MISSION ACCOMPLISHED...
KALI'S P.O.V
Nang masaksak ko na ang aking sariling palad ay lumuhod na ako. "Patawad." Nasaad ko na lang sa harap ng tatlong nilalang. Kita ko namang ngumiti ang tatlo.
"Kali! Bakit mo ginawa iyan?!" Galit na tanong sa akin ni Kuya Lucian. Kaya humarap ako sa kanya. "Shhh, tiwala lang." Saad ko. Tumahimik naman siya. Bigla namang hinawakan ng tatlo ang dugong tumutulo mula aa aking palad at bigla na lang silang nag-apoy. Habang tinutupok ng apoy ang buo nilang katawan ay unti-unting nagiging mga bola ng apoy sila. Ilang saglit pa ay lumipad ang talong bola ng apoy sa himpapawid at nagdikit-dikit sila. Nanag makapagdikit silang tatlo ay bigla na lang silang sumabog at napuno naman ng usok ang buong paligid...
"Kali! Dilikado ito!" Sigaw naman ni Kuya Lucian. "Kuya, kalma lang. Magtiwala ka sa akin." Saad ko anman. Huminga lang ng malalim si kuya na nangangahulugang kinakalma na niya ang kanyang sarili. Ilang saglit la ang may narinig na kaming sigaw ng isang leon, kambing at ahas, sumunod naman doon ang pagaspas ng pakpak na humawi sa sa usok na nakapaligid sa amin. Doon nga ay nakita namin ang Chimera na may ulo ng leon, ulo ng kambing, may buntot na ulo ng ahas at isang pares ng puting na pakpak.
"Kali! Mag-iingat kayo!" Nag-aalalang sigaw ni Xavier sa amin gamit ang TeleCom. "Tiwala lang Xavier, walang mangyayaring masama." Sagot ko naman sa kanya gamit ang TeleCom.
"Ikinagagalak naming tatlo na nalaman mo ang sikreto para mapalabas ang pakpak namin." Dinig ko namang saad ng Chimera. Kaya napaharap naman ako rito. "Nabasa ko lang sa isa sa nga pinagbabawal na libro ang bagay na iyan, Chimera." Sagot ko naman sa Chimera.
"Kaytagal ng panahon magmula ng may Fantasian ang gumawa ng bagay na iyan. Lahat kase ng pumunta para huminhi ng aking balahibo ay nakikipagpatayan sa amin na hindi muna inaalam ang tunay na pakay namin." Saad naman ng Chimera. "Nakakatuwa naman na ako pala ang naka-alam nito." Sagot ko naman sa Chimera. Nagulat naman ako sa pagyukong ginawa nito.
"Bakit ka yumuyuko, Chimera?" Tanong ko rito. "Labis lamang ang kagalakan naming tatlo, dahil sa wakas ay may taong naka-alam ng pakay namin. Pagod na pagod na kase kaming pumatay. Hindi namin sinasadyang pumatay, talagang mang-mang lang ang ibang Fantasian kaya napapatay namin sila." Emosyonal na paliwanag ng Chimera. Tumango-tango naman ako.
"Alam ko namang hindi niyo talaga sinasadya iyon. Pero maiba ako, maaari ba kaming makahingi, kahit isang piraso lang ng balahibo ng iyong pakpak?" Pag-iiba ko sa usapan. "Hindi pwede." Saad naman nito na nagpagulat sa akin. "Sige, kung iyan ang nais mo. Tara na kuya." Malungkot na saad ko naman at saka niyaya ng umalis si Kuya Lucian.
"HAHAHA." Tawa ng Chimera. Kaya napaharap ako sa kanila at huminga ng malalim. "Hindi lang kase isa ang ibibigay namin sa iyo, kung hindi ang buong pakpak na ito." Saad ng Chimera na nagpalaki ng mga mata ko. "T-Totoo?" Nauutal na tanong ko. Tumango-tango naman ang tatlong ulo nito.
"Ngunit, hindi niyo na ba kailangan ng iyong pakpak?" Tanong ko sa Chimera. "Sa totoo lang eh ayaw na namin ang pakpak na iyan, dahil diyan ay maraming namamatay." Sagot naman ng Chimera na nagpangiti sa akin. Napakabuti pala ng Fera na ito. "Kung iyan ang iyong nais ay hindi ko ito tatanggihan." Saad ko naman. Pero may bigla namang pumasok sa isip ko. Kung ibigay ko na lang kaya kay Guia ang pares ng puting pakpak na ito. Mas bagay kase sa kanya para mas lalo siyang magmukhang anghel.
"Teka lang, Chimera, maaari ko bang ibigay ang iyong pakpak sa isang Fantasian na alam kong mas magpapahalaga nito?" Tanong ko sa Chimera. "Oo naman, may tiwala kami sa iyo. Pero, pwede ba naming hilingin ang pagbibigay niyo ng proteksyon sa mga Pessoas Mas sa amin dito? Kahit bigyan niyo lang kami ng pananggalang na katulad ng ginagawa ng anghel na iyon." Saad naman ng Chimera sabay tingin kay Xavier.
Ngumiti naman ako at nagsalita, "huwag kang mag-alala kaibigan. Nabigyan ko na ng proteksyon ang bundok ng mga Lauma laban sa mga Pessoas Mas." Sagot ko naman sa Chimera. Napatingin naman ito sa akin at bigla na lang may tumulong luha sa mga ulo nito.
"Maraming salamat, maaari ko bang malaman ang pangalan mo?" Tanong naman nito sa akin. "Oo naman, ako si Sephtis Kali Picosa." Nakangiting pagpapakilala ko naman. "Ako naman si Amfharo." Pakilala naman niya sa akin na nagpabigla sa akin.
"Wait! May pangalan ka pala? Haha akala ko Chimera lang ang pangalan mo." Natatawang saad ko naman dito. "Oo, si Dea Natureza pa nga ang nagbigay ng pangalan sa akin. So paano, balik na kayo roon sa mga kasama niyo?" Tanong niti sa akin. "Oo, para sana makabalik na kami sa akademya ng mas maaga." Saad ko naman. "Sige, sumakay na kayong dalawa at kami na ang magdadala sa inyo roon, naku Kali, 'di pa pala tumitigil ang pagdurugo ng palad mo." Nag-aalalang saad naman ni Amfharo sa akin. Kaya napatingin ako sa palad ko at patuloy nga ang pagdagos ng dugo rito. Nagulat naman ako ng biglang paluputan ako mg ahas na buntot nito at ipanik sa katawan. Sumunod naman si Kuya Lucian na tinalunan lang ang isang Chimera na kasing laki ng dalawang normal na size na puno. Tumakbo na nga si Amfharo papunta sa kinalalagyan nila Guia.
"Xavier, buksan mo na ang ang harang. Maayos na ang lahat." Utos ko naman kay Xavier gamit ang TeleCom. "Roger." Sagot naman niya. Kaya bumaba na siya at tinanggal na ang bisa ng Sphere niya at ang pananggalang. Kaya naman nagdara-daretso na lang ang Chimera sa pagtakbo. Nang pagkarating namin doon ay kita naman namin ang iba sa mga kasamahan ko na medyo nahimasmasan na at may malay na ang mga nagsihimatay kanina.
"Kuya! Bakit nakasakay kayo sa Chimera?!" Sigaw naman ng butihin kong kapatid na si Guia na nasa baba. "Amfharo, pakibaba na kami, para maka-usap namin sila." Paki-usap ko naman sa Chimera. Kaya pinaluputan na ako ng ahas at ibinaba ako, habang tumalin naman si Kuya Lucian pababa. Aba, lakas ng loob ah, mataas-taas din kase ang Chimera.
"Kali? Paano mong napa-amo ang isang mabangis na halimaw na tulad niyan?" Tanong ni Prince Burnt. "Simple lang, nirespeto ko lang siya bilang isang nilalang ng mga Deus at Dea." Simpleng sagot ko. Ngumiti naman sa akin ang prinsepe na nagpagulat sa akin. Eh? Ako nginitian ng mokong na 'to?
"Hoy! Nakuha mo na ba balahibo niyan? Gosh ang tagal ah, nakaka-inip." Inis na tanong naman ni Nirvana na magpataas ng kilay ko. "Nakuha ko man o hinde, wala ka ng pakialam doon. Better shut up bitch." Malamig na sagot ko naman dito. "Ahh!" Nanggagalahiting saad naman nito sabay punta malapit kay Rhys. Tss, sabat kase ng sabat.
"Uyy, Guia, may ibibigay pala kami ng Chimera sa iyo." Saad ko naman sa kapatid ko. Ngmiti naman ito ng malapad. "Ano 'yon kuya?" Masayang tanong nito. Humarap naman ako sa Chimera at tinanguan ito bilang hiwatig na kukunin ko na ang ibinibigay niya. Ibinuka naman nito ang kanyanng puting pakpak na nagpagpamangha sa lahat.
"Wow! Alam mo ba, Etits, wala namang pakpak kaninang nilabanan namin 'yan." Saad naman ni Ate Adhira na nagpataka sa akin. "Dahil iyon sa dugo ni Kali kaya lumitaw ang pakpak na ito." Saad namanng Chimera. Kaya napangiti naman ako. Ilang saglit pa ay bigla na lang nalalagas ang nga balahibo ng kanyang pakpak at lumilipad-lipad ang mga balahibong ito sa himpapawid at pumapabilog sa uluhan ng Chimera.
Nang tuluyan nang mawalan ng balahobo ang pakpak nito at tanging buto na lang ang natira ay saka naman umilaw ang mga balahibong nag-ipon-ipon sa himpapawid at nang mawala ang liwanag na iyon ay naging Cloak ito na kulay puti at may mga golden linings sa gilid-gilid nito na nagdagdag ng kagandahan nito. Baba naman unti-unti ang Cloak...
"Saluhin mo, Kali at ibigay sa iyong kapatid." Utos naman ni Amfharo na agad ko naman sinunod. Binuka ko ang mga bisig ko at unti-unti naman bumaba ang puting cloak sa aking bisig. Nang masalo ko na iyo ay humarap na ako kay Guia. Kita namang nagning-ning ang mga mata nito na nagpangiti sa akin.
"Wow naman kuya, cloak na gawa sa pakpak ng Chimera." Masayang saad naman ni Guia. "Maraming salamat cloak, Amfharo." Pasasalamat ko sa Chimera. "Hindi lang basta cloak iyan. Ipasuot mo sa kapatid mo at ipabanggit mo sa lanya ang salitang "Chimera." At doon ay makikita niyo." Utos naman ng Chinera. Kaya ang gaga kong kapatid ay hinablot sa akin yung cloak at agarang sinuot ni Guia ang cloak.
"Hindi ka naman atat ano?" Nakataas-kilay na tanong ko. Nag-peace signa naman ito. "Chimera." Banggit ni Guia at bigla na lang umilaw ang cloak at bogla na lang itong naging balahibo at ilang saglit pa ay lumitaw ang isang pares ng puting pakpak na bumagay kay Guia. Ngunit nagulat naman kami ulit ng biglang magliwanag ito at pagkatapos ng liwanag na ito ay sunod naman naging kulay ginto ang pakpak ni Guia.
"Wah! Ang ganda! Maraming salamat, Kuya Kali at Chimera." Pasasalamat naman ni Guia. Nagulat naman kami ng biglang magliwanag ulit ang pakpak at naging mga balahibo na naging cloak ulit ngayon.
"Anong nangyare?" Tanong ko kay Amfharo. "Kapag kase binanggit kase ang salitang Chimera ng may suot ng pakpak ko ay magbabalik lang ito sa pagiging cloak." Paliwanag naman ni Amfharo. "Binibini, tawagin mo na lamang akong Amfharo para 'di mo masabi ang Chimera." Saad naman ni Amfharo kay Guia. Ngumiti naman si Guia. "Maraming salamat, Amfharo." Pasasalamat naman ulit ni Guia. Tumango-tango naman ang mga ulo ni Amfharo.
"Mga kasama, tara na at bunalik na tayo!" Sigaw naman sa amin ni Prince Burnt.
"Sige, Amfharo, aalis na kami." Paalam ko naman. "Sige, mag-iingat kayo." Sagot naman nito. Tumango naman ako at tumalikod. "Tara na." Yaya ko rin sa kanila kaya inakay ni Guia si Prince Elior. Binuhat naman ni Prince Flame si Princess Zen na walang malay at naglakad na kami paalis.
Isa lang masasabi ko sa misyong ito. "Di lahat ng bagay ay nadadala sa dahas, minsan kailangan mong makipag-usap ng matino para maresolba ang isang problema."
"Hays, Mission Accomplished." Nasaad ko na lang...
...