Chapter 35
Heavy heart
That night I couldn’t sleep well thinking about him. It took me almost three hours laying down in bed with my eyes closed, but the truth is, I was mentally awake—the reason why I woke up late—almost noon already. Kung hindi pa ako naabutan ng sinag ng araw baka hindi na talaga ako natulog. Kaso kailangan kong matulog dahil kun’di ay baka mag collapse na ako dito.
Mag-aalala na naman sila mama at papa.
Umalis na ako sa pagkakahiga at agad na inayos ang sarili. I have a big room here in our house unlike in my apartment in Gensan kaya hindi ko na kailangan lumabas pa para pumunta sa banyo at maligo, I have my own bathroom here and walk in closet. Si papa na mismo ang nagpalagay ng mga lahat na kakailanganin ko rito.
After fixing myself, I touched my phone, hoping to receive a text message coming from him. For the nth time, I got disappointed by hoping. Wala talaga akong natanggap na kahit ano sa kaniya. Ni “hi” or “hello” wala. Today is his flight to New York tapos hindi ko man lang siya makausap bago siya bumalik do’n.
I stare at my phone for a long time nagbabakasali na baka bigla na lang akong matanggap ng tawag sa kaniya pero kumatok na lang si ate Nena ay wala talaga akong natanggap.
“Opo ate, bababa na ako,” tugon ko kay ate Nena ng kumatok siya dito para sabihin sa akin na kumain na raw ako kasi tanghali na.
Nalulumong bumaba ako para kumain. I have no energy to do anything right now, thinking about him. I can’t contact him since yesterday at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya ma contact kasi nakapatay na ang cellphone niya.
Tinadtad ko na rin siya ng mga texts para ako ang una niyang tawagan kung sakali na bubuksan niya ang cellphone niya.
“Good noon , hija,” a tender voice of my father greeted my morning.
He was holding a full textbook about medicine while having his food serve on the table. Nakasuot din siya ng formal na damit para sa kaniyang trabaho. Tanghali na ha bakit nandito pa siya?
“Good noon papa,” I greeted back and kissed his cheeks. Umupo na ako sa upuan ko at nagsimulang kumain.
Wala si mama at si Yesha tanging kaming dalawa lamang nasa ang long table na ‘to at kumakain.
“Tanghali na papa, why are you still here?” kyurso kong tanong sa kaniya bago sinubo ang pagkain.
He closed the book he was reading and fixed his rimmed eyeglasses, then stares at me. “Bakit ayaw mo ba akong kasama dito?” may kunyaring pagtatampo sa tono nito.
Natawa ako sa sinabi niya, “Hindi naman papa nagtaka lang ako kasi tanghali na and supposed to be you’re at your work. Mas kailangan kayo do’n,” pagpapaliwanag ko kahit na hindi naman kasi alam niya naman kung bakit natanong ko ‘to sa kaniya.
Kinain niya ang natirang pagkain bago niya ako sinagot, “Mas kailangan ako ng anak ko dito. Kakarating niya lang kahapon s’yempre hindi pwedeng hindi ko siya makita ngayon.”
Mas lalong lumapad ang ngisi ko dahil sa sinabi niya sa akin. Kaya siguro hindi ako nahirapan na mag adjust sa kaniya no’ng pinakilala siya sa akin ni mama kasi kinuha muna niya ang loob ko bago sila nagpakasal ni mama ulit. He took care of me first and treated me as his real daughter before getting married to my mother.
Kaya ganito na lamang ako ka close sa kaniya dahil na rin sa ginawa niyang pagtulong at pag-alaga sa amin no’n ni mama.
“Eto naman papa masyado mo akong na miss eh ilang buwan lang naman akong hindi umuwi dito eh,” I said to him, laughing.
“Siyempre naman… walang araw na hindi ka namin na mi-miss dito sa bahay. Si Yesha nga ay palagi kang bumbibig sa amin kapag nasa hapag kami. Tanong nang tanong kung kailan ka uuwi dito,” he stated.
“Asus papa, binibiro moa ko eh.”
Nagtaas siya ng kilay sa akin at pinatong ang mga siko sa lamesa at pinasiklop ito.
“I am not joking. Kung pwede tawagan ka ng kapatid mo araw-araw ay ginawa na niya kaso ayaw niyang na iistorbo ka sa pag-aaral mo.”
“Ikaw papa kamusta ka na? Kayo ni mama?” pag-iiba ko ng topic.
Sinubo ko ang panghuling pagkain at uminom ng tubig naghihintay sa sagot niya.
“Your mama and I are okay. Minsan masyado lang talaga kaming busy sa hospital kaya minsan lang din kami umuuwi dito sa bahay. Sometimes, I am quite guilty because we couldn’t spend more time with Yesha,” he answered.
“Naiintindihan naman kayo ni Yesha pa. She knows that you and mama were both busy because of your job, especially that you’re the one who owns the hospital. Hindi ka lang namamalakad, but you’re very hands own also in taking care of the patients, ‘Yon nga lang you also need to spend time with her sometimes since mag-isa lang siya dito palagi,” I expressed.
Dahil na rin siguro mulat kami sa katotohanan na hindi madali ang trabaho ng mga magulang namin ay naiintindihan namin sila. Kaso hindi lahat sa pagkakataon ay maiintindihan ni Yesha lahat. She’s young and also needs an attention and love by our parents.
“Kaya nga laking pasasalamat namin at masyado niyo kaming naiintindihan but at the same time we’re also afraid. Baka kinikimkim lang lahat ni Yesha at ayaw niya lang sabihin sa amin.”
“Yesha isn’t like that pa. Just have to spend quality time with her, and you’ll get to know her more,” suhestiyon ko.
“Noted anak…”
Nginitian ko naman siya bilang tugon at kinain ang dessert na hinanda ni ate Nena. It’s mango float actually kaya takam na takam ako.
My eyes landed accidentally on our big wall clock. Takang tinignan ko ang aking ama kasi hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umaalis para pumasok sa trabaho niya.
“Hindi pa rin po ba kayo papasok, pa?”
He looked at his wristwatch ngunit tila ay wala pa rin kaso sa kaniya na late na siya. Mas nakakagulat dahil istrikto si papa padating sa oras ng trabaho.
Time is very important to someone like them. Every second, minute, and hour you could have saved a patient already. Paano pa kaya ang half-day? Parehong surgeon ang mga magulang ko. Both neurosurgeon to be exact kaya minsan palagi silang tambay sa ER dahil kadalasan mga motor accident ang suki ng ER.
“Your mom was there, and I have nothing to worry about since I already finished most of my cases yesterday. Mamaya na ako mag du-duty after taking some time with you. Bakit may plano ka ba ngayong gawin?” tanong niya.
Matagal ako bago nakasagot kay Papa. Natigilan ako sa tanong niya. Plano? Hindi talaga ako nakapaghanda ng plano ko ngayong araw dahil kay Reeve. I have plan already na dito lang ako sa bahay at mag-uusap lang kami ni Reeve kapag nasa New York na siya.
Hindi ako nag plano ng kahit anong activities besides going home here. Kaso hindi ko siya ma contact simula kahapon paano kami makakapag video call kung hindi ko siya ma contact?
So basically, wala akong plano ngayon. Hihintayin ko pa rin ang tawag ni Reeve at baka kung umalis ako baka do’n na siya tumawag, so I slipped the chance of contacting him.
“Anak?” My father called my attention. Iniling ko ang ulo ko at pilit na nginitian siya. I spaced out.
“Wala po akong plano ngayong araw pa. Baka bukas pa po,” magalang kong tugon sa kaniya at pilit na ipinapakita ang ngiti.
After we ate our lunch, we spend the remaining time here in our playroom. Mayroong mga indoor activities ang playroom namin dito sa bahay. Mayroong bowling, pool, and some board games. I am not sporty girl kaya minsan lang ako mamalagi dito. The only thing I could play is bowling. Pang beginner pa nga lang ang kaya ko unlike papa na alam halos lahat dito.
“Ang daya papa! Magaling ka dito eh!” reklamo ni Yesha ng naubos na naman ni papa lahat ng pins sa lane.
I got tired of matching with my father kasi palagi akong natatalo kaya si Yesha naman ang pinakalaban ko sa kaniya. Ito pa talaga ang piniling laruin ni papa na siya ang mas magaling kesa sa amin.
“Just practice and focus, Yesh you’ll aim the target,” natatawang sabi ni papa kay Yesha. Nakasimangot naman ang ipinukol ni Yesha kay papa bago kumuha ulit ng bola.
“Eh paano ako makakapag focus kung ang galing-galing mo papa! Eh hindi pa nga ako nakatumba ng pins kahit isa eh!” frustrated nitong wika kay papa.
At mas lalo lang siyang nainis ng tinawanan siya ni papa at ginulo ang buhok nito.
“See… hindi mo pa nga ginagawa nag rereklamo ka na. Kaya hindi ka makatumba ng pins kasi imbis na e focus mo sa sarili mong pins ang bola mo ay nakapokus ka sa akin,” he said to Yesha.
I was just watching and listening to them arguing about the game.
“Kasi nga magaling ka na! Pa naman seryoso kasi eh.”
Natawa ako sa mukha ni Yesha kasi hindi maipinta ang mukha niya. She’s frustrated with our father, who always wins.
“Hindi ka talaga makakarating sa goal mo kung palagi kang nakafocus sa akin, anak. For you to win the game, you must focus on yourself and the game and not on the opponent,” he eyed me with a hint of a smile plastered on his face.
Natatawa kong inirolyo ang aking mga mata at umusog para makaupo si papa. Alam ko na naman kung saan papunta ang conversation namin na ‘to.
It’s life advice na madadala namin araw-araw habang nabubuhay kami at magpatuloy para sa aming kinabukasan. Kaya rin siguro masyado akong motivated sa buhay ko ngayon dahil na rin sa mga payong binibigay niya sa amin.
Aside from learning books, formulas in school to pass you must also learn the formula of life to keep going on. Kasi hindi lahat ng inaaral sa paaralan ay madadala sa pagharap mo na sa totoong buhay.
“That’s how life works, anak,” he said to Yesha.
For the last time, Yesha positioned herself and throw the ball at napabuntong hininga siya ng hindi dumeretso sa dulo ang bola kun’di ay sa gilid ito napunta.
Busangot ang mukha niyang lumapit sa amin.
“What do you mean, pa?” Curiosity filled her eyes. She opened the fridge beside us at kumuha ng tubig na maiinom bago siya tumabi sa amin.
Inakbayan naman kaming pareho ni papa bago nagsalita, “You can’t achieve success if you keep focusing and comparing yourself to others. Just like our game earlier. You’re too focused on me and my capabilities. That’s why you can’t aim at the target. In life Yesha, If you always compare yourself to others and do not believe in your capabilities, you’re not going to grow. And if you’re to focus on others life, then you can’t achieve success,” he shared.
“Kaya you need to focus on your own growth. Don’t mind other things. Okay?” he showed us the okay sign with his hands.
“Of course pa… masyado na kaming immune sa mga life advices mo kaya hinding-hindi namin ‘yan makakalimutan,” I said.
His phone rings inside his pocket. Tinanggal niya ang pagkakaakbay niya sa amin at walang pag-alinlangang sinagot ang tawag. Kahit na magkatabi lang kaming tatlo.
I heard my mom voice on the other line. I also heard their conversation that my father is needed there kaya kailangan na niyang umalis.
Bumuntong hininga siya bago tumayo. “I need to go na mga anak. You guys take care okay?”
Tumango naman kami bilang tugon sa kaniya. Naiwan kaming dalawa ni Yesha dito sa playroom.
“It’s my first time having a play with papa like this, ate,” Yesha spoke.
“How does it feel?” I asked.
“I am happy… hindi ata mauubos ang sayang nararamdaman ko ngayon kasi kahit papaano ay naka bonding ko si papa sa simpleng paraan,” happiness was evident in her voice as her eyes glistened.
“Lambingin mo lang si papa bibigay din ‘yan sa’yo,” I told her.
We spend another hour again playing. This time ay nag pa-practice na si Yesha ng bowling para naman daw sa susunod ay matatalo na niya si papa.
Pero kahit na naglalaro kami ay ang isip ko nasa kay Reeve pa rin. Matatapos na lang ang araw ay hindi niya pa rin ako kino-contact. I tried to contact him again earlier while I rest, yet it says again that the subscriber cannot be reached.
Pagkatapos namin maglaro ni Yesha ay umalis na kami sa playroom at pumasok sa kaniya-kaniyang kwarto para magpahinga.
Hindi ko naman maiwasang isipin kung asan siya ngayon si Reeve at kung ano na ang ginagawa niya. Kahit na tinawagan ko na ang kaibigan niya kagabi at tinanong kung asan siya ay tinawagan ko na naman ulit sila kanina at tinanong kung may balita sila.
Pero gaya ng inaasahan ko ay hindi rin nila ma contact si Reeve.
Damn… sumasakit ang puso ko kakaisip na nakaya niya akong tiisin ng ganito. Umalis lang ako ay ganito na ang nangyari. Iniisip ko na baka hininintay niya lang akong umalis at iwasan ako. Na baka ay ayaw na niya sa akin. Pero okay pa kami eh..
Maayos naman akong nagpaalam sa kaniya, he even flooded me a message at nang ako na ang tumawag sa kaniya ay biglang hindi niya sinagot.
Tangina, Reeve? Nakaya mo akong tiisin na hindi tawagan? Hindi mo ba ako iniisip? Hindi mo ba inisip kung ano ang magiging pakiramdam kasi hindi kita ma contact?
Renaissa:
May contact ka na ba kay Kyzyr?
Me:
Nope…
Kanina pa ako t-i-n-e-txt ni Renaissa tungkol kay Reeve. Wala akong ibang mapagsabihan ng nararamdaman ko kaya siya ang kinakausap ko. Mababaliw na ako ng tuluyan kung hindi ko ilalabas ang nararamdaman ko sa kaniya.
Renaissa:
Na contact mo na rin ba ang mga kaibigan niya?
Me:
Oo pero same answer lang din naman nakukuha ko sa kanila.
Renaissa:
Basta ‘wag ka lang mag overthink, Henzy. Baka may pa sorpresa lang o ano. Basta ‘wag kang papatalo sa isipan mo, okay? Mahal ka no’n ‘wag kang mag-alala.
Me:
Mahal pero di man lang siya nag update… hindi ‘yong papatayin niya ako sa pag-aalala.
Renaissa:
Baka may good reason naman Henzy kung bakit hindi ka niya na contact agad. Hintayin mo lang hanggang bukas, at kung hindi pa rin siya tatawag sa’yo sabihin mo lang at reresbakan ko mo boyfriend mo. HAHAHAHHA.
Me:
Para kang tanga.
Alam ko sinasabi ni Renaissa ‘yan sa akin para hindi ako mag-isip ng kung ano-ano kay Reeve. Iba kasi talaga minsan ang topak ni Renaissa.
Renaissa:
Ay aba… ayaw mong maniwala? Baka nakakalimutan mo ang ginawa ko sa ex-boyfriend ni Althea dati.
Nang dahil sa huling mensahe niya ay natawa ako. It was a great memory that will forever be cherished. Imbis na Althea ang sasampal sa boyfriend niya for breaking up with her just for a shallow reason ay si Renaissa na na mismo ang gumawa no’n sabay sipa sa pinakamaselang parte ng katawan nila. Kaya imbis na maiyak si Althea dahil sa ginawa ng boyfriend ay natawa na lamang siya dahil sa kagagawan ni Renaissa.
Pero mga bata pa kami no’ng mga panahon na ‘yon. We don’t know what we are doing unlike today.
Me:
Seryoso kasi Renaissa.
Nakanguso na natatawa ako habang nagtitipa ng mensahe sa kaniya.
Renaissa:
Girl, just trust your boyfriend. Alam kong hindi ‘yan gagawa ng ikakabaliw mo ng tuluyan. Wala ka bang tiwala sa boyfriend mo huh?
Hindi ko man naririnig ang boses niya ngayon pero sa bawat salita na sinasabi niya sa akin ay damang-dama ko.
Me:
I trust him, okay? Naniniwala naman ako na hindi siya gagawa ng ikakasama ng loob ko. It’s my first time experiencing this with him. Kasi palagi akong nasasanay na kasama ko siya palagi. Na parati niya akong t-n-i-text sa kung saan siya at kung ano ang ginagawa niya.
Nasanay ako sa presensiya niya kaya ganito ako ka balisa ngayon to think na kahapon ko pa siya hindi ma contact.
Me:
I trust him, period….
Renaissa:
E ‘yon naman pala eh… Tatawag din ‘yan sa’yo, just wait…
Hindi ko na siya ni-replayan pa at napagpasiyahan na lang na buksan ang mga social media acc pampalipas oras. I deactivated all of it no’ng final exam para hindi ako distracted. Una kong pinuntahan ay ang Instagram ko.
I only follow my close friends and some family members on the side of my mother. I am not on good terms sa side ni papa kasi. Hindi nila ako tanggap at okay lang naman sa akin.
Why beg for their attention kung may pamilya naman akong handing tanggapin kung sino ako. Kaya kapag may family gathering sila papa ay hindi na ako sumasama. Bukod kasi sa hindi nila ako gusto ay pinapahiya pa nila ako sa ibang kapamilya nila.
I got bored scrolling sa Instagram ay pumunta na naman ako sa Twitter para maki-chismiss ng ganap do’n. Unang bungad sa akin do’n ay ang pag ra-rant ng mga ka-klase ko tungkol sa exam na masyado raw mahirap at hindi niya alam kung papasa pa siya.
Unang takbuhan talaga ng mga tao ang twitter para e-expressed ang sarili nila. Bukod kasi sa hindi alam ng pamilya mo na gumagamit ka ng twitter ay malaya kang makakapag post ng kahit ano without being judged by others.
Ganyan din naman ako no’n eh. Twitter palagi tinatakbuhan.
I read some article about nursing topics kaya hindi ko na namalayan na ilang oras na pala akong tambay sa twitter kaka-retweet ng mga binabasa ko. ‘Dati kung halos rant lahat ang nakikita sa timeline ko ngayon naman ay educational purposes na.
Pagkatapos ko sa twitter ay agad naman akong nagpunta sa facebook. I don’t usually open facebook ang daming toxic kasi dito ayaw ko ng maingay.
Pero ngayon parang may parang may bumubulong sa aking isipan na kailangan ko raw buksan ang fb ko. Parang ang ipinahihiwatig sa akin ay may kailangan akong malaman.
Iba kasi talaga ang nararamdaman ko ngayon.
Walang pagdadalawang isip kong binuksan ang facebook ko at sa pagbukas nito ay ang larawan na hindi ko inaasahan ang bumungad sa akin dito.
Bigla akong napaupo sa kinahihigaan ko at tutok na nakatingin sa larawan na bumungad sa akin. I even zoom it to confirm if it was really true. Bigla akong nakaramdam ng pagkirot sa puso ko nang ma kompirma ko mismo kung sino ang mga nasa larawan.
I even zoom it so many times to confirm if it was really true pero hindi nagloloko ang larawan na nakita ko siya talaga ang nasa picture.
Damn you…. Kaya pala…kaya pala hindi mo sinasagot ang tawag ko dahil magkasama pala kayong dalawa. Nagawa mo pang ngumiti habang ako rito ay nababaliw sa pag-aalala kung saan ka na at kung ano ang nangyari sa’yo.
Kaya pala hindi mo ako magawang e-update dahil may kasama kasama ka pala.
Ang kirot na nararamdaman ko sa puso ko ay mas lalong kumirot habang patuloy pa rin ako sa pagtitig sa larawan nilang dalawa.
Reeve and Joana are in one picture happily eating in a fine restaurant, probably in New York. Tangina…magkasama pa talaga sila sa New York. Prenteng nakaupo lang si Reeve na may ngiti sa kaniyang labi at si Joana naman ay inilapit ang ulo nito malapit sa katawan ni Reeve sabay peace sign.
Tangina… nahiya ka pang yakapin ang jowa ko.
May kasama pa silang ibang mga tao sa larawan pero sa dalawang tao ko lamang mas ipinokus ang attention ko. Ilang minuto na ang nakalipas ay hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa litrato.
They looked happy in the picture—he looked happy in the picture na parang walang girlfriend na nag-aalala sa kaniya.
Mas lalong bumibigat ang nararamdaman ko sa puso ko habang titig na titig pa ring nakatingin sa kanilang larawan. I blinked and swallowed many times to refrain myself from crying. No, Henzy, it’s not worthy of your tears. You don’t cry over this…
“Don’t cry,” I console myself.
Huminga ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili ngunit ang mga traydor kong luha ay nag-uunahan na sa pag-agos.
Damn it! Kahit anong pigil ko na ‘wag umiyak ay tinraydor pa rin ako ng sarili kong mga mata.
Great… Just great… walang kwenta lang pala ang pag-aalala ko sa’yo eh masaya ka naman pala kasama ang half-sister ko.
“You’re worrying for nothing, Henzy,” I whispered to myself.
Tila lahat ng nararamdaman ko no’n ay bumabalik na naman ngayon. Na lahat na lang ng bagay sa akin no’n ay inaagaw niya. At para bang hanggang ngayon ay bumalik ulit siya para agawin sa akin lahat ang kung anong meron ako.
I know this picture means nothing, and I forebear myself for thinking another way around. I should trust him… I should trust him no matter what.
This picture is nothing, and he won’t do it to me. I was just overthinking. I need to trust him.
I wipe my tears using my hand and breath heavily…. Pilit na inaalis sa isipan ang masamang iniisip ko. I should trust my boyfriend.
Pero tangina…kahit anong pilit na pagpapakalma ko sa sarili ko ay hindi ko magawa. Ang inis na nararamdaman ko simula kahapon at ngayon ay naghalo-halo na…
Tangina talaga…nagmumukha akong tanga nag-aalala sa kaniya samantalang siya ay masayang kumakain kasama si Joana sa New York. Ni kahit update galing sa kaniya ay hindi niya ako tinawagan.
Tumunog ang cellphone ko at ang screen nito ay napalitan ng caller id ng bestfriend ko.
Suminghot ako. Malamang nakita niya siguro ang picture sa facebook. Joana and I aren’t mutual in fb pero dahil naka tag ito kay Reeve ay nakita ko agad ‘yon.
Damn him….
Hindi ko sinagot ang tawag ng kaibigan at hinintay itong mamatay na lang ng kusa. Wala ako sa mood makipag-usap ngayon dahil sa nakita ko.
Ilang beses pa siyang tumawag ulit pero gaya kanina ay hindi ko ito sinagot at pinatay ang cellphone ko wherein no one can contact me.
Tinago ko ang cellphone sa bedside table ko at humiga at ipinikit ang mga mata.
And just like that, I sleep with a heavy heart.