Insurrection of Prophecy Chapter 25

AQUATICS...

KALI'S P.O.V

"Pupunta kami sa aming kaharian? Pupunta kami sa Republica de Agua?" Tanong ni Prince Breeze na nagpabigla sa amin at nagpaningning sa mga mata nila Guia at Ate Adhira. 

"WAHHHH! ATE!" Sigaw ni Guia kay Ate Adhira na halatang excited. "Oo nga Guia! Isang accomplishment na naman." Sagot naman ni Ate Adhira kay Guia.

"So, anong oras po ang alis namin?" Tanong naman ni Princess Zen. "Ngayon na kayo aalis, pero may hihintayin muna kayo na mag-guguide sa inyo sa Republica de Agua." Sagot naman ng Diretora sa prinsesa.

"Wait a minute, don't tell me si Morren ang hinihintay namin?" Nag-aalalang tanong ni Prince Breeze sa Diretora, "How did you know?" Sagot naman ng Diretora na nagpa-shock sa lahat ng Royalties.

"NOOO!" Sigaw naman ni Princess Guen at Prince Breeze at kasabay no'n ang pagbukas ng pinto ng Diretora, "La~la~la~la~la!" Pakantang sigaw ng isang babaeng pumasok sa Diretora's Office. Napakaganda nito, may kayumangging balat, may magandang hubog ng katawan, dahil sa kitang-kita mo ang hubog ng kanyang katawan sa suot niyong swimsuit.

"Shit." Dinig kong bulong ni Prince Breeze at Princess Guen na nagbigay n katanungan sa isip ko. Sino ba itong babaeng 'to?

"BABY BREEEZE! BABY GUEEEN!" Sigaw naman ng babae na nagpagulat sa amin; bigla namang tumakbo ang babae at niyakap ang dalawa, "Did you miss ate?!" Sigaw na tanong nito sa dalawang Royalties na bumigla sa amin nila Guia, Xavier, at Ate Adhira. What the heck, prinsesa siya?

"Jezzz, ate bitawan mo nga kami," iritang saad ni Princess Guen sa babaeng nagngangalang Morren, "Baby Guen, ah you're so bad, buti na lang si Baby Breeze ay hindi, hali ka nga rito." Sabi ni Princess Morren sa prinsepe sabay lapit ay yakap kay Prince Breeze, kita naman sa mukha ng prinsepe ang pagkayamot sa ginagaa sa kanya ng prinsesa.

"Long time no see, Princess Moren," sabing pagbati naman ng Diretora sa prinsesa, "OMG! Diretora Anisha, pasensya na kung 'di kita nabati, pero likewise po." Sabing pagbati rin naman mg prinsesa na yakap-yakap parin si Prince Breeze ngayon.

"Hindi pa ba kami aalis?" Yamot na tanong ni Prince Breeze sa Diretora, "Maaari na kayong umalis, sige na Princess Morren, gabayan mo na sila." Utos naman ng Diretora sa prinsesa. Nag-salute naman ang prinsesa at tumingin sa amin.

"So, tara na guys!" Maligalig na pang-anyaya sa amin ng prinsesa, grabe ka-vibes niya si Ate Adhira ah. Agad naman kaming sumunod sa kanya palabas.

"Mag-iingat kayo!" Dinig naming sigaw ng Diretora bago kami tuluyang makalabas at ma-isara ang pinto.

"Uyyy, hello pala sa inyong mga bago!" Sigaw na pagbati naman nito sa amin nang makalabas kami na nagpabigla sa amin, "H-Hello?" Sabi ko naman na nagpatawa sa prinsesa ng sobra, "Ang cute mo naman, by the way ako nga pala si Morren Serenity Summer, panganay sa tatlong anak ng Hari ng Republica de Agua." Pakilala naman nito sa amin.

"Hello! Ayaan mo ng akong magpakilala ah ses!" Maligalig na sabat din naman ni Ate Adhira na nagpatawa ng mahina sa amin, "Go ses! Gusto ko 'yan, same vibes tayo!" Maligalig na sabi naman ng prinsesa kay ate, "So kami ang magkakapatid na Picosa, si Kali, Guia, Adrien, at ang napakaganda at napakaganda ulit na ako, si Adhira, 'yun namang katabi ni Adrien ay si Xavier, boyfriend niya!" Maligalig at pasigaw na pakilala ni Ate Adhira na nagpatawa sa amin.

"Holy crap! Hala, same sex relationship? Gosh, date pangarap ko lang na makakita ng same sex couple ngayon nasa harap ko na!" Maligalig na sabi naman ng prinsesa kay Ate Adhira.

"Hey, 'di pa ba tayo lalakad?" Walang ganang sabat naman ni Prince Breeze sa ate niya, "Ayy, sorry Baby Breeze, grabe ngayon lang kase ako nakakita ng Fantasian na same vibes ko." Sagot naman nito sa kapatid habang tumatawa-tawa pa. Kaya naman pinagpatuloy lang namin ang paglalakad nang tumatawa, dahil patuloy parin nag-uusap ng kung ano-ano sila Ate Adhira at Princess Morren na parang sila lang dalawa ang Fantasian ngayon.

"Kuya, mukhang naging close agad yung dalawang 'yan ah," bulong naman sa akin ni Guia. "Oo nga, ayahan mo na, kaysa tayo naman daldalan ni Ate Adhira." Tumatawang sabi ko kay Guia, "Uyy, kuya, tumatawa ka na ngayon. Nagbalik na ata yung dating ikaw?" Tanong naman ni Guia. Kaya ti naasan ko siya ng kilay, "Ayaw mo ba?" Tanong ko sa kanya, ngumiti naman ito ng malapad sabay yakap sa akin, "Syempre gusto! Gustong-gusto!" Masayang sabi nito sa akin. Yinakap ko naman siya pabalik. Napatigil naman kami ng biglang tumigil sa paglalakad si Princess Morren.

"Wait lang ses ah, narito nakase tayo sa lihim na lagusan ah," paalam niya kay Ate Adhira, "Wait, dito sa fountain na ito?" Tanong naman ni Ate Adhira, tumango naman ang prinsesa bilang sagot. Lumakad naman siya palapit sa fountain kung saan kami nagkita kagabe ni Rhys.

"I, Morren Serenity Summer, the first daughter of King Poseidon, asking for permission to use this passage." Sigaw niya sa harap ng Fountain. Nagulat namankami ng biglang yumanig ng kaunti at nahati sa dalawa ang fountain. Doon nga ay nakita namin ang isang whirl pool sa loob ng nahating fountain.

"Ses, ano 'yan?" Tanong no Ate Adhira, "Ahhh, diyan tayo papasok, para mas mabilis tayong makarating doon sa palasyo namin." Sagot naman ng prinsesa kay ate. Nagtano-tango naman si ate bilang sagot.

"Hoy! Ang daya naman, bakit kami, hindi namin alam 'yan?" Inis na sabi ni Princess Guen sa ate nito, "Mahina pa kase kayo, Baby Guen." Sagit naman ng prinsesa sa kapatid sabay irap dito. 

"Hindi pa ba tayo papasok ate?" Tanong naman ni Guia na naki-ate-ate rin. Wow, feeling close 'to ah, "Uyy, wait lang baby ah, kailangan niyo munang kainin 'to para makahinga kayo sa ilalim ng tubig," maligalig na sagit naman ng prinsesa sabay pinalitaw ang mga kumikintab na kaliskis ng isang isda.

"Wait ses, ipapakain mo sa amin 'yang kaliskis ng isad?" Tanong naman ni Ate Adhira habang nakangiwi pa, "Ses, candy 'to! Kinorte lang sa kaliskis ng isda, dahil nga iyon ang simbulo ng aming kaharian," paliwanag naman ng prinsesa, "Ayy ganon ba, dapat kase sinasabe mo agad." Sagot naman ni Ate Adhira. Grabe naman kabilis palagayan ng loob ng dalawang 'to, totoo talaga ang kasabihan na birds with the same feathers, flocks together.

Ini-abot na ng prinsesa ang candy na may korte ng kaliskis ng isda sa bawat isa sa amin. Kinain naman namin ang mga ito...

"Arat!" Sigaw naman ng prinsesa sa amin, "Aba ses alam mo rin pala ang word na 'yan?!" Maligalig na tanong ni Ate Adhira sa prinsesa, "Oo ses, naglakbay kase kami noon sa mundo ng mga tao eh," sagot naman ng prinsesa, "Nice 'yan ses! Atleast meron ng makakaintinde sa akin." Sagot naman ni Ate Adhira.

"Hindi pa ba tayo aalis?" Tanong naman ni Rhys na nagpatibok na naman ng matindi sa puso ko, hays, "Aalis na Baby Rhys, tara na mga kasama pumasok na tayo sa lagusan." Pag-anyayang sabi naman ng prinsesa kaya naglakad na kami papasok sa lagusan... 

Nang tuluyan na kaming makapasok ay talaga namang namangha kami sa nakikita namin ngayon; isang malaking kaharian ang nasa harapan namin ngayon, napakaganda rin ng kapaligiran sa ilalim ng dagat na ito, puno ng iba't ibang uri ng mga nilalang na may kalahating Fantasian at kalahating Fera na pangdagat, tulad ng mga isda at marami pang iba. 

Nakiha naman ng pansin namin ng biglang umilaw na kulay asul sila Princess Morren, Princess Guen, at Prince Breeze.... Ilang saglit pa nang mawala ang liwanag ay nagulat kami nila Guia, Ate Adhira, at Xavier na naging kalahating Fantasian at may kalahating buntot sila ng isda...

"Nakakamangha talaga at tunay niyong anyo Guen," sabi naman ni Rhys  na halatang manghang-mangha, nakakamangha naman kase talaga ang anyo ngayon ng tatlong Royalties. Mas lalong naging maganda at gwapo sila.

"Ses! Napakaganda mo naman, 'di mo naman sinabing Sub-Fera pala kayo," namamanghang sabi rin ni Ate Adhira kay Princess Morren, "Hoy babaeng pinaglihi sa dragon, hindi kami Sub-Fera?!" Galit na sigaw naman ni Prince Breeze kay Ate Adhira, "Hoy lalakeng tuyo! Huwag mo akong sigawan ah, at saka nagtatanong ako!" Inis na sabi rin naman ni Ate Adhira kay Prince Breeze.

"Hep, hep, hep, tama na 'yan ses at baby, ses kapag kase tinawag kame sa katawagang Sub-Fera ay maaari kang pugutan ng ulo, dahil iyon ang batas namin, pero dagil bago ka pa lang eh ayus lang, ang nararapat kasing tawag sa amin ay Aquatics," pagpapakalma naman ng prinsesa sa dalawang nagkakainitan, "Hala ses, pasensya na, naku kung alam ko lang na ganon ay hinding-hindi ko sasabihin iyon, naku pasensya na talaga!" Kinakabahang saad ni Ate Adhira na nagpatawa sa amin, "Naku ses, ayos lang iyon, huwag ka ngang over acting diyan." Pagpapagaan naman ng loob ng prinsesa kay ate, tumango-tango naman si Ate Adhira bilang sagot. Humarap at umayo naman ng tindig si Princess Morren at ngumiti sa amin.

"Okay, so guys, ito pala ang aming kahiran, ang Republica de Agua, maligayang pagdating sa inyong lahat!" Maligalig na saad aa amin mi Princess Morren.

...

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.