International Billionaires 5 - 6 Chapter 1

INTERNATIONAL BILLIONAIRES SERIES:

RECAP TEASERS:

BOOK 1

International Billionaires Series 1: Nikolas Lance Afinidad

“Puwedeng baguhin ng oras ang lahat, pero hindi ang nararamdaman ko para sa `yo.”

Magkasalising damdamin—iyon ang mayroon sina Nikos at Irene sa isa’t isa.

Bata pa lang si Nikos ay hindi na nito gusto si Irene. Si Irene kasi ang sinisisi ng binata kung bakit hindi nito nakuha ang matagal nang pangarap. Pero si Irene, gaano man layuan at tanggihan ni Nikos ay hindi napigilan ang damdamin para sa binata.

Mahal ni Irene si Nikos at lalo pa iyong nakumpirma nang sa mismong birthday niya ay may ipinakilala itong girlfriend. Parang gumuho ang mundo niya sa nalaman. Pero masyado nang marami ang na-invest niyang emosyon sa lalaki para sumuko na lang basta. Hindi siya papayag na ibigay na lang si Nikos sa iba. Kaya gumawa siya ng paraan para patigilin si Nikos sa “kalokohang” magmahal ng ibang babae.

Inakit ni Irene si Nikos. Dahil kung hindi niya madaan sa santong dasalan ang binata, dadaanin niya ito sa santong paspasan!

BOOK 2:

International Billionaires Series 2: Augustus Foresteir

By Cady Lorenzana

“Even if you hurt me, it is all right. It’s okay. It will be a privilege to have my heart broken by you.”

Aware si Melanie na matagal nang may gusto sa kanya ang matalik na kaibigang si Augustus. Pero hanggang maaari ay ayaw niyang pansinin iyon. Alam niya kasing hindi niya kayang ibalik ang pag-ibig nito. May nobyo na siya, si Vince, at balak na nilang magpakasal.

Hanggang sa malaman niyang niloloko lang pala siya ni Vince…

Melanie turned to the only person she knew could help her: si Augustus. Ngunit sa halip na gumaan ang sitwasyon ay mas naging komplikado pa. May nangyari sa kanila ni Augustus at ipinipilit nitong panagutan ang nangyari na iyon.

Gulong-gulo si Melanie. Walang dahilan para magkaroon sila ng isang relasyon. Hindi niya mahal si Augustus. Pero sa tuwing naiisip iyon, parang may isang bahagi ng puso niya ang nagpoprotesta…

BOOK 3

International Billionaires Series 3: Edmundo Ferreira

By Cady Lorenzana

“Ikaw lang ang babaeng hindi magiging sapat para sa akin dahil palagi kitang kailangan.”

Ibinigay ni Alyssa kay Ed ang sarili para sa isang pakiusap na hiningi niya. Hindi na niya inaasahan na makipag-ugnayan pa sa binata pagkatapos, hanggang sa magbunga ang mainit nilang pinagsaluhan.

Inalok siya ng binata ng kasal. Pero bakit siya magpapakasal sa lalaking hindi naman siya mahal? Isama pa na may masamang reputasyon si Ed sa mga babae dahil sa pagiging playboy.

Pero sobrang lakas lang ba ng charms ni Ed o mahina lang si Alyssa? Dahil kaunting kilos pa lang nito pagdating sa kanya ay naghuhumiyaw na sa pag-“oo” ang taksil na puso niya sa alok na kasal ng binata.

BOOK 4:

International Billionaires Series 4: Jet Martinez

By Cady Lorenzana

“Sa akin ka lang talaga may ginawang mali. Ginulo mo ang isip ko.”

Matagal nang alam ni Aila na wala siyang karapatang ma-in love pa sa sinumang lalaking gugustuhin niya. She was bound to marry someone chosen by her parents. Pero na-love at first sight siya kay Jet, ang guwapo at matulunging doktor from Spain. They had a secret and long-distance relationship for three years.

Inakala niyang kontento na si Jet sa ganoong setup ng relasyon nila. Pero dumating ang araw na nag-propose ito ng kasal.

Paano magagawang tanggapin ni Aila ang alok na kasal ni Jet kung sa panahon na iyon ay itinakda na rin pala ang kasal niya sa lalaking ipinagkasundo sa kanya ng mga magulang?

BOOKS IN THIS SERIES:

BOOK 5

International Billionaires Series Book 5: Vincent Kim

By Cady Lorenzana

“Tuwing natutukso akong makipagrelasyon sa iba, hindi ko magawa. Dahil kapag naririnig ko ang salitang ‘girlfriend,’ ikaw palagi ang naiisip ko.”

Seventeen years old pa lang si Jonabel ay malinaw na sa kanya na ipapakasal siya kay Vincent—ang anak ng matalik na kaibigan ng mga magulang—sa takdang-panahon. Wala naman iyong kaso sa kanya. Mabait si Vincent at alam niyang mahal siya nito kaya naging maayos ang kanilang relasyon.

Hanggang sa dumating si Minjoon at umibig siya sa binata, dahilan para masira ang relasyon nila ni Vincent. Isinakripisyo ni Jonabel ang lahat para sa inaakalang pag-ibig kay Minjoon. Pero pagkatapos ng tatlong taong relasyon ay ibinasura lang siya nito.

Jonabel was miserable. At isa lang ang naiisip na paraan ng kanyang mga magulang para mailigtas siya sa kahihiyan—ang muli siyang ipagkasundo kay Vincent.

Kagaya ng inaasahan, hindi nagustuhan ni Vincent ang ideya. Pero hindi si Jonabel. Dahil sa mga taon na nakarelasyon niya si Minjoon at nagkalayo sila ni Vincent ay may isang bagay siyang napagtanto:

You’ll only realize that you love the person when he is not with you anymore.

BOOK 6:

International Billionaires series 6:

Cedric Guidicelli

By Cady Lorenzana

“Siguro nga tama na isa kang distraction sa akin. But you are a beautiful one.”

Sa loob ng pitong taon ay isang struggling model si Ericka na matagal nang naghihintay ng big break. Kaya sa isang interview ay naisip niyang gumawa ng fabricated story na may “special someone” na siya. Ang dinescribe niya ay si Ric—ang guwapo, simple, pero may-pagka-weird na lalaking nakilala niya sa Manila Bay. Pero ang inakala ng lahat ay ang internationally-known elusive landscape painter ang tinutukoy niyang boyfriend. Dahil doon ay napansin siya at binigyan ng malalaking role sa mga pinapangarap na commercials.

At sa panahon ding iyon ay hindi siya tinigilan ni Ric na nag-a la stalker at sumusulpot saan man siya naroroon. Hanggang sa nagtapat ito na na-love at first sight sa kanya. Hindi naman maitanggi ni Ericka na mas lumalalim pa ang nararamdaman para kay Ric sa paglipas ng mga araw.

Pero hindi pala si Ric ang lalaking inaakala niya…

ENJOY READING!!!

PLEASE ALSO FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS:

🔵 FACEBOOK: https://www.facebook.com/cady.lorenzanaphr

🔵 TWITTER: https://twitter.com/CadyLorenzana

🔵 INSTAGRAM: https://www.instagram.com/cadylorenzana/

💌 Please also join my exclusive readers group: Cady Bears

https://www.facebook.com/groups/866091243525247/?ref=bookmarks

MY OTHER BOOKS:

Business and Pleasure

For Revenge or for Pleasure

Beast

Dangerous Pleasure

Pleasure of an Old Flame

More Than A Fairy Tale

The Missing Wife

The Rebellious Wife

The Pregnant Wife

and many more.

“BAGONG laruan na naman para sa akin?” nanlalaki ang mga mata sa tuwa ni Vincent nang makita ang malaking kahon na ipinadala sa Safe Haven Orphanage. Ayon sa nakalakip na note roon ay para raw iyon sa kanya. Ipinadala nila Mr. And Mrs. Kim---ang mag-asawa na malapit ng mag-ampon sa kanya.

“Ang bait talaga ng mag-aampon sa `yo, Vincent.” Ngiti-ngiting wika ni Jet. Kasa-kasama niya ito at ang isang kaibigan pa nilang si Cedric nang ipatawag siya ng madre at sabihin na may bagong delivery raw para sa kanya.

Tinignan niya si Jet. Wala namang halong inggit siya na nakikita sa mukha nito. Mukhang puro na saya lang talaga ang nakikita niya roon para sa kanya. “Mabait rin naman ang mag-aampon sa `yo, ah.”

“Alam ko. Pero hindi ganito si Mama Estella. Hindi ako spoiled sa kanya. Hindi naman sa nagrereklamo ako dahil hindi ko rin naman gustong ma-spoiled. Pero nakakatuwa talaga ang mag-aampon sa `yo, Vincent. Mahal na mahal ka talaga nila. Parang noong isang buwan lang nang bumisita sila muli rito at magpadala sa `yo ng ganyan rin karami na laruan.”

Napangiti si Vincent nang maalala. Tama si Jet. Noong nakaraan na buwan nga lamang bumisita muli ang mga mag-aampon sa kanya sa Safe Haven Orphanage. Sa anim na magkakaibigan na bumisita sa orphanage na halos naging tirahan na niya simula’t sapol bata pa siya, ang mag-asawa ang madalas na bumibisita nang paulit-ulit. Matagal ang proseso ng pag-aampon kaya naman kahit matagal na nang makapili ang mga magkakaibigan ng batang aampunin ay hindi pa rin siya maaaring madala ng mag-asawang Mr. Woojin Kim at Mrs. Sun-Hi Kim sa Korea kung saan nakabase ang mga ito.

Unang kita pa lang sa kanya ng mag-asawa ay gusto na ng mga itong ampunin talaga siya. It was love at first sight, ayon sa mga ito. Ganoon rin naman siya sa mga ito. Ang mag-asawa yata ang pinakamabait sa lahat ng magkakaibigan na bumisita sa Safe Haven Orphanage noon para subukan na mag-ampon. Ayon rin sa kuwento ay ito talaga ang may pinakainteres na mag-ampon at nagpasimuno sa mga kaibigan nito na mag-ampon rin ng mga bata. Kinukunsidera ni Vincent na napakasuwerte niya para siya ang mapili ng mga ito.

Punong-puno na ang cabinet ni Vincent ng mga laruan dahil halos buwan-buwan nga na nagpapadala ang mga ito. Bukod pa roon sa ilang beses na personal na dinadalaw siya ng mga ito. Ayon sa mga ito ay wala naman daw problema dahil malapit lang ang Korea sa Pilipinas. Madalas na dumadalaw ang mga ito sa kanya roon kahit hindi pa tapos ang paglalakad ng mga papel para maampon siya.

Kagaya ng nakaugalian ay ipinamigay rin ni Vincent ang mga iyon. Inabutan niya si Jet ng ilan at ganoon rin si Cedric. Pero hindi kagaya ni Jet ay tumanggi si Cedric.

“`Wag mo nga akong gawin na charity, Vincent!” tila nagalit pa ito nang pilitin niya.

“Iyon ba ang iniisip mo sa tuwing mamimigay ako ng laruan?”

“Hindi ko kailangan ng mga laruan.” Nakaingos pa na wika nito sa kanya. “Kaya lang naman ako nandito ay sinamahan lang kita. `Wag mo akong kaawaan!”

Kumunot ang noo ni Vincent. Sanay na siya sa bruskong ugali ng kaibigan. Sa limang naging malalapit niyang kaibigan sa Safe Haven Orphanage, si Cedric ang pinakakaiba ang ugali sa kanila. Masyado kasing mainitin ang ulo nito. Hindi naman rin niya masisisi ito. Sa kanilang anim na magkakaibigan, si Cedric ang may pinakamahirap na pinagdaanan. Mahirap rin naman ang pinagdaanan ng iba pero kakaiba ang kay Cedric. Saksi siya sa mga nangyari rito noong una itong dalhin sa Safe Haven at nang ilang beses itong binalak na ampunin pero hindi rin kinupkop sa huli. Naiintindihan niya kung bakit madalas na mainit ang ulo ni Cedric. Kilala niya ito nang husto dahil kagaya ng kaibigang si Nikos, sanggol pa lamang siya nang una siyang dalhin sa Safe Haven Orphanage.

Ayon sa mga madre, dinala raw siya roon nang kaibigan ng kanyang ina ilang araw bago siya maipanganak. Namatay raw kasi ang kanyang ina sa panganganak sa kanya at bago pa raw malaman ng kanyang ina na buntis ito ay namatay raw ang boyfriend nito sa isang car accident. Patay na rin ang kanyang ama. Wala na rin daw itong iba pang kamag-anak at tanging sa kaibigan na lang siya naibigay. Dahil hindi siya kayang buhayin ng kaibigan nito, dinala siya nito sa bahay ampunan.

Maayos naman ang naging buhay ni Vincent sa bahay ampunan. Ngunit sa tinagal-tagal niya roon, walang kahit sino sa mga dumalaw ang nagkaroon ng interes na umampon sa kanya. Hanggang ngayon. Masuwerte pa rin siya dahil sa kabila ng lahat ng pinagdaanan niya, isang napakabait na mag-asawa pa ang nag-ampon sa kanya. Mabait rin naman ang ibang tao na mag-aampon sa mga kaibigan niya pero iba talaga ang pakiramdam niya at pakiramdam ng mga ito sa kanya.

“Alam ko ang nararamdaman niyo sa akin, Vincent. Hindi niyo ako dapat kaawaan, maliwanag ba?”

Ramdam ni Vincent na tila mababasag ang boses ni Cedric. Napabuntong-hininga siya. Naalala niyang minsan na nasabi sa kanya ng kaibigang si Nikos na baka raw dahil ganoon si Cedric kapag binibigyan ay naiinggit ito. Ilang beses na kasi itong nagkakaganoon sa tuwing bibigyan niya ito ng ilang gamit na padala sa kanya ng magara na mga mag-aampon.

Hinawakan niya ang balikat ni Cedric. Ngumiti siya. “Hindi talaga. Masuwerte tayo, eh. Sa lahat ng mga bata sa Safe Haven, tayong magkakaibigan ang masusuwerte. Aampunin tayo ng mga banyaga. Hindi lang basta mga banyaga. Mga mayayaman at kinikilalang tao sa kani-kanilang bansa. Hindi tayo dapat kaawaan. Hindi mo rin dapat iniisip na iyon ang iniisip ko sa `yo, maliwanag rin ba?”

Tumango si Cedric. Hindi naman maiiwan si Cedric sa ampunan. May aampon rin rito, isang sikat na pintor sa bansang Italya. Hindi man kagaya ng ibang mag-aampon na madalas na binibisita pa rin ang aampunin ng mga ito ay mukhang maayos naman ang mag-aampon kay Cedric. Isama pa na hindi naman papayagan ng officers ng ampunan kung malaman ng mga ito na hindi makabubuti para kay Cedric ang mag-aampon rito. Lahat ng mag-aampon ay tinitignan rin ang character bago payagan na mag-ampon ng isang bata.

Magiging maayos ang buhay ni Cedric. Ganoon rin ang mga kaibigan niya at lalong-lalo na siya. Ramdam na ramdam niya ang kanya. Nanabik si Vincent sa kanyang hinaharap.

NAGPAHANDA pa ang mga nag-ampon kay Vincent sa malaking bahay ng mga ito sa Seoul, South Korea sa araw na naggawa na siyang dalhin ng mga ito roon. Opisyal na siyang naampon. Inimbita ng mga ito ang mga malalapit na kaibigan nito sa bansa para ipakilala siya. Inanunsiyo rin ng mga nag-ampon sa kanya na nais rin gawin ng mga itong legal ang pag-ampon sa kanya. Ibibigay ng mag-asawa ang apelyido ng mga ito para sa kanya.

Walang pasidlan ang saya ni Vincent. Napakasuwerte talaga niya sa mag-asawa. Pinangako niya na susuklian niya ang lahat ng ibinigay ng mga ito sa kanya. Naramdaman talaga niya na mahal na mahal siya. Napakaganda ng trato ng mga ito sa kanya.

Matatapos na ang kasiyahan nang dumating ang isang bisita na kanina pa inaasahan ng kanyang mga magulang. Ayon sa mga ito ay ang mag-asawa raw ang pinakamatalik na kaibigan ng mga ito. Magkababata raw kasi ang kanyang ama at ang lalaki sa mag-asawa. Nakita nga agad niya ang closeness ng mga nag-ampon sa kanya at sa bagong dating na mag-asawa. Nagyakapan pa ang mga ito na para ang kay tagal na hindi nagkita. Ipinakilala ng mga nag-ampon sa kanya ang mag-asawa.

“Mannaseo bangapseumnida,” nakangiting wika ni Vincent sa wikang Koreano na ang ibig sabihin ay “please to meet you”.

“Ganoon rin kami sa iyo, Vincent,” nakangiti pang wika ng babae. Kumunot ang noo ni Vincent. Simula nang malaman niya na aampunin siya ng mag-asawang Koreano ay sinikap niya na mag-aral ng lenggwaheng Korean at mas magaling pa sa wikang Ingles. Tuwing dumarating ang mag-asawa para dalawin siya, tinuturuan siya ng mga ito. Pinadalhan rin siya ng mga ito ng Korean Dictionary para lalo siyang maging bihasa. Hindi masasabi ni Vincent na ganoon na siya kabihasa pero sinisikap niya. Kaya nagulat siya na kausapin siya ng kaibigan ng magulang sa wikang kinalakihan niya.

“M-marunong po kayong magsalita ng wikang Filipino?”

Ginulo ng babae ang buhok ni Vincent. “Kagaya mo ay Filipina rin ako. Ako ang dahilan kung bakit ninais ng Mommy mo na mag-ampon sa Pilipinas. Magkaibigan kami. Nagustuhan niya ang mga ugali ko kaya naman nanabik siya na mag-ampon rin ng isang kalahi ko.”

Napatango-tango si Vincent. Kung ganoon ay kailangan pala niyang magpasalamat nang malaki sa babae. Ito ang naging daan kung bakit napunta sa Pilipinas ang mga magulang. Ito rin ang dahilan kung bakit nagyaya ang kanyang mga magulang sa iba pang kaibigan nito sa ibang bansa para mag-ampon rin kagaya ng mga ito sa bansang sinilangan pa niya. Kaya magkakaroon rin nang maayos na buhay ang kanyang mga kaibigan ay dahil sa babaeng ito.

Akmang magsasalita na si Vincent nang biglang mula sa likuran ng mga ito ay may lumabas na batang babae. Sa tantiya niya ay nasa apat na taong gulang ang babae.

“Siya nga pala, gusto ko rin na makilala mo ang anak ko, si Jonabel....” pinaharap nito ang tila nahihiya pang anak nito sa kanya. “Anak, meet your Kuya Vincent. Say hello,”

Sandaling tinitigan siya ni Jonabel. Pagkatapos ay yumuko na tila ba hiyang-hiya. “H-hello...”

Ngumiti si Vincent. Umupo siya para maging magkasing-pantay sila nito. “Annyeong haseyo, Bel...”

Kumunot ang noo ni Jonabel. “Bel?”

“Nick name ko sa `yo,” hindi maipaliwanag ni Vincent ang kanyang nararamdaman sa bata. Maganda ang bata. Hindi man kamukha ng ina ay may kakaibang ganda na taglay ito. Makikita mo iyon kahit bata pa ito. Napaka-cute nito sa suot nitong pink na bestida at naka-pigtails na buhok. Tila kay sarap rin na pisilin ng matatabang pisngi nito. She looks so cute and adorable. Gusto na agad niya ito sa unang kita niya pa lang rito.

“Ah...” tumingin ito sa ina nito na tila nagtatanong kung ano ang kailangan nitong gawin.

“Gusto mo bang maglaro tayo, Bel?” Ramdam niya na naiilang sa kanya ang bata. Pero gusto niyang makasama ito. Makalaro. Nag-iisa na lang siya ngayon, hindi kagaya noon sa Pilipinas na marami siyang kaibigan. Gusto niyang maging kaibigan at mapalapit kay Bel.

Tumingin muli sa kanya si Jonabel. Tinitigan siyang mabuti na tila iniisip ba kung tama ang makipaglapit ito sa kanya. Inilahad ni Vincent ang kanyang kamay. Nag-alinlangan pa rin ang bata pero kapagkuwan ay tinanggap rin nito iyon. Nakipaglaro siya kay Bel. Sa mismong araw na nakatapak siya sa Korea ay nagkaroon agad siya ng bagong kaibigan. He’s indeed lucky.

LUMIPAS ang mga taon. Kagaya ng inaasahan at kinapapanabikan ni Vincent ay naging maganda nga ang kanyang buhay sa piling ng mag-asawang Kim. Binigyan siya ng mga ito ng marangyang buhay. Pinag-aral siya ng mga ito sa pinakamagandang paaralan sa Korea. Nang sabihin rin niya ang naisin niya na makapag-masteral sa America ay pumayag rin ang mga ito. Nasabik pa nga ang mga ito dahil iyon talaga ang gusto at plano ng mga ito para sa kanya. Sinabihan siya ng mga magulang na balang araw ay siya raw ang magmamana ng negosyo ng mga ito kaya kakailanganin niya talaga iyon.

Para suklian ang lahat ng bagay na ibinigay sa kanya ng mag-asawa, nagsikap si Vincent nang mabuti. Tinapos niya ang kolehiyo na may mataas na marka. Mataas rin ang honor na nakamit niya. Dalawampu’t dalawang taong gulang siya nang makatapos siya ng kolehiyo. Kasunod noon ay nag-apply siya sa Harvard Business School para mapalawak pa ang kanyang pinag-aralan. Suwerte naman na natanggap siya. Sa kasalukuyan ay isang taon na rin siyang nag-aaral roon. Bakasyon niya lamang ngayon kaya naggawa niyang bumalik muli sa Korea. Bukod sa pagbisita sa mga magulang, importante rin para kay Vincent ang bisitahin si Jonabel.

Labing pitong taong gulang na ngayon si Jonabel. Kagaya nang naisip niya noong bata pa ito, lalaki talaga itong maganda. Namana nito sa ama nito ang maputi at makinis na kutis pati na rin ang singkit na mga mata nito. Ang mahinhin at feminine na ugali naman nito ay minana nito sa ina. Maitim, mahaba at mala-seda rin sa kintab ang buhok ni Jonabel kagaya ng ina. She looks so simple yet so perfect. Nanatili pa rin naman sila na magkaibigan ng dalawa sa nakalipas na taon.

Kayang aminin ni Vincent na kaya gusto niyang bisitahin at importante para sa kanya na gawin iyon ay dahil importante sa kanya si Jonabel. Nami-miss rin niya ito. Nakakapag-usap pa rin naman sila kahit nasa ibang bansa siya pero hindi ganoon kadali. Hindi pa kasi ganoon kabago ang teknolohiya ngayon. Nakakapag-usap sila sa telepono pero madalas na sandali lang. May kamahalan rin kasi ang pagtawag mula sa ibang bansa. Kahit mayaman sila ay hindi naman niya gustong maging abuso sa mga magulang kaya madalas ay tinitipid rin niya ang baon. Isama pa na hindi rin mahilig sa mga ganoon si Jonabel. Kaya naman nasabik si Vincent ngayon na nakabisita muli siya. Ngayon ay maaaring makita at makausap na niya nang matagal si Jonabel.

Nang dumalaw siya sa bahay ng mga ito ay sinabi ng ina nito na nasa eskuwelahan ang dalaga. Sinabihan siya ng ina nito na kung gusto niyang makita at makasama agad ang dalaga ay maaaring sunduin niya ito roon. Ginawa ni Vincent ang sinabi ng ina ni Jonabel. Sinundo niya ito at naging madali lang naman iyon sa kanya. Nakita agad niya si Jonabel pagkalabas nito ng eskuwelahan.

“Vincent? N-nakarating ka na pala...” wika ni Jonabel nang makita siya nito. Niyakap niya ito dahil na rin sa sobrang saya na makita niya muli ito. Madalas na nag-uusap sila sa wikang Filipino dahil kinasanayan na rin naman iyon ng dalaga. Kahit sa Korea na nakabase ay sinasanay pa rin ito ng inang Filipina na matuto ng lenggwahe nila.

“Na-miss kita, Bel...” wika niya habang nakayakap rito. Gumanti rin naman ang kaibigan ng yakap pero hindi kasing tindi ng kanya. Naiintindihan niya kung bakit ganoon. Sadyang mahiyain si Jonabel kaya naman kahit matagal na silang magkakilala ay hindi pa rin ito komportable sa kanya. Ayon rito ay ganoon raw ito sa lahat ng lalaki at ilan rin na kaibigan na mga babae. Sa katunayan ay kakaunti lang talaga ang kaibigan nito.

“I-I missed you too, Vincent.” Matipid lang ang ngiti ni Jonabel nang bitawan niya ito. Pero malaking bagay na kay Vincent iyon. Nakangiti pa rin naman ito. Masaya siya na nagagawa niyang pangitiin ito. Isama pa na kagaya niya ay na-miss rin siya ni Jonabel. Pinapahalagahan niya nang husto iyon.

Ipinamulsa ni Vincent ang kanyang mga kamay. “S-so would you like to have some snacks with me? You know...catching up...?”

Sandaling bumakas sa mukha ni Jonabel ang pag-aalinlangan pero pumayag rin ito sa gusto niya. Nagpunta sila sa isang cafe. Tila sila magkarelasyon na nagde-date roon.

Halos si Vincent lang ang nagsalita sa buong pag-uusap nila ni Jonabel. Hindi naman sa hindi niya pinagbibigyan na magsalita si Jonabel. Sa totoo lang ay nagtatanong rin naman siya rito. Pero sadyang mailap at a girl of few words lang talaga ang babae. Sumasagot naman ito pero tila wala itong interes. Pero kapag nagkukuwento naman siya ay ramdam niya na nakikinig ito sa kanya.

Masasabi ni Vincent na marami siyang dahilan para ma-turn off kay Jonabel dahil na rin sa tila kawalan nito ng interes na kausap siya. She seems so boring. Pero kahit naiisip at ilang beses na niya iyong pinagsiksikan sa kanyang sarili ay ayaw pa rin pumasok noon sa katawan niya. Malakas ang isang bahagi na nagsasabing gusto niyang makasama si Jonabel. Gusto niyang makita ito.

Gusto niya si Jonabel.

Hindi sigurado ni Vincent kung paano nagsimula pero alam niya na gusto niya ito. Gusto niya ito palaging makita at makasama. Sa kabila ng lahat, masaya rin siya na makasama ito.

Marami namang babae ang nakilala at naging kaibigan ni Vincent pero madalas ay ito pa rin ang iniisip niya. Kahit noong bata pa sila ay ilang ito sa kanya, gusto niya pa rin na ipilit ang sarili rito. Palagi niyang iniisip na kaya ganoon ay dahil sadyang mahiyain talaga si Jonabel. Ganoon rin naman kasi ito sa mga kaibigan nito sa Korea. Pero pumasok na rin naman sa isipan niya na hindi dapat ito maging ganoon sa kanya. Bata pa lang ito ay magkakilala na sila. Nakikipaglaro siya rito palagi. Madalas pa nga na dinadalaw niya ito sa bahay ng mga ito. Hindi basta-basta ang pagsasama nilang dalawa. Ngunit sa kabila ng pagtataka, isinantabi na lang iyon ni Vincent.

Alam niya na mali kung pipilitin niya si Jonabel na magkagusto rin sa kanya gayong ramdam niya na wala itong interes sa kanya. Kaya naman kahit masasabing nasa tamang edad na rin naman sila, hindi niya pa rin masabi rito ang nararamdaman. Natatakot siya na baka mahirap para rito na tanggapin iyon o hindi kaya ay mailang ito. Isama pa na baka nga bata pa ito kaya ito ganoon rin. May kalakihan rin kasi ang age gap nila---anim na taon. Ngunit kahit ganoon pa man, aantayin ni Vincent ang pagkakataon niya. Umaasa na nga lang siya na sana ay magkaroon rin siya ng lakas ng loob gawa na rin ng takot sa maaaring isagot sa kanya ni Jonabel kung sakaling umamin siya. Gusto niya ito pero kapag lalo pang hindi naging maganda ang relasyon nila kapag ginawa niya iyon, paniguradong magiging malaking pagsisisi para sa kanya.

MAG-AALAS onse na ng gabi nang makauwi si Vincent sa bahay nila. Kakatapos lang niyang ihatid si Jonabel. Pinasamahan kasi ito sa kanya ng mga magulang nito sa debut party ng kaibigan nito. Siya ang naging escort nito sa party. Kagaya ng dati ay nagkaroon siya ng masayang oras kahit na ba hindi niya kaedad ang mga dumalo sa party. Hindi siya gaanong nakaka-relate sa pinag-uusapan ng karamihan at kagaya pa rin ng dati si Jonabel sa kanya. Ilang pa rin ito sa kanya. Ngunit basta kasama niya si Jonabel ay masaya siya sa kabila ng pagtrato nito.

Nagulat si Vincent nang makita niyang gising pa rin ang kanyang mga magulang na tila ba inaantay ang pagdating niya. Nasa malaking living room ito ng bahay. Kapwa pa maganda ang ngiti ng mga ito. Pinaupo siya ng mga ito sa sofa kaharap ng kinauupuan ng mga ito.

“So how’s the party? How’s Jonabel? Did you two have a good time?” sunod-sunod na tanong ng kanyang ina. Ngiting-ngiti ito.

Sinagot niya ang mga magulang.

“Good to hear then. I love it when you spend time with her, Vincent.”

“I’m having the best time of my life, too, when I’m with her, Eomeoni,” Kahit na madalas, parang civil lang niya ako kung ituring, okay lang. Wala, eh. Ganoon yata talaga kapag nagmamahal. Nagpapaka-martyr. Tinatanggap lahat basta makasama lang siya.

Tumango-tango ang dalawa. Kapagkuwan ay sumeryoso ang mukha ng dalawa. Nagsalita ang kanyang ama. “Adeul, we want to talk something important about you...”

Kumunot ang noo ni Vincent. “Is that why you are still awake at this time? Is that really important?”

“It is. We know we can talk about it some other time....but because we already have a hint how you are feeling with Jonabel, I think we can discuss it now...”

“So its about me and Jonabel? What is it?”

Tumingin muna ang kanyang ama sa asawa. “You and Jonabel....we want you to be together. We actually have arranged your marriag.”

Nabigla si Vincent sa narinig. “What are you talking about, Abeoji? Are you serious?”

Tumango ang kanyang ama. “When we are young, Min ho and I had discuss that we want our children to end up being together. It was just meant not to be serious until we have you and their company in distress...”

Kumunot ang noo ni Vincent. Kagaya nila ay mayaman at makapangyarihan rin ang pamilya ni Jonabel. May malaking kompanya rin ang mga ito sa Korea kagaya ng mga magulang niya. “What do you mean?”

“I helped their company not because Min Ho and I are best friends. It was because he gave Jonabel as a bargain. We saw the fondness you have from Jonabel. We thought that it would be good if we have arranged you to be married to her. Min Ho’s family love you, too. We wanted you both for each other so we can officially be one whole big happy family.”

“B-but isn’t that unfair?”

Lumapit sa kanya ang ama. Hinawakan nito ang balikat niya. “Arranged marriages usually happened in Korea, Vincent. Me and your mother, we are also a product of that. We did just fine though. We are happy. I know it might not be a good news to you since you are not used to this culture... But because we saw how happy you are when you are with Jonabel, we agreed.”

Tumango-tango si Vincent. “You are right. I like Jonabel so for me, there wouldn’t be no problem. But did Jonabel know about this? How did she react? Did she accept it?”

Nagkatinginan ang kanyang mga magulang. “Min Ho and Joanna already talked about it with her. They said she did accept it whole heartedly. There wouldn’t be any problem, Vincent...”

Sa mga sinabing iyon ng magulang ay nabuhayan ng loob si Vincent.

PrevNext

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.