabi ko na sinisipat ang buong lugar. Nauna akong lumabas kasunod siya. Hindi matigil ang pag-ikot ng kaniyang leeg dahil sa laki ng sakop ng museum na iyon na sigurado akong magugustuhan niya lalo na't sa katabi nito ay may mga art collection din.
Natigil ako nang may humawak sa aking kamay, mahigpit iyon na bahagya niya pang pinipisil-pisil. Napatingin pa ako sa camera nitong nakasabit na sa kaniyang leeg na umabot hanggang sa ibabaw ng kaniyang tiyan, bagay sa kaniya ang suot niya, pero hindi pa rin nagbabago ang buhok nitong malago ngunit nakaayos naman.
"You looks like a daddy," ngiting sambit ko rito na unti-unting ikinalaki ng kaniyang mata.
Kitang-kita ko ang paglunok nito at dahan-dahang napatingin sa aking tiyan, nangunot naman ako dahil hindi ko alam kung bakit gano'n siya makatingin, nanlamig pa ang kamay nito kaya agad ko itong hinampas sa kaniyang dibdib.
"Hey! What happened?"
"Buntis ka?" tanong nito sa akin na ikinalabog ng puso ko, pero tumindig din ako dahil naalala kong meron ako ngayon.
"No I'm not! You silly!"
"Bakit mo sinabi na, daddy?" inosenteng tanong nito na hindi pa rin maalis sa akin ang tingin.
"Your look, you look matured, daddy, or what so ever a cowboy," natatawang anas ko na ikinabuntonghininga niya.
Umaasa ba siya? I like it.
Mas lalo niya akong hinila palapit sa kaniya, maraming mga tao, Peroi hindi naman masyadong nagsisiksikan. Malawak ang espasyo, pagkapasok la lang namin ay mayroong iba't-ibang lagusan, mas inuna namin ang isang area na patungkol lang sa mga lumang gamit na ginamit ng mga kastila, ang mga sulat kamay noon at ang mga librong ilang dekada na ang nakakaraan. Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita namin ang isang kwintas, emerald green. Isang kwintas na nakuha mula sa lumubog ng barko noong 1900, sobrang tagal na ngunit walang kupas pa rin ang mga kagandahan.
"Ang may-ari ng kwintas na iyan, ay namatay dahil sa sobrang lamig ng tubig. Nakulong siya mismo sa kaniyang kwarto na nakapuwesto sa tuktok kung saan naroon ang mga nay dugong bughaw. Nangako ang lalaki na babalikan niya ang babae kahit na anong mangyari kaya matiyagang naghintay ang nagmamay-ari niyan. Hindi alam no'ng babae, na namatay na ang nobyo niya dahil sa panlalaban sa magulang ng mayamang babae. Noong unang panahon, alipin lang ang mga mahihirap, at dapat mong sambahin ang mga mayayaman," mahabang salaysay ni Fred sa akin habang titig na titig sa babaeng mestisa na may suot na kwintas sa litratong naninilaw na.
Bella. Ang susunod na Reyna sa inglatera kung hindi lang siya namatay.
"Hanggang sa lumubog ang barko, hindi na nagtangkang lumabas si Princess Bella dahil naniniwala siyang magkikita sila ng lalaking alipin."
Napamaang ako sa mga sinabi niya na mas lalong nakapukaw sa akin ng interes. Malinaw siyang magkuwento at halos naiintindihan ko.
"Saan mo naman nabasa iyan?" tanong ko saka niya ako hinila sa kabilang area.
"Kuwento ni lola sa akin. Kahit na hayskul na ako noon, nagkukwento pa rin siya. Ang sabi niya, gusto niyang kuwentuhan ang mga magiging anak ko, hanggang sa makatulog nang mahimbing. Mukhang hindi na mangyayari iyon, ako na lang siguro ang gagawa ng plano niya," ngiting sabi nito na hindi man lang tumingin sa akin.
I badly want him to comfort, pero paano? Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa aking kamay at saka iyon hihimasin, he loves to massage it.
Nag-ikot pa kami at halos lahat ng makita niya ang kinukwento niya sa akin, para tuloy siyang isang guide ko. Lalo na sa mga litratong hubad na hindi man lang siya nailang, arts purposes. I saw how he became more professional with that. Hindi siya iyong tipong tao na binibigyan ng malisya ang lahat.
Nagpasya kaming lumakad naman sa labas dahil tanghali na rin, we chose to eat at a simple food court, sobrang daming pamimilian na pati ang pusit na paborito naming dalawa ay hindi namin pinalampas. Kaunti lang ang kinain ko dahil mas gusto kong paglutuan siya mamaya sa bahay. We both started to walk around museum. Nakasuot na sa akin ang kaniyang sumbrero, hapon na rin naman kaya hindi masyadong mainit.
"Thanks, Ren, sinamahan mo ako," nakangiting sabi nito matapos kainin ang kwek-kwek.
"You deserve it, gusto kong maranasan mo ang umikot rito bago ka umalis," mahinang sabi ko na kaniyang nginitian.
"Maaga tayong uuwi, diba?"
"Yep. Paglulutuan kita, tapos bukas, samahan na kita mamili ng mga gamit mo, may mga damit ka ba rin naman, marami naman akong maleta kaya ibibigay ko na lang sa iyo yon," wika ko saka niya hinawakan ang aking kamay.
Inalalayan ako nitong maupo sa malilim na puno. Ni hindi ko maintindihan kung bakit sobrang titig na titig siya sa akin at biglang bubuntonghininga.
Tahimik lang namin na pinagmasdan ang mga batang naglalaro, napapatawa pa ito sa tuwing may batang nahuhuli ng kalaban nila. Hindi maalis ang kamay niya sa aking bewang, sobrang daming tao, sa unang pagkakataon, nawala ang takot sa dibdib ko na baka may makakilala sa akin. Nawalan ako ng paki-alam at mas lalong sumidhi ang damdamin kong manatili sa ganito.
"Ren? Kapag naiwan ka ng mag-isa rito, huwag mong papagurin ang sarili mo, mahirap iyong laging umiinom ng gamot, tapos stress ka pa," biglang sambit nito na hindi ko magawang tingnan.
Alam kong nakatingin siya sa akin. Hindi pa ako handang marinig sa kaniya yan. Masyadong mabilis. Masyado pang maaga. Hindi ko pinakinggan ang mga sinasabi niya dahil ayokong masira ang araw ko. Ngumiti lang ako bago siya niyayang maglakad pauwi. Pinahatid ko na lang sa isang kakilala ko ang kotse papunta sa bahay. Pumayag naman si Fred na maglakad kami dahil may kalapitan lang naman ito.
Gusto kong alisin lahat ng negatibo sa utak ko, malasap man lang ang hangin kahit na kontaminado na ito ng maruming hangin. Gusto ko lang mahanginan, mabagal ang paglalakad namin habang tinititigan ang aming mga anino na natatanaw na namin dahil dumidilim na.
"Hey, love come here, I have something to tell with you," mahinang usal ni Fred sa aking tabi na mukhang kumakanta.
Mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa aking kamay habang nasa gilid kami ng kalsada at mangilan-ngilang ilaw ng sasakyan na tumatama sa amin.
"Hold my hand tightly, before I let you go... Don't call my name, Co'z might you feel the pain..."
Kusang tumulo ang mga luha ko sa garagal na boses ni Fred habang kinakanta iyon, tahimik lang akong nanghihina at ayokong bitawan ang mga kamay niya. Habang tumatagal, mas bumabagal ang paglalakad namin. Ni hindi ko magawang lingunin siya dahil alam ko ang sakit, ang malalim niyang paghinga at kapos na hininga. Pinipilit na bigkasin ang lirikong sumasaksak sa akin.
"Is this the place? We're used to love. And if you have a minute why don't we go? Talk about it, somewhere only we know, this could be the end of everything... So why don't we go, somewhere only we know..."
This could be the end of everything...
Hindi puwede. Ayoko pa.
Sa pagtatapos ng kaniyang kanta, naramdaman ko ang paghalik nito sa aking noo, banayad na pinunasan ang aking luha at saka pinisil-pisil ang aking pisngi. Kitang-kita ko ang namamasa nitong mga mata na unti-unting nagpatulo rito. He's crying. Mabibigat ang paghinga saka binitawan ang aking kamay.
"Hanggang dito na lang, Ren. Sumama ka na sa kanila, huwag matigas ang ulo," bulong nito saka lumingon sa kanang bahagi ng direksyon.
Kusang nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakikita ko, sa harap ng mismong bahay na tinutuluyan namin ni Fred ng mahigpit isang buwan, naroon ang isang pamilyar na sasakyan, nakatayo sa labas ng pinto si Jairo, at ang aking tito. Titig na titig sa amin saka ko napansin ang pagtango ni tito sa amin. Doon ko lang napagtanto na nakatingin si Fred kay tito na dahan-dahan ding tumango.
"A-Anong meron? Fred? Bakit sila nandito?"
"Aalis na ako, Ren. Wala na akong lugar dito—'
"H-Hindi, huwag Fred, dito ka lang." Panghahawak ko sa laylayan ng damit nito dahil sa pagtalikod niya sa akin.
Tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha nito, wala akong paki-alam kung nandito sila tito, hindi puwedeng masira ang araw ni Fred.
"Umuwi na tayo Zerenika," ma-awtoridad na utos ni tito na kahit may kalayuan sa amin ay pakiramdam ko nasa malapit ito.
Hindi ko sila pinakinggan, pero pansin ko ang paglalakad ni tito habang si Jairo ay nananatili lang sa kotse, nakatayo, at iniwasang tumingin sa amin. Mahigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit ni Fred, na pilit niyang kinukuha, pilit niyang tinataboy ang aking kamay.
"Makinig ka sa tito mo—"
"Hindi! Huwag kang matakot kay tito, o-okay? K-Kakausapin natin siya, d-dito ka lang Fred," pagmamakaawa ko habang nahihirapang titigan siya dahil sa naiipong likido sa aking mata.
"We already talk. Mawawala ang lahat sa 'yo, kapag sumama ka sa akin, mahihirapan ka, ayokong maghirap ka. Makinig ka sa tito mo, Ren. M-Makinig ka sa akin, sumama ka sa kanila—"
"Enough Fred. Umalis ka na, aalis na ang barkong sasakyan mo. Sumunod ka sa usapan, Suarez," striktong sabi ni tito na may kalapitan na sa amin.
Napako ako sa sarili kong kinatatayuan. Usapan? Nag-usap sila nang hindi ko alam? Tuluyang nanghina ang mga kamay ko dahilan para madali na lang kay Fred na itaboy ang mga kamay ko. Pakiramdam ko ay matutumba na ako sa aking kinatatayuan, pakiramdam ko babagsak ng tuluyan ang langit sa akin.
Walang salitang sinabi si Fred ngunit ang mga mata niya, ang namumula niyang mata ang huli kong naaninag matapos niyang isabit sa akong leeg ang camerang walang ibang laman kundi ang mga litrato namin. Isang ngiti ang kaniyang ibinigay, bago niya ako tuluyang talikuran, ang napaagang paghakbang niti palayo sa akin.
"F-Fred, m-magluluto pa tayo diba? S-Sabi mo tutulungan mo akong magsampay ng mga damit natin... Kakantahan mo ako mamaya diba? F-Fred! Nangako ka sa akin, m-may pupuntahan pa tayo, yong art collection, sasamahan kita roon. D-Dito ka na lang," malakas kong pagpapaalala sa kaniya ngunit hindi niya ako nilingon, tuloy-tuloy lamang siya sa paglalakad hanggang sa lumiko at mawala ang kaniyang anino.
Isang mainit na kamay ang humawak sa aking palad ngunit mabilis kong itinaboy iyon, nanginginig na pinilit kong humarap sa sarili kong tito na wala man lang emosyon ang kaniyang mukha, ni wala man lang ginawa para pabalikin si Fred. Siya ang dahilan kung bakit umalis si Fred.
"Umuwi na tayo."
"Hindi. Hindi ako sasama sa inyo," matigas kong saad kay tito habang tuloy-tuloy na rumaragasa ang aking mga luha.
"Hayaan mo na si Fred, Zeren. Gusto na niyang umuwi sa kanila. Hindi ka na bata para paulit-ulitin ko ito sa iyo. Fix yourself, umuwi na tayo."
Tinalikuran ako ni tito at saka dahan-dahang naglakad. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa kinilos niya, parang hindi siya ang tito ko na nagpalaki sa akin at walang ibang hinangad kundi ang sumaya kami. Hindi na siya ang tito ko na sumusuporta sa akin, sa mga bagay na magpapasaya sa akin. Hindi na siya iyon.
"You are selfish," matigas kong sabi na nagpahinto sa kaniyang paglalakad.
Ang mga naninilaw na ikaw na galing poste ang nagbibigay liwanag... pero kadiliman ang bumabalot sa mga paningin ko. Hindi ko malinaw na makita kung bakit niya ito ginagawa.
"Hindi na ako bata? Of course! Talagang hindi na dahil kaya ko ang sarili ko, I have rights! I have my own decision, yet you wanted me to follow you! Hindi ko alam kung bakit ganito tito, kung bakit kailangan kong maipit sa isang sitwasyon na ako ang magbabayad," humahagulhol kong saad sa kaniya na tuluyang humarap sa akin.
Lahat kinimkim ko, lahat ng tampo, galit, at tanong sa kanila, pinilit kong lumukin at itago dahil mahal ko sila. Dahil alam kong hindi nila ako sasaktan. Alam kong mahal nila ako... pero maling-mali ang lahat ng ito.
"You don't even know what you're saying, pagod ka lang. Umuwi na tayo ng mansyon at saka ka magpahinga."
"Pagod na ako kaya ayokong sumama sa inyo. I-I've just only want a peaceful life, why can't I have it? Hindi ba kayo nagtataka? Nasa atin na ang lahat, pera, tirahan, karangalan, pero hindi ako masaya... masaya akong makita kayong nakangiti pero hindi ko naranasang ngumiti para sa sarili ko," garagal kong bulong habang lumalapit sa kaniya.
Kitang-kita ko ang pagtulo ng luha nito, ang panginginig ng kaniyang mga kamay ngunit mas nanaig sa akin ang awa... ang awa sa aking sarili.
"Nangako ako sa magulang mo na bibigyan kayo ng maaayos na buhay, Zeren. Why you can't understand those things? Walang-wala si Fred, hindi niya maibibigay ang mga pangangailangan mo," matigas na sabi nito saka ako huminto sa kaniyang harapan.
Sa huling butil na lumabas sa aking mata ay kusa akong ngumiti. Hindi niya ako naiintindihan, alam kong kahit kailangan hindi niya ako naiintindihan.
"You're wrong. Hindi niya man maibigay ang materyal na bagay na meron tayo, tinuruan niya akong maging kuntento. Ang taong walang ibang inisip kundi ang kasiyahan ko. Wala kayong narinig na reklamo sa akin, lahat ng gusto ninyo ginawa ko. You already did your part tito, nagawa mo na ang mga pinangako mo sa mga magulang ko—"
"Mawawala ang lahat sa iyo kapag nagpatuloy ka sa pagiging matigas ulo, Zerenika—"
"This time, let me do my part. I am thankful for having you, tito. Wala akong paki-alam kung kunin mo ang lahat sa akin, pero si Fred." Umiling ako, at saka huminga nang malalim. "Hindi ninyo puwedeng diktahan ang puso ko kung sino ang mamahalin ko. Kung sakaling hindi ko man mapantayan ang buhay na binigay mo sa akin, hindi ko kayo sisisihin... because this is my choice."
"Zerenika Cazue—"
"Fred is my choice."
Mabilis ko siyang tinalikuran at pinilit na makaalis sa lugar na iyon, paulit-ulit kong naririnig ang pagtawag sa akin ni tito at ang paghingi niya ng tawad.
Wala kang kasalanan tito... Gusto ko lang maging masaya.
Hinanap ng aking mata ang taong walang ibang inisip kundi ang sumaya ako. Lakad, takbo, lakad, takbo ang aking ginawa at kahit na madilim ay pinilit kong hanapin si Fred. Alam kong hindi niya ako iiwan, alam kong nandito pa siya. Ngunit nangyari na ang kinakatakutan ko, bumagsak ang malakas na ulan dahilan para mas lalong lumabo ang aking paningin, naghalo ang luha sa tubig ulan at ang madilim na kalsada. Ngunit bago pa ako matumba sa aking kinatatayuan, napansin ko ang isang anino mula sa aking likuran na pamilyar ang porte ng katawan.
Mahigpit na yakap mula sa aking likuran ang aking natanggap at ang paghagulhol naming dalawa sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan.
"Let's do some memories not just only here in camera. We'll live together, instead."